FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick S.Pabillo, Bishop-elect of the Vicariate of Taytay, Palawan during the online Sunday Mass at the San Roque Parish in Pasay on July 18, 2021, at 10 a.m.

Malapit na ang election. Umiinit na ang mga balita tungkol sa mga politico na nagpopositioning. Pinalalabas na ang mga surveys kuno kung sino ang gusto ng tao. Sana po hindi tayo maniwala sa mga surveys na ito. Kinukundisyon lang ang mga pag-iisip natin. Bayaran din ang mga ito at nagiging propaganda tools na ng mga politico.

Instead of considering the surveys let us be influenced by the Word of God. It has a lot to tell us about leadership, even political leadership. In the Bible the leader is considered as a shepherd. Tulad ng pinamumunuan ng pastol ang kawan, ganoon din pinamamahalaan ng leader ang mga nasasakupan niya. Narinig natin kay propeta Jeremias sa ating unang pagbasa: “Parurusahan ng Panginoon ang mga namumunong walang malasakit sa kanilang mga nasasakupan at pinababayaang ang mga ito’y mangalat at mamatay.” Nababahala ang Diyos sa bayan.

Sinulat ni San Pablo: “There is no authority except from God, and those that exist have been established by God.” (Rom. 13:1) Kaya malaking parusa ang nag-aantay sa mga hindi tapat na namumuno. Sinusuri sila ng Diyos at mananagot sila sa kanya. The Word of God in the Book of Wisdom says: “The Ruler of all shows no partiality, nor does he fear greatness, Because he himself made the great as well as the small, and provides for all alike; but for those in power a rigorous scrutiny awaits.” (Wis. 6:7-8)

Hindi lang pananagutin ng Diyos ang hindi karapat-dapat na leader. Magbibigay siya ng leader para sa kanyang bayan. Hindi niya hahayaang mangalat ang kanyang tupa. Kaya nangako siya: “Pasisibulin ko mula sa lahi ni David ang isang sangang matuwid, isang hari na buong karunungang maghahari. Paiiralin niya sa buong lupain ang batas at katarungan.” Halina, O Diyos, ipadala mo sa amin ang mga leaders na matuwid. Maawa ka sa amin. Pinamumunuan kami ng mga huwad na leaders na puno ng kasinungalingan at kayabangan. Nagdurusa na ang bayan. Ayaw naming na magpatuloy ang ganito pang uri ng pamumuno.

Nagpadala nga ang Diyos ng tunay na leader. Iyan po ay si Jesus, ang Mabuting Pastol. Siya ang ating modelong leader. Paano ba namuno si Jesus? Makikita natin ang ilang katangian ng leadership ni Jesus sa ating ebanghelyo. Bilang leader alam ni Jesus ang pangangailangan ng mga tao kasi present siya sa kanila. Alam ni Jesus na ang mga alagad niya ay pagod na. Wala na nga silang panahon para lang kumain dahil sa dami ng mga tao na lumalapit sa kanila. Nakita ni Jesus ang kalagayan ng mga taong litong-lito na naghahanap na magpapastol sa  kanila na lumakad sila paikot ng lawa para lang madatnan siya. Alam ni Jesus kasi kapiling niya ang mga tao. Marami sa mga leaders natin ay wala sa piling ng mga tao, lalo na ngayong pandemia. Nakakulong sila sa kanilang mga palasyo, not in touch with the people, not in touch with the realities of so many who do not even have decent houses to go to. Ang alam nila ay ang mga sinusulsol sa kanila ng kanilang mga bata-bata at ang sinasabi ng mga surveys na kanila ring binayaran.

Hindi lang alam ni Jesus ang kalagayan ng mga tao. Tinutugunan niya ang pangangailangan nila. Sinabi ni Jesus sa mga alagad na pumunta sila sa isang ilang na lugar upang sila ay makapagpahinga. Kaya lumulan sila sa isang bangka upang pumunta sa kabila ng lawa. Jesus cared for his apostles. He wanted to give them rest. Noong nadatnan niya ang mga tao sa kabilang pampang na nandoon na na nag-aantay sa kanila, nahabag siya sa kanila at sa halip na siya mismo ay magpahinga, tinuruan niya sila ng maraming bagay. Praktikal na tinutugunan ni Jesus ang pangangailangan ng mga tao – pahinga kasi pagod, pagtuturo kasi litong-lito sila.

Tinugunan ni Jesus ang pangangailangan ng mga tao kasi siya ay may habag sa kanila. His heart was moved with pity for them. We need leaders who are moved by the dire situations of the people. We need leaders who have mercy and compassion and not promote kill! Kill! Kill! In fact because Jesus had compassion he forgot his own need of rest. He spent the whole day teaching them, sacrificing his rest. Ang mabuting pastol ay nag-aalay ng kanyang sarili upang ang mga tao, tayo, ay magkaroon ng buhay.

Sa ating ikalawang pagbasa sinulat ni San Pablo na ngayon hindi na hiwalay ang mga Hentil sa mga Hudyo. Hindi na sila dalawang bayan. Tinanggal na ni Jesus ang alitan ng dalawang grupong ito na parang isang pader na naghihiwalay sa kanila. Pinag-isa na niya sila at naghari na ang kapayapaan. Paano niya ginawa ito? Sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay sa Krus. Nagbigay siya ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aalay niya ng kanyang sarili. Kaya noong siya ay muling mabuhay ang kanyang unang pagbati sa mga alagad ay kapayapaan. “Peace be with you” is his first greeting as he came from the dead. Ang kapayapaan na binibigay niya ay iba sa binibigay ng mundo. Ang mundo ay nagbibigay kuno ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagsupil sa iba, sa pamamagitan ng dahas, sa pamamagitan ng baril. At wala namang  tunay na kapayapaan silang naibibigay. Hindi darating ang kapayapaan sa pamamagitan ng mga paraang hindi mapayapa. Si Jesus ay nagbigay ng kapayapaan sa pag-aalay ng kanyang sarili. Iyan ang paraan ng Mabuting Pastol. To offer oneself for the others. This is also the kind of leadership we need: the sacrifice of self interest for the sake of the people.

Ang paraan ni Jesus ng pagpapastol sa mga tao ay ang pagtuturo sa kanila. Lito ang mga tao dahil sa walang silang direksyon sa buhay. Kaya tinuruan sila ni Jesus ng maraming bagay. But we know that Jesus taught the people not only by his words and his teachings but also by his example. So his constant invitation to the people is “Come, follow me.” He lived an exemplary life so that he can honestly say to people, “Follow me.” Do our leaders teach the people? Do our leaders lead exemplary lives? Masasabi ba natin sa ating mga anak, tularan mo ang asal ng mayor natin, ng congressman natin, ng presidente natin?

Si Jesus ang mabuting leader na ipinangako ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Jeremias. Paano si Jesus nag-lead? First, siya ay nasa piling ng mga tao kaya alam niya ang kalagayan ng mga nasasakupan niya. Second, nababahala siya sa kanila kasi may habag siya sa kanilang kalagayan. Third, dahil sa kanyang habag sinasakripisyo niya ang kanyang sarili para sa kanila. Namatay nga siya para tayo magkaroon ng tunay na buhay. Fourth, ginagabayan niya ang mga tupang litong-lito sa pamamagitan ng kanyang pagtuturo sa kanila, pangangaral na galing sa kanyang mga salita at sa kanyang halimbawa. Ganito ba ang mga leaders natin ngayon? Ito sana ang batayan ng ating pagpili ng leaders at hindi ang mga surveys at press releases, lalung-lalo na hindi ang social media na ini-invade ng mga trolls.

Lord, gabayan mo kaming iyong bayan. Nakakalito ang pamumuno sa aming bansa Ipadala mo sa amin ang iyong banal na Espiritu, ang Espiritu ng katotohanan, upang dalhin kami sa katotohanan.  Ibig mo ang aming kaligtasan, hindi lang ng aming kaluluwa kundi ng aming buong pagkatao, hindi lang sa kabilang buhay, kundi kaligtasan ngayon na sa aming bayan. Nawa, ang aming pananalig sa iyo ay gumabay sa amin sa paghahangad at paghahanap ng tunay na leader na magpapastol sa amin. Amen. (Archdiocesan Office of Communiations/RCAM-AOC)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *