HOMILY TRANSCRIPT | Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula, Mass for the 69th Anniversary of Caritas Manila. October 1, 2022, 12 noon

Reverend Father Anton Pascual, ang mahusay na pinuno ng Caritas Manila, mga minamahal na kapatid na pari, mga masisipag na collaborators ng Caritas Manila, mga ginigiliw na kapatid kay Kristo

Mapapansin natin sa maraming kuwento sa ebanghelyo na tila ba naging buhay na ng mga alagad ang makipagpaligsahan.   Nagtatalo-talo ang mga alagad kung sino ang pinakadakila sa kanila, kung sino ang pinakamagaling sa kanila.   Nais nilang pigilan ang nagpapalayas ng masamang espiritu sa pangalan ni Hesus.  Hindi raw nila kakampi.  Nais nilang patamaan ng kidlat yung ayaw tumanggap at kumampi sa kanila.

Punong puno ng paligsahan at tunggalian sa buhay.  Sa maraming pagkakataon, hindi natin namamalayan na buhay na natin ang makipagpaligsahan at makipagpagalingan.

Tila ba naging buhay na ng mga alagad ang makipagpaligsahan.   Insecure ang mga alagad.   That is why Jesus reminds and teaches the disciples where true security resides.   Papaano ba tunay tayong mapapanatag?

Mapapanatag lamang ang ating puso kung nagtitiwala tayo sa Diyos.  Paulit ulit si Hesus sa ebanghelyo sa pagbanggit niya sa kanyang Ama.  Nagmula ang lahat sa Ama. Magbabalik lahat sa Ama.  Kaya kailang ipagkatiwala ang lahat sa Ama.

The invitation of Jesus to his disciples is to imbibe his reliance and dependence on God.  Hanggang sa dulo ng buhay ni Hesus, kahit na naranasan na niya iwan at talikuran ng mga taong pinahahalagahan niya, sinabi niya sa krus, “Ama sa mga kamay mo, ipinagkakatiwala ko ang buhay ko.”

What should be our disposition as followers of Christ?

Una, humility that accepts the fact of human existence.  May isang mahusay na pari na dinapuan ng Parkinson’s disease.  Dati siyang humawak ng mataas na posisyon sa simbahan.  Mahusay, matalino.  Sanay siyang in full control sa lahat ng bagay.  Isang araw ay na stroke.  Ikinukuwento niya, “many times, I feel very poor.”  Minsan daw ay gumigising siya sa umaga, mali ang puwesto ng pagtulog, kaya masama ang pakiramdam.  Hindi niya ma-control ang nginig ng kanyang kamay at katawan.  Isang araw bigla na lang siya natumba.  Sabi niya “God sends accidents to make us realize that we are not in full control.”

Minsang sinaway ni San Pablo ang mga taga Corinto.  Sinabi niya, “Ano bang meron kayo na hindi ninyo tinanggap?  Kung ibinigay lang ito sa inyo at tinanggap ninyo mula sa iba, bakit kayo nagmamayabang?”

We are all beggars.  Lahat tayo’y pulubi.  Hindi tayo dapat nagyayabang.

Ikalawa, the disposition that recognizes that it is God who fills me.  God is my treasure.   Life should be marked by an openness to the gift of a loving God.  There must be an constant consciousness =that everything is grace – not only what I like and prefer.

Ang ikatlong disposiyon na kailangan natin, the disposition of openness and trust in God’s plan and will.  We trust that if it God’s will it is the best, it is the only way to take.

Sa pagdiriwang natin ng 69th Foundation Anniversary ng Caritas Manila, nais kong ipaabot, sa ngalan ng lahat ng mga pari, mga lider layko, mga scholars, maga beneficiaries at mga poor families, ang taus puso naming pasasalamat sa lahat ng mga manggagawa, volunteers at collaborators ng Caritas Manila.  Sa pagpapadaloy ng malasakit ni Hesus at ng simbahan, nagbibigay tayo ng pag-asa.  Sa tindi ng hirap ngayong pandemya, marami ang nais nang sumuko at umayaw sa buhay.  Salamat sa sipat at malasakit ninyong lahat, marami ang nakatagpo ng pag-asa.

Naging daluyan ng biyaya ang Caritas Manila lalo na ngayong pandemya.  Sa panahong ang physical distancing ay naging emotional distancing na rin, nagtaya kayo ng inyong mga sarili.  Kahit tumataas ang kaso ng COVID, matapang at mapagmalasakit kayong naghatid ng tulong sa mga poor communities, sa mga nawalan ng kita araw araw, sa mga pamilyang nagugutom. Dahil sa inyo, buhay na buhay si Hesus sa mga pamayanan ng arkidiyosesis at sa lahat ng dinadaluyuan ng biyaya dahil sa inyo.

Patuloy tayong hinahamon ni Pope Francis.  Let us be “tireless builders of hope” amid the darkness and suffering in the world, “to nurture tomorrow’s hope by healing today’s pain.”  Tinitiyak niya sa atin na ating gawain ng pagmamalasakit, si Hesus talaga ang nakakatagpo natin.  Sabi niya:  “To meet the living God we must tenderly kiss the wounds of Jesus in our hungry people, in the sick and in imprisoned brothers and sisters…Like the apostle Thomas, our life will only be changed when we touch Christ’s wounds present in the poor, the sick and the needy. The path to our encounter with Jesus is his wounds. There is no other.”

Ipinagdiriwang din natin ang kapistahan ni Sta. Teresita ng Batang si Hesus.  Maging inspirasyon nawa natin siya sa lahat ng ating mga gawain lalo na para sa mga dukha.  Sabi ni Sta. Teresita, “My vocation is love.” “Gugulin ko ang langit sa paggawa ng mabuti dito sa lupa.”

Mainit na pagbati sa inyong anibersaryo at taus pusong pasasalamat sa inyong lahat! (Photo by Genieve Genuino | RCAM-AOC | Photogallery)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *