FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick S. Pabillo, Bishop-elect for Vicariate of Taytay, Palawan during the online Sunday Mass at the Our Lady of the Most Blessed Sacrament Parish on July 11, 2021, 10 a.m.

Alam natin ang 3 D. Ang larawang 3 D, three dimensional, ay mas maganda at mas buhay tingnan. Ang ating mga pagbasa
ay maaari din nating tawaging 3 D: Depend on God, Deliver God’s message, Drive out evil. Mas magiging buo ang ating
pag-unawa sa pagmimisyon kung titingnan natin sa liwanag ng 3 D na ito.

Pinadala ni Jesus ang 12 apostles na walang gamit. Huwag silang magdala ng pagkain, ng supot, ng damit, ng salapi.
Mayroon lang silang sandalyas at tungkod kasi malayo ang lalakaran nila. Hindi sila magdadala ng mga bagay-bagay
upang sa Diyos lang sila umasa. They go to their mission and should not seek their own comfort. Kaya nga hindi dapat sila
palipat-lipat ng bahay. Kung saan sila tanggapin doon lang sila mananatili. Ang mga pinadala ay dapat naka-focus lang sa
kanilang misyon. Ang Diyos na ang bahala sa pangangailangan nila. Depending on God, we are more free and more available
to do what he wants. Ganoon din ang nangyari kay propeta Amos sa ating unang pagbasa. Pinapaalis na siya ng paring si
Amasias doon sa dambana ng Bethel kasi hindi naman siya tagaroon at malalakas ang binibitiwan niyang mga salita laban
sa mga katiwalaan na ginagawa ng hari at ng mga leaders sa Israel. Si Amos ay taga-Tikoa, isang lunsod sa kaharian ng
Juda, sa labas na ng kaharian ng Israel. Pero sabi ni Amos na siya ay hindi naghahanap-buhay sa kanyang pagiging propeta.
May hanap-buhay siya doon sa kanila bilang pastol at taga-pag-alaga ng mga puno ng igos pero pinadala siya ng Diyos na
magsalita sa kaharian ng Israel. Kaya iniwan niya ang kanyang lunsod at pumunta sa Bethel. He was available for the
mission. He depended on God. Madalas ang pumipigil sa atin na gawin ang gustong ipagawa ng Diyos ay ayaw natin iiwan
ang ating comfort zone. Hindi tayo nagtitiwala napangangalagaan naman tayo ng nagpadala sa atin.

Ako personally, magbabago ang buhay ko pagpunta ko sa Taytay ng northern Palawan. Iiwan ko na ang buhay ng lunsod
dito sa kamaynilaan, with all its perks and its comfort. Babalikako sa buhay sa kanayunan kasama ang mga mangingisda,
mga magsasaka at mga katutubo. Upang maabot ang mga Parokya at mga chapels kailangan ng matagtag na biyahe sa
mga rough roads, kailangang sumakay sa maliliit na bangka, o kailangan pa ngang maglakad sa mga bundok. I am a bit
apprehensive but what gives me peace is my dependence on the God who sends me. Hindi ko gaano alam ang dadatnan ko,
pero sigurado akong hindi naman niya ako pababayaan. This peace gives me readiness to take on the mission.

God sends. For what? To deliver his message. Iyan ang ginawa ni propeta Amos, nanawagan siya ng katarungan sa mga
Israelita na komportable sa kanilang kasaganaan pero napapabayaan at inaapi pa ang mga mahihirap. Ang mga
apostol ay pinadala din upang ideliver ang Magandang Balita na magsisisi na ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kasi
tinubos na sila ng Diyos. Hinimay ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa ang magandang balita na idedeliver sa
mga tao. Tayo ay pinili na ng Diyos bago pa nilikha ang mundo. Nasa isip na tayo ng Diyos. Each of us is willed by God.
We do not come to this world by chance. God placed us in this world with a purpose, that is, to be holy and be blameless
before him in love. Kabanalan ang layunin ng buhay natin. At binigyan niya tayo ng lahat ng spiritual na tulong upang ito ay
makamtan. Kaya ginawa pa niya tayo na maging mga anak niya sa pamamagitan ni JesuKristo. Ganoon niya tayo kamahal
na makasalanan pa tayo namatay na si Jesus para tayo mabuhay. Ito po ang message na i-dideliver sa mundo.

Ang pagdeliver natin ng message na ito ay hindi lang sa pamamagitan ng mga salita. Kasama ng ating mga salita ay
ang pagdadala mismo ng kaligtasang ito. So they drove out evil. They demonstrated by their deeds their power over evil.
Kaya nagpapatawad sila ng kasalanan, nagpapalayas ng demonyo at nagpapagaling ng mga maysakit. Hindi lang si
Jesus ang nakakagawa ng mga ito. Pati na rin ang mga tao na kanyang pinapadala. Hanggang ngayon ginagawa ito ng
simbahan. Nagpapatawad ng kasalanan ang simbahan. Mayroon tayong exorcists na nagpapalayas ng masasamang
espiritu. Sa totoo lang, ang pagbibinyag at ang sakramento ng kumpisal ay pagpapalayas din ng demonyo na nandiyan
nagkukubli sa ating kasalanan. Ang simbahan ay nagpapagaling din. Kaya nga may mga clinics, mga ospital,
mga leprosarium, mga rehabilitation centers at marami pang ibang pagamutan na mini-maintain ng simbahan kasi ang
pagpapagaling ay bahagi ng kanyang misyon.

Mga kapatid, ang Diyos ay patuloy na nagpapadala ng mga tao para ipalaganap ang mabuting balita. Kasama na ang bawat
isa sa atin na kanyang pinapadala. Sana umasa tayo sa kanya at huwag tayong magdahilan na hindi ko kaya, na wala akong
alam, na wala akong kagamitan. Let us depend on him because he is dependable. He will not fail us. Let us deliver his
message. Ang ganda ng message niya: kilala tayo ng Diyos bago pa tayo nilikha. No one of us in unwanted by God. At
may magandang plano siya sa bawat isa – iyan ang kabanalan sa pamumuhay natin bilang mga anak niya. At iyan ay
mapapatunayan natin sa ating pagsisikap na i-drive out ang kasamaan sa buhay natin at sa paligid natin.
Iyan ang 3 D sa Sunday na ito: Depend on God, Deliver his message, Drive out anything that is against God.

Ngayon idadagdag ko ang isang paksa na hindi masyadong napapansin. Ngayong Linggo ay Sea Sunday. Every second
Sunday of July we commemorate in the Church Sea Sunday. Pinapahalagahan dito ang kalagayan ng mga mandaragat.
Being an archipelago, napakarami ng mga kababayan natin ay nabubuhay dahil sa dagat. Nandiyan na ang mga maliliit
nating mangingisda. Isa sila sa sector ng ating lipunan na pinakamahirap. Wala silang proteksyon na natatanggap sa
ating pamahalaan. Ang issue ng West Philippine Sea ay nagpapakita na hindi naipagtatanggol ang ating mga
mangingisda kahit na sa territory mismo natin. Alalahanin na lang natin ang bangka ng mga mangigisdang Pilipino na
sinagasaan ng barkong instik at pinabayaan sa dagat. Matamlay ang panindigan ng ating pamahalaan para sa kanila.

Marami ring mga Pilipino ay nasa maritime industry. Higit na 300,000 ang mga seamen natin. Ang mga Pilipino ay
pinakamaraming nagtratrabaho sa shipping industry, at ngayong pandemiya marami sa kanila ang hirap na hirap.
Hindi sila makasakay ng barko o iyong nasa laot ay matagal na hindi nakakauwi. At alam natin ang hirap ng buhay sa laot.
Nandiyan ang kalungkutan, nandiyan ang danger sa mga pirates at sa mga bagyo, nandiyan din ang mabigat at
mapanganib na trabaho, at nandiyan pa din ang pang-aabuso sa kanila. Biktima din ang marami ng human trafficking
sa dagat. Pinapagtrabaho sa barko na walang sapat na sahod at sa hindi maayos na labor conditions. Pero mahalaga
po ang maritime industry. Halos 90% ng mga bagay sa mundo – mula sa gasolina, hanggang sa mga kotse, hanggang
sa mga pagkain, mga equipments, mga semento, mga bigas ay dumadaan sa dagat. Pasalamatan natin ang mga seamen
and women natin. Hindi tatakbo ang ating ekonomiya kung wala sila. Ipagdasal din natin sila, lalo na ang mga nasa panganib
at mahigpit na kalagayan. We owe them a lot.

Sa simbahan mayroon tayong Apostleship of the Sea na ngayon ay tinatawag na natin na Stella Maris, Star of the Sea,
isang title ng Mahal na Ina. Sila ay mga pari, mga madre at mga lay workers na nangangalaga sa mga mandaragat natin.
Nandiyan sila sa mga main shipping ports. Suportahan din natin ang kanilang napakahalagang gawain na tumutulong sa
mga Peoples of the Sea natin. Maganda pong isipin na nagpapadala ang Diyos ng mga tao na tumutugon sa iba’t-
ibang pangangailangan ng tao. Talagang gusto niya ang kaligtasan ng lahat. (Archdicoese of Manila – Office of Communicarions/RCAM-AOC)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *