Homily delievered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during Mass for Walk for Life at the Santisimo Rosario Parish, University of Santo Tomas on Feb. 20, 2021, at 4 pm.
Ang buwan po ng Pebrero ay hindi lang kilalang buwan ng pag-ibig, ng puso, mas kilala din ito na biuwan ng buhay. That’s why for a number of years now, we have been celebrating our Walk for Life on the month of February and we had a great crowds coming to us early in the morning in Luneta or in Quezon City circle for a number of years, in order to present to the people our stand for life.
We have to constantly fight life because there are those who promote the culture of death na akala nila ang kamatayan ang solusyon sa problema. Kaya nandiyan po yung gustong solusyunan ang problema ng kriminalidad, ang kanilang solusyon ay death penalty. Ang problema ng droga, ang kanilang solusyon ay extra judricial killings. At hanggang ngayon may mga taong nde-depress dahil sa kalagayan natin, ang tingin nila ang solusyon ay suicide. Now, may problema na nabuntis, ang solusyon nila abortion. Yan po yung culture of death. Kaya nga pinapakita natin hindi yan ang solusyon. Ang solusyon ay buhay. At ang buhay ay regalo ng Diyos kaya magtulungan po tayo upang isulong po ang buhay.
And this year because of the pandemic, we are not able to gather together but we have shown our commitment through another form. Ang kasama po natin ang NCCA at sila po ay nagpresent sa atin through dance and through music – another form to show our commitment to life.
Mas madami po ang dumalo kaninang alas dos y media hanggang alas kuwatro, hanggang alas tres y media. At dahil sa iyan po ay online, kung hindi po kayo nakapanood, mababalikan po ninyo ulit in order to be inspired through dances and songs about our commitment to life.
Nagpapasalamat po tayo sa mga performers lalung lalo na sa NCCA na siya po ang nag-gather together ng nag-conceptualize ng bagay na ito. At sana po ang effrort na ito ay magbunga naman sa lalong malalim na paninindigan para sa buhay.
Ang pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng ating kaligtasan ay tinatawag nating Paschal Mystery or Misteryo Pascual. Ito ay ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus – that is the Paschal Mystery.
Ang salitang “Paschal” ay galing sa salitang Hebreo na “Pesah” na ang kahulugan ay pagtawid, Passover. Ang tinutukoy dito ay ang pagtawid sa kamatayan ng anghel ng kamatayan dahil sa dugo ng Passover lamb na nakawisik sa mga pintuan ng mga bahay ng mga Israelita. Ito rin ay tumutukoy sa pagtawid ng mga Israelita sa Red Sea. Tumawid sila mula sa lupain ng pagkaalipin sa Ehipto patungo sa kanilang paglalakbay sa lupain na ipinangako sa kanilang ng Diyos.
Tumutukoy din ito sa ating mga Kristiyano sa pagtawaid ni Hesus mula sa buhay na ito patungo sa bagong buhay ng muling pagkabuhay. Tinawid niya ang kamatayan. Hindi siya nanatiling patay. Nakikiisa tayo bilang mga Kristiyano sa Paschal Mystery sa pagtawid natin mula sa pagiging alipin ng kasalanan patungo sa pagiging anak ng Diyos sa pamamagitan ng binyag. Dahil sa kahalagahan nito, ang pagdiriwang ng Paschal Mystery taun taon ay pinaghahandaan natin ng forty days. Iyun ang panahon ng Kuwaresma, ang panahon natin ngayon.
Noong nagsisimula pa algn ang simbahan, ito yung panahon na paghahanda ng mga bibinyagan na noon ang karamihan ay mga adults na. Ang binyagan ay nangyayari sa Linggo ng Pagkabuhay kasi ito ang pakikiisa ng mga Kristiyano sa muling pagkabuhay ni Hesus. Ngayong tayo ay nabinyagan na, ang Kuwaresma ay panahon ng mas malalim na pagsasabuhay ng ating binyag. Ang binyag ay minsan lang nagyari sa atin pero ito ay isinasabuhay natin araw araw. Isinasabuhay ba natin ang ating binyag?
Sa ating unang pagbasa, narinig natin ang nangyari pagkatapos ng malaking baha noong panahon ni Noah. Dahil sa paglaganap ng kasalanan, sinira ng bahang iyun ang sangnilikha maliban sa mga nasa loob ng daong ni Noah – ang kanyang pamilya at ang mga hayop na nandoon. Mula sa mga ito, nagsimula ang Diyos ng bagong sangnilikha. There was a new creation. A new beginning of everything on earth. Gumawa ang Diyos ng pagtitipan sa sangnilikha sa pamamagitan ni Noah. Nangako ang Diyos na hindi na niya muling sisirain ang mundo sa pamamagitan ng malaking baha. Ang rainbow ang naging tanda ng kasunduang ito.
Sa ating ikalawang pagbasa, sinabi ni San Pedro na ang tubig ng bahay noong panahon ni Noah, ay tanda lamang ng tubig ng binyag. Binabago ng Diyos ang mga tao ngayon sa pamamagitan ng tubig ng binyag. Nilulunod niya ang kasamaan sa tubig na ito at lumalabas tayo na mga anak ng Diyos. Bago na ang estado natin ngayon. Naging bahagi din tayo ng covenant ni God sa binyag. Ang covenant na ito ay, ang Diyos ang magiging Ama natin at tayo ay magiging mga anak Niya. Bilang Ama, aalagaan tayo Diyos. Bilang mga anak, susunod tayo sa Kanya. Kaya ang hamon sa atin ay mamuhay tayo bilang mga anak ng Diyos. Kaya may mga bagay na hindi basta basta magagawa natin kasi anak yata tao ng Diyos. Pero kahit na inampon na tayo na maging anak ng Diyos, tinutukso pa rin tayo, inaakit pa rin tayo sa kasamaan. Si Hesus mismo na anak ng Diyos ay tinukso din pagkatapos na siya ay mabinyagan ni Juan Bautista sa Ilog Jordan, siya ay dinala ng Espiritu Santo sa ilang upang ipaghanda ang sarili para sa Kanyang misyon. Doon siya nagdasal at nag-ayuno ng forty days and forty nights. At doon din Siya tinukso ng diyablo.
Ang tukso ay isang pagsubok. Hindi naman tayo masama kasi sinusubok tayo. Nagiging masama tayo kung nahulog tayo sa tukso, kung nagpadala tayo sa pagsubok. Sa Hardin ng Eden, nahulog ang lalaki at babae sa pgsubok ng ahas. Pumasok na ang kasalanan sa mundo. Si Hesus ay tinukso rin pero hindi siya nagkasala. Kaya si Hesus ang talagang tao na tulad natin, na tinutukos rin, dumadaan din siya sa tukos pero napagtatagumpayan Niya ito. Siya ang gayahin natin hindi si Adan at Eba.
Mula sa disyerto kung saan siya nag-ayuno at nanalangin, sinimulan na Niya ang Kanyang misyon. He went around the region of Galilee proclaiming, “The kingdom of God is at hand. Repent and believe in the Good News.”
Ang pahayag na ito ay narinig natin noong Miyerkoles ng Abo noong binidburan tayo ng abo sa ating mga ulo, “Magsisi kayo at manampalataya sa Mabuting Balita.” Yana ng panawagan sa ating lahat – magsisi at sumampalataya. At lahat naman tayo ay kailangan magsisi at ito’y kundisyon upang tayo’y manampalataya sa Diyso. Ang pagsabi ng hindi sa kasamaan upang makasabi tayo ng oo sa Diyos.
When we were baptized, we or our parents or god parents for us, made our baptismal commitment. Ang isa ay talikdan, magsisi, iwaksi, we say no at ang isa naman ay, to believe, harapin, tanggapin, to say yes. Kaya ang tanong sa atin ay, “Tinatakwil mo ba si Satanas? Tinatakwil mo ba ang kasamaan? Tinatakwil mob a ang tukos?” and we boldy said, “I do reject Satan. I reject sin. I reject temptation to sin.” At sa kabilang dako tinanong naman tayo, “Do you believe in God the Father? In God the Son? And God the Holy Spirit? In the Holy Catholic Church? In the forgiveness of sins? In the resurrection of the dead?” At ang sagot naman natin ay malakas na, “Opo, sumasampalataya ako.” “Yes, I believe?” Isinasabuhay ba natin ang mga pangakong ito? Ito ang dapat nating isabuhay araw araw.
Hayaan ninyong ilahad ko ang mga issue ngayon sa ating buhay na nagpapahiwatig ng consequences ng ating Baptismal promises.
Do we say no to the culture of death and all that leads to death? Tulad ng death penalty? Tulad ng EJK? Tulad ng abortion? Ng suicide? Do we say yes to life ngayong nasa pro –life month tayo? Tulad ng pag-aalaga sa maysakit, tulad ng pagsisikap na hindi tayo magka-COVID, tulad ng pagkain ng healthy food, tulad ng mag-exercise? Itinatakwil ba natin ang pagksira ng inang kalikasan? Tinututulan ba natin ang pagtatayo ng dambuhalang dam tulad ng Kaliwa Dam sa Quezon province? Iniiwasan ba natin ang basta bastang pagtatapon ng mga plastic at basura kung saan saan? We say no to these. Sumasang-ayon ba tayo sa pagrecycle, sa pagtitipid sa pagbibili upang kaunti ang maitapon? Ang tawag diyan ay sapat lifestyle – sapat lang hindi sobra. We say yes to this. Hinihindian ba natin ang paninira sa ibang tao? Ang pagsisinungaling? Ang pagmumura? Ginagalang ba natin dangal ng mga tao at nagpapalaganap ba tayo ng katotohanan? Nakita ninyo ang lawak pala ng implikasyon ng ating pangako sa binyag. May mga bagay na tinatalikdan natin. May mga bagay na hinaharap at niyayakap natin kasi tayo ay may kasunduan sa Diyos. Kasi tayo ay mga anak ng Diyos.
Ito ang sisikapin nating isabuhay ngayong Kuwaresma. Sana po seryosohin nating isabuhay ang mga choices natin dahil sa tayo ay binyagan.
Sa Easter Sunday, sasariwain nating lahat ang ating mga pangako sa binyag sa Misa ng Muling Pagkabuhay. Tatanungin tayo sa mga bagay na tinatakwil natin at sa mga bagay na niyayakap natin. Maging makatotohanan ang ating mga sagot at hindi lang isang ritwal na walang kabuluhan o ngayon pa lang magiging conscious na tayo sa pag-iiwas sa kasamaan at sa paggawa ng kabutihan at sa pagkapit sa ating pananampalataya. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)