Reb. Padre Neofil Aguillion, ang ating kura paroko; mga kapatid na pari, diyakono, relihiyoso, at relihiyosa; mga civil at lay leaders ng parokya; mga minamahal kong kapatid kay Kristo:
Ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-Labing Siyam na Linggo sa Karaniwang Panahon. At sa ating mga pagbabasa ay narinig natin ang tungkol sa iba’t ibang kwento ng pananampalataya, lalo na, ang iba’t ibang hamon sa pananampalataya, ang iba’t ibang krisis ng pananampalataya.
Sa ating unang pagbasa, narinig natin kung paanong nagtago ang propeta Elias sa isang yungib sa bundok ng Horeb, sa bundok ng Diyos. Bakit? Dahil inuusig siya ng hari, ng mga pinuno ng bayan, at ng mga bulaang propeta noong panahong iyon. Bago ang talatang ating narinig, makikitang tumatakas siya para sa kanyang kaligtasan, at hinihiling pa sa Diyos na bawiin na ang kanyang buhay, dahil sa mga binabata niyang pagdurusa dulot ng kanyang pagiging propeta ng Panginoon.
Sa ating ikalawang pagbasa, narinig natin ang tungkol sa matinding kalungkutan at pagdaramdam ng puso ni Pablo. Bakit? Dahil hindi pinakikinggan at tinatanggap ng mga kapwa niyang Hudyo ang ipinapahayag niyang katotohanan tungkol kay Hesu Kristo. Nagdadalamhati siya dahil tilawalang epekto ang kanyang pagpupunyagi para saminamahalniyangbayang Israel.
At sa atingebanghelyo, narinig natin ang tungkol sa binagyong paglalakbay ng pananampalataya ng mga apostol, lalo’t higit, ang nagdudang puso at nawalan ng tiwalang si Pedro. Makikita natin na nakaranas si Pedro ng krisis ng pananampalataya sa tatlong nibel. Una, nang salpukin sila ng malalakas na hangin at alon ng buhay. Ikalawa, nang hindi nila agad nakilala si Hesus, na sinundan pa ng pagsubok niya dito sa pagsasabing: “Panginoon, kung talagang kayo iyan, papariyanin ninyo ako sa ibabaw ng tubig”. At ikatlo, nang nanghina ang kanyang pananampalataya at nag-aalinlangan siya kay Hesus, kaya naman dahan-dahan siyang lumubog habang naglalakad sa tubig.
Anu-ano ang matututunan natin tungkol sa buhay pananampalataya sa ating mga pagbasa ngayong Linggo?
Unang-una, lahat tayo, kahit ang pinakagaling sa atin, ay dumaraan sa mga krisis ng pananampalataya. Tulad nina Elias at ng mga apostol, nasusubukan ang ating pananampalataya dahil sa hampas ng mga hangin at alon ng buhay. Ang mgapag-uusig na ito ay dumarating sa atin sai ba’tibang porma at paraang gaya ng: mga hamon at impluwensiya ng modernong kultura; mga personal na trahedya at karanasan ng sakit at kamatayan; mga pang-araw-araw na suliranin at problemang pampamilya. Kapag tulad ni Elias ay may mga naninira sa atin at nagtatangka sa ating buhay kahit wala naman tayong ginagawang masama; kapag tuladni Pablo ay tinatanong natin kung may kabuluhan ba ang lahat ng pagsusumikap na maging tapat na Kristiyano; at kapag tulad ni Pedro ay patuloy at paulit-ulit lang tayong nahuhulog sa ating mgakahinaan at nabibigo sa ating pananampalataya.
Ikalawa, sa mga panahong tuladnito, mas dapat tayong kumapit kay Diyos. Maaari kasing magpagapi tayo sa mga tendensiya na sumuko, tumiklop, magalit, magtampo, at lumayo sa Diyos. Subalit makikita natin sa ating mga tauhan, nasa panahon ng krisis ng pananampalataya, mas lalong silang lumapit at sumandig sa Diyos. Si Elias ay naghanap ng pahinga sa bundok ng Diyos. Hinangad niya ang Diyos upang palakasin ang kanyang loob. Si Pablo naman, sa kabila ng kaguluhan at dalamhati ng kanyangpuso, ay hindi nagnanais na mawalay kay Kristo. At winika naman ni Pedro kay Hesus: “Papariyanin ninyo ako […] Sagipin ninyo ako Panginoon!” Ang bawat krisis ng pananampalataya ay pagkakataon upang umusbong ang mas malalim at mas matibay na pananampalataya, ang mas maigting na pakikipagniig sa Diyos.
Ikatlo at huli sa lahat, magtiwala na ang Diyos ay darating sa atin sa ating mga panahon ng pangangailangan. Lumalapit siya sa atin hindi lamang kapag tayo ay tumawag sa kanya. Sa katunayan, hindi naman siya tinawag ng mga apostol. Siya ang nagkusang lumapit sa kanila nang makitang nababahala na sila sa paghampas ng hangit at alon. Kaya naman maaasahan natin nasa bawat krisis, kasama natin si Hesus, mula si mula hanggang wakas. Upang maibsan ang ating takot, mahalaga ay makilala natin ang kanyang presensya. Hindi gayang mga alagad na inakalang siya ay isang multo, patalasin natin ang ating pandamasa presensya ng Diyos. Matatanto siya, hindi sa napakalakas na hangin, nisa lindol, nisa kidlat, kundi sa isang banayad na tinig. Sa panahon pag-uusig, krisis, at delubyo, paigtingin natin ang katahimikan at ang ating buhay panalangin, at doon siya’y ating masusumpungan.
Mayroong tayong Diyos na nag-aalala, nakakaunawa, at nakikiisa sa atin. Hayaan nating siyang samahan tayo at tulungan tayo sa pagpasan ng ating mga krus. Sinasabi niya sa atin ang sinabi niya kay Pedro: “Huwag kayong matakot, si Hesusito”. Manghinawa man tayo sa pananampalataya, hindi tayo pababayaan ni Hesus na malunod kailanman. Amen. (Photo by Maricar Santos/RCAM-AOC | Photogallery)