FULL TEXT | Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Bishop-elect of the Vicariate of Taytay, Palawan at the St. Alphonsus Mary de Liguori Parish on July 25, 2021, at 10 a.m.

Ngayong Linggo dito sa Pilipinas inaalaala natin ang Pilipino Missionaries. Kaya ngayon ay Fil-Mission Sunday. Suportahan natin at ipagdasal ang mga Filipino Missionaries. Sa buong mundo naman this Sunday is the first time that we celebrate the Sunday of the Grandparents and the Elderly. We will be celebrating this every year on the fourth Sunday of July, the Sunday nearest to July 26, the feast of Sts. Joachim and Anne, the grandparents of Jesus. The elderly members of our families and communities help us to dream of better times, they root us in the memories of our lives, and they help us a lot by their prayers. So they are an integral part of our lives. Let us value them.

Sa harap ng malaking problema maraming mga tao ay napaparalyze. The problem is so great and we have so few resources that we tend to give up and end up doing nothing. At dahil sa kakaunti ang ating resources, binabale-wala natin ang kakaunting mayroon tayo. Iyan ang nangyari sa alagad ni propeta Eliseo noong sinabihan siya na ihain ang dalawampung tinapay sa isang daang katao. Nag-alangan siya. Hindi ito magkakasya. Ganyan din ang sinabi ni Andres noong dinala niya ang limang tinapay at dalawang isda ng bata kay Jesus. “Balewala naman ang mga ito sa limang libong tao!”

Iba si propeta Eliseo. Iba si Jesus. Tinanggap ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda at nagpasalamat sa Diyos. Pinasalamatan niya kahit na ang kakaunting binigay sa kanya. Biniyak-biyak niya ito at ibinigay sa lahat. Kakaunti na nga, ibinahagi pa! Nakakain ang lahat at may labis pa. Ganyan din ang ginawa ni Propeta Eliseo. He distributed the 20 loaves of bread to 100 men. And all were satisfied.

Dito rin nagkakaiba ang pamamaraan ng tao at ang pamamaraan ng Diyos. Tayong mga tao, kapag marami, hindi na natin napapahalagahan. Sinasayang na natin. Marami naman diyan eh. Dahil sa marami namang pagkain, hindi inuubos at tinatapon na lang. Dahil sa maraming damit, hindi na naaalagaan at madaling palitan. Ang dami nating panahon ngayong pandemia, kaya nagpapalipas na lang ng panahon (in fact we use the phrase TO KILL TIME ) sa mga walang kwentang gawain, tulad nang maghapong mag-video game o manood ng Netflix. Iba ang Diyos. Pinakolekta ni propeta Eliseo ang natira pang tinapay. Pinakolekta ni Jesus ang maraming piraso ng isda at tinapay na natira. Ayaw niyang may masayang, at naka-puno pa sila ng 12 baskets of left overs. Pinapahalagahan ng Diyos ang kakaunti at ang marami. Pinapakinabangan ang kakaunti at hindi sinasayang ang marami.

We are faced with big problems these days. Thousands are hungry. Millions are jobless. We are in the grip of erratic weather conditions because of climate change. Ngayong nasa election fever na tayo, lumalabas na ang maraming kabulukan at katiwalian. Billions are unaccounted for. In spite of so much money borrowed or budgetted for the covid response, we do not see the people being helped. In front of these big problems what do we do? We can hide our heads in the sand and pretend that there is no problem or that they are just unwarranted criticisms of the opposition. And so we do nothing.

There was a man who was riding in a bus that is getting filled up. May umakyat na isang matandang babae na may bitbit ng maraming pinamili at may kasama pang maliit na bata na bumubuntot sa kanya. Wala na siyang maupuan. Kaya tumayo na lang siya sa gitna ng bus. Awang- awa ang lalaki noong makita ang kalagayan ng matanda. Kaya pinikit na lang niya ang kanyang mga mata para hindi na niya siya makita. In order not to be disturbed by the big problems around us, we can just close our eyes or look in another direction and pretend that they are not there.

Bakit pa papansinin ang problema na wala naman tayong magagawa? Ano ang magagawa ko sa climate change? Ano ang magagawa ko sa maraming walang trabaho? Ano ang magagawa ko sa corruption? Simpleng tao lang ako. So I just mind my own business and carry on with my life, not minding the big problems.

Noong tinanong ni Jesus si Felipe kung saan sila kukuha ng pagkain para mapakain ang madla, si Felipe ay nag-calculate agad. Two hundred days’ wages worth of food would not be enough for each to have a little. Ang halaga ng dalawang daang araw na sahod – kung i-calculate na lang natin ng 500 pesos ang sahod sa isang araw – ay mga 100,000 pesos. Malaking pera iyan. Wala tayong ganyang pera. Kaya pauwiin na lang sila. Bahala na ang bawat isa. We can fall into analysis paralysis. We analyze too much, calculate everything that we end up not doing anything because we have concluded that it cannot be done.

Siguro may isang batang nakarinig ng pag-uusap tungkol sa pagkain. Kinalabit niya si Andres at inalok ang kanyang baon na limang tinapay at dalawang isda. Any thinking person would see that what he is offering is nothing. But he was not a thinking person. He was just simply generous. Ibinigay niya ang mayroon siya – at iyan ang ginamit ni Jesus upang mapakain ang limang libong tao! Anything that we have, however small, put in the hands of God, can do more than we ever expect.

Ito ay napapatunayan natin ngayon. 17 years ago Cardinal Rosales started the Pondo ng Pinoy Community Foundation. He was asking everyone, including children and the street people, to set aside 25 centavos every day to help the poor. This is based on the belief that no one is so poor that he has nothing to give. After 17 years of collecting the measly 25 centavos, Pondo ng Pinoy has collected more than 450 million pesos which has been used to send thousands to school, has fed thousands of malnourished children, has built houses for the poor, has helped many who were sick, and during the pandemic has given ayuda to thousands of poor families all over the country. Wala nang pumapansin sa 25 centavos. Pati na ang namamalimos na mga bata sa Tondo ang hinihingi ay limang piso na. Pero sa kamay ng Diyos at sa wastong pangangalaga, ang mga maliliit ang nakakatulong. Ganoon din ang community pantries. Ang nagbibigay dito ay hindi lang malalaking companya. Ordinaryong mamamayan na nagbibigay ng ilang itlog, ilang kilong gulay, ilang pirasong tinapay ay nakakatulong sa marami na matawid ang gutom. Let us do the little that we can, and if all of us do this, we can give hope to many lives. Gumawa tayo at hindi lang ipikit ang ating mata.

May isang taong namamasyal sa dalamapasigan isang umaga at nakita niya ang isang kabataan na pumupulot ng star fish at tinatapon ito sa dagat. Tinanong niya ang kabataan. “Ano ang ginagawa mo?” “Binabalik ko sa dagat ang mga star fish kasi pagsumikat na ang init ng araw mamamatay sila dito sa beach.” “Kapatid, tingnan mo ang dalamapasigan. Punong puno ito ng star fish na nakakalat sa buong beach. Is what you are doing going to matter at all?” The young man took another star fish and threw it to the sea and said, “It matters for that starfish.”

May magagawa ang bawat isa sa atin, at kung ang bawat isa ay kumilos, may pagbabagong mangyayari. Kung ang bawat isa ay magpost sa ating facebook ng ating pananaw, hindi tayo matatalo ng mga kasinungalingan ng mga trolls, kahit may mga troll farms pa sila. Kung ang bawat isa ay magsusuri nang maayos at bumoto nang maayos, may pag-asa tayo ngayong election kahit na may pera pa sila at may propaganda machinery.

And also, do not waste. Huwag din tayo magsayang, kahit na marami ang mayroon tayo. Mayroon tayong maraming panahon, huwag itong sayangin sa mga walang kwentang gawain. Mayroon tayong maraming pagkain, huwag magtapon. Huwag mahulog sa consumerism at mamili ng mga bagay na hindi naman natin kailangan. Let us promote the sapat lifestyle. Let us not fall into the throw-away culture. We acquire and accumulate a lot and we throw them away later on. We can re-use and recycle. We can donate what we no longer use but are still useful to Caritas Manila’s Segunda Mana. So many people are helped by these. May kapangyarihan si Jesus na magpadami ng tinapay. Mula sa kanya maaaring magkaroon ng unlimited supply ng tinapay. Pero hindi hinayaan ni Jesus na masayang ang mga pagkain. Pinakolekta niya ang mga natira.

Simple lang naman ang sinasabi ng Diyos sa atin ngayong Linggo. Tinutugunan niya ang pangangailangan natin. Ang tungon niya ay galing sa ating makakayanang iambag, kahit na maliit lang. Let us be generous and do our part and God will build on our generosity. Let us value all that we have and not waste what are given to us. Mahalaga sa Diyos ang pangangailangan natin at mahalaga din na kanya ang mga tira natin. (Archdiocese of Manila Office of Communications/RCAM-AOC)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *