Reverend Fr. Caloy Reyes, ating kura paroko, mga kapatid na pari, mga parishioners ng Our Lady of Fatima Parish dito sa Mandaluyong City, mga minamahal na kapatid kay Kristo, happy fiesta sa inyong lahat.
Nagagalak akong makasama kayo sa pagdiriwang ng Banal na Misa upang ipagdiwang kapistahan ng ating patrona, Our Lady of Fatima. This is not my first time to celebrate Mass in this church. In 1995 or in 1996, Fr. when Frenz Fajardo was your parish priest, when I stay in this rectory for three days, I celebrated Mass in this very church.
Sa araw na ito ay ginugunita natin ang hulong apparition ni Maria sa Fatima. May tatlong mahahalagang mensahe si Maria na ibinigay sa Fatima. Ang una ay prayer, pananalangin. Paulit ulit na sinabi ni Maria sa tatlong bata na sila ay manalangin lalung lalo na ng Santo Rosaryo. Sa pananalangin, tinutulungan tayo ni Maria na palalalimin ang ating ugnayan kay Hesus. That is the goal of prayers. Prayer is not just about asking God what we need. Prayer is about keeping our relationship with God and Mary asks us to pray always so that through prayers, we may be closer to her son, Jesus.
Ang ikalawang mensahe mi Maria sa Fatima ay penance. Sabi ng ating Mahal na Ina, make sacrifices for the conversion of sinners. Dito nakikita natin ang halaga ng pagtitiis at pagsasakripisyo. Ang pagtititiis at ang pagsasakripisyo ay hindi lamang para tayo mahirapan at masaktan. Ang ating pagtititiis at pagsasakripisyo ay nagiging mahalaga kung ito ay nagbibigay ng mabuting bunga para sa iba. Our penance and sacrifices, like the suffering and death of Jesus can be salvific.
At ang ikatlong mensahe ni Maria sa Fatima ay peace, kapayapaan. With prayer and penance, we can attain peace. Noong panahong iyun, ay may mga giyera na nangyayari sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya nais ni Maria ay magkaroon ng kapayapaan. Sa ating panahin ngayon, parang may giyera din tayong kinakaharap – ang pandemic. Hinahangad din natin ang kapayapaan sa ating buhay. Mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng ating pananalangin at pagsasakripisyo. Prayer, penance and peace – kung gagawin natin ito, mapaparangalan natin si Maria.
Sa ating ebanghelyo ngayon, isang babaeng sumigaw mula sa karamihan, “Mapalad ang babaeng nagdala sayo sa kanyang sinapupunan.” Marahil narinig ng babaeng ito ang galing ni Hesus sa pangagaral. Nakita niya ang mga himalang ginagawa ni Hesus kaya nasabi niya, “Ang suwerte naman ng nanay mo, nagkaroon siya ng anak na katulad mo.” Mary is honored because of her son. Mapalad si Maria dahil kay Hesus.
Mga kapatid, tayo din ay mga anak ni Maria lalu na kayong mga taga Our Lady of Fatima parish. Dala dala ninyo sa inyong parokya ang title ng ating mahal na Ina. At tayong kanyang mga anak ang magpbibigay parangal sa kanya. Sana maaaring sabihin, “Mapalad si Maria dahil nagkaroon siya ng mga anak na katulad ng mga taga Our Lady of Fatima sa Mandaluyong.” Mapalad si Maria dahil ang mga anak niya ay mababait, gumagawa ng tama at mabuti, nagtutulungan, nagkakaisa, naglilingkod ng tapat at nagmamahalan. Mapalad si Maria dahil ang kanyang mga anak ay nananalangin, nagsasakripisyo para sa kabutihan ng iba at gumagawa ng daan para sa kapayapaan. May we give honor to Mary through our individual and communal life.
Ngunit may mas malalim na sinabi ni Hesus tungkol sa pagiging mapalad ni Maria. Sabi ni Hesus, “Higit na mapalad ang mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.” Oo, mapalad si Maria dahil siya ang ina ni Hesus. Pero higit siyang mapalad dahil nakinig siya sa salita ng Diyos at tinupad niya ito sa kanyang buhay.
Dahil binalita kay Maria ng anghel na siya ay pinili ng Diyos upang maging ina ng anak ng kataas-taasan, nakinig si Maria sa magandang balita na dinala sa kanya. Pero hindi lamang siya nakinig, tumugon siya, “Ako ang alipin ng Panginoon, maganap nawa sa akin ayon sa wika mo.” Si Maria, nakinig sa salita ng Diyos at tinupad ito at dahil dito, hgit siyang mapalad.
My brothers and sisters here in the parish of Our Lady of Fatima in Mandaluyong, let this be our common vision, let us try to be a community that listens to the word of God and observes it. Tayo nawa ay maging isang sambayanan na nakikinig sa salita ng Diyos. Ang salita ng Diyos ay naririnig natin sa mga pagbasa sa Misa, sa homily ng pari, sa pagbabasa ng Bibliya. Pero pwede din nating marinig ang Diyos na nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng mga karanasan natin sa buhay sa kalikasan, sa katahimikan. Nagsasalita din ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng ating kapwa, mga dukha, mga kabataan, mga may sakit at naghihirap sa buhay. Nakikinig ba tayo sa kanila? Naririnig ba natin ang Diyos na nagsasalita sa pamamagitan nila. Makinig tayo at nawa ang napakinggan natin na salita ng Diyos ay ating tupdin. Minsan magaling lang tayong making pero binabalewala natin ang ating napakinggan, naririnig. Pero hindi natin hinahayaan na magkaroon ng epekto sa ating buhay ang ating narinig. Maging isang komunidad nawa tayo na tumutugon sa salita ng Diyos katulad ni Maria.
My dear friends, let us heed our Lady’s message. Pray, do penance to others and walk for peace. And let us follow Mary’s example – listen to the word of God and obey it. If we are able to do this, we give honor to Mary and glory to Jesus her son. Amen. (RCAM-AOC)