FULL-TEXT | Homily of Bishop Broderick S. Pabillo, Auxiliary Bishop of Manila during online Sunday Mass at Santa Clara de Montefalco Parish in Pasay on June 27, 2021, at 10 am

There is a big struggle that is happening in our time: the struggle between the culture of life and the culture of death. Lahat naman tayo ay naghahangad ng kaunlaran. Gusto natin maabot ang kapayapaan. Pero sa anong paraan ba natin matatamo ang kaunlaran at kapayapaan? Dito na pumapasok ang labanan ng kultura ng kamatayan at kultura ng buhay. Ang paraan ng kultura ng kamatayan, ay iyan, kamatayan ang paraan upang maabot ang kaunlaran at ang kapayapaan. Kailangan patayin ang criminal – kaya isinusulong ang pagpatay sa drug addicts kuno at ang death penalty, patayin ang mga rebelde, kaya nandiyan ang red tagging na nauuwi sa Extra Judicial Killings, patayin ang batang sagabal sa pag-unlad ng pamilya o ng pangarap ng babae sa buhay – kaya nandiyan ang abortion, patayin ang matatanda na wala namang pag-asa pang mabuhay nang maayos – kaya nandiyan ang euthanasia at assisted suicide. Siempre, hindi naman openly na sinasabi na pumatay. They use inoffensive language, which they call politically correct language. They do not call it abortion, much less killing the child. They may call it terminating the pregnancy or the right of the woman over her body. They do not call it killing the aged or the sick or the terminally ill. They say dignified death. They do not call it pointblank killing of a suspect. They call it nanlaban. Pero ang katotohanan ay: kamatayan ng iba ang paraan para magkaroon ng kaunlaran, kapayapaan at maayos na buhay – para sa atin.

Ito ay nagiging kultura, nagiging pananaw at paniniwala, na naging tanggap na ng mga tao. Kasama na rin dito ang paniniwala na kailangang magkaroon ng maraming armas at bomba upang magkaroon ng kapayapaan. Kailangan ng away o giera para mapanindigan ang ating karapatan. Kailangang siraan ang iba, kahit na sa pagsisinungaling sa social media para tumaas ang rating. Kailangang magbanta at magmura para mapakitang malakas siya. At ito ay nagiging katanggap-tanggap na sa lipunan. Ganyan kasi siya eh. Sincere lang siya! Ang masama nga ay ito ay nagiging kultura na.

Ang culture of life naman ay naniniwala na ang kapayapaan at kaunlaran ay maaabot ng pagtutulungan, ng paggalang sa isa’t isa, ng pagtulong sa mga mahihina. Ang kapayapaan ay makukuha sa pag-uusap at pag-unawa. Magkakaroon ng kaunlaran kung ang lahat ay makikinabang, at hindi lang ang iilan at the expense of the weak and the voiceless. The culture of life believes that in everyone there is goodness that can be brought out. So rehabilitation is possible for all, whether that be drug addicts or criminals or the sick.

Sa clash o labanan ng kultura ngayon, siyempre alam natin kung saan panig ang simbahan. The Church and the believers in God are on the side of life because this is the side of God. Narinig natin sa ating unang pagbasa: “Ang kamatayan ay hindi likha ng Diyos. Ang pagkamatay ng alinmang may buhay ay hindi niya ikinalulugod…. Lahat ng nilalang ng Diyos ay mabuti at mahusay…. Dahil sa pakana ng Diyablo nakapasok ang kamatayan at ito ang kahihinatnan ng mga napailalim sa kanya.”

Jesus has come in order to bring life. This is very clear in our Gospel reading today in which we have a double miracle. Ang dalawang milagrong ito ay tungkol sa dalawang babae na desperate na ang situation. Ang isa ay 12 years nang dinudugo. Hindi siya magamot-gamot ng mga doctor. Ang isa ay dalagita na 12 years old na nag-aagaw buhay at namatay na nga. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng kaligtasan – at dito maliwanag na pinapakita na ang kaligtasan ay kagalingan at buhay – nagkaroon sila ng kaligtasan dahil kay Jesus. Hindi lang presence ni Jesus ang solution kundi ang pagtanggap sa presence ni Jesus na may pananampalataya. Kahit na laylayan lang ng damit ni Jesus, kahit na nga hindi alam ni Jesus, gumaling ang babae dahil naniniwala siya. So many people were pressing on Jesus but nothing happened to them because they were not touching Jesus with faith, as this woman did. Noong binalita kay Jairus na patay na ang anak niya at huwag nang gambalain pa ang Guro kasi wala na siyang magagawa – patay na eh – Jesus assured him: “Do not be afraid; just have faith.” In both cases it is faith in Jesus that brought about life and healing.

In both cases, however, Jesus got contaminated by ritual uncleanness. Any contact with the dead and with a person with bodily fluids makes one unclean. This is the risk that Jesus took in order to bring about the results of his healing touch. He got contaminated by ministering to others.

Pati na ang ating second reading ay tungkol sa culture of life. Taggutom noon sa Judea. Pupunta doon si San Pablo para tumulong sa mga Kristiyano na nandoon. Dadaan siya sa Corinto. Sinulatan nila ang mga taga-Corinto na maging generous sila sa tulong na ibibigay nila. Tandaan natin na si Jesus, na bagamat nasa kanya na ang lahat bilang Diyos, iniwan niya ito upang maging tao, at dukhang tao, para tayo ay payamanin ng kanyang pagka-Diyos. Kaya hinihikayat ni Pablo ang mga taga-Corinto na maging kilala hindi lang sa kanilang karunungan at pananampalataya kundi maging kilala din sa kanilang pagkawang-gawa. Kaya ang ating pagtulong sa kapwa, tulad ng ang ating community pantries at Pondo ng Pinoy ay bahagi ng pagtataguyod ng culture of life.

Kaya maliwanag, mga kapatid, na tayo na mga taga-sunod ni Kristo ay nasa culture of life. Ito ang paninindigan ng  Diyos, ito ang ginawa ni Jesus, ito ang sinusulong ng mga apostol. So we cannot just watch  and stand on the sidelines as this struggle between life and death is happening before our very eyes. What can we do then?

First, let us make our stand clear. We are for life. So in the different issues about life in our society now we should not be indifferent. We are for the life of the unborn; we are for dignity of life till natural death; we are for the rehabilitation of drug addicts and criminals; we are for peace talks between the government and the CPP-NPA; we are for the protection of our forests and our seas against exploitations that are done by mining, logging and destructive fishing; we are for greater distribution of goods for the poor.

Second, if we make our stand, let us make our stand known in whatever means we have. Let our voices be heard. We cannot just let others speak while we keep silent. Remember that this is a clash of cultures. Cultures are formed when they are expressed. Ang malungkot ay mas maingay ang kabilang panig. Ngayon pinopromote na nila na human right na raw ang abortion. Tutulan natin ito. Paano maging  karapatang pangtao ang pagpatay ng bata?  Pinapasabong   nila ang nanay at ang sanggol niya. Banta daw sa kapakanan ng nanay ang kanyang anak. Magsalita tayo! Kung noon pa nagsasalita tayo laban sa EJK, natigil na sana ito at hindi na ganoon karami ang napatay at mas marami pang naulila. Pero patuloy pa ngayon ang EJK, hindi na lang nababalita kasi hindi na nga balita, parang naging normal na, naging kultura na! Let us speak out that this should not be so. Mga kapatid, limang taon na ang pagpapatay at patuloy pa rin. Hindi naman tayo ganito. Hindi naman ito ang kulturang Pilipino!

Hindi lang sapat na may paninindigan tayo. Ni hindi lang sapat na nagsasalita tayo. Kumilos din tayo na itaguyod ang buhay at ang nahihirapan sa buhay. Tulungan natin ang may sakit kahit na sa pandemic. Patuloy nating suportahan ang mga nahihirapan sa buhay sa ating mga community pantries at pagbibigay ng ayuda. Tulungan natin ang mga bahay ampunan ng mga bata at matatanda, o mga tao na kumakalinga sa mga street people. Let us do our best to give people a dignified life. Ang kamatayan ay hindi dapat maghari sa daigdig na ito na ginawa ng Diyos upang ibahagi ang kanyang buhay.  Jesus categorically said: I have come that you may have life, and life to the full. (Archdiocese of Manila – Offic eof Communications/RCAM-AOC)

 

Leave a reply