Magandang tanghali po sa inyong lahat at congratulation po dito sa simbahan of St. John the Baptist na isa po kayo sa labing dalawang mga simbahan sa Archdiocese na mapili po na mging pilgrim church, mga jubilee church. Ngayon pong pagbubukas natin, official opening of the Jubilee Year.
Ang official opening po ay nangyari noong Easter Sunday, April 4, noong nagbukas ang mga Jubilee Doors ng lahat po ng mga cathedral sa mga dioceses at archdioceses sa Pilipinas. Pero dahil sa malaki po ang Maynila, pinagbigyan po tayo ng Roma na magkaroon ng labindalawang mga Jubilee Churches na isa isa nating binubuksan ngayon. Para yung mga tao ay hindi na maglakbay ng malayo in order to get the benefits of the Jubilee.
At ano yung benefit ng Jubilee na ibinigay sa atin kapag tayo ay pumasok sa Jubilee Church, sa Pilgrim Church? Yan po’y makakatanggap po tayo ng plenary indulgences. Ano ba yung plenary indulgence?
Kapag tayo po ay nagkasala, may dalawang bagay tayong ginawa. Una po, sinira natin ang ating relationship sa Diyos. Ang lahat ng kasalanan ay ganyan, sinisira ang relationship. Pero ang mga kasalanan ay nagdadala din ng damage – damage sa grasya ng Diyos, damage sa kabanalan ng simbahan.
Para bang ganito, mga bata naglalaro ng bola at napatapon ang bola sa bintana ng kapit bahay. Nabasag ang bintana. Kaya yung mga bata ay pumunta sa kapit bahay at humingi ng tawad, “Sorry po, nabasag naming ang iyong bintana”. Mabait naman yung kapit bahay, pinatawad sila, “Ok, hindi na ako magagalit, wala nang sama ng loob. Pero paano iyun, basag yung bintana”. Yan yung damage na ginawa. Kaya yung mga bata kung sila’y nagsisisi, gagawa sila ng mga bagay na ipakita sa may-ari na talagang nagsisisi sila. Maaaring sila na ang maglinis nung nabasag na bintana. O kaya, magbayad sila. O kaya, magbigay sila ng service sa kapit bahay kasi nabasag nila yung bintana. Yan po yung mga damage na nagawa nila.
Kapag tayo’y nagkasala, nagsisi tayo, nangumpisal tayo, pinatawad tayo ng Diyos. Pero gumawa tayo ng damage sa kabanalan ng simbahan. At yan po’y babayaran natin. Binabayaran po natin yan dito sa lupa sa pamamagitan ng ating mga sacrifices, sa pamamagitan ng ating mga prayers, sa pamamagitan ng atin gmga sufferings. Kapag hindi natin lubusan na nabayaran, yan yung babayaran natin sa purgatory. Kaya sa pagbigay ng indulgence lalo plenary indulgence, tanggal na ang lahat ng mga damage na nagawa natin. Wala na tayong babayaran. Hindi lang sa pintawad na tayo, pati yung damage na nagawa natin ay tinaggal na rin dahil po sa treasury of grace of the church. Pinunan na ng simbahan ang pagkukulang natin.
Ang indulgence ay ma-a-apply natin sa ating sarili. Kapag nag-apply ako ng indulgence ngayon, ang lahat ng kasalanan ko at ng dapat kong bayaran ay nawala na. kapag ako’y namatay, diretso na sa langit. O pwede nating i-apply sa isang mga namatay, hindi po sa mga buhay – sa nanay natin, sa lola natin, sa kapatid natin, sa kaibigan natin. At pag na-apply po natin sa kanya, ang lahat ng dapat po niyang bayaran o binabayaran pa niya sa purgatoryo ay nawala na, diretso na siya sa langit.
And we can gain one plenary indulgence a day. And there are four conditions for doing these. Ang three conditions na yan ay pra sa lahat. Una po na dapat wala tayong kasalanan kaya tayo’y nangumpisal. Hindi naman sa araw na yan, siguro within three months nakapag kumpisal tayo. There is no attachment to sin. Paano matatanggal yung damage na nagkakasala ka pa. Pangalawa, nakapag-komunyon tayo. At sana po nagkokomunyon tayo. We are united with God. At pangatlo nagdadasal tayo para sa simabahan, para sa Santo Papa. We can pray one Our father, one Hail Mary, one Glory be or one contrition, or one creed, sumasampalataya ako para sa simbahan. At pang-apat, yung panghuli ay ang good work to which the indulgence was attached. At dito po sa atin ang good work is to visit the Jubilee Church. Kaya pagpunta natin dito sa Jubilee Church, nagdasal tayo, nagkomunyon tayo, nakapagkumpisal tayo, nakaka-apply tayo ng indulgence.
So, mga kapatid, may grasya kayong matatanggap sa simbahang ito. Sana po pakinabangan niyo at pumunta kayo dito. Buong taon naman ito kaya kung ngayon istrikto pa ang ating lockdown hindi pa tayo makakalabas, mag-antay tayo. Hindi naman palaging ganoon. Baka next month, two months from now baka mas Malaya na, nakapag-vaccinate na tayo, pwede na tayong pumunta, dumaan po tayo. Kung malapit naman kayo sa simbahan, you can come everyday and gain one indulgence everyday. Napakarami nating pwedeng ipagdasal at matulungan na makapunta na kaagad sa langit.
Dito sa San Juan, ito lang po ang Chuch of St. John the Baptist ang may indulgence na attached. Sa ibang mga cities may ibang mga simbahan pa rin.
Ngayon po, tungkol naman sa mga pagbasa natin ngayon. Makasaysayan ang April 14, 1521, sa araw na ito nagana pang unang binyagan sa Cebu na ginawa ni Padre Pedro de Valderama, ang chaplain ng exploration ni Ferdinand Magellan. Mga eight hundred na mga taga Cebu ang bininyagan na pinangunahan ng kanilang hari na si Raja Humabon na binigyan ng pangalan na Carlos. At ang kanyang asawa na si Hara Humamay, na pinangalanan na Juana. Bilang regalo, binigay kay Reyna Juana ang imahen ng Sto. Nino na siya pa ring nandoon sa Basilica ng Sto. Nino de Cebu.
Ngayong Sunday, inaalaala natin ang binyagang ito dito sa ating Archdiocese ng Maynila, na maraming mga simbahan ay may binyag na gagawin sa loob ng misa. Bago ako pumunta dito, nandoon ako sa Penafrancia, Paco, nagbinyag ako ng dalawang adult kanina.
Tayo ay nakakasimba dahil sa tayo ay bininyagan. Hindi tayo makakasalo sa piging ng Panginoon kung hindi tayo nabibilang sa pamilya ng Diyos. At ang entry point sa pamilya ng Diyos ay ang binyag. Hindi tayo makakatanggap ng katawan ni Kristo kung wala sa atin ang buhay ng Diyos. Sa binyag tayo isinilang na muli kasi nakatanggap tayo ng buhay ng Diyos na tinatawag nating sanctifying grace. Kaya may karapatan na tayong maging kasama ng Diyos sa langit.
Tignan nyo po ang mga benefits ng binyag – naging kasama tayo ng simbahan, may karapatan tayo sa langit, na tayo’y bahagi na ng pamilya ng Diyos. Ang binyag ay ang ating pakikiisa sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus. Nilunod sa tubig ng binyaga ng ating mga kasalanan upang mamatay ang lumang pagkatao natin at matanggap natin ang bagong pagkatao na hindi ayon sa laman kundi ayon na sa espiritu.
Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanang dala nito ay araw araw natin na isinasabuhay. Ngunit hindi lang natin isinasabuhay ang binyag, ibinabahagi din natin ito. Kaya nga we are gifted to gift. Ang pagtanggal ng kasalanan sa pamamagitan ng pagsisisi ay patuloy natin inaalok sa iba. Yan ang utos ni Hesus sa gabi mismo ng Linggo ng Pagkabuhay, na narinig natin sa ating ebangehlyo.
Mahirap maniwala ang mga alagad ni Hesus na Siya’y muling nabuhay kahit na nagpakita na Siya kay Maria Magdalena at sa mga kasama niyang mga babae. Kahit na, nagpakita na Siya kay Simon Pedro. Kahit na nagpakita na Siya sa dalawang alagad sa daan patungong Emmaus. Hirap pa rin silang maniwala kaya nabigla sila noong si Hesus mismo ay biglang nagpakita sa harap nila noong gabing iyun. Takot ang naghari sa kanila, takot sa multo kasi iyan ang buong akala nila na kaharap nila. Kaya kailangang patunayan ni Hesus na hindi Siya multo. Pinakita sa kanila ang Kanyang kamay at paa at tagiliran na may butas ng sugat. Pinahipo sa kanila ang Kanyang katawan, kumain Siya sa harap nila. Noong medyo nawala na ang takot, ipinaliwanag Niya sa kanila sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan ang nangyari sa Kanya ay ayon sa plano ng Diyos na nakasulat sa Bibliya mula sa mga Aklat ni Moises hanggang sa mga pahayag ng mga propeta at mga Salmo. Nagkaroon sila ng maikling Bible study. Kailangan natian maunawaan na ang Banal na Kasulatan upang maliwanagan tayo tungkol sa mga pagkilos ng Diyos sa ating piling.
So, he concluded, “Thus, it is written that the Messiah should suffer and rise from the dead on the third day, and that repentance for the forgiveness of sins would be preached in His name to all the nations beginning from Jerusalem”. Ang resulta ng Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay ay ang pagpapatawad ng kasalanan. At ito ay dapat ipahayag.
Iyan din po ang pagpapahayag ni Pedro sa unang sermon na ibinigay sa simbahan. Ang sermon sa araw ng Pentekostes na siyang laman ng ating unang pagbasa. Piyeste noon ng Pentekostes, maraming mga tao sa Jerusalem na galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kaya sa harap ng mga taong ito’y na nagkatipon doon po sa harapan ng bahay na nayugyog ng malakas na hangin pagdating ng Espiritu Santo, pinamukha ni Pedro sa mga tao ang kasamaan nila. Dito makikita po natina ng malaking contrast. Ang inaprubahan ng Diyos ni Abraham, Diyos ni Isaac, Diyos ni Jacob, sa maikling salita, ang Diyos ng mga ninuno natin ay kanilang tinalikdan at itinakwil kahit na gusto na ni Pilato na Siya’y palayain. Ang banal at matuwid na si Hesus ay kanilang ipinagpalit sa isang mamamatay tao na si Barabas.Ang pinagmumulan ng buhay ay kanilang ipinapatay. Iyan ang malaking kasamaan na ginawa nila. Pero kahit na, nananawagan si Pedro, “Repent and be converted that your sins may be wiped away”.
Pagkatapos na magsermon si Pedro, ang tanong nga mga tao ay, “Ano ang dapat naming gawin mga kapatid?” Ang klarong sagot ni Pedro, “Repent and be baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the forgiveness of your sins and you will receive the gift of the Holy Spirit”. Talagang ginagampanan ng mga apostol ang utos ni Hesus na ipahayag ang kapatawaran ng kasalanan. Iyan din ang isinulat ni San Juan sa ating ikalawang pagbasa, “Huwag dapat kayong magkasala, pero kung mayroong nagkasala, mayroon tayong katulong sa harap ng Ama, si Hesus na nagpapawalang sala sa atin. Binayaran na Niya ang ating mga kasalananan”.
Ang pagapapahayag, ang pagpapatotoo, at ang pagbabahagi ng kapatawaran ay patuloy na ginagawa ng mga Kristiyano mula noong panahon ng mga apostol hanggang sa ating panahon ngayon. Tayong lahat ay nakikibahagi sa misang ito, physical man o online sapagkat natanggap din natin ang kapatawaran. Nabinyagan tayo at natanggal ang ating mga kasalanan. Kaya huwag po sana tayong magpatali sa ating kasalanan.
May mga tao na hindi makawala sa bisyo o sa kanilang habitual sins o sa tindi ng galit o sa pagka-inggit. Hindi tayo makakaalis sa mga ito, sa ating sariling lakas lamang. Pero i-surrender natin ito sa Diyos. Malalampasan natin ito sa Kanyang tulong. Puputulin ni Hesus ang tanikala ng kasamaan sa buhay natin. May mga tao na kahit na nagsisi na sila at nangumpisal ay nababagabag pa rin ng mga pagkakamali nila. Matagal nang nakapag-abort, nagsisi na sila, nangumpisal na ngunit dala dala pa nila sa kalooban nila ang kanilang masamang ginawa. Ngayong pandemya ay maraming namamatay at nagkakasakit. May mga tao na hindi mapapatahimik ang budhi nila kasi hindi nila napaglingkuran ng sapat ang namatay, na bigla lang namatay, na hindi sila naging maingat kaya nagkasakit ang mga mahal nila sa buhay. Mga kapatid, huwag tayong mabagabag, ang Diyos ay mas dakila kaysa budhi natin. Ipasa-Diyos natin ang ating mga pagkukulang. Ang pagsisisi ng maka-Kristiyano ay nagdadala ng buhay. But sorrow that keeps us from getting forward in life is not Christian sorrow. It is the work of the devil who does not want us to live on and be happy. Namatay si Hesus kaya nabayaran na Niya ang pagkukulang natin upang makapagsimula uli tayo sa bagong buhay.
Ang tagumpay ni Hesus sa kasamaan at kasalanan ay hindi lang po sa personal sins natin. Makapangyarihan din si Hesus sa mga societal sins – kasalanan sa lipunan. Jesus too, brings down societal and structural evil. May mga kasalanan sa lipunan na naka-ugat na sa kagawian ng tao. Nandiyan yung korapsiyon, nandiyan yung galit, nandiyan yung pandaraya. Minsan naririnig natin ang mga ganitong daing, “Ay, wala na tayong magawa. Talagang ganito ang Pilipino. Alipin ng pera. Pinagbibili ang boto. Ganito talaga ang pulitika natin. Madumi. At ang namumuno ay palagi na lang ang may pera, mga corrupt at mga political dyansties”.
Mga kapatid, kahit na ang mga nakaugat na kasamaan sa lipunan ay mapagtatagumpayan pa rin ng ating pananampalataya kay Hesus. Kung ayaw natin ng mga ito, mas ayaw iyan ng Diyos at kumikilos Siya. Huwag tayong magpabaya at mawalan ng pag-asa. Kumilos tayo at sasamahan tayo ni Hesus na muling nabuhay. Siya ay manliligtas hindi lang ng mga kaluluwa pati na rin ng mga institusyon ng lipunan na kailangan ng kaligtasan. Siya rin ang manliligtas ng pulitika, ng business, ng mass media, ng mga kagawian natin sa lipunan.
Iyan po ang pananaw ng binyagan. Dahil sa siya ay napalaya na sa kasamaan, kaya siya ay kumikilos na magpalaya sa mga tao na napipigilan ng anumang uri ng kasamaan.
So, as baptized person, a baptized person is never indifferent nor apathetic. We continue to bear witness and to work for the victory of truth over lies, victory of goodness over evil, victory of righteousness over oppression. Let the joy and confidence of the resurrection move us not only in our personal lives but also in our engagements in the society. These we do because as baptized, we share in Christ victory over evil. So, we sing that song, “Shall overcome”. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)
IN PHOTO: Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila | Photo by SOCOM of Saint John the Baptist Parish | View Photo Gallery