“Do not be afraid. Follow Jesus from His death to resurrection” – Bishop Pabillo

As the Church reflected on the Transfiguration of the Lord, Taytay Vicar Apostolic Bishop Broderick Pabillo stressed that season of Lent is a reminder for every Catholics to join Jesus from His suffering to His resurrection.

Bishop Pabillo told the faithful that acts of penance, prayer and charity may be difficult, but these bring every Christians change.

“Sa paglalakbay natin ngayong Kuwaresma, sinasamahan natin si Hesus sa kanyang pagpunta sa Jerusalem kung saan siya papasakitan at papatayin. Hindi madali ang panahon ng Kuwaresma. Kailangan tayong magpenitensiya, kailangan tayong maging matulungin sa ating kapwa at kailangan tayong magbigay ng panahon sa pagdarasal. Hindi madali ang mga ito pero pinapalakas ang ating loob,” he said in his homily on Sunday, March 5, at St. Joseph the Worker Cathedral in Taytay, Northern Palawan.

“Ginagawa natin ang mga ito upang makiisa tayo sa tagumpay at kaluwalhatian ni Jesus. Iyan ang ating layunin. Ang mga ito ay magdadala sa atin ng pagbabago, at magandang pagbabago! Kailangan tayong manalig na ito ay mangyayari,” he added.

He also emphasized that the way of Jesus is always right and there’s no reason to be afraid to follow Him from death to new life.

“Maasahan natin Siya. Ang ginagawa Niya ay kalugud-lugod sa Ama. Wasto ang Kanyang landas. Huwag tayong matakot at mag-alinlangan… Kaya ang sabi ni Hesus sa tatlong alagad ay sinasabi din Niya sa atin: “Tumindig kayo at huwag kayong matakot.”Tumindig na tayo at gawin ang mga gawain ng kuwaresma – magdasal, magpenitensiya at magkawanggawa. Huwag tayong matakot. Mararating din natin ang pagbabago. Makikiisa din tayo sa bagong buhay ni Jesus. Kung kasama natin siya sa pagkamatay sa lumang pagkatao natin, makakasama din niya tayo sa kaluwalhatian ng bagong buhay,” he explained. (Lem Leal Santiago/RCAM-AOC | Photo File by RCAM-AOC)

 

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *