FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during Mass for the Dead at the Manila Cathedral on May 8, 2021, at 9 am

Ako poý nagpapasalamat sa mga paring nandito, nakisabay sa ating misa sa mga yumao at doon din po sa maraming mga kasamahan natin sa iba’t ibang parokya, sa mga bahay nila, na nakikiisa po sa online na misang ito. At hindi lang po sa atin sa araw na ito kasi may tatlong araw tayong itinabi para po sama sama tayong magdasal, days of prayer and charity. Humihingi ng awa sa Panginoon kaya ang ating dasal ay “Panginoon, kaawaan mo kami”.

Sa tatlong araw na ito, ibinubuhos natin an gating pagsusumamo sa Diyos para po sa mga frontline workers natin lalung lalo na ang nasa medical field, ang talagang napapahamak at nagtataya ng kanilang sarili. Ganoon din ipinagdasal natin at pagsusumamo natin sa mga may sakit at dumadami po ang mga may sakit. Dito sa atin ay higit nang isang milyon ang nagkakasakit. At ang mga naulila, naiwan ng mga yumao. At ngayon naman ay sama sama nating tinataas ang ating panalangin sa mga yumao. At lahat po tayo ay may kakilala na mga namatay lalung lalo na sa ating mga parokya. Ang iba diyan ay mga kamag-anak pa natin. Kung ayon po sa tala kahapon, mga 18,000 na, mga 18,099 ang mga namatay ngayon panahon ng COVID pandemic dahil po sa virus na ito. At sa buong mundo, higit nang 3 milyon ang mga namatay. Pero kung titignan po natin dito sa Pilipinas, yung 18,000 na namatay, sabihin na lang natin na may mga sampu na mga malalapit sa buhay nila, diretsong tinamaan ng pagkamatay nila, mga 18,000 people yan directly affected. Ano pa yung mga kaibigan, yung mga kakilala. So, ayan pong lahat ay itinataas po natin sa Panginoon, ang mga kaluluwa ng mga namatay at ang mga kalagayan ng mga taong naiwan.

And alam po natin marami din tayong kakilalang mga taong unexpected, na mamamatay. Unexpected, nakasama pa natin last year, a few months ago. Kaya tama po yung sinabi sa atin ni Hesus sa ating gospel reading: “You must be prepared because the Lord can come and call you any time”.  Anytime. Hindi po natin ine-expect itong coronavirus na ito. Before February 2020, it was out of our mind na maging ganitong kalagayan natin. At noong pumasok ang virus sa atin, hindi natin inexpect na magkakaroon ng ganitong kalaking surge sa buwan ng Marso ngayong taon. At mga kapatid, hindi pa natin alam ano ang mangyayari sa susunod kasi kung mababalitaan natin ang nangyayari ngayon sa India ay talagang nakakatakot.

That’s why what the Lord is telling us is true –  We must always be prepared although meron na pong glimmer of hope, mayroon nang pag-asang binibigay sa atin yung mga virus. Pero dahil sa mga variants na dumadating parang dumudilim ulit itong glimmer of hope na ito. Kaya paano ba tayo magiging prepared?

Ang sinabi ng ating Panginoon sa ating gospel: “Blessed are those whom the Lord will meet doing what they are supposed to do”. At iyan yung best preparation, hindi po magtago. Not to protect ourselves but to do our duties. Whatever that may be, sa ating mga pari, sa ating mga parokya, sa mga magulang, sa kanilang pamilya, sa mga manggagawa, sa mga estudyante, sa kanilang pag-aaral, let us do our best in what we have now. Because we cannot wait for tomorrow baka hindi naman dumating yung tomorrow. We should not say that we will do this in better times, that better time may not happen. But the best way is when the Lord comes, he sees us doing our duties.

But as believers, we do not only express our common hope and our common grief at yan po yung ginagawa natin, we find a day that we can express our common grief. But this common grief also expresses our common hope for our beloved dead because we are not completely at a lost. Sinabi po sa atin sa ating salmon tugunan: “Though we walk in the valley of darkness we fear no evil for you are with us”.  Kahit na tayo’y tumatahak sa kadiliman, kadiliman ng kamatayan, kadiliman ng pandemyan, hindi tayo natatakot kasi alam natin kasama natin ang Panginoon kahit na sa pandemyang ito. Kahit na sa kamatayan kasama natin ang Panginoon.

So, we pray for the eternal repose of our beloved dead. Believing that the Lord will bring them to greener pastures. Yes, we are sad because they are no longer with us. Nalulungkot tayo para sa ating sarili. Wala na sila sa ating kinagawiang relationship sa kanila. Hindi na natin sila nakikita, hindi natin sila nakakapag kuwentuhan but we believe that they are in a better situation. Because death is a birth to a better world, to a better world. There is a far greater and better world than we have now. Iyan po yung ipinahayag sa atin sa pagbasa natin sa aklat ng Revelation, that there is a new heaven and a new earth that Jesus promises. At dito sa bagong mundong ito, ay talagang nandiyan yung glory of God at doon po ay wala nang kamatayan, wala nang kalungkutan, wala nang luha, papahiran niya ang lahat ng mga luha.

Sabi natin po na ang kamatayan ay is a birth to another world. Pagsilang sa isang bagong mundo. Ang isang baby noong nasa tiyan siya ng kanyang nanay, kahit na maliit lang yung kanyang mundo, at home na at home siya sa tiyan ng kanyang nanay, well protected by the womb of the mother. Totoo, madilim yung mundo, hindi siya palaging nakakakilos but he is or the child is very much comfortable with the proper heat, with the care, with the proper sustenance, coming from the mother. Noong siya’y ipinanganak, kaya umiiyak yung mga bata kapag sila’y ipinanganak, suddenly, they find themselves in another world, a strange world. Isipin na lang natin mula sa isang maliit na mundong iyan ay napakalaki ng mundo, napakaliwanag, ang daming kulay. And somehow, it’s a strange for the baby. But this is a much better world than the world of the womb of the mother.

Parang ganoon po ang pagsilang natin sa bagong buhay. Comfortable na tayo sa mundong ito, marami tayong kakilala, nasanay na tayo na mamuhay dito sa loob ng tatlongpung taon, limangpung taon, walongpung taon, isang daang taon. Ito yung mundo natin. But suddenly with death we enter into a new reality and we cannot even imagine what that reality is tulad ng ang baby sa tiyan ng kanyang ina, hindi man niya ma-imagine ano yung mundo na papasukan niya. Totoo naririnig niya ang mga boses ng mga tao sa tiyan pero hindi niya ma-imagine kung ano yung bagong mundo. Ganoon din tayo po. May mga nagsasabi sa atin, may mga pangitain, may mga santo, may mga banal na kasulatan na nagsasabi ano yung mundong yun na wala ng grief, na walan ng tears, wala ng suffering, it’s a totally new world. Doon po tayo pupunta. Lalung lalo na po yung mga taong nag-alay ng kanilang sarili para sa iba sa mundong ito. At nakakasigurado tayo doon tayo pupunta, because Jesus is our savior. He did not hesitate to give Himself while we were yet sinners. Hindi pa niya tayo kaano ano. Namatay na Siya sa krus para sa atin. Ano pa kaya ngayon na kapatid na natin Siya. Ano kaya ngayon na tayo ay anak na ng Diyos. Hindi nya ba tayo tutulungan? Iyan po yung sinabi sa atin ni San Pablo. That’s why for us, death is not the end bit a change to a new world.

At yung kamatayan ay isa ring nagbibigay ng pag-iisip sa atin sa ating naiwan dito sa mundo.  I once spoke to a priest who had the experience of a brother priest, a close friend who suddenly died. Bata pa po siya, masigasig sa kanyang ministry pero namatay siya dahil sa COVID. At sabi ng paring ito, nagbago ang aking perspective sa buhay dahil sa kamatayan ng kaptid na paring iyun. Nakita niya na ang buhay ay very fragile. Hindi natin mahahawakan. Energetic pa naman yang kaibigang paring yan kaya nga sabi niya mula ngayon dahil dun, I try to do my best in whatever I can now. Because I don’t know. Kung nangyari sa kanya yan, maaring mangyari din sa kanya ang nangyari sa kapatid na pari. At yan din pong iisipin natin. Totoo, kailangan tayong gumamit ng mga health protocols. Kailangan tayong magpa-vaccine, but all of these are no assurances na malalalampasan natin ito, itong pandemyang ito. So, whatever opportunity we have, let us do our best. Kaya panawagan din ito po sa atin.

And as pastors, tayong mga pari, we always carry with us the griefs and pains of our people and their joys and hopes. Let us bring them to God. Our people may not be able to come to us, to express this grief. Hindi nga sila makakapunta sa mga libing. Limitado ang partisipasyon sa mga libing. Pero tayong mga pari, we can always celebrate the Mass for them. Marami sa mga faithful natin hindi nga makakasimba physically although they may want to. Confined na lang sila sa online na mga misa na pagdadasal, pero tayo po may tao man o wala, nagmimisa tayo. Itaas po natin sa Diyos ang mga dalamhati, ang mga pangamba ng ating mga parishioners, ng ating mga tao. Kung tayo ngang mga pari in a way, well shielded ang mga buhay natin, may kumbento tayo, may mga doktor na uma-attend sa atin, maayos ang ating pagkain, ano pa kaya yung mga tao natin.  That’s why let us offer the service that we can at iyan po yung ating panalangin. That’s the best service that we can. Let us offer the Mass faithfully, devotedly. Let us always spend time and those are the things that the people are asking, how many times we’ve heard, please pray for me, pray for me. And we promise prayers. Let us pray. Let us spend time to pray. Noong tayo ay nag-adoration sa the Blessed Sacrament, may pagkakataon tayong magdasal as communities in front of the Blessed Sacrament. But we always have the Blessed Sacrament with us in our own churches, in our convents. Itaas po natin sa Diyos ang pangangailangan ng ating bayan.

So, my dear friends, let us grieve together with our people but our grief is a grief that brings hope. Because alam natin that death is not the end. In fact, death is a birth to another and better life, a better world. Iyan po yung inaasahan natin sa yumao at sa ating lahat. At malakas ang ating pag-asa kasi niligtas tayo ni Hesus. Kasi mga kapatid tayo ni Hesus. Anak na tayo ng Diyos. Sana ang grief din natin ay magbigay sa atin ng added push sa ating buhay ngayon. Let us prepare for death by doing what we are doing now to the best of our fidelity to God and then we’ll be blessed when the Lord comes and sees us what we are supposed to do. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC | Photo by Maricar Santos/ RCAM-AOC)

 

[trx_widget_socials]

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *