HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Ash Wednesday Mass, Arzobispado de Manila Chapel, February 14, 2024

Dear brothers and sisters in Christ:

Today, we enter into the beautiful season of Lent.  We bless the Lord who has brought us again into this time of preparing our hearts for the solemn commemorations of the Mystery of the Passion and Resurrection of our Lord Jesus Christ.  And here we are again on our annual observance of staining our heads with ashes.

Para sa pagninilay natin ngayon, alalahanin natin ang dalawang bagay: ang abo at ang krus.

Una ay abo.  Sa buong taon, maingat nating inaalagaan at nililinis ang mga mukha, ulo, at buhok natin.  Gumagamit pa tayo ng sabon, shampoo, at ang kung anu-ano pa para lagi silang malinis, makinis, malambot, at maganda.  Pero sa araw na to, dinudungisan natin ng abo ang mga noo natin, tanda ng pagsisisi at paghahanda ng kalooban.

Naglalagay tayo ng abo sa ulo, bilang paalala ng ating abang kalagayan, paalala ng ating kahinaan, paalala ng ating kamatayan.  Lahat tayo ay mamamatay.  All of us will die, no exceptions.  All of us will one day have the ground above us.  All of us will one day turn to dust.  Kaya naman, wala dapat puwang ang pag-iimbot sa puso.  Let us not allow the delusions of self-righteousness, self-sufficiency, self-entitlement, and self-grandiosity to eat our hearts and cloud our minds.  As the Gospel today reminds us, let us pray and serve with humility, sincerity, and total dependence on God.

Ang abo ay paalala rin ng paglipas ng lahat ng bagay sa mundo.  Mga kapatid, wag tayong mahulog sa maling akala na forever ang mga bagay ng mundo.  Hindi forever ang pera at yaman; pwede itong kitain at ariin pero pwede ring manakaw o mawala.  Hindi rin forever ang poder at posisyon; pwede itong makamit at masungkit pero pwede rin maagaw o manghina.  Hindi rin forever ang kalusugan at itsura;lumilipas sila sa pag-usad ng panahon.  Ang mga feelings natin ay hindi forever; dumarating at nawawala rin.  Pati nga ang mga bundok at dagat, lambak at ilog, mga halaman at hayop, hindi sila forever.

Hindi mafo-forever ang mga bagay ng mundo, kahit pa anong pilit natin.  Pero minsan niloloko natin ang sarili natin.  Tinatago natin ang ating yaman, sa halip na linangin at ibahagi. Sinasakim natin ang poder, sa halip na gamitin sa wagas na paglilingkod.  Inaabuso natin ang kalikasan, sa halip na alagaan.  Nag-aadik tayo sa sarap at saya, o nagtatanim ng galit, o nag-iipon ng lungkot, o nagtatago ng takot, sa halip na magbukas at mag-alay ng sarili sa pagmamahal at pagmamalasakit. Kinukulong natin ang mga relasyon natin sa mga guni-guni nating expectations sa halip na maging bukas sa pag-uusbong ng misteryo ng ating kapwa.

Walang forever dito sa mundo! Dahil wala rito sa lupa ang forever.  Parang abo ang mga bagay ng mundo.  Kapag lalong hinahawakan, lalong nabibitawan.  At nakakarumi lang!

Pero, kahit walang forever sa lupa, alam nating hindi totoo na walang forever.  May forever, ngunit nasaan?Ang forever ang biyayang galing sa langit.  At ito ang dahilan kaya hugis krus ang abo na ipapahid natin sa noo natin.  Ang hugis krus ay paalala sa nag-iisang forever: ang pagmamahal ng Diyos, pagmamahal na walang hanggan, pagmamahal na walang pasubali.  Ito lang ang mapanghahawakan natin.  Ang totoong tumatagal at tumutuloy ay ang mahabaging pagmamahal at ang ganap na katarungan ng ating Ama sa langit. Huwag tayong mag-alinlangan. Tunay na darating ang Diyos na nagmamahal, nagdadalang-awa, at nagliligtas. Hindi niya tayo pinababayaan, dahil Siya ang totoong forever.

Ang paglalagay ng krus sa ating mga noo ay paalala sa nag-iisang totoong forever, paalala na kumapit lamang sa pagmamahal ng Diyos.  Ito lang ang mapapanaligan natin.  Ito lang maaasahan natin.  Even before any rejection or sin was possible, God has loved us first.  Si Lord ang first love natin, and first love never dies.  Siya lang ang totoong forever.

Dear brothers and sisters, this is the very heart of our Lenten observance.  We pray to turn to God.  We fast to be free from hypocrisy and worldly attachments.  We give alms to the poor to recognize the presence of God in those whose only hope is Him.  Ngayong Kuwaresma, umuwi tayo sa nag-iisang totoong forever.  Let us go home into the warm embrace of our loving God.  Amen. (Photo by Mio Angelo Hermoso/RCAM-AOC | Photogallery)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *