FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick S. Pabillo, Bishop-elect of the Vicariate of Taytay, Palawan during online Sunday Mass at the Chapel of Brothers of Charity (Caritas Manila), Pandacan on August 1, 2021, at 10 a.m.

Narinig natin sa gospel ang tanong ng mga tao: “Ano po ang dapat naming  gawin upang maganap ang kalooban ng Diyos? What do we need to do in order to do the works of God?” Sana ganito din ang hangarin natin – hanapin ang kalooban ng Diyos. Pero ang mga tao sa ating gospel ay hindi nagsimula na ganito ang hinahanap.

Sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na huwag kayong mamuhay ng gaya ng mga Hentil, na ang ibig sabihin, gaya ng mga taong hindi naniniwala sa totoong Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip. They were corrupted through deceitful desires. Kailangan magbago na ang kanilang pag-iisip, ayon sa bagong pagkatao na natanggap nila kay Kristo. Kaya, iwanan na nila ang kanilang dating pagkatao.

Ano ang katangian ng lumang pagkatao, ng lumang pananaw, ng maling pag-iisip? Makikita natin ito sa mga tao na naghahanap kay Jesus. Hinahanap nila si Jesus dahil sa sila ay nabusog niya noong pinakain niya ang higit na limang libong tao sa pamamagitan ng limang tinapay at dalawang isda. Hindi naman talaga si Jesus ni ang Diyos ang hinahanap kundi ang sarili nilang kabusugan. Hindi ba madalas din ito mangyari sa atin? Hinahanap natin kung ano ang makukuha natin? Hinahanap natin ang mga kandidato na makabibigay ng gusto natin at hindi naman ng ikabubuti ng bayan? Kaya kapag nakatanggap ng anumang halaga, binoto na sila. Wala namang love of country but love of self.  Pero pati na nga sa ating pagdarasal nangyayari din ito. Hindi talaga natin hinahanap ang Diyos kundi ang mga biyaya ng Diyos. Kaya kung hindi nakuha ang biyaya na gusto natin, nagtampo na sa Diyos.

Isa pang katangian ng lumang pagkatao ay pinakita ng mga Israelita sa disyerto. Nawalan lang ng pagkain, inisip agad na sila ay mamamatay sa disyerto, at dinala sila sa labas ng Egipto upang mamatay doon. Ang babaw naman ng paningin nila sa Diyos at kay Moises. Pinag isipan pa ang Diyos ng masamang balak sa pagligtas sa kanila sa lupain na nang-alipin sa kanila. Ganito rin ang nangyayari sa mga tao ngayon. Kapag dumating ang kahirapan, Diyos ang sinisisi – parang walang pakialam ang Diyos, parang wala siyang kapangyarihan na hinahayaan niya na mangyari ang masama. Ilan ang naninisi sa Diyos dahil namatay ang mahal nila sa buhay,o dahil sila ay nagkasakit, o dahil sa ibang pangyayari sa buhay na ayaw nila. Ano ang tingin  natin sa Diyos, na susunod lang sa gusto natin? Sa mga masama o hindi inaasahang pangyayari ang tanong dapat natin ay hindi “Bakit? Bakit, O Diyos na nangyari ito? O, Bakit mo ito pinayagan? ” Ang tanong ay dapat: “Ano? Ano Panginoon, ang hinihiling mo sa akin sa ganitong pangyayari?”

Jesus, being a good educator, little by little leads us from our superficial views to deeper truths. So he told the people not to be content with food that filled them up yesterday and now they are hungry again. Kaya ang dapat nilang hanapin ay ang pagkain na hindi nasisira at nagbibigay pa ng buhay na walang hanggang. Na-gets ng mga tao ang sinasabi niya kaya napatanong sila kung ano ang gagawin nila upang magawa ang kalooban ng Diyos. Malaking hakbang na ito. Mula sa kanilang concern na mabusog lang ang kanilang tiyan ang concern nila ngayon ay ang kalooban na ng Diyos. Have we ourselves made this jump? Or are our concerns still about material satisfaction and not yet the will of God? Minsan may sinabi si Jesus, “Seek ye first the kingdom of God and all your material needs will be provided for you.” Kung hinahanap natin ang kagustuhan ng Diyos, pupunan din niya ang ating pangangailangan. Mapagbigay ang Diyos. He provides for our needs. So he gave bread and meat to the people in the desert. Kahit napakarami nila – siguro higit na dalawang milyon sa disyerto –  napakain silang lahat. God is that powerful, and that loving. At sila ay pinakain hindi lang ng isang araw, kundi ng apatnapung taon – araw-araw!

Pero hindi lang binubusog ng Diyos ang ating tiyan. God also satisfies the deeper longings of our heart. Jesus has come in order to satisfy our deeper human longings. Kaya ang sagot ni Jesus sa mga tao kung ano ang dapat nilang gawin ay: “Ito ang ipinagagawa sa inyo ng Diyos: manalig kayo sa sinugo niya.” At sino ba ang sinugo ng Diyos kundi siya? Mas dakila pa ba si Jesus kaysa kay Moises? Iyan ang tanong ng mga tao. Dahil kay Moises dumating ang manna, ang pagkaing bigay ng Diyos Ama. Ang pagkaing ito ay pangtiyan lang. Pero ngayon ang pagkaing talagang bumaba sa langit ay si Jesus. Lumapit tayo sa kanya, tanggapin natin siya. Siya ang magpapawi sa pagkagutom at pagka-uhaw natin. At tayong mga tao ay hindi lang naghahangad ng mga material na bagay. Naghahangad din tayo ng pag-ibig, ng kapayapaan, ng kapatawaran, ng kapatiran, ng katarungan, at marami pang spiritual realities that are important for a dignified and meaningful human life. Jesus has come to fulfill these needs. Hopefully we can say with the people in our gospel: “Lord, give us this bread always.”

Ganoon na lang mapagbigay ang Diyos na hindi lang niya pinupunan ang material na pangangailangan ng tao. Pinupunan din niya ang mga spiritual needs niya. The Bible tells us that God our Father “has blessed us in Christ with every spiritual blessing in the heavens.” (Eph. 1:3) Kaya mga kapatid, gawin natin ang kalooban ng Ama. Tanggapin natin si Jesus. Maging bahagi siya ng ating buhay tulad ng ang tinapay na kinakain natin ay nagiging bahagi ng ating buhay. Tulad nang nakakaroon tayo ng buhay at energy dahil sa ating pagkain, ganoon din sa pagtanggap natin kay Jesus nakukuha natin ang energy sa ating buhay. He said:  “Just as the living Father sent me and I have life because of the Father, so also the one who feeds on me will have life because of me.” (Jn. 6:57)

Ang tanong ngayon: Sa anong pamamaraan natin matatanggap si Jesus? Magbibigay ako ng tatlong paraan. Natatanggap natin si Jesus sa pagtanggap natin sa kanyang salita. Nakabubusog ang kanyang salita. Hindi ba ito ay sinasabi natin kapag tayo ay nakatanggap ng magandang teaching sa isang recollection o isang retreat, na nabusog naman kami? Nabubusog tayo ng Salita ng Diyos.

Second, natatanggap natin si Jesus sa pagtanggap natin sa mga mahihirap. Jesus identifies himself with the poor and the needy therefore whatever we do to them we do to Jesus. Bakit ang mga taong nag-oorganize ng community pantry ay patuloy na gumagawa nito? Sa community pantry hindi lang nabubusog ang nakikinabang dito. Mas lalong nabubusog ang nagbibigay at nag-oorganize nito. They may be tired physically but deep down they are satisfied that they are able to help others. Nabubusog tayo sa ating pagtulong sa ating kapwa. Hindi ba kayo nagtataka bakit maraming mga volunteers at organizers sa mga NGOs – mga binabansagang mga aktibista –  ay patuloy sa kanilang trabaho na wala naman silang sweldong tinatanggap at ni-rered tag pa, at ang ilan ay pinapatay pa? They do this because there is deep satisfaction in helping others and organizing and empowering the poor. Hindi sila matatalo ng red-tagging at repression. They will just be all the more emboldened.

Natatanggap natin si Jesus sa pagtanggap natin ng kanyang salita. Natatanggap natin si Jesus sa ating pagkilos para sa mga mahihirap. Natatanggap natin si Jesus sa pangtanggap natin sa mga sakramento. Ang mga sakramento ay mga paraan na matatagpuan natin si Jesus. Hindi lang mga seremonias o mga ritual ang binyag, ang kasal, ang kumpil, ang kumpisal, pagpapahid ng langis, ang Banal na Orden, at ang Banal na Misa. Ang mga ito ay paraan ng ating pagtatagpo kay Jesus. We encounter Jesus in the sacraments. Ang mga sakramentong ito ay dumadating sa atin sa pamamagitan ng mga pari.

Ngayong Linggo ay St. John Maria Vianney Sunday. Si St. John Maria Vianney ay ang patron ng lahat ng mga parish priests. Sana naman ngayong araw batiin ninyo ang inyong mga parish priests ng Happy Feastday – kahit na i-text lang sila. Malaki ang papel na ginagampanan ng mga pari. Sila ang nagpapahayag ng Salita ng Diyos, sila ang nagpapadaloy ng mga works of charity and justice for the poor, at sila rin ang nagpapabanal sa atin sa pagbibigay ng mga sakramento. Ipagdasal natin na maging tapat sila sa mahahalagang tungkuling ito upang matanggap natin si Jesus at magawa natin ang kalooban ng Diyos. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *