Print this page
Monday, 20 July 2020 13:53

Homily delivered by Most Rev. Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during online Sunday Mass on July 19, 2020, at 10 a.m.


Ang madalas na impresyon ng mga tao ay malakas at marami ang masasama at kakaunti lang ang mabubuti. Napapatibay ang imresyon na ito dahil din sa mga balita. Kapag nagbukas tayo ng radyo, ng TV o ng newspapers, ang mga headlines ng mga balita ay tungkol sa kasamaan. May pinatay, may scam na nangyari, may barilan at marami pang iba. Pati na nga sa kalikasan, ang nababalita ay bagyo, landslides, tag-tuyo o baha. Hindi naman nababalita ang magagandang isda sa karagatan, ang mga bulaklak sa parang o ang mga prutas na masasarap.

Ang sabi ko nga, yan ay impresyon kasi sa totoo lang marami ring kabutihan ang nasa mundo at nasa tao. Pinasasalamat natin ang mga ito tuwing tayo ay nagsisimba kaya nga ang tawag natin sa ating pagdiriwang ay Eukaristiya na ang ibig sabihin ay pasasalamat. Kaya kapag naiimbitihan na magsimba tayo, ang talagang sinasabi natin ay pagpasalamat tayo.


Pero kahit na totoo pa na kakaunti lang ang mgabubuti, hindi dapat yan dahilan upang mag-give up na tayo. In fact, good things start small. We all start as tiny babies and the big Mango tree started as a small seed, the size of our palm.

The Jesuit Society started from one man, St. Ignatius of Loyola. Christianity started with Jesus and His twelve disciples. This is why Jesus compares the kingdom of God which is the work of salvation that is meant for all to small things – yeast, seed, salt, light. These are small but they have big effects.

Ang kaunting lebadura ay nakakapaalsa ng ilang takal na harina. Ang maliit na binhi ay nagiging mayabong na tanim na pinipugaran ng mga ibon. Ang ilang butil na asin ay nagbibigay ng lasa sa buong ulam. Pero ang mga ito, para magkaroon ng epekto ay kailangang sumisiksik at mawala. Ang ilaw ay dapat nasa gitna ng dilim at hindi nakatago. Sa pagbibigay ng ilaw, ang kandila, ito ay nauubos. Ang asin ay dapat matunaw upang makapagbigay ng lasa. Ang binhi ay dapat mabulok sa lupa upang maging malaking puno. Ang lebadura ay manoot sa harina para makapang alsa.

Ganun din ang kabutihan at ang mga taong pinaghaharian ng Diyos. Kahit na kakaunti lang sila, magkakaroon sila, magkakaroon tayo ng effect kung tayo ay nakasiksik sa takbo ng kasaysayan at kumikilos ayon sa makakayanan natin – magsalita kaya, magpost sa Facebook, manghikayat ng iba, mag-ingay sa kalye tulad ng noise barrage natin o magsindi ng kandila. Maliliit na bagay ngunit may malaking effect. Ang importante ay hindi tayo tatabi-tabi lang at hayaan natin na dumaloy ang kasaysayan ng bayan na hindi tayo nababasa kasi hindi tayo nakikialam, kasi hindi tayo nakikiisa.

Pero bakit ba hinahayaan ng Diyos ang masasama sa mundo o sa bayan o sa simbahan man kaya? Tulad ba tayo ng mga alipin sa ebanghelyo na nagtatanong, “Hindi po ba mabuting binhi ang inihasik ninyo sa inyong bukid? Bakit po may mga damo ngayon? Hindi ba mabuti ang Diyos? Bakit mayroong masasama sa mundo?”

First, let us not suppose that these evil people come from God. The Book of Wisdom tells us, “For God warned us to be imperishable. The image of His own nature He made us but by the envy of the devil, death entered the world and they who are feel allied with Him experienced Him. Ito ay galing sa kaaway. Ang kasamaan ay galing sa masasasma.

Secondly, when the slave suggested to pull out the weeds, He did not allow them. Hayaan ninyong sabay sabay silang lumaki. Kaya sa mundo, at kahit na simbahan, sama sama ang mabuti at ang masama. Pero darating din ang paghihiwalay. Hindi pa nga ngayon pero dadating din yan. Hindi pabaya ang Diyos, may parusang dadating sa mga damo, sa mga masasama at may gantimpala sa mga nabibilang sa pinghaharian ng Diyos. Sigurado yan kaya yung gumagawa ng masama, yung makasarili, yung mga traydor sa bayan, mag-isip isip habang may panahon pa.

St. Peter wrote, “The Lord does not delay His promise as some regard delay but He is patient with you. That we shame that any should perish but all should come to repentance. Therefore, consider the patience of our Lord as salvation.”

Mapagpasensiya ang Diyos pero masyado naman yatang mapagpasensiya ang Diyos. Maaaring magreklamo tayo, hindi ba niya nakikita na bugbog na kami sa coronavirus? Patuloy na tumataas ang mga na-i-infect at namamatay. Puno na ang mga ospital namin, hindi ba niya nakikita na bugbog na kami sa kawalang trabaho kaya marami na ang nagugutom at mga bata na hindi na makapag-aaral? Hindi ba nakikita ng Diyos na bugbog na rin kami sa mga manhid na mga kongresista na ang priority ay patayin ang ABS CBN at dagdagan pa ang unemployment na ang priority ay ipasa ang Terror Law para madaling hatulan na destabilizers at terorista ang mga magbabatikos sa kanilang kapalkapan?

Bakit ba masyadong mapagpasensiya ang Diyos? Gusto natin ng Diyos na mag-react agad at magalit. Gusto natin tauhan siya pero hindi siya matatauhan, hindi naman siya tao, siya’y Diyos na makapangyarihan sa lahat.

Our First Reading from the Book of Wisdom tells us, “O, God your might is the source of righteousness. Your mastery over all things makes you lenient to all. Though you are master of might, you judge with clemency. With much lenience, you govern us for power whenever you will…you.

Hindi natin ito nakikilala. Akala natin ang makapangyarihan ay yung madaling magalit, yung mabigat ang kamay, yung ayaw sa mga kumokontra sa kanya. Hindi yan ang kalakasan. Yan ay kahinaan. Yan ay insecurity. So, those who cannot take any opposition and any ideas contrary to their own, these are very insecure people. They are gasping in weakness so they silence or eliminate those who are against them. They make us believe that the critics are against the people when in fact these brave independent souls are just against their ineptitude.

So, they will call them terrorists, sooner or later and sooner or later, they will find an iota of law to pull them down to give their actions a semblance of legality, they weaponize the law. Ito ang pananaw na namamayani sa may kapangyarihan ngayon dito sa ating bayan.

Pero hindi ito ang pananaw at paraan ng Diyos. Para sa Diyos ang kapangyarihan ay naipapakita sa pag-uunawa at sa pagbibigay ng habag. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat kaya siya ay mahabagin sa lahat. Pinakita ni Hesus ang kanyang kapangyarihan sa kanyang pag-aalay ng sarili sa krus. In-absorb niya ang lahat ng puwersa ng kasamaan – ang pagsisinungaling, pagtratraydor, ang lakas, ang kasakiman ang kamatayan at hindi siya natumba. Tumayo ulit siya muling nabuhay. Wala nang magagawa ang kasamaan sa kanya. Wala na itong ilalaban pa sa kanya. Naghahanap ang mga tao ng kapangyarihan at ng karunungan.

Sinabi ni San Pablo, “Ang pinapahayag natin ay si Hesus na nasa krus. Ang kapangyarihan at ang karuningan ng Diyos para sa lahat na nasa landas na kaligtasan.”

Sa pagpapasensiya mo, O Diyos, itinuturo mo sa mga taong makatarungan na dapat din silang maging maawain. At binigyan mo naman ng pag-asa ang iyong bayan na pagkalooban sa kanila ang pagkakataong makapagsisi.

Nananawagan kami sa inyong mga nasa kapangyarihan, magsisi na kayo habang may pagkakataon pa. Dadating ang parusa hindi ninyo matatakasan ang Diyos. Sa mga pagsisinungaling, sa mga pagsasamantala, sa kasamaan na ginagawa nyo, dadating ang parusa. Maaaring hindi pa sisiklab ang galit ng Diyos pero maaaring sumiklab na ang galit ng taong bayan. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)