Monday, 23 November 2020 07:46

FULL TEXT | Homily delivered by Most Rev. Bishop Broderick Pabillo during the online Sunday Mass at St. John Bosco Parish in Tondo on Nov. 22, 2020, Feast of Christ the King, at 10 am.


May iba’t bang paraan ng pagtingin sa panahon kasi may iba’t ibang kalendaryo. Familiar tayo sa civil year na nagsisimula sa January 1. Diyan naka-base ang ating mga kalendaryo. Pero mayroon din naman tayong school year, ang kalendaryo ng mga eskuwelahan. Mayroon ding fiscal year, ang kalendaryo ng business. Alam din natin ang Chinese New Year, na ibang kalendaryo din ang sinusundan.

Sa simbahan, mayroon din tayong liturgical year, ang kalendaryo ng simbahan. Sa simbahan, ang Linggong ito ay ang huling Linggo ng taon ng simbahan. Sa susunod na Linggo, magsisimula tayo ng bagong panahon ng simbahan – ang panahon ng adbiyento.


Today, which is the last Sunday of the year of the Church, we remember the end of time. Lahat ng bagay ay nagtatapos pati na ang panahon ay magtatapos. At ang lahat ng bagay sa mundong ito ay magtatapos. Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayo na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos. Sa Kanya nagsimula ang lahat, ang lahat ay babalik sa Kanya.

Narinig natin sa sulat ni San Pablo sa mga taga Korinto, “Kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Kristo, ang anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay  ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat lahatan.”

Dumating si Hesus sa mundo upang iligtas tayo. Hanggang ngayon patuloy ang proseso ng pagliligtas. Magtatapos ito sa wakas ng panahon at hindi mabibigo ang balak ng Diyos na kaligtasan. Ang tagumpay ni Hesus sa kamatayan at kasamaan ay magiging klaro na sa lahat kaya ngayong Linggo, pinagdiriwang natin ang dakilang kapistahan ni Kristong Hari. Ito ay paalaala sa atin sa wagas na tagumpay ni Kristo.

Ayon sa ating ebanghelyo, uupo siya sa Kanyang maringal na trono na puno ng kaluwalhatian, na napapalibutan ng lahat ng mga anghel at lahat ng mga tao. Si Kristong Hari ay siya rin ang dakilang hukom. Tulad ng pastol, paghihiwalayin niya ang mga tupa, hahatulan niya ang bawat isa.

Sa isang talinhaga ni Hesus, tayo ay parang mga isang bukid na sama samang tumutubo ang mga trigo at ang mga damo. Pagdating ng tag-ani, ihihiwalay ang mga trigo sa mga damo. Ang mga trigo ay dadalhin sa warehouse habang ang mga damo naman ay susunugin.

Sa isa pang talinhaga, inihambing ni Hesus ang paghahari ng Diyos ngayon sa isang lambat na itinapon sa dagat. Lahat ng uri ng isda ay napasaloob ng lambat. Hihilahin ang lambat sa dalampasigan at doon na paghihiwalayin ng mangingisda ang mabubuti at mapapakinabang na mga isda at itatapon ang mga walang kuwenta. There will be a judgment. There will be a separation between the good and the bad.

Napakaraming kasamaan ang nangyayari sa mundo natin. May mga masasamang tao, nakikita natin ang maraming masasama ang nang-aapi, nagssamantala at hindi napananagot. Parang maganda pa nga ang buhay nila. Umaasenso pa ang masasasama. Kung dito lang ang mundo, napakalupit ng buhay. Pero hindi lang dito magtatapos ang lahat. May matuwid na hukom. Itutuwid ang lahat. Gagantimpalaan ang mabuti at paparusahan ang masama.

Sinulat ni Papa Benedicto, “Evil doers in the end do not seat at table at the eternal banquet beside their victims without distinction as though nothing had happened.”

Matuwid ang Diyos, hindi siya pabaya. Pananagutin niya ang lahat. Ang Diyos na makatarungan ay maghahari. Ang katotohanang ito’y nagbibigay ng lakas ng loob sa mga nakikibaka sa katarungan. Hindi masasayang ang pagsisikap nila. Magtatagumpay sila.

This is the dire warning to those who are unjust. You cannot forever hide in lies and in injustice. You will answer for your wrong doings.

And the message this Sunday is also clear – there is a forever.  Magpasawalang hanggan ang kaligayahan sa langit na inihanda ng Diyos para sa atin. At magpasawalang hanggan ang parusa sa impiyerno na inihanda ng Diyos hindi para sa atin kundi para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Doon pupunta ang masasama.

Wala pa tayo saw akas ng panahon pero papunta tayo doon at bawat sandal ay lumalapit tayo sa wakas ng panahon. Mabuti at sinabi na sa atin ngayon ng Salita ng Diyos kung ano ang batayan ng paghuhusga ng bawat isa sa atin. Magbibigay sa atin ng test ang Diyos. Ang huli at pinakamahalagang test sa ating buhay at ibinigay na niya ang test question. Kailangan na lang nating sagutin sa pang araw araw na buhay natin ngayon ang test question na ito. There will be no surprise question. Kung hindi binigay ni Hesus ang test question, magugulat tayo.

In our usual way of thinking, in order to have good standing with God, we have to do religious things like praying, going to Mass, going into fasting, praying the rosary, reading the Bible at iba pa. Pero hindi tayo gaanong titignan sa mga pang simbahang gawain tulad ng mga ito. Tatanungin tayo sa mga ginawa natin sa ating kapwa.

The way to God is through our fellow human beings. Yes, we do religious things, but these are only means so that we can approach and do good to our fellow human beings. The religious things and activities that we do are not ends in themselves, they are means to lead us to people. The religious activity should make us more human to others and being more human, we become more divine.

Isa pang sorpresa kung hindi agad sinabi ni Hesus, para sa marami, mabuti na tayo kung hindi tayo gumagawa ng masama sa iba - Hindi naman ako nagnanakaw, hindi naman ako pumatay, hindi naman ako nanira sa iba. Pero ayon kay Hesus, titignan ng Diyos ang mga kabutihang ginawa natin o hindi natin ginawa. Naging masama tayo at ganun kasama na ipapatapon tayo sa impiyerno dahil sa kabutihan na hindi natin ginawa – hindi nagpakain, hindi bumisita, hindi nag-alaga.

We should consider this seriously because many of us do not do bad things to others. However, we also do not go out our way to do good to others. And there are so many others to do good to. And who are these others? Not the big people in our society, not our relatives and friends, yung mga hindi pinapansin, yung isinasantabi, yung binabale wala. Maraming mga tao ang nandiyan pero hindi natin nakikita at hindi pinapansin. There are invisible people around us not because they are ghost but because we are so accustomed not to mind them. Maaaring yan ay ang driver, ang taga laba, ang nagbebenta ng bulaklak, ang naglalako ng taho, ang pulubi sa daan o kalsada, ang mga bilanggo – libu libo yang isinasang tabi at pinagsasamantalahan pa sa mga kulungan. Ang mga may kapansanan na itinatago pati na ng kanilang mga pamilya. Ang mga may bisyo na para sa iba ay okay lang na patayin sapagkat wala naman daw pakinabang. Ang mga matatanda na madalas ay nasa sulok lang ng bahay, kung may bahay pa nga.

Sila ang dapat pansinin. Ang tulong na ibibigay sa kanila ay hindi naman espesyal at hindi naman magastos. Basic needs lang tulad ng food, water, clothing, shelter, pagbisita at maaari pang dagdagan -  kausapin lang, ngitian, batiin, kamustahin. Samakatwid, ituring na tao, ituring na kapwa. Ipakita sa kanila na tayo ay magkakapatid, na tayo’y magkakaibigan. Ito ang sinabi ni Papa Francisco sa kanyang liham na Fretelli Tutti – scial friendship, solidarity. Sana magkaroon ng muha at pangalan ang mga mahihirap sa ating buhay at hindi lang sila numero o statistics.

Kung kaibigan natin ang mga nagtitinda sa kalye, matitiis ba natin na sila’y basta alisin na lang at kunin ang kanilang paninda ng mga pulis at mga MMDA? Kung nakikiramay ba tayo sa namatayan, pababayaan lang ba natin na ang nanay ay pigilan na tumangis sa kanyang baby na namatay?

Kadalasan, nagwawalang kibo lang tayo sa mga maliliit na tao na pinagsasamantalahan dahil hindi naman sia mahalaga sa atin. Hindi naman natin sila kaano ano. Anong hindi kaano ano? Kapwa tao natin sila. Magkaisa tayo sa kanila sa ating pagkatao. Kapag ang isang tao ay hindi pinahahalagahan at sinasaktan pa nga, ang ating pagkatao ang tinatamaan. Isa lang ang pagkatao natin. Anong hindi kaano ano? Sa bandang huli, saw akas ng panahon at the last judgment, ang ngiti nila sa atin ang magpapapasok sa atin sa langit. Sana hindi naman mangyari sa atin, dahil sa simangot nila sa atin, pupunta tayo sa apoy na walang hanggan. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer