FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick S. Pabillo during Evening Mass of the Lord’s Supper on April 1, 2021

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Mania during the Evening Mass of the Lord’s Supper at the Manila Cathedral on April 1, 2021, at 3 pm.

We have ended the season of Lent with the celebration of the Lord Supper. We start the period of the Easter Tridium, the most important feast in the Church. Lent prepared us for this. We celebrate it in three days this Easter Tridium, this evening til Saturday night til Sunday evening.

Ito yung sentro ng misteryo paskuwal – ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus. Sana po kasama kayo kahit na sa online lang sa tatlong araw na ito na ngayong taon ay gagawin natin ng alas 3 ng hapon. Special arrangement ito because of the special times. Dapat ang huling hapunan ay panahon ng hapunan. At ang Easter Vigil ay sa gabi na madilim na. Pero may curfew na tayo na ikinoco-consider kaya inagahan natin. So, please remember, 3 o’clock for three days, today, tomorrow and Saturday.

Ang huling hapunan ng Panginoong Hesus ay ang pagdiriwang ni Hesus kasama ng kanyang mga alagad sa pinakamahalagang hapunan ng mga hudyo sa kanilang pamilya kada taon. Iyan yung hapunang pangpaskuwa. Doon nagkakatipon ang mga Jewish families sa la mesa upang gunitain ang paglaya nila sa Ehipto noong panahon ni Moises. Iyan yung binasa natin sa sa aklat ng Exodo sa ating unang pagbasa. Nagkakatipon ang pamilya na nakahanda nang umalis at pinagsasaluhan nila ang kordero na nilitson. Ang dugo nito ay winisik nila sa mga hamba ng kanilang mga pintuan upang hindi sila pasukin ng kamatayan. The angel of death would pass over them. Kaya Passover meal an gating ginagawa partaking of the Passover lamb. Not only keeping them from death giving them the food necessary to cross to freedom.

Our second reading is the oldest account of the last supper of Jesus. It is not found among the gospels but from the Letter of Paul to the Corinthians which was written some ten years before the writing of the first gospel that of Mark. Dito pinaaalalahanan ni San Pablo ang mga Kristiyano ng kahalagahang ng kanilang lingguhang hapunan. Noon pa man nakaugalian na nila na twuing Linggo sila’y nagsasama sa isang hapunan. Medyo naabuso ito ng mga Kirstiyano. Para na lang ordinaryong kainan ang ginawa nila na sa halip na magkaisa, sila’y nagkakanya kanya na. ang iba ay labis na busog at ang iba ay nagugutom. Nawawala na ang bahaginan. Sinabi ni San Pablo, na itong ginagawa nila ay tinanggap din niya. Ibig sabihin na ito’y kaugalian na, na galing pa sa mga apostol, na nanggaling pa kay Hesus. May binago si Hesus sa huling hapunan sa kinaugalian ng mga hudyo. Sa halip na makinabang sa karne ng kordero, sila’y nakinabang sa katawan ni Hesus, sa anyo ng tinapay. Maliwanag ang salita ng Panginoon, “Ito ang Aking katawan para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”

Ang dugo na nagligtas sa kanila ay hindi na dugo ng kordero kundi dugo ni Hesus. Ito na ang dugo ng bagong tipan na ibinihos para sa atin. Itong pag-aalay ni Hesus ng Kanyang katawan at dugo para sa atin sa hapunan ay magaganap sa susunod na araw sa Kalbaryo. Talagang ang Kanyang katawan at dugo ay ibinigay noon para sa atin kaya mahigpit ang kaugnayan ng ating banal na misa sa nangyari kay Hesus sa Kalbaryo. Kaya sa bawat Misa natin, nandoon ang larawan ni Hesus na nakapako sa krus.

Ang pinakapagsamba natin sa Diyos ay ang pag-aalay ni Hesus. Sa Kalbaryo pinahiwatig sa atin ang kasamaan ng kasalanan. It brings unnecessary suffering even to the innocent. But at the same time, Calvary stands for God’s commitment to us in love. Tinaggap ni Hesus ang lahat alang alang sa atin. Si Hesus ang nakapako sa krus ang pina-assurance na hindi tayo iiwan ng Diyos, na mahal Niya tayo unto death. Sinabi ni San Juan sa ating gospel, “He loved his own in the world and he loved them to the end”.

Isa lang ang pag-aalay ni Hesus sa Kalbaryo. Hindi na ito mauulit. It has eternal value. Sa bawat Misa ay pinapasangayon natin, we make present among us the one sacrifice of Jesus in Calvary. Kaya ganyan kahalaga ang misa para sa atin. We come in the presence of the sacrifice of Christ. It is the same  sacrifice of Christ in Calvary and on our altars. Kaya dahil sa pandemya nanonood na lang tayo sa misa. Pero dapat sa puso natin nandiyan yung desire, yung paananbik to participate physically in the mass. Our online Mass is a few pure substitute of the real physical participation in the Holy Eucharist. At the moment, we are constrained to watch the online masses, but please do not lose the fire, the desire to be physically present when it is possible and to really receive the body of Christ into our own body.

Among the four gospels, only in the gospel of John do we not have the narration of the consecration of the bread and wine. Maaaring hindi na ito isinama ni Juan sa kanyang gospel dahil sa alam niya na ito’y kasama na sa ibang gospel. Tandaan natin na ang gospel ni John ang huling gospel na isinulat. Maaaring some thirty years after the gospel of Mark. Mayroon siyang kuwento ng last supper pero sa halip na Institution of the Eucahrist, siya lang ang may kuwento ng paghuhugas ni Hesus ng mga paa ng mga apostle. Ang paghuhugas ng paa ay ang gawain ng pinakamababang alipin. Kapag may dumadating na bisita, sinasalubong siya ng alipin at hinuhugasan ang kanyang paa bilang tanda ng hospitality.

Magandang pansinin ang sinabi ni John, during the supper, fully aware that the Father had put everything into His power and the He had come from God and was returning to God, He rose from supper, took off His outer garments, He took a towel and tied it around His waist. Alam ni Hesus ang kapangyarihan na ibinigay sa Kanya ng Ama. Alam Niyang Siya’y galing sa Diyos at babalik sa Diyos. Alam na alam Niya ang Kanyang kadakilaan pero hinugasan Niya ang paa ng Kanyang mga alagad. Ang kapangyarihan ay ginamit Niya hindi upang Siya’y paglingkuran at pahalagahan kundi upang magserve sa iba tulad ng pages-serve ng isang mababang alipin. Kaya pagkatapos ng paghuhugas, maliwanag na Kanyang sinabi na ang ginawa Niya ay dapat nilang gawin sa isa’t isa. Ito ay halimaba na dapat nilang sundin – maghugasan sila ng kanilang paa, mag-serve sila sa bawat isa.

May ritwal din tayo ng paghugas ng paa pgkatapos ng homiliya. Hindi sa labindalawang tao, pero apat lang na representatives ng ating panahon gnayon. Ang isa ay si Fr. Geoffrey Eborda Jr., isang paring Augustino. Ang mga Augustinians ang naunang misyonero sa Pilipinas. At ngayon inaalaala natin ang pagdating ng pananampalataya sa atin. Parangalan antin ang lahat ng mga missionaries mula noon hanggang ngayon.

Si Ms. Ruzzel Ramos naman ay isang full time catechist sa Don Bosco Tondo. Kinakatawan niya ang mga magulang, mga guro, mga lolo’t lola at mga katekista na nagbabahagi ng pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.

Si Mr. Romain Garry Lazaro ay isang kabataan dito sa Mass Media work ng Cathedral. Siya ang representative ng mga kabataan at ng mga social media missionaries na nagpapaabot sa atin ng mga banal na pagdiriwang sa iba’t ibang mga online paltforms.

Si Sr. Venus Marie Pegar ay isang madre ng Sisters of St. Francis Xavier na tinatag ni Alexandre Cardot of Yangon ng Myanmar. Nakikiisa tayo sa mga taga Myanmar na hanggang ngayon ay nakikibaka para sa demokrasya at sa tunay na kapayapaan.

Ang paghuhugas ng paa ay ang katumbas para kay Juan ng Institution of the Eucharist.  Ito ang kahulugan ng Eucharist – si Hesus na nag-aalay ng sarili kaya dapat din tayong mag-alay sa isa’t isa. Kung totoo ang pagtanggap natin kay Hesus sa banal na communion, dapat din natin gawin ang ginawa niya. So, the Holy Mass for us is not just a ritual but it is also a commitment. Dito papasok ulit ang ating paksa sa taong ito – Gifted to give. We are gifted by Jesus with His body and blood. Let us also give to others by serving them and sharing with to them.

Pgkatapos ng hapunan, pumunta si Hesus sa Garden of Gethsemane. At doon sa matinding panalangin, tinanggap ni Hesus ang kalooban ng Ama para sa Kanya.

Bukas mararanasan natin ang pagpapakasakit ni Hesus. Nagtataka ang tao kay Hesus tulad ng nagtataka si Pilato at si Herodes na kalmado Siya sa harap ng gma akusasyon at pang-aabuso sa Kanya. Jesus did not struggle anymore. He struggled in the Mt. of Olives the night before. Ganoon katindi ang Kanyang struggle na sinulat ni St. Luke. He was in such agony and He prayed so fervently that His sweat became like drops of blood falling on the ground. Ganoon siya ka-tense. Tinaggap Niya doon ang kalooban ng Ama. At mula noon mapayapa na ang loob NIya. Tinanggap na Niya ang lahat ng pasakit sa Kanya.

Ang ating Misa ngayong gabi ay wawakasan natin ng pagsasama sa Panginoong Hesus sa Kanyang pagdarasal sa Hardin ng Gethsemane. Sana hindi Niya sabihin sa atin ang sinabi Niya kay Pedro at sa kanyang mga kasama, “Hindi nyo ba ako masasamahan ng isang oras man lang sa pagdarasal?” Pray that you will not enter into the test. Kaya meron tayong pagtatanod ng isang oras together with Jesus in the Blessed Sacrament as we end this Mass.

Let us join us and join Jesus kahit na sa online, sa isang oras ng panalangin pagkatapos ng Misa natin ngayon. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

 

Leave a reply