Express God’s love with the help of the Holy Spirit – Bp. Pabillo

As the Catholic Church anticipates the celebration of Pentecost Sunday, Bishop Broderick Pabillo asked the faithful to seek for the Holy Spirit in expressing the love of Jesus Christ to everyone.

In his homily for the Sixth Sunday of Easter on May 14, Bishop Pabillo stressed that the Lord brought the Holy Spirit as guide and companion to fulfill His love to strangers and even to enemies.

“[M]ahalin natin ang hindi natin kaano-ano. Mahalin natin ang kaaway. Mahalin natin sila hindi dahil sa mabuti sila sa atin. Mahalin natin sila kasi mabuti sa atin ang Diyos, kasi mahal tayo ng Diyos! Sa ganitong paraan natin napapakita ang pag-ibig natin sa Diyos. Kaya kaya natin ito? Mahirap na nga magmahal sa ating pamilya, sa iba pa kaya? Kaya nga nangako si Hesus na magpapadala Siya sa atin ng isa pang katulong, ng isang patnubay na magiging kasama natin. Ipapaalaala niya sa atin ang mga aral ni Hesus at bibigyan niya tayo ng kakayahan na ito ay magawa. Iyan ay ang Espiritu Santo na sasaatin at mananahan sa atin,” he said.

Taytay’s apostolic vicar also emphasized the need for the intercession of the Holy Spirit, most especially in times of challenges in the faith.

“Ang Espiritu Santo ay lakas at liwanag. Kailangan natin ito sa ating panahon na hinahamon tayo sa ating pananampalataya. Marami ang komukontra sa atin. Marami ang ignorante tungkol sa pananampalataya, kahit na sa mga Katoliko na,” Bishop Pabillo said.

“Kailangan talagang magpaliwanag tayo tungkol sa pananampalataya… pero gawin natin ang pagpapaliwanag na ito na hindi paaway, lalo na kung nararamdaman natin na tayo ay pinipilosopo na lang. Gawin natin ng mahinahon at mapitagan ang ating pagpapaliwanag. Kahit na tayo ay alipustahin, hindi tayo lalaban. Ipakita natin sa kanila ang pagmamahal. Hindi ito madali, kaya nga kailangan natin ang Espiritu Santo! Siya ang magbibigay sa atin ng kakayahan na matularan si Jesus na namatay para sa atin upang iharap tayo sa Diyos kahit na nandiyan ang hindi pagtanggap sa kanya,” he added.

Also, in time for Mother’s Day, Bishop Pabillo reminded that mothers’ love is also God’s love to mankind.

“Kilala natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin, binigay niya ang kanyang Bugtong na Anak sa atin. Kilala natin ang pag-ibig ni Hesus na atin, namatay Siya sa krus para sa atin. Kaya kapag pinag-uusapan natin ang pag-ibig, kilalanin natin una sa lahat ang pag-ibig ng Diyos. Siya ang unang nagmahal. Sa kanya nanggagaling ang lahat ng pagmamahal. Ang pag-ibig ng ating mga nanay ay galing sa pag-ibig ng Diyos. Ipagdasal natin sa Diyos na mapahalagahan natin kung gaano niya tayo kamahal, gaano niya ako kamahal!” he pointed out. (Lem Leal Santiago/RCAM-AOC | Photo File of RCAM-AOC)

 

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *