Monday, 19 October 2020 07:07

Homily delivered by Most Rev. Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass at the Sta. Cruz Parish on October 18, 2020, World Mission Sunday, at 10 am.


Ngayon nga po ay Mission Sunday kaya hingin natin ang tulong ng Nuestra Senora del Pilar sa pagkakalat ng mabuting balita sa buong mundo.

Ang atin pong paksa ngayong Mission Sunday ay, “Here I am Lord, Send Me.” Dito po’y pinapakita natin kasama ni propeta Isaias ang ating kahandaan, an gating availability. Hindi man tayo makapunta sa mga mission territories, pero lahat sana tayo maging available sa paglilingkod sa Diyos.

At ngayon po ay gamitin na natin ang availability na ito sa ating pakikinig sa Salita ng Diyos. Tanggapin natin ang Kanyang salita sa atin ngayong araw 

Kailangan bang magbayad ng buwis? Kapag buwis ang pinag-uusapan, umiinit ang dugo ng marami. Masakit obligahin para magbigay ng pera, para maglabas ng pera. Mas masakit pa kung hindi ginagamit ang buwis sa makatarungang paraan. Ang buwis ay galing sa taong bayan, pinagpaguran yan ng tao upang itoý magamit sa pagserbisyo sa bayan.

Pero kung ito ay hindi nagagamit ng maayos, tulad ng pagsasayang lang nito sa mga projects na wala naming kabuluhan tulad ng paglalagay ng puting buhangin sa beach na hindi naman napapakinabangan. O kung ang buwis ng tao ay pumupunta lang sa korapsiyon tulad ng pork barrel ng mga politico, mas lalung kumukulo ang dugo ng marami.

Pero hindi lang isang uri ang buwis. At the time of Jesus, there were several kinds of taxes. There was the temple tax that people paid for the maintenance of the temple, the priest and the levites. Then, most probably, there were the taxes on goods and business. Ito siguro yung kinikoleta ni Mateo at Zaccheus.

 

In our gospel reading, the issue is on the census tax. Kapag nabibilang ka sa census, ikaw ay magbibigay ng tax. Ang census ay ang pagbibilang kung ilan ang nasasakupan ng isang kaharian. Kaya sa pagbibigay ng census tax, pinapakilala mo na ikaw ay sa ilalim ng mga Romano. The Romans at the time of Jesus was an occupying force. People do not want to be under occupation. They want to be governed by their own leaders and not by foreigners. Kaya malaking issue sa mga Hudyo ang pagbabayad ng census tax.

Ang tanong kay Hesus ay, “Is it lawful to pay the census tax to Caesar or not?” Lawful to whom? Surely, not to the Romans. Para sa mga Romana ang lahat ay dapat magbigay ng buwis kay Caesar, ang pangulo ng Roman empire. The question of lawfulness refers to the laws of the Jews. This question was a trap and Jesus knew this.

Kung sasagot si Hesus na ok lang ayon sa batas ng mga Hudyo na magbayad ng buwis sa mga Romano, maaakusahan si Hesus na makadayuhan, na hindi siya makabayan. Pero kung sasagot si Hesus na hindi nararapat na magbayad ng buwis sa mga Romano, kakasuhan siya ng rebelde sa mga Romano. It would be a political crime.

Bago siya sumagot, nagrequest siya ng Roman coin na ginagamit sa pagbayad ng census tax. At agad binigyan naman siya ng mga nagtatanong sa kanya. Ibig sabihin, ginagamit nila ang pera ng mga Romano na doon nakaukit ang larawan ng Caesar. Nakikinabang sila sa serbisyo ng mga Romano kaya ang sagot ni Hesus, “Gumagamit kayo ng mga bagay na mga Romano, dapat kayong magbigay sa mga Romano. Pera nila ang inyong ginagamit.” In a way, the answer of Jesus legitimizes support to civil authorities because they use the services of the said civil authorities. 

Kung ganun kayo sa civil authorities, mas lalong ganun dapat kayo sa Diyos. Nakikinabang kayo sa mga bagay na galing sa Diyos at ang lahat ng bagay ay galing sa Diyos. Mas lalo tayong magbigay ng nararapat sa Kanya.

Dahil sa ang Diyos ay Diyos ng lahat ng bagay at lahat ng tao, kumikilos ang Diyos sa kasaysayan sa pamamagitan ng mga tao at mga hari kahit hindi nila siya kilala. Ito ang sinabi sa atin sa Unang Pagbasa, si Siro ay hari ng mga Persians, hindi siya Hudyo at malamang hindi niya kilala si Yahweh. Ngunit siya ay ginamit ni Yahweh upang ang mga Hudyo ay makabalik sa kanilang lupain. Tinalo ni Siro ang mga Babylonians na bumihag sa mga Hudyo. Pinayagan niya ang mga bansa na pinatapon ng mga Babylonians na bumalik sa kanilang pinanggalingan. Nakita ng mga Hudyo na si Siro ay tinalaga ng Diyos, ginamit ng Diyos, ni Yahweh upang sila ay makalaya.

Ganun din hanggang ngayon, ang Diyos ang nagpapatakbo ng kasaysayan at ginagamit niya ang mga tao at mga pangyayari upang matupad ang Kanyang plano. Kahit na ang mga taong ito ay hindi kumukilala sa Kanya. Pero kapag sila ay sumobra naman, mananagot sila sa Diyos because God is Lord of all.

Maraming mga tao ay may maling pag-unawa sa katuruan ni Hesus. “Give to Caesar what beongs to Caesar and to God what belongs to God.” They see this as a verse to support the separation of Church and state. They view Caesar and God as co-equal independent powers. Wrong. Mali. Caesar and God are not co-equal powers. God is creator and He is the source of all even emperor Caesar is under Him. Caesar also belongs to God. At ayon sa utos ng Diyos, dapat mahalin ang Diyos ng higit sa lahat. Siya ang nauuna sa lahat. Mas nauuna pa siya kay Caesar. Pati ang paglilingkod natin sa gobyerno o sa civil authority ay napapasailalim sa ating paglilingkod sa Diyos. Pinapayagan ni Hesus na ibigay natin ang paggalang at pagkilala na naaayon nsa isang may kapangyarihan sapagkat lahat naman ng kapangyarihan ng authority ay galing sa Diyos.

Pero kung ang authority na ito ay hindi na sumusunod at taliwas sa paraan ng Diyos, we must obey God rather than man. Ito ay tandaan ng mga naglilingkod sa pamahalaan kasama na ng mga kapulisan at ng mga nasa military. Ang unang loyalty nila ay sa Diyos hindi sa sino mang political or military leader. Kapag ang ginagawa o pinapagawa sa kanila ay labag na sa batas ng Diyos, ang dapat nilang pagsilbihan at katakutab ay ang Diyos. Huwag dapat nilang itaya ang kanilang kaluluwa sa sino mang leader na tao lamang na namamatay, na lilipas. Lilipas ang mga leaders na ito. Ang Diyos lang ang mananatili at lahat tayo ay sa Kanya mananagot.

The separation of Church and state ay wala sa Bible. Ito ay nasa Philippine Constitution upang bawalan at pigilan ang pamahalaan na makialam sa gawain ng religion. The mother provision is found in article 2, section 6 of the Constitution which states, “The separation of Church and State shall be inviolable,” ibig sabihin hindi maaaring i-violate.

This principle is given in a specific provisions in the present constitution:

1) The government is prohibited from establishing its own religion. (Article 3, Section 5)

2) The government is prohibited from preventing the free exercise of any religion. (Same article same section)

3) The government is prohibited from giving or showing any preference to or discrimination against any religion. (Section 5, Article 3)

4) The government is prohibited from using any religious test for the exercise of any civil or political rights. (Article 3, Section 5)

5) Churches, convents, mosques and all the lands, buildings and procurements that are actually directly and exclusively used for religious purposes are exempt from taxes. (Article 6, Section 28)

6) The government is prohibited from appropriating and using any public money or property for the direct or indirect use, benefit or support of any religion, church, priest, pastor or imam. (Article 6, Section 29)

7) The government is prohibited from registering as political party any religious denominations or sects. (Article 9, Section 2)

And lastly,

8) The government is prohibited from teaching religion as mandatory in public schools. Classes in religion shall only be allowed to be taught in public schools if the parents give their consent in writing. (Article 14, Section 3)

As you see, all of the prohibitions are directed to the government. Huwag tayong maniwala sa manipulasyon na hinagamit sa atin na kapag nagsasaita na ang simbahan laban sa katiwalian at pang-aabuso ng kapangyarihan, sinasabihan na manahimik tayo dahil sa separation of Church and state. Mali. Hindi tayo pinagbabawalan na magsalita. May karapatan at may tungkulin nga tayong magsalita bilang mabubuting Kristiyano, bilang mabubuting mamamayan. Hindi tayo mapapatahimik dahil sa ang tungkulin ng simbahan ay maghayag at kumilos para sa katotohanan, sa katarungan, sa kapayapaan at sa pag-ibig.

Kapag may pang-aapi, dapat magsalita ang Kristiyano. Kung hindi siya magsasalita, kinakampihan na niya ang nang-aapi, pinapayagan na niya ang oppression. Kung alam mong ang isang bagay ay isang kasinungalingan, at wala kang sinasabi, hinahayaan mo nang kumalat ang kasinungalingan. There is no neutral ground in front of injustice, oppression and lies.

Sa Banal na Misang ito, habang pinagdadasal natin ang mga misyonero, ipagdasal din natin na maging tapat tayo sa ating misyon sa buhay. Nawa, maging tapat ang mga namamahala sa tungkulin nila sapagkat pinagsweswelduhan sila ng buwis na galing sa tao.

Nawa’y maging tapat din tayong mga mamamayan na bantayan ang pinagsweswelduhan natin, ang binabayaran natin. Sila ang dapat sumunod sa atin sapagkat ating pera, ating buwis ang ginagamit nila.

Mahalaga ang paalaalang ito na ngayon ay pinag-uusapan sa kongreso - ang budget ng bansa. Yan po, pera natin ang pinag-uusapan nila.

Ang summary ng mga pagbasa ngayong Linggo ay sinabi ng ating Responsorial Psalm, “Give the Lord glory and honor.” Siya ang pagpugayan at paglingkura. Give to God what belongs to God and all things, everything belongs to God and is subject to Him. To Him be glory and honor forever and ever, amen. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

 

 

 

 

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer