Monday, 05 October 2020 10:02

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, apostolic administrator of Manila during the online Sunday Mass at the Santisimo Rosario Parish in Espana, Manila on October 4, 2020, Feast of St. Francis of Assisi 10 am.


Ang Bibliya ay gumagamit ng maraming larawan para sa bayan ng Diyos. Kung minsan ito ay inilalarawan na kawan ng Diyos. Kung minsan naman isang building. Minsan naman isang lungsod o isang asawa.

Ngayong Linggo sa mga pagbasa natin, ang bayan ay inilalarawan bilang isang ubasan. Sa unang pagabsa at sa ebanghelyo, ang bayan ay mahal ng Diyos. Pinakita niya ito sap ag-aalaga na ginawa ng may-ari sa kanyang ubasan. Tinanggalan niya ng mga bato ang lupang tatamnan, naglagay ng pader para hindi pasukin ng mga hayop, naghukay pa ng pisaan ng ubas para sa inaasahang ani, nagtayo pa ng bantayang tore. Ang itinanim niya ay mga piling ubas, mga espesyal na similya ng ubas. Malaki ang kanyang inaasahan sa kanyang ubasan.

Pero sa dalawang pagbasa, nabigo ang may-ari. Sa kwento ni propeta Isaias, ang ubasan mismo ang may kasalanan. Ang naging bunga ay naging maasim na ubas. Sa kwento naman ni Mateo, ang problema ay wala sa ubasan kundi sa tagapag-alaga.ayaw ibigay ang parte ng may-ari. They abused those whom the master, the owner sent. Some thy stoned, others they beat, and some others they killed including his son. Not only did they not give the share of the owner, they even wanted to get the vineyard and make it their own.

Sa dalawang pagbasa, dumating ang parusa. Hindi naman pabaya ang Diyos sa kasamaan. Sisirain at papabayan ang ubasan sa unang pagbasa. Lilipulin at papalitan ang tagapag-alaga sa ebanghelyo. Accountability will come. God is just. God does not take evil sitting down.

Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila | Photo by Earl Alpay/SOCOM-Our Lady of Loreto Parish

 
Para kanino nakatuon ang talinhagang ito? Sa kapwa pagbasa, ang may-ari ay ang Diyos. Ang ubasan na kanyang pinundar at inalagaan ay maaari ang bawat isa sa atin o maaari rin ang simbahan o maaari rin ang bayan. Kaya sinabi natin sa ating salmong tugunan, “The vineyard of the Lord is the house of Israel.” Ang bayan ng Diyos noon ay ang baying Israel. Sa atin ngayon, maaari ring ito ay an gating bansang Pilipinas.

Kung titignan ang ating bansang Pilipinas, ito ay talagang sinisinta ng Diyos. Mahal ng Diyos ito. Mayaman an gating karagatan. Mataba ang lupa sa ating bansa. In fact, we are exceedingly rich in biodiversity in our seas and in our plants and animals. Maganda an gating klima maliban sa ilang bagyo na dumadating. Sagana naman sa tubig. The Filipinos are talented people. Madiskarte tayo and we are resilient, too as a people. Our culture is rich and varied. By our history, we become the meeting point of both the east and the west. Malalim din ang ating spiritual wealth. The spirituality and religiosity of people is palpable and because of this, we are resilient in the midst of crisis. At pinapakita natin ito sa ating debosyon sa ating Mahal na Ina, sa ating debosyon sa Banal na Santo Rosaryo na dinarasal ng maraming mga pamilya. Mahalaga ang ating mga  pamilya at isa yan sa yaman ng ating bansa. Kaya dapat nating pangalagaan ang yaman na ito at huwag hayaang masira ang ating pamilya tulad ng mga nangyayari sa maunlad kuno na mga bansa.

Bata pa ang ating populasyon sa ating bansa. Ang average age ng mga Filipino ay twenty three years old. May kinabukasan tayong inaantay. Hindi tulad ng mga bansang matanda na kanilang mga tao, palaos na sila.

Talagang dapat nating pahalagahan at ipasalamat sa Diyos an gating baying Pilipinas. Pinagpala tayo. Inalagaan tayo at inaalagaantayo ng Diyos. Pero, ito ang mabigat na pero. Bakit ganito an gating kalagayan ngayon? Matindi ang kahirapan ng marami.

Noong ako ay bata pa, pinaniwala ako at naniwala naman ako na walang gutom sa Pilipinas. Hindi na natin ito masasabi ngayon. Ayon sa latest survey, mga thirty million na mga Pilipino ay nakararanas ng kagutuman sa nakalipas na tatlong buwan.

Bakit naman ang karahasan na nangyayari sa bansa? Bakit maraming Pilipino ang kailangang mangibang bansa para magkaroon ng disenteng buhay? Bakit sa ating kasaysayan nagpapaapi at nagpapauto tayo sa iba? Noon sa mga dayuhan at ngayon sa ating kababayan.

Bakit may mga Pilipino na nang-aapi sa kanyang kapwang Pilipino? Mga alagad ng batas na hindi sumusunod sa batas, mga mambabatas na ang interest ay para sa kanilang sarili lamang at kanilang pamilya at hindi para sa bayan. Ito ba ay dahil sa ating pagka-Pilipino? – Pasaway? Matigas ang ulo? Tamad? Duwag?

Maaaring may mga Pilipino na ganyan. But I refused to believe that we are such as a people, that this misery that we are experiencing now is due to our nature as Filipinos. Our heroes belied this. Even now we have heroes who sacrificed themselves. We have intelligent and caring Filipinos. We have many who refused to be coward by powerful institutions, organizations and personalities, people who fight back.

In the gospel, the parable of Jesus was aimed not at the people but at the leaders of the people – sa mga saserdote at mga matatanda ng bayan. Sila ang pinagkatiwalaan ng may-ari ng kanyang ubasan. Pero hindi sila tapat na mapagkakatiwalaan. Ayaw nilang ibigay ang nararapat sa may-ari. Ibig nilang angkinin ang ubasan. God did not reject the vineyard unlike in the first reading, he rejected the leaders in the gospel.

Yes, we are like this largely due to our leaders. They do not exercise the stewardship that is theirs. First, they do not give to God what is his due. We have always to be reminded that God is the owner. He is the source of all, he is the creator we are creatures. So, we have to follow Him. Nagpapagabay ba tayo sa Diyos? Sinusunod ba natin ang kanyang batas?

Sabi ng Diyos na huwag kang papatay, bakit patuloy ang extra-judicial killings and even in the midst of the pandemic? Extra-judicial killings of suspected drug addicts and peace and human advocates continue.

Bakit sinusulong ang death penalty? Ang gobyerno baa ng nagbigay ng buhay naibibigay sa kanya ang karapatang kumitil nito?

Sinabi ng Diyos, what God join together, people should not separate. Bakit sinusulong ang divorce? Even painting the picture that those countries not divorced laws are progressives.

Sinabi ng Diyos na huwag magsinungaling. Patuloy pa rin ang fakenews at pinapalaganap pa. nandiyan yung mga trolls at nandiyan yun red tagging.

We do not give what is due to God which is obedience to His law. We enjoy the resources of the country but we do not give the proper worship and obedience due to the source of this wealth.

Not only that, but there are leaders who want town what is not heirs. This is glaringly shown in political dynasties. Inaangkin na ng ilang pamilya ang posisiyon kasi sila ay nasa posisyon. Nawawala na ang kanilang pananaw na sila’y katiwala lang. So, by hook and by crook, their families cling to their position even up to the point of buying people out and even of maligning and killing them. Almost 70 percent of the congress people belong to political dynasties.

This is why the constitutional mandate to do away with political dynasties is never acted upon by congress. And this is also the reason why even up to now, people in the House are fighting for leadership positions instead of serving the people.

Tulad sila ng mga katiwala na pinatay ang anak para maging kanila ang ubasan. Sa kanilang ginagawa, kasama sila sa pagpapapatay sa anak ng Diyos tulad ng mga leaders ng mga Hudyo.

The ending of the parable is a dire warning. Lilipulin niya ang mga buhong na yun at papaalagaan ang ubasan sa ibang kasama na magbibigay sa kanya ng kaparte sa panahon ng pamimitas.

There will be an end to abusive leaders. History show us that no abusive leaders survive. So, also those who support the abusive leaders, they also will not last.

Ibigay po natin ang inaasahan ng Diyos. At ano po ang kanyang inaasahan? Sa ating pagbasa, ang inaasahan niya ay bunga ng katarungan at kabutihan. Binibiyayayan niya tayo kasi naghahanap siya ng bunga ng kabutihan at katarungan.

Jesus said, “I choose you and appointed you to go and bear fruit, fruit that will last. And also, by this is my Father glorified that you bear much fruit.”

My dear people and my dear leaders of the people, we are so much blessed as a country and as a nation, let us bear fruits that glorify God. Fruits that remain, not projects that are washed away by the waves and sands of time. The fruits that remain are justice and goodness. Ialay ang ganitong mga bunga sa Diyos. Ito ang kanyang hinahanap. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer