FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick Pabillo during Easter Vigil Mass on April 3, 2021

Homily delivered by Most Rev. Brodeick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during Easter Vigil Mass at the Manila Cathedral on April 3, 2021, at 3 pm.

Ngayong gabi po ang pinakamahalagang gabi ng ating kaligtasan. Gabi, kasi dapat sa gabi ginagawa itong Easter Vigil celebration natin. Nag-aadjust lang tayo dahil sa curfew. Ito yung isang gabi na tumawid ang anghel ng kamatayan sa mga bahay ng mga Israelita noong panahon ni Moises. Ligtas ang mga Israelita samanatalang sa bawat bahay ng mga Ehipsiyano, ang mga panganay na anak ay namatay. Ito yung gabi na ang mga Israelita ay tumawid sa red sea na hindi nababasa. Pero ang mga Ehipsiyano na humahabol sa kanila ay nalunod sa dagat. Tumawid sila patungo sa kalayaan. Ito yung gabi na ang Panginoong Hesus ay tumawid patungo sa muling pagkabuhay. Ang gabi ng kadiliman, ang kadiliman ng kasalanan at kamatayan ay napagtagumpayanan ng liwanag. Darkness fled in front of light. Death is overcome by life. Evil is vanished by love. This is what we celebrate tonight.

This is an Easter Vigil. It is a vigil. Isang magdamagang gawain. Hindi na ito ginagawa nating magdamag ngayon pero mahaba haba pa rin ang pagdiriwang natin. Mahaba, kasi may apat na bahagi ang ating celebration. Nagkaroon tayo ng pagdiriwang ng liwanag kung paano tinalo ng liwanag ang kadiliman. Nasa pagdiriwang tayo ngayon ng Salita ng Diyos. Sa siyam na mga pagbasa, tinalunton natin ang kasaysayan ng kaligtasan. Susunod ang pagbebendisyon ng tubig para sa binyag. Ang pagsasariwa natin ng ating pangako sa binyag. Dati ito yung takdang panahon para sa pagbibinyag. Dahil sa pandemya at dahil sa ating 500 years of Christianity celebration, gagawin natin ang mga binyagan sa April 18, ang ikatlong Linggo ng pagkabuhay, ang malapit na Sunday sa April 14 na siyang anniversary ng unang binyag na ginawa sa Cebu noong 1521.

Ang pang-apat na bahagi na ating pgdiriwang ngayong gabi ay ang banal na Eukaristiya. Ang bawat misa ay ang pagsasangayon natin, make present ng pagkamatay at pagkabuhay ni Hesus. Patuloy na inaalay ni Hesus ang Kanyang sarili upang tayo ay mabuhay.

Oo, may apat na bahagi ang ating gawain ngayong gabi pero talagang naging mahaba ang ating celebration dahil sa mga pagbasa natin. Ginagawa natin ang ating vigil sa ating pagsubaybay sa kasaysayan ng kaligtasan, the history of salvation. Hindi basta basta dumating ang kaligtasan. Hindi ito instant. Ang kasaysayan ay isang proseso at bahagi tayo ng prosesong ito. Kaya ang daloy ng kaligtasan ay daloy ng kasaysayan natin ngayon. This is our story. What we have heard in our readings are not stories of others. We have heard our own story as a people of God.

Nagsimula ang kasaysayan ng kaligtsaan sa pagpa-alaala sa atin ng magandang balak ng Diyos sa atin at sa mundo. So, we have heard about the creation story. Everything was good and beautiful coming from a good and loving God. Because of sin, however, the good world and the good relationships have been broken. Pero kaagad nagbalak ang Diyos na ayusin at panibaguhin muli ang lahat. Magpapadala siya ng tagapagligtas na tatalunin ang kasamaan at kamatayan na dala ng kasalanan.

Nagsimula ang Diyos sa isang tao, kay Abraham. Isang tao na masurunin at may tiwala sa Kanya. Ganun na lang ang kanyang tiwala sa Diyos na handa niyang ialay ang pinakamahalaga sa kanya, ang kanyang kaisa – isang anak na si Isaac kung ito ay hihingin sa kanya ng Diyos. Lumaki ang pamilya ni Abraham ayon sa pangako ng Diyos. Talagang tapat ang Diyos sa Kanyang mga sinasabi. Upang iligtas ang pamilya ni Abraham, sila’y napapunta sa Ehipto dahil kay Jose na naging prinsipe ng Ehipto. Doon dumami sila. Doon sila din ay inalipin. Doon nila naranasan ay manliligtas. Sa pamamagitan ni Moises, sila ay nakalikas sa pagkaalipin sa kanila sa Ehipto sa maraming kababalaghan. Ngayon hindi na sila isang pamilya lamang, sila ay isang bayan na, na nakatipan sa Diyos. They have become a people with a covenantal relationship with their God when they left Egypt and came to Mt. Sinai.

Dinala sila ng Diyos sa lupang ipinangako sa kanila. Winarningan sila na kung maanantili silang tapat sa kasunduan nila sa Diyos, kung susunod sila sa Kanyang mga utos, mananatili sila sa lupaing iyun na masaya at masagana. Kung hindi, tatalunin sila ng ibang mga tao at aalisin sila sa lupain. Sa mahabang kasaysayan na sila’y pinamunuan ng mga hukom at mga hari, hindi sila sumunod kahit na paulit ulit na silang pinadalhan ng mga propeta na nagpapa-alaala sa kanila ng kanilang kasunduan sa Diyos.

Ang Diyos po ay hindi pabaya. True enough, they lost the land. They were reduced as a people. First, they were divided into two kingdoms. Then, they lost their independence as a people. Their kings were killed or captured and they were exciled to far away places. Noong nawala na ang lahat, napatanong sila kung nakalimutan na ba sila ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias, “For a brief moment, I abandoned you, but with great tenderness, I will take you back. In justice, you shall be established, far from the fear of oppression where destruction cannot come near you”. Kaya nga ang panawagan sa kanila ay, seek the Lord while He may be found. Call Him while He is near. Let the wicked man turn from his thoughts, let him turn to the Lord of mercy for our God is generous and forgiving. Kaya kailangan lang talaga makinig sa Diyos at gawin ang Kanyang mg utos.

Ang kasaysayan ng Israel ay kasaysayan din natin. Maganda ang balak ng Diyos sa atin. Maganda ang Pilipinas. Mapalad tayo na alam na natin ang kalooban ng Diyos. Tayo ay mga Kristiyano kaya talagang pinasasalamatan natin ang Diyos na pinagkalooban tayo ng pananampalataya. Hindi na natin kailangang pulaan pa kung ano ang kagustuhan niya. Kung ano ang paraan upang bendisyunan tayo. Sumunod na lang tyo kaya nagkaganito ang ating kalagayan, dahil sa sumusuway tayo sa Diyos. Marami ang nagdurusa sa atin dahil sa bisyo, alak, sugal, droga, walang katapatan sa asawa, pagsuway sa mga magulang, pagkamakasarili, katamaran – lahat ng iyan ay nagpapahirap sa atin. Lahat ng iyan ay pagsuway sa mg utos ng Diyos. Ganun din ang pagsissinungaling, ganun din ang hindi paggalang sa karapatang pantao, ganun din ang korapsiyon na pagnanakaw sa kaban ng bayan. Ganun din ang kasakiman sa pera na handing pumatay para kumita. Handang sirain ang kalikasan dahil sa business. Ang mga ito ay laban sa mga utos ng Diyos. Ito yung nagpapasama sa ating kalagayan. Pero kahit na ganito tayo, nangako ang Diyos na babaguhun niya tayo. Bibigyan niya tayo ng bagong puso. Ibibigay niya sa atin ang bagong Espiritu. Ito ay tinupad Niya noong ibinigay Niya sa atin ang Kanyang anak na naging tao.

We do not deserve Jesus. But He not only came, He guide for us para lang mabago tayo. Totoong nabago tayo noong tayo ay nabinyagan. Hindi lang tinanggal ang ating kasalanan. Ginawa pa tayo na mga anak ng Diyos. So, we now participate in the life of God. This is totally unexpected as His resurrection from the dead was unexpected. Sinurpresa tayo ng Diyos. Nakakagulat ang Kanyang kapangyarihan. Walang imposible sa Kanya. May buhay pala sa kabila ng kamatayan.

We truly need this message now. Tayo na nawawalan na ng pag-asa sa harap ng pandemya. Malubha ang virus na palaging nagbabago, nagmu-mutate. Pero ang tugon ng mga liders natin ay pareho pa rin – lockdown at curfew. And they expect things to get better by mandating the same measures that brought us to this sad story, first of all.

Pero kahit na nasa ganito tayong kalagayan, huwag tayong mawalan ng pag-asa. Kumikilos ang Diyos. He will not allow sickness and stupidity to have the last say. Our story leads to salvation. This is salvation history. Dahil sa kumikilos ang Diyos, kumilos din tayo tulad ng mga babae sa ating ebanghelyo. Maagang maaga pa pumunta na sila sa libingan. Dahil sa kumilos sila, sila ang unang nakatanggap ng magandang balita at sila pa ang napagkatiwalaan na dalhin ang mgagandang balitaang ito sa Kanyang mga alagad.

Paano tayo kikilos? Magkaisa, magtulungan, mag-encourage sa nawawalang ngpag-asa, magbigay ng comfort sa mga nalulumbay o nangulila. In a word, let us support one another. Help from God will come. Meanwhile, let us help one another.

Dahil sa si Hesus ay muling nabuhay, nagkaroon ng movement na buksan ang libingan, kumilos ang mga babae. Napatakbo ang mga apostle, nabalitaan ng mga tao, pumunta ang mga alagad sa buong mundo at nagpahayag. We need to move, Jesus is risen. Let us allow the energy of resurrection to move us all. Ang ating Panginoon ay hindi naiwang nakapako sa krus. Siya’y muling nabuhay. Ang Mahal na Araw ay hindi lang Biyernes Santo, kasama ang Linggo ng Pagkabuhay. Let us move because Jesus, our Lord is alive. (Archdiocese of Manila – Office of Communications)

 

IN PHOTO | Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila
Photo is a screenshot from TV Maria’s live streaming on the Facebook page

 

Leave a reply