HOMILY TRANSCRIPT |Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Mass for Fil-Mission Sunday, July 30, 2023, 10 am

Msgr. Rolando de la Cruz, our cathedral rector; Fr. Jonathan N. Germinanda, Father Moderator of the Mission Society of the Philippines; our dear Filipino missionaries; dear brother priests; dearly beloved in Christ

Maligayang araw ng Misyong Pilipino sa ating lahat. Binabati ko ang mga kapatid natin sa Mission Society of the Philippines, ang mga kaparian at layko, na hindi napapagod sa kanilang paghahatid ng Mabuting Balita sa iba’t ibang dako ng daigdig. Salamat sa inyong mga sakripisyo at paglilingkod. Sa halos na anim na dekada, mula nang kayo ay itinatag ng ating mga Obispo noong 1965, hindi kayo nang hinawa sa iniatas na misyon sa inyo na ibahagi ang biyaya ng pananampalataya na atin ding tinanggap liman daang taon na ang nakararaan. May pasasalamat sa puso, masasabi nating kayo ang kongkretong handog ng pananampalatayang Pilipino sa mundo.

Ngunit huwag dapat nating kalilimutan na hindi lamang ang MSP ang misyonerong Pilipino. Lahat ng Katolikong Pilipino ay dapat mahikayat na maging misyonero. Ito ang nakikita kong malaking hamon sa ating mga parokya at mga mananampalataya sa panahon natin ngayon. How to make the shift from a maintenance Church that is satisfied with the status quo to a missionary Church that is responsive to the new realities of our age. In the context of the ongoing synod on synodality, how do we become a missionary synodal Church?

Let me offer three points for our reflection on this question based on your theme for this year: Go forth, Make Disciples, In Synodality.

The first point is to go forth.Our Gospel today gives us three parables of the kingdom of heaven. At first glance, we can look at it from the human perspective of man’s search for the real treasure in life or the finest pearl that is worth investing in. On the other hand, it is also about God’s zealous and never-ending desire to give everything to us. He is a passionate treasure hunter who looks for us, His finest pearl. He casts the net so wide that He wants everyone of us to be in His net of love and mercy. He is always going forth, always going out to seek us. God, according to Francis Thompson, is the Hound of Heaven who never tires of reaching out to us even if we are buried deep in our sins and stubbornly hiding from Him. He is eternally searching and going forth. He is the primordial missionary who does not give up until He catches us and brings us closer to His presence. Mahalagang matutunan ng bawat isa sa atin ang katangian gito ng Diyos. Huwag tayong mapagod sa pagbubungkal ng lupa upang maitanim at mag bunga ang Salita ng Diyos. Huwag tayong magkulong sa ating mga kumbento at sa kristiya samantalang maraming mga kaluluwa ang nauuhaw sa pag-ibig at liwanag ni Kristo. Ugaliin nating maghagis ng lambat may huli man o wala. Ang simbahang misyonero ay manghahasik, mangingisda, at mangangalakal na hindi takot itaya at iwanan ang lahat upang maisakatuparan ang atas na misyon ng kaniyang Panginoon. Ngunit magkakaroon lamang siya ng lakas ng loob kung kilala niya at may tiwala siya sa Diyos na nag-aanyaya at nag-uutos sa kaniya. Bago tayo maging misyonero, mahalagang maging tapat na alagad muna tayo.

The second essential point, then, is to make disciples. Ipinakita ito ni Solomon sa ating unang pagbasa. Binigyan siya ng pagkakataong hilingin ang anuman. Ngunit pinili niya ang pusong may pang-unawa sa kalooban ng Diyos. Magagampanan lamang natin ng maayos ang ating mga tungkulin at gawain kung ang ating puso at pag-iisip ay katulad ng sa Panginoon. In our second reading, St. Paul reminds us, “We know that all things work for good for those who love God, who are called according to His purpose.” To love God, to be conformed to the image of His Son, this is the fundamental task for every missionary. Without this, we will be creating our programs according to our design. We will go forth according to our terms and preferences. Discipleship is the foundation and the fuel of our mission. Without intimacy with Christ and configuration to His image, we will not have a seed to sow. We will not have a fine pearl to sell. Bago tayo magmisyon, tanungin muna natin ang ating mga sarili, “Natagpuan ko na ba ang natatagong yaman ng pag-ibig ng Diyos? Nakita ko na ba ang perlas na magpapabago ng aking buhay?” Sa ating pagmimisyon, mahalaga ang pagtuturo ng katesismo, pagbibigay ng mga sakramento, at pagbubuo ng mgaKristiyanongpamayanan. Ngunit kung hindi natin kilalasiKristo at kung hindi pa natin naipagpapalit ang lahat para saKaniya, hindirin natin maipapahayag ng mabuti ang Kaniyang mensahe ng kaligtasan at pag-asa para sa sangkatauhan. Sa aspetong ito, kailangang magtulungan tayo. Let us help each other to find the hidden treasure that is Jesus, the finest pearl that is Christ. In our journey of missionary discipleship, we must search and walk together.

This brings us to the third and last point, in synodality. To become a missionary Church, we must be a synodal Church. Jesus Himself sent His disciples in pairs and not in isolation.He sent them to the lost sheep of Israel and to all nations. It is imperative for all of us to review our understanding of mission. The Synod on Synodality invitesus to move beyond a dualist understanding in which the relationships within the ecclesial community are the domain of communion, while mission concerns the momentum ad extra. Ang simbahan ay misyonero, nasa loob man o labas ng bansa. Magiging tunay lamang tayong misyonero sa labas ng bansa, ad extra, kung saloob, ad intra, ng ating mga parokya at pamayanan ay nabuksan na natin ang kamalayan na ang ating buhay at mga gawain ay walang saysay kung hindi ito patungo sa misyon at paglilingkod sa Diyos at kapwa. Minamahal kong mga kapatid sa Mission Society of the Philippines, mahalaga ang papel nagagampanan ninyo sa pagsulong ng “missionary synodal Church” sa atingmgaparokya at local na simbahan. Kung nais nating yumabong ang misyong Pilipino, pagsikapan nating maging misyonero sa pananaw at pangarap ang ating mga Kristiyanong pamayanan ditto sa Pilipinas. Muli binabati ko kayong lahat. Happy Fil-Mission Sunday. Sabi nga ninyo, ang MSP ay Mula Sa Puso, Maraming Salamat Po. Amen. (Photo from Manila Cathedral Facebook Page)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *