Merciful and compassionate Father,
we confess our sins
and we humbly come to you
to find forgiveness and life.
We come to you in our need
to seek your protection
against the COVID-19 virus
that has disturbed and claimed many lives.
We ask you now to look upon us with love
and by your healing hand,
dispel the fear of sickness and death,
restore our hope, and strengthen our faith.
We pray that you guide the people
tasked to find cures for this disease
and to stem its transmission.
Bless our efforts
to use the medicines developed
to end the pandemic in our country.
We pray for our health workers
that they may minister to the sick
with competence and compassion.
Grant them health in mind and body,
strength in their commitment,
protection from the disease.
We pray for those afflicted.
May they be restored to health.
Protect those who care for them.
Grant eternal rest to those who have died.
Give us the grace in these trying times
to work for the good of all
and to help those in need.
May our concern and compassion for each other
see us through this crisis
and lead us to conversion and holiness.
Grant all these
through our Lord Jesus Christ your Son
who lives and reigns with you,
in the unity of the Holy Spirit,
God forever and ever. Amen.
We fly to Your protection,
oh Holy Mother of God.
Do not despise our petition in our necessities, but deliver us always from all dangers,
oh glorious and blessed Virgin. Amen.
Our Lady, health of the sick, pray for us.
St. Joseph, pray for us.
St. Raphael the Archangel, pray for us.
San Roque, pray for us.
San Lorenzo Ruiz, pray for us.
San Pedro Calungsod, pray for us.
TAGALOG
Mahabagin at maawaing Ama, inaamin namin ang aming mga kasalanan
at mapagpakumbabang dumudulog sa iyo upang makatagpo ng pagpapatawad at buhay.
Nagsusumamo kami sa iyo sa upang hilingin ang iyong patnubay
laban sa CoVid 19 na nagpapahirap sa marami at kumitil na ng mga buhay.
Tunghayan mo kami nang may pagmamahal.
at ipagadya kami ng inyong mapaghilom na kamay mula sa takot sa kamatayan at karamdaman.
Itaguyod mo kami sa pag-asa at patatagin sa pananampalataya.
Gabayan mo ang mga dalubhasang naatasan
na tumuklas ng mga lunas at paraan upang ihinto ang paglaganap nito.
Pagpalain mo ang aming mga pagsisikap
na mawakasan ng mga nalinang na gamot ang pandemya sa aming bayan.
Patnubayan mo ang mga lumilingap sa maysakit
upang ang kanilang pagkalinga ay malakipan ng husay at malasakit.
Pagkalooban mo sila ng kalusugan sa isip at katawan,
katatagan sa kanilang paninindigang maglingkod
at ipagsanggalang sa karamdaman.
Itinataas namin ang mga nagdurusa.
Makamtam nawa nila ang mabuting kalusugan.
Lingapin mo rin ang mga kumakalinga sa kanila.
Pagkamitin mo ng kapayapaang walang hanggan ang mga pumanaw na.
Pagkalooban mo kami ng biyaya na magtulong tulong tungo sa ikabubuti ng lahat.
Pukawin sa amin ang pagmamalasakit sa mga nangangailangan.
Sa pagdamay at malasakit namin sa bawa’t isa,
malampasan nawa namin ang krisis na ito
at lumago sa kabanalan at pagbabalik loob sa iyo.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo,
Diyos, magpasawalang hangan. Amen.
Dumudulog kami sa iyong patnubay, Mahal na Ina ng Diyos.
Pakinggan mo ang aming mga kahilingan sa aming pangangailangan
at ipagadya mo kami sa lahat ng kasamaan,
maluwalhati at pinagpalang Birhen. Amen.
Mahal na Birhen, mapagpagaling sa maysakit, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Rafael Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Roque, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
\

