Homily | Most Rev. Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila | Feast of the Holy Family


Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass at the Holy Family Parish in Makati City on December 27, 2020, at 10 am.

Mga kapatid, nasa panahon pa tayo ng pasko. Hindi po tapos ang pasko dahil tapos na ang December 25.  Christmas is such a big event of our salvation that we cannot just celebrate it in one day. We are celebrating Christmas in eight days. So, we have the so-called Christmas octave from December 21 to January 1.  During these eight days, we are focusing our attention on the different aspects of the mystery of Christmas. Sa unang linggo, pagkaraan ng Christmas day, an gating atensiyon ay nakatuon sa pamilya ni Hesus. Kaya ngayon ay kapistahan ng Sagrada Familia, ng Holy Family.


Family is very important for each human life. Kakaiba ang tao kaysa mga hayop. Sa maraming hayop, ang mga maliliit ay maaari nang mabuhay ng mag-isa pagkaraan ng ilang araw o ng ilang linggo.  Hindi ganyan ang tao. Kailangan ng bata na siya ay alagaan ng ilang taon upang siya ay mag-survive at hindi lang upang siya ay mag-survive ng maayos. Both psychologically and physically, kailangan na siya ay alagaan ng lalaki at babae, ng kanyang nanay at ng kanyang tatay. Hindi natural sa tao na siya’y palakihin ng single parent o ng dalawang lalaki o dalawang babae lang.

Kaya noong ng Diyos ay naging tao, naging bahagi siya ng isang pamilya. Pinangalagaan siya ng isang babae at isang lalaki, ni Santa Maria at ni San Jose. God made sure that His son would be taken care of by a mother and a human father. So, we have the annunciation both to Mary and to Joseph by an angel about their mission towards the child.

Ang mga pamilya ay tinatawag na pugad ng buhay. Isinisilang ang maliliit sa pugad at dito sila inaalagaan at pinalalaki. Ang pamilya ay siyang pugad ng buhay ng tao. Sa pamilya siya isinisilang at sa pamilya din siya inaalagaan at pinalalaki.

Ganun din si Hesus kaya lumaki siya sa Nazareth, Galilea at sa ilalim ni Jose at ni Maria. Dito siya lumaki sa Kanyang pangangatawan, physically. Dito siya lumago sa Kanyang karunungan at dito siya naging kalugudlugod sa Diyos at sa Kanyang kapwa tao. Dito siya nagkaroon ng magagandang ugali. Jesus matured well as a person in His family in Nazareth.

Pero ang pamilya ay hindi lang natin kailangan kapag tayo ay bata pa. Ito’y kailangan natin kahit matanda na tayo. Ang pagmamahalan sa pamilya sustains us. The care and love given to each other in the family gives meaning and joy to our loves, young and old. Dito naaalagaan ang mga mahihina. Kapag tayo ay nagkakasakit, ang pamilya ang nag-aalaga sa atin hindi naman ang mga kabarkada o mga kainuman natin. Ang mga tao na may special needs o may kapansanan ay patuloy na sinusuportahan ng pamilya. Kapag tayo ay tumanda na, nandiyan pa rin ang pamilya na tumatanggap sa atin at umuunawa sa ating kahinaan.

Pero ang matatanda ay hindi lang inaalagaan. Sila din ay nagbibigay ng karunungan ay gabay sa iba. Ang karunungan na bunga ng kanilang karanasan sa buhay ay hindi mababasa sa anumang aklat. Ang mga ito ay naipapasa nila. They transmit this wisdom sa kanilang mga anak, sa kanilang mga pamangkin, sa kanilang mga apo. Really, we need one another in the family and each one including the elderly and the weak can contribute to the well-being of the family.

Sa ngayong panahon, kailangan natin pahalagahan ang mga matatanda. Dumadami at dumadami sila dahil sa advances in Science and in medicine. Mas humahaba pa ang buhay ng tao kaya dumadami ang mga matatanda. And the elderly, although they may now bring less material resources yet, they are repositories of wisdom and of faith. Hindi na material na bagay ang matatanggap nila, ang maibibigay nila. Mas mahalaga pa rin ay ang ipinapasa nila sa atin ay yuon nga ang pananampalataya at karunungan na nanggaling sa kanilang mahabang karanasan. Igalang natin sila at makinig tayo sa kanila. Mahalaga ang mga kuwento at mga aral nila sa atin.

Ang mga pagbasa natin ngayon ay tungkol sa matatanda. Si Abraham ay matanda na at nagreklamo siya sa Diyos noong pinangakuan siya ng Diyos ng gantimpala, ng mga lupa, ng mga biyaya. Sabi niya, “Ano naman ang halaga ng mga gantimpalang ito kung wala namang magmamana na ito mula sa akin?” Nasabi niya ito kasi matanda na siya at ang kanyang asawang si Sara at wala silang anak. Ngunit sabi ng Diyos na hindi ibang anak ang magmamana sa mga pangako ng Diyos sa kanya kundi ang anak niya mismo sa kanyang asawang si Sara.

We are told, Abraham put his faith in the Lord who credited to him as an act of righteousness. Nanalig si Abraham. Naging kalugud lugod siya sa Diyos sapagkat nagtiwala siya sa Salita ng Diyos. At iyan ang katangian ni Abraham na ipinamana sa atin. Ang kanyang pananampalataya

This is why Abraham is known as the Father of Faith. From him came the three great monotheistic religion in the world: Judaism, Christianity and Islam. Kaya sa ikalawang pagbasa natin, piniprisinta ang pananampalataya ni Abraham bilang halimbawa sa atin. Buo ang pananalig niya kahit na imposible sa mata ng mga tao. Nanalig siya hindi dahl posible ang sinabi sa kanya. Naniwala siya dahil malakas ang tiwala niya sa nangako sa kanya. Malakas ang tiwala niya sa Diyos. Kaya nagmula sa kanya na halos patay na dahil sa matanda na siya ang isang lahi na kasing dami ng mga bituin sa langit, na kasing dami ng buhangin sa dalampasigan. May pakinabang ang mga matatanda. At ang pakinabang na iyan ay dahil sa kanilang pananampalataya.

Ganun din sa ating ebanghelyo. Pinakita dito ang pamilya ni Maria at ni Jose ay isang relihiyosong pamilya. Sumusunod sila sa mga patakaran ng kanilang relihiyon. Kahit na mahirap lamang sila, pumunta sila sa temple upang magdala ng kanilang handog. Doon natagpuan nila ang dalawang matatanda – si Simeon at si Ana. Ang dalwang matatandang ito ay puno ng pag-asa sa katuparan ng pangako ng Diyos na magpapapdala siya ng Kristo, ng Mesiyas upang iligtas ang kanyang bayan. Nakita nila sa sanggol na dala dala ni Maria at ni Jose ang katuparan ng pangakong ito at tuwang tuwa sila. Ganun na lang kasaya si Simeon na sinabi niya sa Diyos na handa na siyang mamatay dahil nakita na niya ang manliligtas. Tuwang tuwa naman si Ana na hindi siya makatigil sa pagsasalita tungkol sa batang ito sa mga tao na nandoon. Ginamit ng Diyos ang dalawang matatanda upang ipaabot sa lahat ang pagdating ng manliligtas kahit na baby pa lang ito. Siguro ang pahayag ni Simeon at ni Ana ay lalong nagpalakas ng loob ni Maria at ni Jose. Faith in gender’s faith. Siguradong ang sinabi ni Simeon kay Maria ay naghanda sa kanya sa mga panahon na nasaktan ang puso niya dahil sa nangyari kay Hesus lalung lalo na nung pagkapako nito sa krus.

So, as we speak today of the Holy Family and thus focus our attention to our families, let us pay attention to the elderly members of our families. They have important roles to play even when if they are weakened by age. Let us not put them aside. Iyan ang problema sa ating kultura ngayon na nagpapahalaga sa efficiency and productivity. And when it speaks of productivity it often means material productivity.

In this kind of culture, many times the elderly are by passed and set aside. Hindi na sila nakakaproduce. At iyan din ang nararamdaman ng maraming matatanda kaya tumatahimik na lang sila sa isang tabi. Ayaw na nilang makaistorbo pa. Ayaw nilang maging pabigat pa. Kaya yung treasure na nasa kanila ay hindi nababahagi. Ang mahahalagang payo at pangangalaga ay hindi na nila nagagawa at nasasabi sa iba. Ang kanilang pagkalinga ay hindi na rin nila naibibigay, sayang. Lilipas na lang ang mga ito kasama nila.

Ang isang treasure nga na meron ang matatanda ay ang treasure ng kanilang pananampalataya. Kahit na iba ang expression ng kanilang faith, siguro yan ay mga nobena, mga rosary na kanilang dinadasal, malalim ang kanilang pananampalataya kasi ito ay sinubok na ng buhay.  Sana maging tulad sila ni Simeon na ibinahagi sa batang mag-asawa ang kanyang pag-asa at kaalaman tungkol sa mangyayari sa bata. Kaalaman na bigay sa kanya ng Espiritu Santo. Pati na ang mga matatanda ay ginagamit pa rin ng Diyos. Matanda na si Abraham nung tinawag siya ng Diyos, mga seventy five years old. Ganun din si Moses, eighty years old nung siya’y tinawag ng Diyos. Ganun din si Elizabeth at si Zacharias.

Ngayon ay binibigyan tayo ng pag-asa at mga hamon ni Pope Francis, ang ating Santo Papa kahit na eighty-four years old na siya noong December 17.

Christmas is the feast of families pero hindi lang ito kapistahan ng mga bata sa mga pamilya. May papel din ang matatanda sa pasko. Hindi na Santa Claus ang narrative ng matatanda. Hindi na regalo ang pinahahalagahan nila. Hindi na sila makakakain ng mgapampaskong pagkain, masyadong matamis, matataba at puno ng cholesterol. Ang pasko sa mga matatanda ay nandiyan tayong lahat. Nagkakaisa, masaya, nagkwe-kwentuhan at lalo na pamilyang nagdadasal. Hindi ba mas totoo ang diwa ng pasko na kanilang ikinatutuwa? (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer