“You will receive power when the Holy Spirit comes upon you, and you will be my witnesses in Jerusalem, throughout Judea and Samaria, and to the ends of the earth.” (Acts 1:8) These were the last words of Jesus before he went up to heaven according to the Acts of the Apostles. Darating ang Espiritu Santo ayon sa ipinangako ni Jesus. “When the Advocate comes whom I will send you from the Father, the Spirit of truth that proceeds from the Father, he will testify to me.” (Jn. 15:26). “When he comes, the Spirit of truth, he will guide you to all truth.” (Jn. 16:13) Ngayong araw ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng katuparan ng pangakong ito ni Jesus.
Ang araw ng Pentekostes ay isang dakilang kapistahan ng mga Hudyo. Kaya nga may maraming mga Hudyo na galing sa iba’t-ibang bahagi ng mundo noon sa Jerusalem. Ito ay nangyayari 50 days after the feast of the Passover. Sa araw na ito ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbigay sa kanila ng Batas ng Diyos sa bundok ng Sinai. Mahalaga ang Batas ng Diyos kasi ito ay ang paraan paano sila mamumuhay bilang isang bayan na may kasunduan sa Diyos. Tulad na ginamit ni Jesus ang kapistahan ng Passover upang ganapin ang bagong paraan ng pagliligtas ng Diyos, hindi na sa pagkaalipin sa Egipto kundi sa pagkaalipin sa kasalanan sa pamamagitan ng pagtawid ni Jesus mula sa kamatayan papunta sa muling pagkabuhay, gayon din ginamit ni Jesus ang fiesta ng Pentekostes sa pagbigay hindi ng batas na nakasulat sa bato, kundi ng Espiritu na nananahan sa ating puso. Dahil sa Espiritung ito natatawag natin ang Diyos na Ama ko, Daddy ko. Hindi lang natin katipan ang Diyos. Daddy na natin ang Diyos!
Ang ginamit na tanda ng Espiritu Santo sa kanyang pagdating ay ang hangin at apoy. Ang hangin ay hindi nakikita pero nandiyan, at napakahalaga para sa tao. Hindi tayo mabubuhay ng ilang sandali kung walang hangin. Madalas hindi natin ito napapansin pero kailangang-kailangan natin ito. Ganoon din ang Espiritu Santo. Sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na ni hindi man natin masasambit na si Jesus ay Kristo kung hindi dahil sa Espiritu Santo. Ang mga tao ay nagtipon sa harap ng bahay na kinaroroonan ng mga apostol dahil sa malakas na hangin na umuungol mula sa bahay na ito.
Isa pang tanda ng Espiritu ay ang apoy. Fire is very dynamic and it tends to spread. Ang apoy na hindi na kumakalat ay namamatay na o kaya iyan ay plastic lang, hindi totoo. Ang apoy din ay nagdadala ng liwanag at sigla. Nagdadala din ito ng pagpapanibago. Walang dumadaan na apoy na hindi nababago!
Ayy… talagang nagbago ang mga alagad pagdating ng Espiritu Santo. Bago ng Pentekostes, marami nang alam ang mga alagad tungkol kay Jesus. Naging kasa-kasama nila siya sa loob ng mga tatlong taon. Narinig nila ang mga aral ni Jesus sa bibig niya mismo. Nakita nila ang kanyang mga himala. Nandoon sila sa Huling Hapunan ni Jesus at natanggap nila ang kanyang katawan at dugo. Nakita nila ang kanyang pagpapakasakit at pagkamatay sa Krus. Nagpakita si Jesus sa kanila noong siya ay muling nabuhay at nakikain pa nga siya kasama nila. Kahit punong-puno na sila ng kaalaman at pagkakilala kay Jesus, takot pa rin silang makilala na mga alagad niya. Nandoon sila nakakulong sa isang kwarto, oo nagdarasal, pero takot, naka-quarantine. Noong dumating ang Espiritu, naging matapang na sila. Lumabas na sila sa bahay at hayagang nagpahayag tungkol kay Jesus. Iyan ang pagbabago na dala ng Espiritu Santo.
Isa pang pagbabago. Ang mga tao ay galing sa iba’t-ibang lugar ng Roman Empire – Capadocia, Pontus, Egypt, Partia, Mesopotamia, Libya, Roma. Hindi sila nagkakaintindihan. Iba’t-iba ang mga lenguahe nila. Pero pagsalita ng mga apostol naintindihan ng lahat ang sinasabi nila. Nagkaisa ng pag-unawa sa mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos. Talagang ang Espiritu Santo ang nagpatotoo sa kanila.
Iyan din ang sinabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa natin. Ang simbahan ay tulad ng ating katawan. Ito ay binubuo ng iba’t-ibang bahagi at may iba’t-ibang gampanin. Iba ang kamay kaysa ulo. Iba ang puso kaysa baga. Pero ito ay isang katawan lang at may iisang buhay lang na dumadaloy sa bawat bahagi ng katawan. Ganoon din ang simbahan. May iba’t-ibang bahagi ang simbahan. Iba ang madre kaysa estudiante, iba ang pari kaysa cook. Pero lahat tayo ay bumubuo ng iisang simbahan. May iisang buhay ang nagpapakilos sa ating lahat. Iyan iyong Espiritu Santo. Ang Espiritung tumutulong sa akin na magsalita ay siya ring Espiritu na tumutulong sa inyo na makinig at mag-unawa.
May isa pang kapangyarihan ng Espiritu na ibinigay sa atin. Iyan iyong pagpapatawad. Hindi madaling humingi ng tawad at magpatawad. Kaya noong gabi ng Pagkabuhay ni Jesus noong unang pagkakataon na nagpakita siya sa kanila, hiningahan niya sila at binigay ang kapangyarihan na magpatawad. Dalawang beses na binati sila ni Jesus ng Kapayapaan. Ang kapayapaan ni Jesus ay kakaiba sa kapayapaan na dala ng mundo. Ang kapayapaang ito ay bunga ng pagpatawad. Ang mundo ay sumusulong ng kapayapaan na dala ng dahas, ng armas, ng pag-eliminate sa mga nagkasala. Hindi naman ito nagdadala ng kapayapaan kundi ng takot at galit. Ang kapayapaan na bigay ng Espiritu Santo ay bunga ng pagpapatawad na siya ang mabuting balita na dala ng mga Kristiyano. Ang Diyos na mismo ang nagpatawad sa atin. Siya mismo ang umako sa ating pagkakasala. Kaya maigagawad natin ang patawad na ito sa ating kapwa. Kung ang Diyos nagpatawad na, tayo pa kaya?
Kaya tungkol saan ba ang Fiesta natin ngayon ng Pentekostes? Tungkol ito sa pagbibigay sa atin ng Espiritu Santo, na walang iba kundi ang Espiritu ni Jesus – ang hininga ni Jesus sa atin. Ito ay ang Espiritu ng Katotohanan. Ito ay nagdadala ng tapang. Ito ay nagdadala ng pagkakaisa at pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatawad. We need all these in our time.
We need truth in a time during which truth is being suppressed and falsehood is intentionally being spread. Kailangan natin ng tapang sa panahon na tayo ay naduduwag dahil sa pandemia at dahil sa pananakot sa atin. Madaling mapagbintangan na komunista, rebelde at drug coddler ang komokontra sa pamahalaan. We need unity when people are being divided by self-interests rather than the common good. This is true as the election fever is upon us. Let us be guided by what is good for the country rather than our petty party affiliations and our regionalisms. Talagang kailangan natin ng kapayapaan na bunga ng pagmamalasakit at pagsasakripisyo at hindi ng pagsupil sa mga kalaban. Nakapagbigay si Jesus ng pagbati ng Kapayapaan pagkatapos na siya ay dumaan sa paghihirap at kamatayan. Ang kapayapaan na ito ay bunga ng kanyang pagpapatawad. It is peace that comes out of forgiveness. Iyan po ang Espiritu Santo na bigay niya sa atin.
Let us repeatedly say this short prayer: Lord, send out your Spirit and renew the face of the earth! Renew our world with truth, with courage, with unity and with peace that comes out of forgiveness. Espiritu mo’y suguin, Poon. Tana’y iyong baguhin.