FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick Pabillo on Laetare Sunday

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo. D.D., Apostolic Administartor of Manila during the online Sunday Mass (Laetare Sunday) at St. Pius X Parish on March 14, 2021, at 10 am.

Ang kuwaresma ay paghahanda para sa binyag, na ginagawa sa Easter Vigil. Ngayong ang karamihan sa atin ay nabinyagan na, ang kuwaresma taon-taon ay panahon na balikan natin ang ating binyag upang lalong maisabuhay natin ito. We have been baptized only once but we live it everyday. Dito sa archdiocese of Manila, sa bawat Sunday ngayong kuwaresma tayo  ay may isang element ng binyag na binibigyan ng diin. Ngayong Linggo ang pansinin natin ay ang langis. We have been anointed with Holy Oil when we were baptized. The anointing signifies our participation in the Jesus as the anointed one, that is, in Jesus the Christ. Naniniwala po tayo na ang matagal nang inaantay ng mga Hudyo na darating, ang itatalaga ng Diyos bilang Kristo o ang Pinahiran ng Langis ay dumating na. Siya ay si Jesus na taga-Nazareth. Kaya kinikilala natin siya na Jesus Christ, that is, Jesus is the Christ.

Si Jesus ay ang nilangisan ng Espiritu Santo upang maging Hari, Pari at Propeta na ipadadala ng Diyos. Noong tayo ay binuhusan ng tubig sa binyag, nilinis ang ating mga kasalanan at nakibahagi na tayo sa buhay ni Jesus. Inampon na tayo na mga anak ng Diyos. Having shared in the life of Jesus, we now share in his mission as the Christ. So we were anointed. We share in the priesthood, in the kingship and in the prophetic ministry of Jesus, the Christ.

Ang langis ay ginagamit sa pagpapagaling at sa pagpapalakas. Kapag tayo ay matamlay binabanyusan tayo ng langis. Umiinit uli ang katawan natin at nagiging masigla tayo. Because we are anointed, we are strengthened by the Holy Spirit in living our Christian life of following Jesus.

Kailangan ba natin ng lakas sa ating buhay Kristiyano? Kailangang-kailangan natin ito! We need strength in order to say NO to evil. Napakaraming tukso sa paligid natin. Dapat natin layuan ang mga ito. Kailangan din natin ng lakas upang tanggapin ang biyaya, ang grasya ng kaligtasan na ibinibigay sa atin. Sinulat ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa na ang kaligtasan ay kaloob; ito ay regalo ng Diyos sa atin. Hindi ito resulta ng ating sariling efforts. Kaya hindi natin naipagmamalaki ang kaligtasan. Naligtas tayo dahil sa kagandahang loob ng Diyos.

Si Jesus ang nagligtas sa atin. Narinig natin sa Ebanghelyo ngayong araw ang pinaka-summary ng Good News: Ganoon na lang ang pag-ibig ng Diyos na ibinigay niya ang kanyang kaisa-isahang anak upang ang manalig sa kanya ay hindi mapahamak, kundi maligtas. Mahirap bang tumanggap ng regalong ito? Ayaw ba natin ang kaligtasan? Dapat hindi mahirap, pero bakit kakaunti ang tumatanggap nito? Ilan ba ang mga binyagan? Sa higit na 7 bilyong mga tao sa mundo, mga 2 bilyon lang ang mga Kristiyano. Kaya sa bawat 7 tao sa mundo 2 lang ang nabinyagan. Ang lahat bang nabinyagang ito ay tumanggap kay Kristo? Dapat, pero hindi iyan ang reality on the ground. There are so many baptized who do not live their baptism. They have been ritually baptized but they have not yet encountered Jesus, much less live up to his teachings. There are some who call these pagan Christians. Bakit kaya ganito? Inaalok na ang kaligtasan, ayaw pang tanggapin? Marami siguro dahil hindi pa nila nabalitaan ang tungkol sa kaligtasang ito. Hindi pa nila nakilala si Jesus. Kaya ngayong taon hinahamon tayo sa ating paksa na Missio Ad Gentes na abutin ang hindi pa Kristiyano at ibalita sa kanila ang tungkol kay Jesus. Misyon natin itong lahat. We are gifted to give. Biniyayaan tayo ng pananampalataya ng Diyos upang ito ay ibahagi rin sa iba.

Pero mayroon naman diyan na nabalitaan na nila si Jesus pero ayaw nilang tanggapin ang regalo ng kaligtasan na dala niya. Bakit kaya? Si Jesus ay hindi naman dumating upang humatol at magparusa. Siya ay dumating upang magligtas. Siya ay tulad ng liwanag, at sinabi niya na siya ang liwanag ng mundo. Masarap ang nasa liwanag. Hindi tayo kakapakapa. Nakikita natin ang nasa paligid natin. Maayos tayo makapagtrabaho kapag may liwanag. Pero ang nakakalungkot may mga tao na ayaw sa liwanag, kasi ayaw nilang mabisto sila. Ang ginagawa nila ay masama. Kung may liwanag, malalaman ang kasamaan nila. Kaya mas gusto pa nila ang kadiliman. Pinapatay nila ang liwanag. Pinatatahimik nila ang katotohanan.

Ang ating unang pagbasa ay galing sa aklat ng Cronaca. Ito ay isang maiksing summary ng kasaysayan ng Israel. Pasama ng pasama ang pagsuway ng mga pinuno ng Juda, ng mga pari at ng mga mamamayan sa mga utos ng Diyos. Dahil sa pag-ibig ng Diyos sa bayan na kanyang hinirang, nagpapadala ang Diyos ng mga sugo at ng mga propeta upang paalalahanan sila at bigyan sila ng warning. Pinagtawanan lang nila ang mga pinadala ng Diyos, hinamak, at pinatay pa ang iba. Binigyan sila ng liwanag ngunit mas ginusto pa nila ang kasamaan nila. Dahil dito dumating ang parusa. Pinabagsak ng mga Babylonians ang lunsod ng Jerusalem, winasak ang templo ng Diyos, at pinatapon ang mga Hudyo sa Babylonia.

Kaya kailangan tayo na langisan upang maging malakas na tanggapin ang liwanag at ang kaligtasan. Kailangang kailangan natin ang lakas na ito sa ating bayan ngayon. Oo, kailangan natin ang lakas kasi may kinakalaban tayong sakit, ang Covid 19 virus. Kailangan talagang malakas ang ating resistensiya. Makakatulong ang lock down, makakatulong ang vaccine, pero ang talagang panlaban natin ay ang malusog na pangangatawan. At hindi magiging malusog ang ating katawan kung mahina ang ating kalooban at ang ating self-control. Mahirap maging malusog. Kailangan ng disiplina – disiplina para kumain ng malusog, disciplina para mag-exercise, disiplina para magpahinga ng sapat. We need strength of the spirit to do this.

Pero ang problema natin ay hindi lang covid 19. Kahit na ang karamihan sa atin ay mga Kristiyano, pero ang masakit na  katotohanan ay may mga kalakaran sa ating lipunan na hindi maka-Kristo at komokontra pa sa kalakaran ni Kristo. Si Jesus ay dumating upang magligtas at hindi magpahamak. He came in order to save and not to condemn. Kung hindi tayo iimik, lalala pa ang kalakaran ngayon na magpahamak, bumaril, pumatay at magsinungaling. Noong nakaraan Linggo ay nagiging kilala na Bloody Sunday. Siyam na mga tao ay pinatay sa southern Luzon ng mga alagad ng batas. Nandiyan iyon karaniwan at gasgas na dahilan – nanlaban kuno. May search warrant daw sila – iyang search warrant ay hindi warrant to kill. At alam naman natin na gasgas na rin ang paraan na paglalagay ng granada o baril sa mga lugar na i-se-search nila. Hindi pa ba natuto ang mga kapulisan at ang pamahalaan natin na ang pagbibintang, ang pagsisinungaling at ang pagpapapatay ay hindi magtatagumpay? We have to admit that the so-called war on drugs is an utter failure. Ilang libo na ang pinatay at napatay, at marami ay ang bata at matatanda na mga collateral damage, nabawasan ba ang paggamit ng droga sa bansa? Ganoon din, itong pagsusugpo ng mga pinagbibintangang komunista sa pamamagitan ng pagbabaril, pagpapatay, at pagtatanim ng mga ebidensiya ay magiging failure din kasi ito ay gawain ng kadiliman. Iimbestigahan daw ng gobyerno. Isang linggo na ang nakaraan, nasaan ang imbestigasyon? Matutulad iyan sa mga libo-libong pinatay sa war on drugs na naka-file na cases under investigation. Nasaan na ang resulta ng mga imbestigasyong iyon –higit na apat na taon na iyon ang nakaraan. Is this not the culture of impunity?

Ito ang kadiliman na ating hinaharap. Kailangan natin ang langis ng Espiritu Santo upang bilang mga taga-sunod ni Jesus na nilangisan tayo ay mamuhay sa liwanag at hindi sa dilim, at matanggap natin ang kaloob niyang kaligtasan. Siya ay naparito upang magligtas at hindi magparusa, magbigay ng buhay at hindi pumatay, magdala ng liwanag at hindi kadiliman.

Leave a reply