FULL TEXT | Homily delivered by Manila Archbishop Jose F. Cardinal Advincula during Mass for frontliners at the San Felipe Neri Parish on September 15, 2021, at 9 a.m.

Reverend Father Mon Merino, parish priest ng San Felipe Neri Parish, mga kapatid na paring nakikipagdiwang sa Misang ito, sa city Mayor ng Mandaluyong, Honorable Carmelita “Menchie” Abalos, mga frontliners, kayong mga narito at mga kasama natin sa pamamagitan ng livestreaming, mga minamahal na kapatid kay Kristo.

Ang buwan ng Setyembre ay buwan ng mga layko. At sa ating simbahan, kinikilala natin ang mahalang papel ng mga layko dahil kung bilang lamang ang pagbabatayan, higit na mas marami ang mga layko kaysa mga obispo, pari at religious sisters and brothers.

Mahalaga ang papel ng mga layko dahil sila ang kumikilos sa secular world. Sa kanilang kanya kanyang riyalidad sa buhay at doon dinadala at isinasabuhay nila ang pananampalatay kay Kristo. Kaya angkop na angkop na ngayong Laity month, nagkakatipon tayo upang parangalan ang ating mga frontliners sa iba’t ibang larangan – healthcare workers, security staff, services and deliveries, media people, employees at iba pang mga nasa frontline sa panahong ito ng pandemic. Kasama ng pagpaparangal na ito ay ang taos pusong psasalamat sa inyong paglilingkod. Sa ngalan ng buong Archdiocese of Manila, lahat ng mga pari, religious at ang mga layko sa iba’t ibang parokya at communities, maraming salamat sa inyong walang sawa, walang pagod at buong katapatang paglilinkod ngayong panahon ng pandemya. Maraming salamat dahil itinataya ninyo ang inyong buhay at maging ang buhay ng inyong pamily para sa ikabubuti ng inyong kapwa. Kaya nga sa digmaang ito laban sa COVID-19, kayo ang mga bayani.

Maraming salamat dahil kahit na may pagkakataon na hindi na-appreciate ang inyong ginagawa, kahit hindi naibibigay ang nararapat na benefits para sa inyo, kahit kulang ang suporta na natatanggap ninyo, patuloy pa din kayo sa paglilingkod. Thank you, for saving many lives. Thank you, because by the services you provide, you keep many of us safe.

Pero hindi lamang ang bayan ang nagpapasalamat sa inyo, ang Diyos din nagpapasalamat sa inyo. By your services, you’re not only doing us a favor. You are also doing God a favor. Kaya nagpapasalamat din ang Diyos sa inyo. Ang ginagawa ninyo ay hindi lamang trabaho. Ang ginagawa ninyo ay misyon. Ibig sabihin, pinili kayo ng Diyos para gawin ang mahalagang tungkulin. Sinusubok kayo ng Diyos upang maging instrumento Niya. May gustong gawin ang Diyos para sa bayan at kailangan niya kayo upang magawa Niya ang gusto Niyang gawin. Yan ang ibig sabihin ng misyon.

Sa ating ebanghelyo ngayon, narinig natin kung paanong si Maria ayu pinili ng Diyos para gampanan ang isang mahalagang misyon. Gusto kasi ng Diyos na iligtas ang Kanyang bayan. At gagawin Niya ito sa pamamagitan ng pagsusugo sa Kanyang bugtong na anak. At kailangan Niya ang tulong ni Maria upang maging  ina ng Diyos. At si Maria naman buong pusong sumang-ayon sa ipinagagawa ng Diyos sa kanya. Dahil kay Maria dumating si Hesus. At dahil kay Hesus dumating ang ating kaligtasan.

Mga kapatid na frontliners, ang pagiging doctor, nurse, medical worker o security personnel, service provider, media personnel o anumang ginagawa ninyo ay hindi lang trabaho o profession kundi misyon.

Katulad ni Maria, pinili din kayo ng Diyos upang gawin ang mahalagang tungkulin. Pinili kayo ng Diyos upang maging instrumento Niya sa pamamagitan ninyo, sa pamamagitan ng inyong mga kamay, sa inyong pag-aalaga sa mga may sakit, patuloy na nagpapagaling si Hesus. Sa pamamagitan ng inyong paglilingkod at pagtulong sa kapwa, patuloy na nagmamalasakit si Hesus.

Sabi nga ni Santa Teresa ng Avila, “Christ has nobody. Nobody now on earth but yours.” No hands but yours. No feet but yours. Yours are the eyes through which He is to look out to the world with compassion. Yours are feet with which He will go about doing good. And yours are the hands with which He is to bless us now.

Alam nating lahat na ang pinagmumulan ng inyong dedication sa paglilingkod ay ang pagmamahal sa Diyos. Mahal ninyo ang Diyos kaya kayo ay naglilingkod sa kapwa. Mahal ninyo ang Diyos kaya kahit delikado, kahit pagod na, kahit kulang ang benefits, tuloy pa din sa paglilingkod.

Sabi nga ni San Pablo sa ating unang pagbasa, “alam natin sa lahat ng bagay, ang Diyos ang gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa Kanya.” Patuloy ninyong ipakita ang in yong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng inyong paglilingkod sa kapwa.

Nais kong pasalamatan ang Hands to Heaven PH, TV Maria at ang San Felipe Neri parish sa initiative na ito. Salamat dahil inaalagaan ninyo ang mga nag-aalaga sa atin. Kayo din ay frontliners na pinararangalan at pinasasalamatan natin ngayon.

Mga kapatid na frontloiners, mga bayani ng makabagong panahon, tanggapin ninyo ang pasasalamat ng sambayanan na nagpaparangal sa inyo ngayon. At tanggapin din ninyo ang pasasalamat ng Diyos dahil sa inyong pagtugon sa misyong ibinigay Niya sa inyo. Ang Diyos na ang bahalang magbigay ng gantipala sa inyong mabuting ginagawa. Siya mismo ang nangako, “Anuman ang gawin ninyo sa pinakahamak sa mga kapatid ko ay ginawa ninyo sa Akin. Halika kayo at pumasok sa sa kahariang inilaan sa inyo sa pasimula pa ng mundo.” Amen. (Archdiocese of Manila Office of Communications/RCAM-AOC)

 

Leave a reply