Wednesday, 23 December 2020 17:57

Homily | Bishop Broderick Pabillo - 4th Sunday of Advent


Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass  (4th Sunday of Advent) at Our Lady of Fatima Parish in Bacood, Sta. Mesa on December 20, 2020, at 10 a.m
.


Where does God stay? Where does He want to dwell?

Apat na Linggo na tayo ng pinaghahandaan natin ang pagdating ng Panginoon kaya sinindihan na yung apat na kandila ng ating advent wreath. Ngunit ngayon saan ba siya darating? Inaalaala natin ang Kanyang pagdating noon sa sabsaban. Noon yun, two thousand years ago. Pero ngayon saan siya matatagpuan?

Sa Unang Pagbasa, si Haring David ay nagkaroon ng magandang inspirasyon. Gusto niyang magmagandang loob sa Diyos. Natalo na ni David ang mga kaaway sa karatig na mga bayan – ang mga Pilistines, ang mga Amorites, ang mga Morbites, ang mga Syrians, ang mga Canaanites.

Naitatag na niya sa Jerusalem, ang Jerusalem bilang kanyang capital city. Nadala na niya ang ark of the covenant sa lungsod ng Jerusalem. Nakapagpatayo na siya ng kanyang palasyon sa Jerusalem. Naisip niya na ang ark of the covenant, ang tolda ng pagtitipan na siya yung simbolo ng mga pinakapresensiya ng Diyos sa kanyang bayan, ay nandoon pa nasa isang tolda.

Kaya nagbalak siya na gumawa ng permamnteng tahanan sa Diyos. Nagplano siya na gumawa ng isang temple. Maganda ang plano ni David pero hindi siya pinayagan ng Diyos. Iba’t ibang dahilan ang ibinigay sa Bible.

Some Biblical texts say that God has always been staying in a tent because He is a God who journeys with His people so He never requested anyone to make Him a permanent dwelling.

May ibang mga tekto naman na nagsasabing masyadong madugo ang kamay ni David dahil sa kanyang pakikipagdigma kaya hindi siya karapat dapat na gumawa ng isang temple. Ito ay gagawin ng isang taong mapayapa tulad ng anak ni David na si Solomon.

Pero dito sa ating pagbasa ang sabi ng Diyos na siya ang gagawa ng pabor para kay David. Kung ano si David ngayon, yan ay dahil sa Diyos. Siya ang kumuha sa kanya mula sa ag-aalaga ng mga tupa upang maging hari ng Israel. Siya ang nagpanalo sa kanya sa mga digmaan laban sa mga kaaway. Siya ang nagbigay sa kanya ng katahimikan. Lulubusin ngayon ng Diyos ang Kanyang mga pabor. Gusto ba ni Dabid na gumawa ng temple para sa Diyos?

Ang salitang temple sa Hebreo ay “beth” kaya Bethlehem, bahay ng tinapay, “beth.” Ang Diyos ang gagawa ng “beth” sa kanya na ang kahulugan ay sambahayan, dynasty.

Mula sa Kanya manggagaling ang mga hari ng Israel magpakailanman. So there is here a play of words on death. Gagawa siya ng “beth,” temple para sa Diyos, hindi. Ang Diyos ang Diyos ang gagawa ng “beth,” ng dynasty, ng sambahayan para sa iyo.

More than a dwelling in a place, even in a magnificent temple, God wants to be identified with the people, with the dynasty, with the family.

Totoo nga ang mga hari ng Huda ay galing sa lipi ni David. Mula noong panahon ni David, mga 1,000 years before the coming of Jesus hanggang sa 586 B.C., higit na apat na daang taon.

Pero noong pinabagsak ng mga Babylonians ang Jerusalem noong 586, nawala na ang mga hari ng Huda. Nawala na ang kaharian at hindi na ito uli naitayo. Ang mga namumuno sa bayan ay hindi na mga hari kundi mga punong saserdote, mga punong pari. Hindi ba natupad ang pangako ng Diyos? Ang pangako ng Diyos ay para lang ba sa 400 years ngunit ang sinabi ay magpakailnaman?

Ang Diyos ay tapat. Tinutupad nya ang Kanyang pangako. Kaya sa ating ebanghelyo, narinig natin na si Maria ay itinalaga na ikasal kay Jose na galing sa sambahayan ni David. Kahit na si Jose ay isang karpintero lamang, but he belongs to a noble family. He belongs to the priestly line of David. Kahit na si Hesus ay hindi galing sa dugo ni Jose, pero sa harap ng batas ng mga Hudyo, minana ni Hesus ang mga prerogatives, ang mga pribilehiyo ni Jose sapagkat siya ang itinututring na ama ayon sa batas nila. Si Hesus ang nagmana sa paghahari ni David. Kaya nga si Hesus ay kinilala noong panahon niya as the son of David. Siya ang katuparan ng pangako ng Diyos na maghahari at maghahari magpakailanman. At iyan po ay ginugunita natin tuwing Christ the King, that Jesus reigns forever especially at the end of time.

Pero kakaiba ang paghahari ni Hesus. Hindi sa pamamagitan ng armas, hindi sa pamamagitan ng dahas ang paghahari niya kundi sa pamamagitan ng service ng paglilingkod. Sa pamamagitan ng katotohanan at sa pag-aalay ng Kanyang sarili para sa Kanyang mga tupa. Siya ang tunay na pastol, ang tunay na hari.

Kaya hindi dapat natakot si Herodes at si Pontius Pilate sa paghahari Niya because His kingdom is not of this world, not according to the wordly ways.

Pero balik tayo sa orihinal na tanong natin – saan ba mag-i-stay ang Diyos? Nag-stay siya sa sinapupunan ni Maria. Doon siya safe. Doon siya at home. At bakit? Kasi si Maria ay walang bahid ng kasamaan at nanatiling walang kasalanan. God is at home where there is no evil, where there is no sin. Kasi tinanggap ni Maria ang salita ng Diyos ng buong kababaang loob,”Let it be done to me according to your word,” Mary said to the angel.

Mary consented fully to be part of the plan of God when she accepted the word of God in her heart, the word of God took flesh in her womb. At dahil sa pagsunod ni Maria, natupad ang pangako ng Diyos kay David, 1,000 years ago na ang paghahari sa Israel ay mananatili magpakailanman. Doon siya nanatili sa sinapupunan ni Maria.

Ngayong araw ay nasa ikalimang araw na tayo ng siyam na araw ng paghahanda para sa pasko. Yan yung ating pagsisismbang gabi. Ako po tinatalakay ko mula noong December 16 ang siyam na pastoral priorities na tinatalakay natin sa loob ng siyam na taon bilang paghahanda sa ating 500 anniversary celebration ng pagdating nga pananampalataya sa ating dalampasigan, next year sa 2021. Kada araw binabalikan natin ang mga paksa na tinalakay natin kaya noong December 16, ay tinalakay natin ay ang Year of the Faith noong 2013. Noong December 17, tinalakay natin ang Year of the Laity noong 2014. Noong December 18, tinalakay natin ang Year of the Poor noong 2015. Kahapon, tinalakay natin ang Year of the Family noong 2016. At ngayon naman, noong 2017, ay ang ating paksa ay Year of the Parish, Year of the BECs.

Ito po ay isang pastoral priority natin kasi gusto po ng simbahan sa Pilipinas na ang lahat ng mga parokya ay magkaroon ng mga BECs. Sa totoo lang ang parish is supposed to be a community of communities, of smaller communities na tinatawagan natin na BEC o mga kawan o kaya mga bukluran ano man ang mga pangalan nito. Because we cannot be Christians unless we are part of a Christian community. We cannot be Christians alone. God does not save us alone but with the rest of the community kaya tayo’y nabibilang sa parokya. Yan yung ating community of faith. Doon tayo binibinyagan, doon tayo kinukumpilan, doon tayo tinuturuan ng katesismo, doon tayo ikinakasal at doon din tayo inililibing.

Pero itong klase ng community kung nasaan yung mga tao ay permanenteng nandoon nakatira, ay hindi naklaro sa ating panahon lalung lalo na dito sa Kamaynilaan kasi masyado ng mobile ang mga tao. Kaya lumilipat tayo ng mga lugar kaya wala na tayo sa parokya kung saan tayo bininyagan. Kaya tayo’y ikinakasal sa parokya, hindi naman tayo nakatira roon.

At isa pa, dito sa Pilipinas, ang ating mga parokya ay napakalaki. Karaniwan sa mga parokya natin ay may 30,000 faithful. Meron pang 50,000, meron pa nga a 100,000 faithful and you cannot form a community with 30,000 people. So, we breakdown the parish into smaller communities at yan yung mga neighborhood communities natin which we call basic ecclesial communities na binubuo ng mga magka-kapitbahayanan na magkakilala sila so it’s easier for them to form a community.

Sa marming lugar hindi pa ito na-o-organize. Pero sana papunta tayo doon because the ideal is and ito yung pangarap ng simbahan sa Pilipinas, na ang bawat Kristiyano ay hindi lang kasapi ng parokya. Ang bawat Kristiyano ay kasapi ng BEC.

Ito ang ating community of faith, ang mga BEC na ito sapagkat dito naninirahan ang Diyos hindi sa isang simbahan, hindi sa isang gusali ngunit sa isang sambayanan sa mga taong nakatira doon. At sa mga BECs, ang mga tao ay pinagbubuklod sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Pinag-uusapan nila ang Salita ng Diyos at sila ay magiging tulad ni Maria na tumanggap sa Salita ng Diyosa sa kanilang buhay kaya ang Salita ng Diyos ay nagkaroon ng laman. Kaya si Hesus ay magkakaroon ng laman sa ating mga BECs kapag ang Salita ng Diyos ay isinasabuhay doon. Hindi tayo hiwalay sa ating kapitbahayanan, doon tayo nagtutulungan.

Sa ibang lugar na malakas ang BEC, kapag dumadating ang baha, yung mga tao’y pumupunta sa mga kapitbahay nilang matatanda, may mga bata, sila ang nagliligtas sa kanila, alam nila yun. Kasi sila’y isang sambayanan. Kapag mga may sakit, pumupunta sila, tinutulungan nila kasi sila’y isang sambayanan.

Tandaan po natin, ang Diyos ay dumito sa mundo. Naging tao si Hesus, ang Diyos na naging tao. Ngunit bumalik siya sa langit pagkatapos ng muling mabuhay siya. Ngunit nangako siya na siya’y babalik muli. Ito ang ating inaabangan. Ito ang tinutukoy natin kapag inaawit natin sa adbiyento, “Halina Hesus, Halina, Dumating ka na.” Hindi natin tinutukoy ang December 25. Aawitin natin o hindi darating ang December 25. Ngunit ang ating inaaabangan ay si Hesus na babalik ulit. At habang inaantay natin siya, hindi naman siya absent sa buhay natin. Patuloy ang Kanyang presensiya sa atin ngunit hindi lang natin nakikita. Siya ay present sa mga sacrament. That’s why every sacrament is an encounter with Christ. Hindi lang po isang ritual ang binyag o ang kasal. Yan ay pakikipagtagpo kay Hesus. Ganun din ang kumpisal. Hindi yan pakikipagtagpo lang sa pari – pakikipagtagpo kay Hesus, siya ang nagpapatawad. Ganun din sa Banal na Komunyon, pakikipagtagpo kay Hesus, pagtanggap sa Kanya.

Habang nasa pandemya tayo hindi tayo palaging makakasimba sa simbahan, nasa online lamang tayo. Ngunit ang online na Misa ay hindi katumbas ng tunay na Misa. Hindi natin matatanggap ang katawan ni Kristo sa Eukaristiya sa online lamang.

At gayundin ang Diyos ay nandiyan sa bawat isa sa atin kapag tayo ay nagdadasal ng taimtim, kapag tayo ay nakikinig sa Salita ng Diyos at isinasabuhay natin diyan. Diyan nananahan ang Diyos.

Kaya ang tanong natin, saan ba nakatira ang Diyos? Saan ba siya nag-i-stay sa ating mundo ngayon.

Let me conclude with these two verses from the prophet Isaiah. Isaiah 66, “This is the one whom I approved. The afflicted one crushed in spirit who trembles at my word.” Nandun siya sa mga taong totoo, nagdurusa, hirap sa buhay ngunit kumakapit sa Salita ng Diyos? Hindi ba ganyan si Mama Mary? Hindi ba ganyan si San Jose? May problema sa buhay ngunit kumakapit sa Salita ng Diyos. Nandun ang Diyos sa kanila.

Isaiah 57, “For thus says the high and lofty one, the one who dwells forever whose name is holy, I dwell in a high and holy place but also with the contrite and lowly spirit. To revive the spirit of the lowly, to revive the heart of the crushed.” Saan siya nag-i-stay? Doon sa mga taong mababa ang loob, doon sa mga taong nangangailangan ng kaligtasan, na kumakapit sa Diyos. Diyan naninirahan ang Diyos. Kaya hintayin po natin siya at papuntahin natin siya sa ating buhay. God stays  with us. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer