Monday, 26 October 2020 13:26

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, apostolic administrator of Manila during the online Sunday Mass at the Our Lady of Penafrancia Parish on October 25, 2020, Prisoner Awareness Sunday, at 10 am.


Maraming beses sa mga Bible study na ginagawa ko, natanong ko ang mga umaattend, “Maaari bang utusan na mahalin ang isang tao? Mauutusan ba ang pag-ibig?” Almost all the time ang sagot ay, hindi.

Ang pag-ibig sabi nila, ay dumadating na lang. kapag tinamaan ka ng pana ni Cupid, magmamahal ka, hindi na ito mapipigilan.

Sa ganitong pananaw, ang nasa isip ng tao ay ang romantic love. Ito ay pag-ibig na nasa damdamin lang. At ang damdamin ay hindi mauutusan. Hindi ito maco-control pero ito ay hindi ang pag-ibig na siyang pinaka-sentro ng katuruan ni Jesus Christ.

Ang center ng ating pagka-Kristiyano ay ang pag-ibig. Ang pinakamahalagang kautusan ay magmahal. Kaya mauutusan tayong umibig kasi ang pagmamahal ay wala lang sa damdamin o sa feeling. Ito ay nasa kalooban, nasa will. Ito ay dine-desisyunan natin. Dine-desisyunan kong magmahal. Mas maaasahan at mas malalim ang ganitong pag-ibig. Love is forever if we decide it to be so. It is a commitment.

Ang kautusan ni Moses na matatagpuan natin sa Pentateuch o sa Torah, ang unang limang aklat ng Bibliya na siyang pinakamahalaga sa lumang tipan. Ito ang Bibliya ng mga Hudyo. Ito po ay naglalaman ng 613 laws. Napakaraming batas. Hindi ito magagampanan ng lahat kaya isa sa pinaka pinagdedesisyunan, pinagdidiskusyunan ng mga dalubhasa sa batas ng mga Hudyo ay, alin baa ng pinakamahalaga sa mga ito? Kung hindi naman masunod ang lahat ng 613 laws, at least sundin ang mahahalagang batas.


Sinubok si Hesus ng kilalang guro sa Israel, “Alin ba ang pinakamahalgang batas?” Walang pasubali at walang pagdududa ang sagot ni Hesus, “Mahalin mo ang Diyos ng hiti sa lahat.” Ito po ay galing sa aklat ng Deutoronomyo, chapter 6, na nire-recite ng mga Hudyo ilang beses araw araw. Ang tawag sa dasal na ito ay “Shema Israel.” Makinig ka Israel, iisa lang ang Diyos, si Yahweh, ang Panginoon. Mahalin mo siya ng buong puso, ng buong kaluluwa at ng buong pag-iisip. Ang ibig sabihin, mahalin mo siya ng buong pagkatao mo.

Isa lang ang tanong kay Hesus, ang pinakamahalagang utos. Hindi lang isa ang sagot ni Hesus kundi dalawa. Ibinigay niya ang pangalawang utos. Ang pangalawa ay tulad ng una, “Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng iyong sarili.” Galing naman ito sa aklat ng Levitico, chapter 19. Dalawa ang binigay ni Hesus kasi hindi makatatayo ang una ng wala ang pangalawa. Walang pag-ibig sa Diyos na walang pag-ibig sa kapwa.

Kung walang sukatan ang pag-ibig sa Diyos sapagkat siya’y iisa lang at mahalin natin siya ng buong pagkatao natin, mayroon naming sukatan ang pag-ibig sa kapwa. Ang sukatan ay ang pag-ibig sa sarili. Ang ibig sabihin nito kung ano ang ibig mong gawin sayo, gawin mo sa iba. Ano ang ayaw mong gawin sayo, huwag mong gawin sa iba. Ibig mong unawaiin ka, unawain mo ang iba. Gusto mong pakinggan ka, pakinggan mo ang iba. Gusto mong igalang ka, igalang moa ng iba. Ayaw mong dayain ka, huwag mong dayain ang iba. Ayaw mong murahin ka, huwag mong murahin ang iba. Ayaw mong lamangan ka, huwag kang manglamang sa iba. Simple lang hindi ba?

Paano ba natin mamahalin ang Diyos ng higit sa lahat? Unahin natin siya sa ating panahon. Paano mong masasabi na mahal mo siya ng higit sa lahat kung sa halip na magdasal, inuuna mo pa ang TV. Sa halip na magsimba, inuuna mo pa ang trabaho. Minamahal din natin ang Diyos ng higit sa lahat kung ang ating material resources, ang Diyos ang inuuna natin. May mga budget tayo para sa bahay, para sa kuryente at para sa iba pang mga bilihin.  Pero wala naman tayong budget para sa Diyos. Wala tayong inilaan o isinasantabi para sa Kanya. Kung may kontribusyon para sa simbahan, kung anon a lang ang mabunot, yan ang ibinibigay. Hirap nga ang mgataong magbigay ng tithing, ang hirap naman magbigay ng ikapo. Isa lang sa sampu ang maiibibigay natin. Ang siyam naman ay naiiwan sa atin. Akala ko ba mahal mo ang Diyos ng higit sa lahat?

Isa pang paraan ng pagmamahal sa Diyos ay ang pagmamahal sa kapwa. Kaya hindi hiniwalay ni Hesus ang pag-ibig sa Diyos sa pag-ibig sa kapwa.

St. John tells us in his first letter, “In this is love, not that we have love God but that He loved us and sent His son as expiation for our sins. Beloved, if God so loved us, we also must love one another. No one has ever seen God. Yet, if we love one another, God remains in us and His love is brought to perfection in us.”

Kapag pag-ibig ang pinag-uusapan, ang unang dapat i-consider ay ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Mahal tayo ng Diyos. Totoo ba, mahal ba tayo ng Diyos? Paano natin alam na mahal Niya tayo? Ang madalas na sagot na binibigay sa akin ay, sapagkat buhay pa tayo, sapagkat malusog tayo wala tayong sakit. Kapag namatay na tayo, hindi tayo mahal ng Diyos? Kapag nagkasakit na tayo, hindi tayo mahal ng Diyos? Hindi. Ano man ang kalagayan natin mahal tayo ng Diyos at ang tanda, ibinigay niya si Hesus sa atin. Ganun tayo kamahal ng Diyos na ang the best niya, ang kanyang kaisa isang anak ay ibinigay niya sa atin. Dahil sa ganun ako kamahal, dapat kong mahalin ang aking kapwa.

Hindi natin nakikita ang Diyos, paano natin siya mamahalin? Nakikita natin ang ating kapwa at kasama natin ang ating kapwa, kaya sa pagmamahal natin sa kanila nagiging ganap ang pag-ibig natin sa Diyos. Nagiging konkreto ang pag-ibig natin sa Diyos.

Sino naman ang kapwang mamahalin natin? Sabi ni Jesus, “If you love those who love you, what recompense will you have? Do not tax collector do the same? If you greet your brothers only, what is a unusal about that? Do not the pagans do the same? Love is not a close circuit affair. I love those who love me and are good to me and in turn they love me back.”

Kaya ang kapwa na ating unang mamahalin ay iyung mga mahihina. Yung mga hindi pinapansin. Yung mga isinasang tabi, pinagsasamantalahan. Kaya nga sa ating First Reading na galing sa aklat ng Exodo, wina-warningan tayo na huwag natin pagsamantalahan ang mga vulnerablepeople na noong panahon ay ang mga dayuhan dahil sa wala silang kakampi. Ang mga balong babae wala nang asawa na katuwang, mga ulila, mga bata na wala nang magulang na magproprotekta sa kanila at ang mga mahihirap. Walang wala na sila sa buhay.

Sa ating panahon ngayon pwede nating palawakin itong mga vulnerable people. Nandiyan yung mga matatanda na hindi na tinatanggap ng kanilang mga pamilya. Nandiyan yung mga bilanggo, nandiyan yung mga may kapansanan. Nandiyan yung mga HIV-AIDS victims. Sila po yung mga bago nang vulnerable ngayon. Huwag natin silang apihin at pagsamantalahan.

Dalawang beses narinig sa maiksing pagbasa natin na kapag sila ay tmatawag sa Diyos at dahil sa wala naman silang kasama, kakampi, sa Diyos lamang sila tumatawag, pakikinggan sila ng Diyos sapagkat ang Diyos ay mahabagin.

May isang mahalagang bagay na  dapat pansinin sa narinig natin na galing sa aklat ng Exodo – yung pagpautang ng may tubo.

Ngayong panahon ng pandemic, maraming tao ay nawalan ng hanap buhay. One way to cope is to borrow. Kung ang kapwa ay nanghihiram dahil sa kahirapan, wala ng pagkain, may sakit. Hindi tama na magkakainterest pa tayo sa kanyang kagipitan sa buhay na tayo ay kikita dahil sa siya’y naghihirap. Iba ang nanghihiram para magtayo ng negosyo. Okay lang na makibahagi tayo sa kita ng ating pera na ginagamit niya pero huwag nating pagkakakitaan ang kahirapan ng iba.

Ito ay totoo rin sa mga bansa. Kaya nananawagan ang Santo Papa at maraming mga world leaders na magkaroon ng debt cancellation. Tanggalin na ang mga utang ng mga mahihirap na bansa upang matugunan nila ang basic needs ng kanilang mga tao, mga gamut, mga pagkain kaysa magbayad ng interest o kaya ng utang sa mga malalaking bangko at mayayamang bansa.

Tulad ng sinabi kanina sa simula ng misa, ngayon ay Prison Awareness Sunday. Ang mga bilanggo ay mga kapwa din natin na naisasangtabi na sila ay vulnerable kasi sila ay nakakulong at sila ay dapat din nating pansinin at mahalin. Kaya nandito sa atin yung mga pari na nagtratrabaho sa Prison Ministry sa ating RJ ministry natin. So, nandito yung mga madre, nandito yung mga BJMP, nandito yung ibang mga volunteers sa iba’t ibang mga jails natin upang  mabigyan ng tunay na rehabilitation ang ating mga bilanggo. Kasi kawawa ang kalagayan ng mga nasa bilangguan nating mga kapatid. Yan ay aabot sa hindreds of thousands.

Nakakalungkot at nakakagalit ang kalagayan ng ating mga jails. Inhuman ang kanilang kalagayan. Siksikan, madumi, walang basic services, pinagsasamantalahan at kung minsan inaabuso pa. Dapat yun ay mga rehabilitation facilities ngunit people there are not rehabilitated at all. There is very little program for rehabilitation. At sila po’y nangangailangan ng tulong. They appreciate very much kahit na sabon lang o toothpaste na inaabot sa kanila.

At si Hesus mismo pinahalagahan ang mga nasa piitan na sinabi niya, “Ako’y nasa bilangguan, dinalaw nyo ako. Halina sa kaharian na inihanda sa inyo. Ako’y nasa piitan, hindi nyo dinalaw, punta kayo sa impiyerno.”  Kaya ang prison ministry ay malaking bahagi ng gawain po ng ating simabahan sa ating pagsunod kay Hesus.

Sabi ng iba, hayaan na ang mga bilanggo, masasamang tao yan. Dapat naman na sila’y parusahan. Mga kapatid, hindi po totoo na ang mga nandoon ay masasamang tao. Marami na nasa jails natin ay hindi naman dapat naroon. Sila’y biktima ng injustice. Marami sa kanila ay maliliit na tao na napagbintangan.

At ito’y totoo, lalung lalo na sa mga political prisoners. And there are hundreds of political prisoners. They are there because of their political beliefs and they are victims of injustice done by law officers who plant evidences and make cases against them.

Senator de Lima is a clear example of this. She is in detention for four years already without any conviction. Justice delayed is justice deied. At yan ay totoo hindi lang kay Senator de Lima, napakaraming mga nasa bilangguan na dapat ay wala na doon. Ang bagal ng takbo ng ating justice system kaya kumpulan sila sa mga bilangguan natin. Sana po alamin natin ang kanilang kalagayan at panindigan sila.

Love is not just a romantic feeling. It is not just about feeling good. It is a commitment for the good. And there are so many who are uncomfortable on the Christian message of love of God and love of neighbor. This is why even today, Christianity is the most persecuted religion.

Bakit naman uusigin, sisirain ang mga simbahan? Ikukulong ang mga tao na naniniwala at nagsisikap na isabuhay ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa. Tulad ng ginagawa nila sa China ngayon. Bakit? Dahil sa kung talagang mahal natin ang Diyos ng higit sa lahat, uunahin natin siya at ang kanyang mga utos. Ayaw yan ng mga regimes, mga systems at mga tao who claimed that they are the greatest.

Bakit? Dahil sa kung mahal natin ang ating kapwa, lalo na ang mga pinagsasamantalahan, malalantad ang pang-aabuso na ginawa nila at ayaw yan ng mga nang-aabuso.

Every Holy Mass is a celebration of love, how God love us so much in Christ Jesus. He gives Himself to us that we may live. At sinabi ni Hesus sa bagong tipan, “Magmahalan kayo tulad ng pagmamahal ko sa inyo. Ang sukatan ng pag-ibig ngayon ay hindi na pag-ibig natin sa ating sarili. Ngunit ang pag-ibig ni Hesus sa atin. At paano siya nagmahal? Ibinigay niya ang sarili niya sa atin. Kaya nakikinabang tayo dahil sa Siya’y nagbigay ng sarili niya.

The fruit of this celebration is the deep consciousness that we are loved. Dahil sa ganoon tayo kamahal ng Diyos, mahalin natin ang bawat isa. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer