Wednesday, 04 November 2020 01:26

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, apostolic administrator of Manila during the online Sunday Mass at the Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo on Nov. 1, 2020, feast of All Saints, at 10 am.


The COVID-19 pandemic is really affecting our lives. We feel this in a special way today, November 1. It is customary for many of us to honor our beloved dead this day and tomorrow to go to the cemeteries.

Hindi na natin ito magagawa ngayon at naintindihan naman natin bakit. Mahirap mapigilan ang pagkalat ng virus sa maraming mga tao na magkukumpulan sa mga sementeryo.

In a way, by not being allowed to go to what we customarily do, we are forced to confront the meaning of our custom and to consider how we can express our belief in other ways.

Kapag pinapahayag natin ang ating pananampalataya sa ating dasal, ating binabanggit, “Sumasampalataya ako sa samahan ng mga banal.” I believe in the communion of saints. Who are these saints and what does this communion consists? Ano ba ang samahang ito?


Ang mga banal na tinutukoy ay ang lahat ng mga nasa grasya ng Diyos. Sila yung nasa kanila ang buhay ng Diyos. Ang Diyos ay naging tao upang tayong mga tao ay makiisa sa buhay niya. Ipinagkaloob sa atin ang buhay ng Diyos noong tanggapin natin siya sa ating Binyag.

Ang buhay na ito ay winawala natin at nawawala natin kung tinatanggihan natin ang Diyos. Ang pagtangging ito ay tinatawag na kasalanan. Kung hindi natin tinatanggihan ang Diyos kahit nasaan man tayo, kahit ano ang kalagayan natin, nabibilang tayo sa mga banal.

Ang buong simbahan ay binubuo ng tatlong kalagayan: the Victorious Church, the Suffering Church and the Militant Church. Ang mga ito’y nasa isang samahan kaya ang mga ito’y nagtutulungan.

Yung mga nasa Victorious Church, ay yung mga nasa langit na, matagumpay at masaya na kasama ni Hesus. Yung mga nasa Suffering Church, ay yung dinadalisay pa sa purgatory. Sila’y hinahanda na pumunta sa langit. Tayong nasa lupa ay nabibilang sa Militant Church. Nakikibaka pa tayo laban sa kasamaan.

Ang tatlong ito ay nagtutulungan. Here on earth we help one another in our struggle against evil. So, we pray for one another and we care for each other. We also ask the help of those in purgatory and in heaven so we call on the holy souls.

Yung mga nasa purgatory ay tinutulungan din natin sa pamamagitan ng ating mga sakripisyo at ating mga dasal. Yung mga nasa langit ay hindi na kailangan ng tulong. Nasa kaluwalhatian na sila. Wala na silang kailangan, sila yung nakakatulong sa atin sa kanilang mga dasal sa Siyos dahil kapiling na sila ng Diyos.

Ngayong araw, All Saints Day, ang ating atensiyon ay naka-focus sa mga nasa langit. At bukas, All Souls Day, ang ating atensiyon naman ay naka-focus sa mga banal sa purgatory.

Minsan, si Hesus ay tinanong, “Marami po baa ng maliligtas?” Hindi ito sinagot ni Hesus ng diretso. Ang sabi lang niya ay, “Magsikap kayong pumasok sa daan na makipot kasi malawak ang daan papunta sa kapahamakan.” Ang tanong na ito kung marami ba ang maliligtas ay sinasagot sa ating ngayon sa Unang Pagbasa natin na galing sa Aklat ng Pahayag, the Book of Revelation, ang huling aklat sa Bibliya.

Ang Aklat ng Pahayag ay gumagamit ng maraming mga simbolo. Nilarawan ni Juan, ang manunulat, ang kanyang pangitain sa langit. Doon nakaupo sa trono ang Diyos kasama ang Korderong sugatan, si Hesus na inalay. Sila ay sinasamba ng apat na nilalang na buhay na sumasagisag sa mga  kapangyarihan sa mundo – ang Toro ay kumakatawan sa kalakasan; ang Leon ay kumakatawan sa katapangan; ang Tao ay kumakatawan sa katalinuhan; at ang Agila ay kumakataawan naman sa kaliksihan at katayugan.

Kasama nila sa pagsamba sa Diyos ay ang 24 elders na kumakatawan naman sa mga namumuno sa panahon ng lumang tipan at bagong tipan. Sumasamba sila sa Dyos na niluluwalhati sa langit. At kasama nila ang 144,000 na nakasuot na puti na may tatak sa noo at may hawak na mga palaspas, tanda ng tagumpay.

Ang 144,000 ay twelve times twelve times one thousand. Ang bilang na one thousand sa Bibliya ay sumasagisag sa maraming marami. Ang unang twelve ay kumakatawan sa twelve tribes of Israel. At ang pangalawang twelve ay sa twelve apostles ng bagong tipan.

Kaya ang 144,000 ay nagpapahiwatig ng napakaraming mga kaluluwa ng naligtas mula sa panahon nglumang tipan hanggang sa panahon ng bagong tipan na sila’y galing sa lahat ng lahi, sa lahat ng lenguwahe, sa lahat ng mga tao. Nilinis sila sa dugo ng Kordero na namatay para sa kanila kaya nakasuot sila ng puti.

Ngayon ay kapistahan ng Todos Los Santos, lahat ng mga banal sa langit, all the saints. Pinapakita sa atin na marami ang maliligtas. Marami ang nasa langit. Hindi nasayang ang dugo ni Hesus. Ito ay mabisa kaya ang kabanalan ay para sa lahat.

Let us be confident about salvation. Lahat tayo’y tinatawag na maging banal dahil sa lahat tayo ay tinatawag sa kaligtasan. Hindi naman tayo makakapunta sa Diyos na banal kung hindi tayo banal. Kaya sikapin natin na maging banal dahil sa iyan ang plano ng Diyos sa bawat isa sa atin. At ang kabanalan ay hindi lang kapag namatay na tayo. Ngayon pa lang inaalok na sa atin ang kabanalan.

Alam po natin ang kalagayan natin sa buhay ngayon ay pangsamantala lang, pang mundo lang – ang ating trabaho, ang ating posisyon, ang ating pamilya, ang aking pagiging obispo, ang iyong pagiging tatay, ang iyong pagiging manager, lilipas ang mga ito. At ang mga ito ay mga tulay lamang para maging banal tayo at makapunta sa langit kung saan tayo lahat ay tinatawag.

Noong kami ay bata pa at palagay ko’y ito’y karanasan din ng mga may edad na, hindi ko makalimutan ang pina-memorize sa amin sa katesismo. Isa sa mga unang tanong ay, “Bakit ka nilikha ng Diyos?” Ang sagot ay, “Ako ay nilikha ng Diyos upang maging banal para maging masaya kasama ng Diyos dito sa lupa at doon sa langit.”

Bata pa kami idinidiin na sa amin ang layunin ng buhay kung saan tayo patutungo. Sa kapistahan natin ngayon, hinihiling sa atin na tumingala tayo. Para doon tayo at napakaganda ang langit. St. Paul wrote, “I consider that the sufferings of the present times are as nothing compared to the glory to be revealed to us.”

Masusulit ang lahat ng effort natin. Kaunting langit na, Sulit na ang lahat. At lahat tayo’y may karapatan sa langit dahil sa tayo ay mga anak ng Diyos. Yan ang sinabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, “Kaya nabubuksan ang langit sa atin dahil sa binyag. Ang karangalan natin ay tayo’y anak ng Diyos.”

Maaaring hindi pa natin na-a-appreciate ngayon ang ating pagiging anak ng Diyos. Pero doon sa langit ay lalabas ang ating tunay na karangalan at kaningningan. Magiging tulad talaga tayo ni Hesus. Makikiisa talaga tayo sa kanyang kaluwalhatian. Hangarin po natin yan.

Hindi lang pinakita ni Hesus kung saan tayo pupunta. Ipinakita rin niya ang paraan. At ito nga ang narinig natin sa ating ebanghelyo, the Beatitudes. These are the formulas, how to be holy and be happy, now and here after. Kakaiba ito sa mga formula ng kaligayahan na binibigay sa atin ng mundo at nakasanayan nating hanapin. Para sa marami, magiging masaya at masuwerte tayo kung tayo ay mayaman, makapangyarihan na sinisunod ng iba, nabubuhay sa layaw, pinipuri at kinatatakutan ng mga tao. Kakaiba yan sa narinig natin na sinabi ni Hesus, “Mapalad kayo, masuwerte kayo, magiging masaya kayo kapag kayo ay dukha, tumatangis, mababa ang loob, maawain, naghahangan ng katarungan, malinis ang puso, nagsisikap sa kapayapaan, inuusig at iniinsulto.”

Bakit tayo mapalad? Ang Diyos mismo ang magpapaligaya sa inyo. Ang tunay at tatagal na kaligayahan ay hindi yung inaabot natin, kinukuha natin, ating achievement kundi iyung ibinibigay sa atin ng Diyos. May tiwala ba tayo? May kababaang loob ba tayo na tanggapin ito?

Ngayong Undas hindi tayo makakapunta sa sementeryo pero maipagpapatuloy ang dahil bakit tayo pumupunta sa sementeryo. Bakit nga ba? Para sama samang maalaala ang mga yumao natin. Ito’y pinapakita natin sa ating pagsama sama bilang pamilya at sa ating pagdarasal.

Magagawa din antin ang mga ito kahit hindi tayo makapunta sa sementeryo. Pwede parin tayong magsama sama bilang pamilya. Magkaroon ng family reunion sa dalawang araw na ito. Pwede tyong magkaroon ng handaan sa bahay at pg-usapan ang ating mga yumao. Our memories about our beloved dead unite us not only with them but with each other.

Pwede pa din tayong sama samang magdasal kaya hinihikayat natin ang mga katoliko na magsimba sa araw ng Nov. 1 at Nov. 2. The Holy Mass is the best prayer that we can offer. At pwede din tayong magdasal ng rosary bilang pamilya sa mga yumao natin.

Kung gusto nating magtirik ng kandila, pwede natin itong gawin sa mga simbahan natin. The lighting of candles is a symbol of our burning faith in God and our ardent love for our beloved dead.

At maaari parin tayong pumunta sa sementeryo, any day of November after November 4. Ang plenary indulgence of visiting cemeteries has been extended to the whole month of November. And any time during the month of November na tayo’y pumunta sa simbahan na magdasal para sa mga yumao at magdasal sa intention ng Santo Papa, ay nakakatanggap din tayo ng indulgence.

Ang hindi natin pagpunta sa sementeryo ngayong Undas ay nagpapalalim ng kahulugan at kaugalian natin sa Undas. Yan ay alaala sa ating mga yumao na patuloy tayong pinag-iisa bilang pamilya sa ating pagdarasal at pagsamba sa Diyos at sa ating hangarin na maging banal at magkita kita muli sa langit.

Kapag dinadala po yung mga patay sa simbahan pagkatapos na mamisahan at nabendisyunan, may isang ritwal po ng pagbebendisyon at pamamaalam sa mga patay. Ito’y gustong gusto ko ang dasal na ito. At ganito po ang nilalaman ng ganitong dasal:

“Paalam sayo kapatid na pumanaw, mapasapiling ka nawa ng Poong Maykapal. Ang pagpapala ng Diyos ay baunin mo, sa paraiso magkikitang muli tayo. Samahan ka ng mga santo, kahit na may nauuna, tayo rin ay magsasama upang lagi tayong lumigaya sa piling ng Diyos Ama. Amen.”
(Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer