Masayang ipinagdiwang ang Kapistahan ng Pagtatampok sa Banal na Krus sa St. Joseph Parish, Gagalangin noong ika-14 ng Setyembre sa ika-6 ng gabi ng Maringal na Misang Pontipikal na pinamunuan ng Lubhang Kagalang-galang na Obispo Nolly C. Buco, D.D., Katuwang na Obispo ng Diyosesis ng Antipolo, kasama sina Reb. P. Nolan A. Que, Vicar Forane ng Vicariate of Espiritu Santo, Reb. P. Alfonso B. Valeza, Kura-Paroko, Reb. P. Rally V. Gonzales, SOLT, Reb. P. Thomas Shyson Poruthoor, CMI, Reb. Cloyd Anthony G. Elnar, MLCC at Reb. P. Mark Julius Samonte.
Ang pagdiriwang ay kinatampukan ng pagdalaw ng mga milagrosong imahe ng KAMBAL NA KRUS, na nagdiriwang ng ika-101 taong anibersaryo ng pagkakatuklas. Ang Kambal na Krus Community Chapel ay nasa ilalim ng pag-iingat ng St. Joseph Parish, Gagalangin.
Pinasimulan ang liturhikong pagdiriwang ng pagdadala ng imahe ng KAMBAL NA KRUS sa parokya nito noong September 14, 2021, sa paglulunsad ng taon ng Sentenaryo ng Pagkakatuklas sa Kambal na Krus noong March 2022.
Ang pagdiriwang sa taong ito ay pinasinayaan sa pagkakaroon ng Novena Masses simula September 5-13, 2023 na pinamunuan ng mga pari ng parokya at mga pari mula sa iba’t-ibang parokya at diyosesis.
Ipagmapuri ang Krus na Banal! (Eijay Valerio de Paz/SOCOM-St. Joseph Parish | Phoptogallery)