Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Misa Nobenaryo sa Pagdiriwang ng Sentenaryo sa Pagkatuklas sa Mahal na Krus

March 11 @ 8:00 pm - March 19 @ 9:00 pm

PURIHIN AT PASALAMATAN ANG DIYOS SA ISANG DAANG TAONG PAGPAPALA!
Sa loob na lamang ng ilang araw ay buong galak natin ipagdiriwang ang Sentenaryo ng pagkakatuklas sa larawan ng Mahal na Krus sa puno ng Sampaloc na tinaguriang Kambal na Krus.
Magkakaroon ng Misa Novenario sa karangalan ng Mahal na Krus na magsisimula sa Ika-11 ng Marso hanggang ika-19 ng Marso, 2022 sa ganap na ika-8 ng gabi.
Ang Kapistahan ay gaganapin sa ika-20 ng Marso, 2022, araw ng Linggo na may Banal na Misa sa ganap na ika-10 ng umaga at ika-5 ng hapon. Ang Misa ng ika-5 ng hapon ay pamumunuan ng Kanyang Kabunyian, Jose F. Cardinal Advincula, D.D., Arsobispo ng Maynila.
Ang paggunita sa ika-100 taong anibersaryo ng pagkakatuklas sa Mahal na Krus ay gugunitain sa ika-23 ng Marso, 2022, araw ng Miyerkules, sa pamamagitan ng isang Centennial Solemn Motorcade sa ganap na ika-4 ng hapon at Maringal na Misa sa ganap na ika-8 ng gabi na pamumunuan ng Apostolic Nuncio to the Philippines, His Excellency, Most Rev. Charles John Brown, D.D.
Tayo ay magpasalamat at may buong galak na ipagdiwang ang dakilang taon ng Sentenaryo ng Kambal na Krus na siyang gabay ng ating pamayanan! VIVA SANTA CRUZ!

Details

Start:
March 11 @ 8:00 pm
End:
March 19 @ 9:00 pm
Event Category:
Event Tags:
, , ,

Leave a reply