Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during Mass for the Feast of the Epiphany of the Lord at The Quiapo Church

Happy New Year po sa inyong lahat. At babatiin ko na rin kayong happy fiesta para sa anueve at pwede parin tyong magbatian ng Merry Christmas sapagkat nasa panahon pa tayo ng kapaskuhan.  The child is born for us. Dumating nga ang Diyos sa atin. Ang tanong: para kanino siya dumating? Para ba sa kanyang pamilya lang, ang angkan ni David? Para lang ba siya sa mga Hudyo, the chosen people of God? Para lang ba siya sa mga taong mabuti? O kaya dumating ba siya para lang sa mga Kristiyano lang? Ang kapistahan natin ngayong araw ang sasagot sa tanong na ito.

Traditionally we call this feast, the Feast of the Three Kings. This is inaccurate. Hindi naman po mga hari ang bumisita kay Jesus. Sinabi sa atin na sila ay mga pantas, mga astrologers, mga maji, mga mag-aaral ng mga bituin na galing sa silangan. Saan sa silangan hindi naman natin alam. Sabi ng iba galing daw sila sa Arabia daw, sabi ng iba sa Ethiopia, sabi ng iba sa Persia o sa India. Sa totoo lang, hindi talaga natin alam. But the east is usually connected with wisdom in ancient Israel. At hindi man sinasabi na sila ay tatlo. Alam natin na sila ay may dalang tatlong regalo, kaya traditionally we have supposed that each of them carried a gift, but they could be two with three gifts or five with three gifts. So, to call this the feast of the Three Kings is not accurate. Besides, it does not give the real meaning of the feast. So, the ancient name of the Feast of the Epiphany of the Lord is more appropriate.

Epiphany means manifestation or appearance. Iyan iyong kapistahan ng Pagpapakita o Pagpapakilala ng Panginoon.

May tatlo pong pagpapakilala si Jesus. Pagpapakilala sa kanyang mga alagad. Iyan iyong paggawa niya ng unang milagro niya sa kasalan sa Cana. Nakita ng kanyang Ina at ng kanyang mga alagad ang kanyang kaluwalhatian sa pamamagitan ng unang himala na ginawa niya na ang alak, na ang tubig ay ginawang alak.

Nakilala din siya ng mga Hudyo noong bininyagan siya ni Juan Bautista sa ilog Jordan. Bumaba sa kanya ang Espiritu Santo sa anyo ng kalapati at may boses na nanggaling sa langit na binabanggit na siya ang kinalulugdang anak ng Ama.

At ngayong araw ang pagkilala sa kanya ng mga pantas na galing sa Silangan sa pamamagitan ng tala. Kaya iyan po yung tatlong pagpapakilala ng Panginoon: sa kasalan sa Cana, saKanyang pagbibinyag sa Ilog Jordan at ang pagdalaw ng mga pantas sa Kanya.

Ang tanong natin kanina: Para kanino dumating si Jesus?

Ang kapistahang ito sinasabi sa atin na siya ay dumating para sa lahat ng mga tao. Ang lahat ng lahi ay represented ng mga pantas na galing sa iba’t ibang mga lugar. Ang mga ito ay hindi mga Hudyo. Iba ang paniniwala nila pero kinilala nila si Jesus na hari ng mga Hudyo at hindi lang hari sapagkat sila ay dumating upang sambahin siya.

Iyan din ang sinabi ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Dumating na ang liwanag, “Darkness covered the earth, thick clouds cover the earth; but upon you the Lord shines, and over you appears his glory. Nations shall walk in your light.” Kikilalanin siya ng lahat. Dadalhin sa Kanya ang kayamanan ng mga bansa. Natupad ang mga salitang ito ni propeta Isaias pagdating ng mga pantas mula sa malalayong lugar na may dala-dalang mga regalo. Ang mga regalo nila ay nagpapahiwatig ng kanilang pagkilala sa sanggol na ito: ginto, sapagkat siya ay hari; kamanyang, sapagkat siya ay Diyos; mira, sapagkat siya ay mag-aalay ng sarili niya bilang sakripisyo.

Itong universality of salvation ay siya ring mensahe ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa. Kinilala ni Pablo na binigyan siya ng katangi-tanging misyon. Siya ang katiwala ng Diyos upang ipaabot sa mga gentil, mga hindi Hudyo, na sila rin ay magmamana ng mga pangako ng Diyos para sa Kanyang bayan. Sila rin ay kasama sa katawan ni Kristo at makikinabang sa mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo. Salvation is for all peoples.

Ito ay isang magandang balita. Ang biyaya ng Diyos ay para sa lahat, kaya si Jesus ay dumating para sa lahat. Isinilang siya para sa lahat ng tao. Pero, ang magandang balitang ito ay isang malaking hamon sa ating panahon ngayon na dahil sa maraming problema at dahil sa kasakiman, malaki ang tukso na magkakanya-kanya na lang tayo. Para lang sa atin ang biyaya. Maliwanag itong nangyayari ngayon sa agawan, at talagang agawan sa vaccine. Ang mayayamang mga bansa ay gustong sila muna ang mabakunahan kasi sila ang may pera, makabibili sila ng vaccine kasi sila ang may technology na matuklasan ang vaccine na ito.

Pati na dito sa ating bayan, may mga tao nang nagpalusot na maunahan silang mabakunahan kahit hindi pa inaaprobahan ng gobyerno. Ang mga tao ng gobyerno pa ang lumalabag sa proseso na takda ng gobyerno. Gustong sila, sila muna. Each one for himself. And the government does nothing about it. Hindi man sila napananagot na sumusuway sila sa kalakaran ng pamahalaan. Ang kaligtasan ay para sa lahat. Kailan ba tayo matututo na kung hindi maliligtas ang lahat hindi tayo maliligtas. Hindi maliligtas ang bawat isa?

Oo, ang sanggol ay isinilang para sa lahat. Pero sino ang nakatagpo sa Kanya? Iyong mahihirap at iyong naghahanap sa kanya. God went out of his wayto sedn His angels, to announce the birth of the child to the shepherds, mga mahihirap na tao na kahit na sa kadiliman ng gabi, sila’y nagtatrabaho. Nagbabantay sa kanilang mga tupa. Sila ang unang binalitaan. At dahil sa sila ay naniwala, pinuntahan nila ang sanggol sa sabsaban at nakita nila ang kaligtasan.

Really the good news is preached to the poor. Ito rin ang ginawa ni Hesus noong siya ay nagpahayag. Umikot siya sa mga mahihirap, mga may sakit, mga may kapansanan, mga makasalanan at ipinadama sa kanila ang pagkalinga ng Diyos. Kaya nga ang simbahan ay may option for the poor. We give preferential love, preferential attention to the poor tulad ng ginawa ni Hesus. Hindi iyan nangyayari sa usapin ng vaccine. Inuuna ang may pera at ang may kapangyarihan.

Natatagpuan din ang Diyos hindi lang ng mahihirap ngunit ng mga taong naghahanap sa kanya. Nakita siya ng mga pantas kahit na sila ay galing sa malalayong lugar. Maaaring mga dalawang taon sila naghahanap sa sanggol. Iyan ang kwento nila kay Herodes kaya noong hindi sila bumalik sa kanya, pinapatay ng hari ang mga sanggol sa Bethlehem at sa karatig na mga lugar na mga bata na nasa dalawang taon gulang pababa. Malayo ang kanilang pinanggalingan at matagal nilang hinanap pero natagpuan nila. Totoo ang sabi ni Jesus, “Seek and you will find.” Maghanap kayo at matatagpuan ninyo.

Pero si Herodes at ang mga dalubhasa sa batas sa Jerusalem ay hindi nila natagpuan ang bata. Ang Bethlehem ay malapit lang sa Jerusalem, mga 10 kilometro lang ang layo siguro mga dalawa o tatlong oras na paglalakad. Alam nila kung saan ipanganganak ang bata – matatagpuan ito sa Banal na Kasulatan. Kaya noong tinanong ni Herodes ang mga experts of the law, kaagad natukoy nila. Pero hindi sila interested na puntahan ang bata. We will meet the savior not because we know but because we go out of our way to meet him.

Ngayong taon 2021, ang paksa natin sa simbahan ay Missio ad Gentes – misyon para sa mga hindi Kristiyano. Ito po ay isang pastoral priority natin ng simbahan kasi ito ang huling habilin ni Jesus bago siya umakyat sa langit, na tayo’y humayo sa buong mundo, na ipahayag ang mabuting balita, at gawing alagad ni Hesus ang lahat. Si Hesus ay dumating para sa lahat. Marami pa ang nag-aantay ng mabuting balita. Tayong biniyayaan na makilala si Hesus ay may tungkuling ipakilala siya sa iba. Kaya nga ang tagline natin, ang slogan natin ngayong taon ay gifted to give. We are gifted with the faith in order that we may share the faith. At limang daang taon na tayong nabiyayaan ng pananampalataya kaya ngayon na ang panahon na ibahagi din natin ang pananampalatayang ito sa marami na hindi pa nakakakilala sa Kanya.

Puntahan ang Diyos, Pumunta ang Diyos sa Kanyang bayan at hindi siya natagpuan, hindi siya tinanggap ng Kanyang mga kababayan. Mga dayuhan pa ang nagpahalaga sa Kanya.

Ngayong taon 2021, ang paksa natin sa simbahan ay Missio ad Gentes – misyon para sa mga hindi Kristiyano. Ito po ay isang pastoral priority natin ng simbahan kasi ito ang huling habilin ni Jesus bago siya umakyat sa langit, na tayo’y humayo sa buong mundo, na ipahayag ang mabuting balita, at gawing alagad ni Hesus ang lahat. Si Hesus ay dumating para sa lahat. Marami pa ang nag-aantay ng mabuting balita. Tayong biniyayaan na makilala si Hesus ay may tungkuling ipakilala siya sa iba. Kaya nga ang tagline natin, ang slogan natin ngayong taon ay gifted to give. We are gifted with the faith in order that we may share the faith. At limang daang taon na tayong nabiyayaan ng pananampalataya kaya ngayon na ang panahon na ibahagi din natin ang pananampalatayang ito sa marami na hindi pa nakakakilala sa Kanya.

But gifted to give is true not only with the faith but with all good things that we have received. Ano mang biyaya na natanggap natin sa Diyos ay hindi lang para sa atin. Ito rin ay para sa iba. Ang ating kayamanan, ari-arian, talino, oportunidad, kalusugan – ang mga ito ay pinasasalamat natin at ang mga ito ay sinisikap nating ibahagi sa iba. So, we become channels of God’s goodness to others. Ang kabutihan ng Diyos sa atin ay nababahagi natin sa iba. This is the challenge of our catholicity. Iyan yung ibig sabihin ng katoliko, universal. We are called to be more universal in our outlook and in our generosity because God has come not only for a particular group but for all.  Kaya nga ang symbol ng epiphany ay ang liwanag ng bituin. Ito ay nakikita ng lahat. Nasa itaas nakikita ng lahat ang bituin. Ito ay para sa lahat. Ngunit ang makikinabang sa liwanag na ito ay yung aalis sa kanilang kinaroronan, aalis sa kanilang status quo, upang hanapin ang kaligtasan na itinuturo ng liwanag na ito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *