FULL TEXT | Homily of Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during online Sunday Mass at San Isidro Labrador Parish in Pasay on June 20, 2021, at 10 am

Nakakatakot ang bagyo. Nagdadala ito ng destruction, may baha, may nililipad na bubong, may mga puno na nabubuwal, nawawalan tayo ng kuryente at kung hindi maingat, may namamatay. Ginugulo nito ang buhay natin. Walang makatitigil sa bagyo. Pinapalampas na lang natin ito. Siguro napakalakas ng unos o bagyo na dinanas ng mga alagad sa ating ebanghelyo na kahit na sila ay mga mangingisda, natakot sila. Akala nila lulubog na sila. Ginising nila si Jesus.

Bakit natutulog si Jesus, at sabi sa atin sa ebanghelyo, nakahiga pa nga sa unan? Siguro pagod siya, at siya ay may tiwala. Nakakatulog tayo ng mahimbing kung tayo ay may tiwala. Kaya ang sumbat niya sa mga alagad noong mapatahimik na niya ang dagat ay: “Bakit kayo natatakot? Wala pa ba kayong pananalig?” Pananalig sa ano? Pananalig sa Diyos, na hindi sila pababayaan ng Diyos. Pananalig sa kanya na kasama siya nila. Talagang kulang ang pananalig nila sa kanya. Pinukaw nila si Jesus na may sumbat: "Teacher, do you not care that we are perishing?" (Mk. 4:38) Pinagdududahan nila ang pagpapahalaga sa kanila ni Jesus. “Do you not care?”

Tayo din ngayon ay nasa gitna ng bagyo, napakatagal na bagyo. Halos isang taon at apat na buwan na. Ang buhay natin ay puno ng takot. Takot tayo sa covid 19 virus. Takot nga ang iba sa vaccine mismo. Takot tayo sa ating hanap buhay at sa ating business. Takot tayo sa kinabukasan. Takot tayo sa mga tao at pati na sa simbahan – baka mahawa tayo ng sakit. Sa ganitong kalagayan madaling mag-isip: Nasaan ang Diyos? Alam ba niya ang nangyayari sa atin? Does he care for us? Nandiyan ang takot kasi kulang tayo sa tiwala. Wala ba tayong tiwala na mahal tayo ng Diyos? Na nandiyan ang Diyos? Kaya ang tanong ni Jesus sa kanyang mga alagad ay maaaring tanong din niya sa atin: “Why are you terrified? Do you not yet have faith?" (Mk. 4:40)

Talagang kulang ang tiwala ng mga alagad ni Jesus sa kanyang kapangyarihan. Kaya noong inutusan ni Jesus ang dagat at bigla itong napakalma, ang tanong ng mga alagad ay: “Sino kaya ito, at sinusunod maging ng hangin at dagat?” Sino ba ang sinusunod ng hangin at ng dagat? Ang ating unang pagbasa ay galing sa aklat ni Job. Mahaba ang reklamo ni Job sa Diyos na bakit siya naghihirap. Nawala ang lahat ng kayamanan niya pati ang kanyang mga anak. Nagkasakit siya at iniwan siya ng lahat. Wala naman siyang maling ginawa. Bakit siya pinaparusahan ng Diyos? Hinahamon niya ang Diyos na harapin siya at sabihin sa kanya kung ano ang kasalanan niya, kasi wala siyang alam na ginawa na dapat siyang parusahan ng ganito. Ang haba ng reklamo ni Job. Sa bandang huli ng aklat, tinanggap ng Diyos ang hamon ni Job. Nagsalita nga ang Diyos. Sa halip na sagutin ng Diyos ang mga paratang ni Job, tinanong nang tinanong siya ng Diyos kung ano ang alam niya sa pamamalakad ng Diyos sa mundo. Isa sa mga tanong ng Diyos ay ang pagbasa natin ngayon. “Nandoon ka na ba, Job noong likhain ko ang dagat? Alam mo ba na ako ang naglalagay ng hangganan sa tubig? Ako ang nagsasabi na hanggang diyan ka lang.” Ang Diyos ay Diyos sapagkat may control siya ng lahat. Pati ang dagat ay nakokontrol niya. Kaya ang sagot sa tanong ng mga alagad ni Jesus: "Who then is this whom even wind and sea obey?" (Mk. 4:41), ang sagot ay: Siya ay Diyos. Ang turing ng mga alagad kay Jesus ay Guro lang. Iyan ang tawag nila sa kanya. Hindi lang si Jesus isang Guro. Siya mismo ay Diyos sapagkat siya ay may kapangyarihan na Diyos lang ang mayroon.

Ang sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, na noon ang tingin natin sa mga bagay at sa mga pangyayari ay ayon lang sa sukatan ng mga tao. Hindi na ganyan ngayon. Pati na ang pagkilala natin kay Jesus. Hindi na ito ayon lang sa makataong pananaw. Dahil sa tayo ay nakikiisa na kay Kristo, bagong nilalang na tayo. Ginagabayan na tayo ng pananampalataya. We live by faith and not by sight.

Mga kapatid ganyan din dapat ang ating attitude sa mga pangyayari ngayon. Totoo, aasa tayo sa sinasabi ng science. Mag-iingat at magsisikap tayo. Pero huwag nating tingnan ang mga bagay ayon lang sa sukatang pangtao. We are believers. We believe that there is a higher power that is at work among us. Let us put our trust in him. This higher power is not a blind force. He is a personal God who cares for us because he loves. Ang pananampalataya sa Diyos ay hindi lang pananampalataya na mayroong Diyos. Hindi lang ito pananampalataya sa isang makapangyarihang Diyos, ni hindi lang pananampalataya na siya ay makapangyarihan sa lahat. Ang ating pananalig at pananampalataya ay sa iisang Diyos na makapangyarihan sa lahat at nagmamahal sa atin. God loves us, and loves us so much that he gave us his only begotten son. At kung kasama natin si Jesus na anak ng Diyos hindi tayo matatakot. Nandiyan siya.

Hindi ibig sabihin na kung kasama natin si Jesus hindi tayo magkakasakit, na hindi tayo mamamatay, na hindi tayo maghihirap. Kahit sa gitna ng ganitong mga storms in life, Jesus loves us. His love never leaves us. Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. We pray in the psalms: “The Lord is my shepherd, even if I should pass through the valley of darkness I fear no evil because you are there with me.” Let us remember that death, or covid 19, or joblessness – these are not the ultimate evil. The love of God is there even when these are present. Kaya nga sana masabi natin kasama ni San Pablo: “ang pag-ibig ni Kristo ang nag-uudyok sa akin… namatay siya para sa lahat upang tayo ay hindi na mabuhay para sa sarili kundi para sa kanya.” At hindi niya tayo pababayaan. Kaya ang panlaban natin sa mga takot natin ay ang pananampalataya na mahal tayo ni Hesus. Hindi siya pabaya sa ating kalagayan. Manalig tayo sa kanya. Sabi ni Meister Eckart, isang English mystic: “All is well; all will be well.” Why? Because the Bible tells us: “We know that all things work for good for those who love God, who are called according to his purpose.” (Rom. 8:28)

Hindi dahil sa may pananalig tayo na mahal tayo ni Jesus, magwawalang bahala na lang tayo. Baka isipin natin: “Nandiyan naman siya. Hindi niya naman tayo pababayaan.” Ang paniniwala sa Diyos ay hindi lang tiwala; ito rin ay gawa. Kung talagang nagtitiwala tayo sa kanya, susunod tayo sa kanya, at hindi tayo natatakot kasi hindi niya pababayaan ang sumusunod sa kanya. At ano ang sinasabi niya? Tulad ng sinabi niya sa mga alagad: “Tumawid tayo sa ibayo.” “Let us cross to the other side.” Sa ating ebanghelyo ang tinutukoy niJesus: “Let us cross to the other side of the lake.” Sa atin ngayon  e-covid days. Ngayon, iyan ang inaasahan ng mga tao. Ang pangarap ay magpa-vaccinate tayo para makalabas na uli sa mall, makapanood na ng sine, maka-travel na tayo sa ibang bansa, makapag-shopping na tayo. Kung babalik lamang tayo sa dating buhay natin, sinayang lang natin ang crisis na ito. Hindi na tayo natuto sa ating higit na isang taong quarantine. Let us go out of this situation renewed, a world renewed because we have seen that we can survive in a new arrangement, with new ways.

Ano ba ang ibayo na pupuntahan natin? Noong tumawid sila ng dagat at dumating ang bagyo, hindi umatras at bumalik ang mga alagad sa pampang na kanilang pinanggalingan. Hinarap nila ang bagyo at tumuloy sila sa ibayo. Tayo rin, let us face the storm of the pandemic we are in and move on to the other side. Nakita natin na marami ang nangangailangan, papabayaan na lang ba natin sila kasi wala na ang covid 19, o mas maging mahabagin tayo sa mga mahihirap mula ngayon? Nakita natin na mahalaga pala maging healthy, babalik ba tayo sa pagkakain ng junk foods and unhealthy meals kasi masarap lang sa panlasa? Nakita natin ang kapalpakan ng mga desisyon ng mga namumuno sa atin ngayon. Iboboto pa ba natin sila? Sana dahil sa covid experience natin, mas lalong masala natin ang mga politico. Nakita natin ang talagang nagmalasakit sa atin at nakita din natin kung sino ang nagtago lang o ginamit pa ang pandemic para kontrolin ang mga tao. Let us cross to the other side.

Maybe God allowed this pandemic to happen to tell us that another world is possible. Maaari naman magkaroon ng bagong kalakaran – hindi na masyadong mabilis na buhay, na mas magbigay ng halaga sa pamilya, maaari naman pala tayong magtipid, maaari naman palang maging masaya kasama ang pamilya, maaari naman palang maging generous kahit hirap din tayo, to give more importance to spirituality and relationships.

Malalampasan natin ang pandemyang ito. Kahit gaano kalakas ang bagyo, lilipas din ito. Kasama natin si Jesus kaya darating din ang mas tahimik na panahon. Ang tanong: anong klaseng mundo ang madadatnan natin pagkatapos ng pandemya. Maling tanong pala. Ang tamang tanong ay: Anong klaseng mundo ang lilikhain natin pagkatapos ng bagyo? What kind of lives will we build after this storm?

 

Leave a reply