Our Lady of Penafrancia

Our Lady of Penafrancia

On November 9, 2022, His Eminence Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula presided over the mass for the anniversary of the Canonical Coronation of Our Lady of Peñafrancia.

In his homily, he greeted the different priests, deacons, seminarians, nuns, religious and laity in attendance most especially Rev. Fr. Carmelo Arada who was celebrating his 17th ordination anniversary.

“Natitipon tayo ngayong umaga upang magpasalamat para sa mga natamo nating biyaya at pagpapala mula sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin ng Mahal na Birheng Maria, ang Birhen ng Peñafrancia.  Tatlumpu’t pitong taon na ang lumipas mula noong koronahan ni Cardinal Sin sa atas ni Pope John Paul II ang imahen ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia ng Maynila sa Luneta Grandstand.  Happy anniversary sa inyong lahat!”

Cardinal Advincula reminded the faithful that crowning an image of Mary recognizes her as queen of the parish, hearts, and family and at the same time recognizing Christ as the king.

“Mga kapatid, sa tuwing kinokoronahan ang imahen ni Maria, kinilala natin siya bilang reyna ng ating parokya, ng ating mga pamilya, ng ating mga puso.  Siya ang ating reyna sapakat siya ang Ina ni Hesus na ating hari.”

On the first reading, Cardinal Advincula mentioned the temple promised by God that contains flowing water inhabited by fishes symbolizing a person’s life, that is if it doesn’t flow it won’t be habitable.

“Sa templong ito, dumadaloy at umaagos ang tubig, kaya naman ito ay buháy na buháy, at pinamamahayan ng samu’t saring isda.  Ang agos ng tubig ay sagisag ng pag-agos ng búhay; kapag hindi dumadaloy ang tubig, mapapanis ito, at hindi makapagtaglay ng búhay.”

He connects this with Mary stating that just like her, we must live by letting the grace of God flow through us towards others.

“Kaya naman, mga kapatid, katulad ni Maria na ating Reyna, katulad ng buháy na tubig, padaluyin din natin ang búhay sa isa’t isa.  Sa halip na maging gánid at madamot, maging daan tayo upang umagos ang biyaya mula sa Diyos patungo sa kapwa.”

Just like Mary, she too, was a temple as she accepted the Holy Spirit in her heart which became a way to unite the Christians as seen during the crucifixion of Christ and the Descent of the Holy Spirit where she gathered all of Christ’s disciples.

“Gayun din ng misteryo ng pagkareyna ni Maria; bilang buhay na bato sa banal na gusali ng Diyos, tinanggap niya ang Espiritu Santo sa kanyang puso, at naging daan siya upang magkaisa ang mga Kristiyano, lalo na sa gitna ng mahihirap na panahon.  ”

In the Gospel, Cardinal Advincula describes Christ’s love and care for the Father’s temple.

“Ang buháy na apoy ay sagisag nang malalim at taimtim na pagmamahal para sa katarungan at alang-alang sa mga nahihirapan.  Walang pagmamahal ang taong aandap-andap ang malasakit sa kapwa, o papatay-patay sa pananalig sa Diyos.  Kapag naisaloob natin ang pag-ibig ng Hesus, ang alab ng puso sa dibdib natin ay buhay!  (cf. Lk 24:2).”

Just like Christ he describes Mary’s burning love and compassion when she accepted becoming the mother of the savior.

“Gayundin ang misteryo ng pagkareyna ni Maria.  Kaisa ni Hesus, ang puso niya ang nag-aalab sa pag-ibig at pagkalinga. Binuhos niya ang kanyang sarili sa pagiging ina ni Hesus.  Iniligtas niya si Hesus mula sa panganib noong sanggol siya; hinanap niya si Hesus noong minsa’y mawaglit sa Templo; at sinamahan niya si Hesus magpahanggang sa krus.”

Lastly he summed up his homily by stating that the living water, living rock, and living fire represent charity, solidarity, and love that are part of the mysteries of Mary’s queenship and the mission of priesthood.

“Buháy na tubig, buháy na bato, at buháy na apoy: tanda ng pagbibigay, pagbubuklod, at pagmamahal.  Ito ang misteryo ng pagkareyna ni Maria; ito rin ang misteryo ng pagkapari ng mga lingkod ni Kristo; ito ang misteryo ng paglilingkod ni Father Jek at ng lahat ng mga pari.” (Mio Angelo Hermoso/SOCOM-Vicariate of Santa Clara de Montefalco)

37th Anniversary of the Canonical Coronation of Our Lady of Penafrancia celebrated

On November 9, 2022, His Eminence Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula presided over the mass for the anniversary of the Canonical Coronation of Our Lady of Peñafrancia. In his …

37th Anniversary of the Canonical Coronation of Our Lady of Penafrancia celebrated Read More »

Our Lady of Penafrancia

Reverend Father Carmelo Arada, ang ating minamahal na shrine rector at kura paroko; mga kapatid kong pari; mga diyakono, seminarista, mga madre at relihiyoso; mga ginigíliw kong kapatíd kay Kristo.

Natitipon tayo ngayong umaga upang magpasalamat para sa mga natamo nating biyaya at pagpapala mula sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin ng Mahal na Birheng Maria, ang Birhen ng Peñafrancia.  Tatlumpu’t pitong taon na ang lumipas mula noong koronahan ni Cardinal Sin sa atas ni Pope John Paul II ang imahen ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia ng Maynila sa Luneta Grandstand.  Happy anniversary sa inyong lahat!

Gayundin, nagpapasalamat tayo sa Diyos sa biyaya ng labing-anim na taon ng pagkapari ni Father Jek.  Happy anniversary, Father Jek!

Mga kapatid, sa tuwing kinokoronahan ang imahen ni Maria, kinilala natin siya bilang reyna ng ating parokya, ng ating mga pamilya, ng ating mga puso.  Siya ang ating reyna sapakat siya ang Ina ni Hesus na ating hari.  Ang mga pagbasa natin ngayon ay nagsasaad ng tatlong sagisag ng pagiging reyna ni Maria: buháy na tubig, buháy na bato, at buháy na apoy.

Ang Unang Pagbasa ngayon, mula sa aklat ni Propeta Ezekiel, ay paglalarawan ng pangako ng Diyos para sa isang bagong templo sa Jerusalem.  Sa templong ito, dumadaloy at umaagos ang tubig, kaya naman ito ay buháy na buháy, at pinamamahayan ng samu’t saring isda.  Ang agos ng tubig ay sagisag ng pag-agos ng búhay; kapag hindi dumadaloy ang tubig, mapapanis ito, at hindi makapagtaglay ng búhay.

Gayun din ng misteryo ng pagkareyna ni Maria; naging daluyan siya ng biyaya ng makalangit na buhay na handog sa atin ng Diyos.  Sa kanyang pamamagitan, nagkatawang-tao ang Anak ng Diyos, at sumaatin ang pag-asa ng búhay at pagkabuhay.  Bilang reynang nagpapadaloy ng búhay, itinataguyod niya tayo sa kabuhayan at kasiglahan.

Kaya naman, mga kapatid, katulad ni Maria na ating Reyna, katulad ng buháy na tubig, padaluyin din natin ang búhay sa isa’t isa.  Sa halip na maging gánid at madamot, maging daan tayo upang umagos ang biyaya mula sa Diyos patungo sa kapwa.  Ihatid natin ang pag-asa ni Kristo sa bawat isa, katulad ni Maria na Reynang nagbibigay-buhay.

Sa Ikalawang Pagbasa naman, pinaalalahanan ni San Pablo ang mga Kristiyano sa Corinto na sila ay gusali ng Diyos na itinataguyod at pinanahanan ng Espiritu Santo.  At sa sulat naman ni San Pedro, inihambing niya tayo sa mga buháy na bato, na pinagsama-sama upang maging banal na gusali (cf. 1 Pet 2:5).  Ang mga buháy na bato ng isang gusali ay sagisag ng buklod ng pagkakaisa.  Ang iisang Espiritu Santo na nagbibigay-búhay sa mga bato ng gusali, ang siya ring nagdudulot ng matibay na bigkis ng buong gusali.  Kung walang Espiritu Santo, walang pagkakaisa ang gusali, at walang búhay ang mga bato.

Gayun din ng misteryo ng pagkareyna ni Maria; bilang buhay na bato sa banal na gusali ng Diyos, tinanggap niya ang Espiritu Santo sa kanyang puso, at naging daan siya upang magkaisa ang mga Kristiyano, lalo na sa gitna ng mahihirap na panahon.  Noong Biyernes Santo, sa gitna ng ligalig at kamatayan, tinipon ni Maria sa paanan ng krus ang mga kababaihan at ang alagad na inibig ni Hesus, upang tumanod alang-alang sa kanyang nagdurusang Anak.  Noong Pentecostes, sa gitna ng mga banta, pinagbuklod niya ang mga apostol sa pagdarasal para sa pagsapit ng Espiritu Santo.  At dito sa atin sa Pilipinas, sinamahan niya ang mga nagkakatipon sa EDSA para sa mapayapang pagbabago ng ating bansa.

Kaya naman, mga kapatid, katulad ng ating Reynang si Maria, katulad ng mga buhay na bato, maging kasangkapan din nawa tayo ng mapagbigkis na kilos ng Espiritu Santo.  Manaig nawa ang pagkakasunduan at pagdadamayan sa kabila ng ating mga hidwaan.  Sa ating mga pamilya at pamayanan, lalo na dito sa ating Dambana, buksan natin ang ating mga puso at pintuan upang lahat ay makiisa sa ating sambayanan.  Maging daan tayo ng pagkakaisa, katulad ni Maria na Reynang nagbubuklod.

At sa ating Ebanghelyo naman, inilarawa ni San Juan ang marubdob na malasakit ni Hesus alang-alang sa banal na tahanan ng kanyang Ama, animo’y maalab na apoy sa kanyang puso.  Ang buháy na apoy ay sagisag nang malalim at taimtim na pagmamahal para sa katarungan at alang-alang sa mga nahihirapan.  Walang pagmamahal ang taong aandap-andap ang malasakit sa kapwa, o papatay-patay sa pananalig sa Diyos.  Kapag naisaloob natin ang pag-ibig ng Hesus, ang alab ng puso sa dibdib natin ay buhay!  (cf. Lk 24:2).

Gayundin ang misteryo ng pagkareyna ni Maria.  Kaisa ni Hesus, ang puso niya ang nag-aalab sa pag-ibig at pagkalinga. Binuhos niya ang kanyang sarili sa pagiging ina ni Hesus.  Iniligtas niya si Hesus mula sa panganib noong sanggol siya; hinanap niya si Hesus noong minsa’y mawaglit sa Templo; at sinamahan niya si Hesus magpahanggang sa krus.  Gayundin, kinalinga niya si Elizabeth na maselan ang pagbubuntis; tinulungan niya ang mag-asawa sa kasalan sa Cana; at sinamahan niya ang mga apostol sa pagdarasal sa Cenaculo.  Ang puso ni Maria ay marubdob at maalab sa pag-ibig at pananampalataya.

Kaya naman, mga kapatid, katulad ng ating Reynang si Maria, taglayin natin ang maalab na apoy ng pag-ibig ni Hesus sa ating puso, upang maging daan tayo ng paglaganap ng pagmamahal at pagmamalasakit.  Tulungan natin at damayan ang ating kapwa.  Ipagsanggalang natin ang katotohanan at katarungan sa lipunan.  Lingapin natin ang mga sawi at lubos na nangangailangan.   Maging daan nawa tayo ng pagmamahal sa Diyos at sa isa’t isa, katulad ni Maria na Reynang mapagmahal.

Buháy na tubig, buháy na bato, at buháy na apoy: tanda ng pagbibigay, pagbubuklod, at pagmamahal.  Ito ang misteryo ng pagkareyna ni Maria; ito rin ang misteryo ng pagkapari ng mga lingkod ni Kristo; ito ang misteryo ng paglilingkod ni Father Jek at ng lahat ng mga pari.

Mga kapatid, alam kong nalulungkot kayo dahil ito ang huling anniversary ni Father Jek bilang inyong kura paroko.  At sigurado akong gayundin ang lungkot sa puso ni Father Jek.  Hindi ko ikinababahala ang lungkot ninyo, sa halip ay ikinagagalak ko pa nga, sapagkat ito ay tanda na bukas-palad inyong pagbibigayan, malalim ang inyong pagbubukluran, at maalab ang inyong pagmamahalan.  Higit sa lahat, ito ay tanda ng malalim na pananampalataya ninyo sa Diyos.  Ngayong naghahanda kayo upang isugo at ihandog si Father Jek sa kanyang bagong misyon, at upang tanggapin si Father Herbert bilang inyong bagong pastol, lalo niyo pang padaluyin ang biyaya at buhay dito sa inyong sambayanan.  Lalo pa nawa kayong maging mapagbigay, mapagbuklod, at mapagmahal.

O Maria, Birhen ng Peñafrancia, Reyna ng aming búhay, ipanalangin mo kami.  Amen. (Photos by Fatima Llanza/RCAM-AOC | Photogallery)

HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Mass for the Canonical Coronation Anniversary of Our Lady of Penafrancia and 17th Ordination Anniversary of Fr. Carmelo Arada, Archdiocesan Shrine of Our Lady of Penafrancia, November 9, 2022, 6 p.m.

Reverend Father Carmelo Arada, ang ating minamahal na shrine rector at kura paroko; mga kapatid kong pari; mga diyakono, seminarista, mga madre at relihiyoso; mga ginigíliw kong kapatíd kay Kristo. …

HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Mass for the Canonical Coronation Anniversary of Our Lady of Penafrancia and 17th Ordination Anniversary of Fr. Carmelo Arada, Archdiocesan Shrine of Our Lady of Penafrancia, November 9, 2022, 6 p.m. Read More »

Our Lady of Penafrancia

Pinangunahan ni Cardinal Jose F. Advincula, Arsobispo ng Maynila ang selebrasyon ng ika-325 taong pagdating ng Nuestra Señora de Peñafrancia de Manila sa Paco noong Mayo 14, 2022, 10 ng umaga.

Sa araw ding iyon, tinatag ng butihing Kardinal ang simbahan bilang isang bagong “Arkidiyosesanong Dambana” kasabay ng pagtalaga kay Reb. Padre Carmelo Arada bilang unang Rektor.

Sa homiliya ng Kardinal, nabanggit niya na “Si Maria, na mula sa munting bayan ng Nazaret ay dumalaw at nanahan dito sa munting bayan ng Paco.” Ito ay tanda na ang pagmamahal kay Inang Maria ay yumayabong sa pagdedebosyon sa kanya at sa kanyang Anak.

Pina-alalahanan rin niya ang mga mananampalataya na “Ang pagiging dambanang santuario ay hindi lamang tungkol sa magagarang dekorasyon o mga engrandeng selebrasyon. Higit sa mga ito, ang dambanang santuario ay dapat katulad ni Maria, maging kongkretong tanda ng kabanalan ng Diyos.”

Ang Parokya ng Nuestra Señora de Peñafrancia de Manila ay nagsimula sa isang “Ermita” na itinayo noong 1697. Itinatag itong parokya ni Abp. Gabriel Reyes noong ika-11ng Agosto 1951.

Ang imahen naman ng Mahal na Virgen ay natagpuan ng mga taga-Paco sa sapa na nakarolyo sa isang punong Bakawan noong ika-15 ng Mayo, 1697. Dahil sa maalab na debosyon ng mga taga Paco, ginawaran ni Papa Juan Pablo II ang imahen ng “Coronacion Canonical” at kinoronahan ni Cardinal Jaime Sin noong ika-10 ng Nobyembre, 1985. Kasalukuyang nakadambana sa gitna ng altar ang nasabing imahen. (Benedict Canapi/SOCOM-Quiapo Church)

Tayo ay mga anak ni Inang Pena

Pinangunahan ni Cardinal Jose F. Advincula, Arsobispo ng Maynila ang selebrasyon ng ika-325 taong pagdating ng Nuestra Señora de Peñafrancia de Manila sa Paco noong Mayo 14, 2022, 10 ng …

Tayo ay mga anak ni Inang Pena Read More »

Our Lady of Penafrancia

It seems we can’t find what you’re looking for. Perhaps searching can help.

Reverend Father Carmelo Arada, ang áting minamahál na shrine rector at kura paroko; mga kapatíd kong pári; mga dyákono, seminarísta, mga mádre at relihiyóso; mga ginigíliw kong kapatíd kay Kristo.

Nagpápasalámat táyo sa Diyos sapagkát ang maliít ngunit marikít na simbáhang itó ay itinaás ngayón sa karangálan ng isáng dambánang santwáryo díto sa áting arkidyósesís.  At, sa loób ng isáng taón, ay natamása nátin ang indulhénsya at bendisyón na ipinagkáloób ni Papa Francisco pára sa okasyón ng hubiléyo ng áting parókya.  Ibig sabihin, pinatátatág niya táyo sa pananámpalatáya, at nakíkibuklód sya sa áting lahát ngayón.  Kiníkilála nya ang mahába at mayámang kasaysáyan, gayundin ang malálim at marubdób na pagdédebosyón nátin, sa Mahál na Bírhen ng Peñafrancia díto sa Páco.  At inúudyukán nya táyo na akáyin ang marámi pang táo úpang lumápit sa Panginóon at maranásan ang dakíla nyang págmamahál.

Mga kapatíd, ang salitáng “dambána” o “santuario” ay hángò sa salitáng Latín na “sanctuarium” na ang íbig sabíhin ay “lundúyan ng kabanálan” o “tahánan ng mga banál”.  Samakátuwíd, ang pagíging dambánang santuario ay hindí lámang tungkól sa magagárang dekorasyón o mga en-grándeng  selebrasyón.  Higít sa mga itó, ang dambánang santuario ay dápat, katúlad ni Maria, magíng konkrétong tandâ ng kabanálan ng Diyos.  Sa mga pagbása ngayón, may tatlong mapupúlot na áral tungkól sa kabanálan: kagalákan, katapátan, at pagkalínga.

Isáng tandâ ng kabanálan ang kagalákan.  Sa únang pagbása, inudyukán ni Propeta Sofonías ang Síon at ang Israél: “Sumigáw ka nang masayá…  Umáwit kang masiglá… sapagkát kapíling mo ang Panginoón!”  As we conclude our parish Jubilee today, I also exhort you: be a jubilee people; be pilgrims of jubilation and joy!  Magalák kayó, mga kapatíd kay Ináng María, sapagkát kapíling nátin ang Panginoóng Dyos.

Úpang magalák si Maria, hindí nya na hinintáy pa na magíng ókey ang lahát, o magíng perpékto ang mundó?  May mga probléma pa rín, méron pa ríng gútom at hírap, méron pa ring dahás at inhustísya.  Mapápasláng ang mga inosénteng sanggól, tatákas ang Banál na Mag-ának patúngong Ehípto, mawáwaglít ang binatílyong Hesus sa témplo, at pagláon ay mapapáko sya sa krus.  Sa kabilá ng mga hápis na itó, nagawá ni Maria na umáwit ng masayáng Magnificat.  Mabábaw ba ang kaligayáhan ni Maria?  Hindî, malálim ang kagalákan nya.  Dáhil ang kagalákan ni María ay hindí nakadepénde sa péra, reputasyón, o seguridád; sa halíp, nagalák ang kanyáng espíritú sa Diyos na tagapágligtás.  Nagágalák si María dáhil alám nyang kapíling nátin ang Panginóon.  Alám nyang kumikílos ang Diyos sa istórya ng búhay nya, sa kasaysáyan ng Israel, sa galáw at íkot ng mundó.

Káya rin ba náting magalák sa tiyák na pagmámahál ng Diyos, o isinasálig pa rin nátin ang sayá ng púso nátin sa mga lumilípas na bágay ng mundó?  Ang túnay na kagalákan ay tandâ ng kabanálan.

Ang ikalawang tandâ ng kabanálan ay katapátan.  Sa ikalawáng pagbása, hinímok ni San Pablo ang mga taga-Róma na “manatíling tapát sa kabutihan” at hwag magpadalá sa kasamaán.  Sa panahón ngayón, madalíng mahúlog sa tuksó ng kasalánan.  Mahírap magíng totoó kung mas malakí ang kíta sa panlolóko.  Mahírap magíng tapát kung dinadáya ka namán nilá.  Mahírap ipaglában ang mga táong hindí ka namán pináglalában.  Mahírap kumápit sa prinsípyo kung walá namáng prinsípyo ang ibá, at nakákalusót pa silá.  Mahírap magpakabaít kung mas masaráp ang masamá.

Sa kabilá ng mga hámon sa búhay, nanatíling tapát si Maria.  Káhit may bantâ sa kanyáng búhay, kinalínga nya si Hesus.  Káhit maláyo at mahírap ang byáhe, naglakbáy sya papuntá kay Elisabet.  Káhit lubhang masakit ang pighati, nanatíli sya sa paanan ng krus ni Hesus, nang hindí nagpápadalá sa tákot at lungkót, o gálit at paít.  Ginawá nya itó hindí dáhil may gantimpálang dáratíng, kundí dáhil iyón ang marápat at matuwíd, angkóp at nakagágalíng.

Pípilíin din ba náting manatíling matapát sa katotohánan at kabutíhan ng Dyos, o magpápadalá na lámang táyo sa mga ipinápaúso o iginígiít ng mundó.  Ang matíbay na katapátan ay tandâ ng kabanálan.

At ang ikatlong tandâ ng kabanálan ay pagkalínga sa kápwa.  Nariníg nátin sa Ebanghélyo ang pagdálaw ni Maria sa pínsan nyang si Elisabet úpang kalingáin sya sa gitná ng masélan nyang págbubúntis.

Higít tatlóng daáng taón na ang lumípas, dumálaw din sa átin díto ang imáhen ng Mahál na Birhen ng Peñafrancia.  Si Maria na mulá sa muntíng báyan ng Nazaret ay dumálaw at nanáhan díto sa muntíng báyan ng Páco.  O, kay rámi na ngang mga kwénto ng pagkalínga ni Ináng Maria sa mga anák nyang dumadálaw at nagdarásal sa muntíng dambánang ító, sa muntíng santwáryong itó.  Mahál na mahál táyo ni Maria, at hindí nya táyo pinabábayáang mawálay sa magíliw at maínit na yákap ng pagkalínga nya.

Kaya namán, kalingáin din nátin ang isá’t isá.  Sa santwaryong itó, paglíngkuran nátin ang mga táong nilálayuán o pinagtátabúyan, ang mga táong napag-íiwanán sa mabilís na takbó ng mundó, ang mga táong lubhang nangángailángan ng áwa ng Diyos.  Ang maínit na pagkalínga ay tandâ ng kabanálan.

Mga kapatíd, sa bagong dambánang itó, sa bagong santwaryong itó, manaíg nawá ang kabanálan.  Sa santwaryong itó, pag-alábin nátin ang áting kagalákan, pagtibáyin nátin ang áting katapátan, at paígtingín nátin ang áting pagkalínga, úpang pagharían táyo ng kabanálan ng Diyos.

O Mahál na Birhen ng Peñafrancia, Inang Mahal ng mga Dukha, ipanalángin mo kamí.  Ámen. (Photo by Benedict Canapi/SOCOM-Quiapo Church)

HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Jubilee Mass and Declaration of Our Lady of Penafrancia Parish as Archdiocesan Shrine, May 14, 2022, 10 a.m.

Reverend Father Carmelo Arada, ang áting minamahál na shrine rector at kura paroko; mga kapatíd kong pári; mga dyákono, seminarísta, mga mádre at relihiyóso; mga ginigíliw kong kapatíd kay Kristo. …

HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Jubilee Mass and Declaration of Our Lady of Penafrancia Parish as Archdiocesan Shrine, May 14, 2022, 10 a.m. Read More »