Homily – January 24, 2021

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during Mass to celebrate the National Bible Sunday and launch of the archdiocesan celebration of the Year of St. Joseph at the Santuario de San Jose in Greenhills, Mandaluyong City on January 24, 2021, at 10 am.

Since 1982, the Philippines has been celebrating the National Bible Sunday every third Sunday of January. This celebration is of all the Christians in the Philippines, since the Bible is something that we all have in common that is dear to us. So, it is celebrated by the Catholics, by the Protestants, by the Evangelicals, by the Born Again Christians.

In this day, the Bible is recognized, is promoted as a very important vehicle of God’s revelation to all His people. We are still with the octave of prayer for Christian unity and is good that one source of our unity, is that we have a Bible, the Word of God in which God reveals Himself. God’s word is alive and effective and through it we come in touch with God.

Sa panahon nating ito, binahbaha tayo ng napakaraming mga balita at mga ideas. Madalas tayo ay nahihilo at nalilito. Ano ba talaga ang mahalaga? Ano ba talaga ang maaasahan? Hindi naman lahat ng nakalagay sa Facebook o nakalagay sa TV ay mahalaga. Kailangan natin ito ng lalung mahahalagang tanong sa buhay natin ay masagot tulad ng: Ano ba talaga ang saysay ng buhay? Ano ba talaga ang magbibigay ng kaligayahan? Bakit pa tayo kailangang umibig? Ano ba ang pag-ibig? Ano ba ang kamatayan? Saan ba patutungo ang buhay natin? Napakaraming mga tanong na mahalaga para sa buhay. Mabuti na lang at ang Diyos natin, sa Kanyang pagmamahal sa atin ay nagbibigay ng liwanag sa atin sa pamamagitan ng Kanyang salita.

Ang Salita ng Diyos ay maaasahan. Siya ay tapat at nagsasalita Siya dahil sa pagmamahal sa atin for no other reason. Alam din Niya ang Kanyang sinasabi kasi Siya ang may likha sa atin. At Siya ay may kapangyarihan sa lahat.

God speaks to us in so many ways: through creation, through our conscience, through the events that happen in our lives, through the people He sends, through the Church, through the Bible, especially through His son, Jesus Christ.

Jesus, being the son of God made flesh is the definitive word of God to us. The Bible on the other hand is the written Word of God. It is a sign of God’s humility and sincerity that He puts Himself on record.

Dahil sa ang Bible ay Salita ng Diyos, yan ay mabisa. Yan ay makapangyarihan. The Word of God is not only informative. Hindi lang ito nagbibigay ng kaalaman, ito’y nagbibigay ng kaganapan. God’s word is performative. It brings about what it says.  Seryoso siya sa Kanyang sinasabi at ginagawa Niya ang Kanyang sinasabi. Sana seryoso din tayo sa pagtanggap ng Kanyang Salita.

Si Jonas ay ipinadala ng Diyos na magpahayag sa mga taga Nineve. Ang Nineve ay ang capital city ng Asyrian Empire. At ang mga Asyrians ay kaaway ng mga Israelita. Malupit nilang tinalo ang mga Israelita sa mga digmaan at ipinatapon sa iba’t ibang lugar na kanilang empire kaya nawala ang Ten Tribes of Israel. Kaya galit na galit ang mga Israelita sa mga Asyrians at sa Nineve. Ayaw ni Jonas na magsalita doon pero napilitan siya. Hindi naman siya makakatakas sa Diyos pero hindi bukal sa loob niya ang kanyang pagpapahayag. He covered only one third of the city. He walked only one day instead of the three days to cover the whole city. At ang message niya ay hindi nagbibigay ng pag-asa. Forty days more and Nineve will be destroyed. Pero kahit na matamlay ang pagpahayag ni Jonas, ang Salita ng Diyos na kanyang binaggit ay mabisa. Ito ay tinanggap ng mga tao. Mula sa hari hanggang sa pinakamaliit na mamamayan at sinabi hanggang sa mga hayop, lahat ay nagsisisi. Nag-ayuno sila at umupo sa abo. Makapangyarihan ang Salita ng Diyos. Ito’y nagdala ng pagbabago sa lahat. At dahil dito, hindi sinira ng Diyos ang Nineve. Naligtas silang lahat.

Ganun din ang Salita ng Diyos na dinala ni Hesus sa ating ebanghelyo. Tinawag niya ang dalawang pares na magkakapatid, si Simon at si Andres, si Juan at si Santiago. Kahit na sila ay nasa gitna ng kanilang trabaho, iniwan nila ang lahat at sumunod kay Hesus. God’s word is attractive.

Ang salita ni Jonas at ng mga propeta, ang salita ni Hesus at ang mga apostol ay siya ring salita na patuloy na pinapahayag ng simabahan. Maraming mga tao ang napakilos ng Salita ng Diyos.

Si Anthony ay isang taong may kaya. Noong narinig niya ang ebanghelyo na nananawagan na dapat iwanan natin ang lahat at sumunod sa Kanya, pinagbili niya ang ari arian niya at tumira siya sa disyerto. He became known as St. Anthony of the desert. The one who started the herenitical life in a Church. Nagkaroon siya ng maraming mga disciples at nagsimula siya ng isang mga movement ng mga tao na nagbigay ng buhay nila sa panalangin at penitensiya.

Ganun din po si St. Joseph, ang ating patron. Siya ay pinakilos ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng anghel sa kanyang mga panaginip. Apat na beses nagsalita ang Diyos sa panaginip sa kanya.  At yan ang naggabay sa kanya. Tinanggap niya si Maria at ang sanggol. Pumunta siya sa Egypt, bumalik siya Egypt at dinala ang pamilya sa Nazareth, all under the guidance of the Word of God.

Sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na huwag tayo magpatali sa mga gawain o mga bagay ng mundong ito. Kaya ang mga namimili ay mamuhay na, na parang hindi sila nangangalakal. Ang mga may asawa na parang walang asawa. Ang tumatangis na hindi tumatangis kasi ang lahat ng bagay sa mundong ito ay lilipas. Huwag tayong magpatali dito. Ang tanging maaasahan lang ay ang Salita ng Diyos.

Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos at ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa at ito’y permanente, palagian, it’s not just transitory, it’s not just passing by, sineseryoso ba nating pakinggan ito?

Halos lahat naman sa atin ay may Bible, basahin natin ito. Hinahamon ko kayo, kung ilan sa inyo ang makasasabi na nabasa ko na ang buong Bible. Marami sa atin ay alam natin ang mga bagay sa Bible na patingi tingi. A passage here, a story there, but we have not read the whole story from the beginning to the end.

In the Book of the Prophet Isaiah, we read, “A voice proclaimed, a voice says, proclaim! I answer, what shall I proclaim? All flesh is grass and all the loyalty like the flower of the field, the grass withers, the flower wilts when the breath of the Lord blows upon you. Yes, the people is grass. The grass withers, the flowers wilts, but the Word of God stands forever.”

Kung ang Bibliya ay Salita ng Diyos at ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa at ito’y permanente, palagian, it’s not just transitory, it’s not just passing by, sineseryoso ba nating pakinggan ito?

Halos lahat naman sa atin ay may Bible, basahin natin ito. Hinahamon ko kayo, kung ilan sa inyo ang makasasabi na nabasa ko na ang buong Bible. Marami sa atin ay alam natin ang mga bagay sa Bible na patingi tingi. A passage here, a story there, but we have not read the whole story from the beginning to the end.

Pero hindi lang sapat na basahin ang Bible. Gusto natin itong lalung maintindihan. Hindi naman sinulat ang Bible para lituhin tayo. Ito’y sinulat upang tulungan tayong maintindihan ang gustong sabihin ng Diyos. Naging mahirap na lang ito sa atin ngayon kasi matagal na itong sinulat, more than two thousand years ago. Some passages even three thousand years ago. Sinulat ito sa ibang languages na hindi na ginagamit ngayon, ancient languages. At sinulat ng iba’t ibang mga tao na nasa iba’t ibang kalagayan. Kaya kailangan pag-aralan. Pero kung nagsisikap tayong maunawan ito, mauunawaan natin kasi ang espiritu ng Diyos na siyang tumulong sa mga manunulat noon na ang Bible ay isulat, that’s why all scripture is inspired. Itong espiritong ito ay kumikilos din ngayon upang tayong  magbabasa ng Bibliya, ay gabayan at maiintindihan natin ang Bible.

Inuunawa natin ang Bible upang ito’y maging inspirasyon sa ating mga dasal at maging gabay sa ating buhay. Hindi tayo malilihis ng landas sa ating mga desisyon kung isina-alang alang natin ang kalooban ng Diyos na siyang laman ng Bible. Sinabi ni Baruch, “Blessed are we for what pleases God is known to us.”

Seryosohin natin ang Bible hindi dahil sa gusto nating maging mga Bible scholars. Sineseryoso natin ito upang tayo’y maging mas malapit kay Hesus. Ang Bible ay ang Salita ng Diyos na nakasulat. Binabasa natin at inuunawa ang nakasulat upang mas maging mahigpit ang ating kaugnayan kay Hesus, ang Salita ng Diyos na naging tao. Kaya sinabi ni St. Jerome, “Ignorance of the Scripture is ignorance of Christ.”

So, when we read the Bible, Jesus, the Word of God enters into us. He nourishes us and enlightens us and transforms us.”

Ang Salita ng Diyos sa Bible ay hindi lang nagbabago sa bawat isa sa atin. Ito’y nagbabago din sa ating lipunan, sa ating bansa. We all long for that transformation of our beloved Philippines. And we believe that this transformation will not be brought about by the change of constitution for any foreign direct investment. It will be transformed if we have transformed leaders and transformed citizens. Kahit na anong constitution natin, kahit na anong business na pasukan natin kung ang puso ng tao ay pareho pa rin kesa ngayon, walang mangyayari, ma-co-corrupt din nila. Ano pang bagong sistema ang dumating sa atin.

And people are transformed, nagbabago ang tao, at babaguhin ng tao hindi ang sistema. At ano ba ang makababago sa puso at character ng tao, kundi ang Salita ng Diyos na sumusuot sa kaibuturan ng ating puso’t isipan. Nilalantad ng Salita ng Diyos ang ating mga balak, ang ating mga sikreto. Hayaan nating liwanagan tayo ng Bible at magkakaroon ng tunay na pagbabago ang ating bayan tulad  ng pagbabago ng buong lungsod ng Nineve at naligtas silang lahat. Hear the voice of the Lord, open the Bible and read.

But another occasion why we are here is not only because it is the National Bible Sunday. It’s also because of our way to open this celebration of the Year of St. Joseph, that is why we do this dito sa Santuraio de San Jose. Sabi ko nga kanina, ang limang parishes natin sa archdiocese ang siyang mangunguna sa pagpapalaganap ng debosyong ito.

Sa ngayon palang pinapangarap ko na sana pagkatapos ng one year of St. Joseph, may maiwan naman. At ang dalawa sanang hinihingi ko na maiwan sa mga parokya natin na bawat isa ay magkaroon ng association ng mga kalalakihan na deboto ni San Jose. Tawag man diyan ay fraternity, tawag man diyan ay Men of St. Joseph, o Kustos, anuman ang tawag diyan. Pero mga kalalakihan that will give importance to paternity, sa pagiging tatay tulad ni St. Joseph at siyang mangunguna at magproprotekta sa kanilang mga pamilya. Pamilya na ngayon ay sinisira ng ating lipunan.

At isa pa sanang maiwan sa mga parokya natin na magkaroon ang lahat ng labor desk. Ngayon po 2021, is the thirtieth anniversary of PCPII that was done in 1991. At isa po sa mga decree ng PCP II na ang parokya ay magkaraoon po ng labor desk.

St. Joseph supported the family because of his work. And we have to protect ang trabaho ng mga tao, gabayan ang mga manggagawa at palakasin ang mga manggagawa at yan po ay gawain ng labor desk.

Nakakalungkot sa mga parokya natin walang grupo na malalapitan ng mga manggagawa. Walang grupo na nakakatulong sa mga tao sa kanilang paggawa, in their work.

So, may this be a legacy that will stay with us even after one year. That’s why during this year, we try it out to promote devotion to Joseph, devotion to the importance and dignity of work that St. Joseph is also a patron at sa pamamagitan nito na sana ang debosyon ni San Jose ay magkaroon din ng pagbabago sa ating archdiocese.

Leave a reply