HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Mass at San Padre Pio Chapel, Shangrila, Mandaluyong, September 24, 2023, 12 pm

Rev. Fr. Anton Pascual; brother priests and assisting deacons; lay leaders; dearly beloved in Christ:

We are gathered once again by the love of the Lord to celebrate the Eucharist. Our readings today issue the clear invitation to constantly seek the Lord, make a return to him, and dedicate our lives to his service.

In our first reading, from the book of the prophet Isaiah, we hear the sense of urgency in prophet’s call for the scoundrel and the wicked to convert from their evil thoughts and ways. “Seek the LORD while he may be found, call him while he is near,” he says. This imperative is complemented by an encouraging affirmation of the Lord’s mercy and forgiveness, a message also proclaimed by our psalm.

In our second reading, St. Paul testifies to the Philippians that he has found his pearl of great price. For him: “life is Christ”. His only desire is that Christ be magnified in and through his life whatever the consequences may be. He thus exhorts the Philippians to conduct themselves “in a way worthy of the gospel of Christ” so that they too may partake of his joy. 

And finally, in our gospel, we hear of the laborers who worked in the landowner’s vineyard. They may be seen as the ones who were invited to serve God’s kingdom and who responded positively, albeit in different moments throughout the day. In the end, they would all receive the wage promised them by the lavishly generous landowner.

In sum, our readings tell us that while seeking the Lord may require certain changes and dying in our lives, finding him and dedicating our lives to him would lead us to the very meaning of life and to the rewards of the kingdom.

Kung tutuon tayo sa ating ebanghelyo, mga kapatid, may ilan pa tayong aspetong mahihinuha tungkol sa ating tema:

Una, ay ang kadalasang pagpapaliban natin sa pagbabagong-buhay at pagtugon sa tawag ng Diyos. Kapag sinabing bagong buhay, agad nating naiisip: ang bagong taon at ang mga new year’s resolution na madalas naman nating nakakalimutan; ang annual retreat o recollection, na tumitimo sa ating puso at nagpapanais sa ating mas maging mabubuting tao; at ang kumpisal tuwing adbiyento at kuwaresma, kasama ng hangangring mabuhay nang matuwid upang mas maging karapat-dapat sa pag-ibig ni HesuKristo sa sabsaban at sa krus.

Kung titingnan natin, ang pagbabagong-buhay ay parang tema na minsan lamang nating tinatangkalik. Hindi natin laging pinag-iisipan, hindi natin laging pinagsusumikapan. Gaya marahil ng ilang mga manggagawa sa ating ebanghelyo na naghihintay at tatayu-tayo lamang sa liwasang-bayan, walang ginagawa maghapon, at  ipinapasa pa ang sisi sa iba: “wala pong magbigay sa amin ng trabaho”. Maituturing na ipinagpapaliban nila ang gawain ng pagbabago at paglilingkod sa Panginoon. Ipinapaalala sa atin na napakahalaga sa buhay Kristiyano ang madalas at lagi’t laging pagsusuri ng ating sarili at pagsisikap magbago, at ang agaran at buong-sariling pagkilos, upang makapag-ani ng mga bunga ng pagmamahal para sa Diyos at kapwa.

Ikalawa, kung tayo man ay tutugon sa paanyaya ng Diyos, hindi ang makukuha natin ang dapat nating isaalang-alang. Makikita ito sa reaksyon ng mga mas maagang nagtrabaho sa ubasan nang mapag-alaman nilang pareho lamang ang sinahod nila sa mga huling nagtrabaho. Kung tutuusin ay parang may punto sila at mukha ngang hindi patas at makatarungan ang may-ari ng ubasan. Subalit kung susuriin, hindi naman sila dinaya nito at ibinigay naman sa kanila ang napag-usapang upa. Ipinapa-alala sa atin ng tagpong ito na ang pinaka-gantimpala sa paghahanap at paglilingkod sa Diyos ay ang mismong paghahanap at paglilingkod sa kanya, hindi ang makukuha nating kapalit dito. 

Kasabay nito, maganda ring tingnan ang ating mga sarili, sapagkat baka matagal man tayong nasa poder ng Panginoon ay hindi pa rin natin nakukuha ang kanyang pagtingin at pagpapahalaga: na ang huli ang siyang mauuna. Baka pinamumunuan pa rin tayo ng pag-iisip at mga gawi ng mundo kung saan kalaban ang tingin sa kapwa na dapat ka-inggit-an, at trabaho lamang ang paglilingkod sa Diyos kaya dapat magbilang. Sa paghahari ng Diyos, kung saan lahat ay magkakapatid, masaya dapat ang lahat para sa mga nakakamit ng bawat isa; at ang paglilingkod ay tugon ng pagmamahal na hindi nagbibilang, at kung nagbibilang man ay natatantong laging kulang ang iniaalay.

Ano ang mabuting balita sa lahat ng ito mga kapatid? Huli man tayo sa pagbabagong-buhay, may pag-angal pa man sa ating mga puso, ang Diyos mismo ang paulit-ulit at walang kapagurang lumalabas, naghahanap, at tumatawag sa atin. Kahit hanggang sa huling sandali, hindi niya tayo susukuan dahil hangad niyang makamtan natin ang karampatang sahod o ang kaligtasan ng kanyang paghahari. Mabuti na lamang at sinabi ng Diyos sa ating unang pabasa: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, at magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala”.

As we continue this celebration, my dear brothers and sisters, let us heed the invitation to seek the Lord, to make a return to him, and to dedicate our lives to his service. Let us take responsibility for our lives and not delay. Let us help and support each other as brothers and sisters in the vineyard of the Lord. And let us always remember that: “The Lord is near to all who call upon him” because he has already sought us, even before we seek him. Amen. (Photo by Maricar Santos/RCAM-AOC | Photogallery)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *