“May plano Siya sa bawat isa atin. Maging mabuting tupa tayo. Nakikinig ba tayo sa Kanya?”
As Catholics reflected on Good Shepherd Sunday on April 30, Taytay Apostolic Vicar Broderick Pabillo encouraged the faithful to listen to Jesus in their everyday lives.
In his homily, Bishop Pabillo reminded everyone that Jesus is always with His flock to guide them to the right path.
“Oo, si Hesus nga ang Mabuting Pastol na naghahanap sa atin at dinadala tayo sa mabuting pastulan. Pero dapat ding maging mabuting tupa tayo na nakikinig sa tinig ng ating Pastol at hindi sa basta sinu-sino lang upang hindi tayo malito. Si Jesus ay naparito upang gabayan tayo sa buhay na ganap at kaaya-aya. Hindi naman Siya namatay para sa atin at basta na lang tayo pababayaan. Namatay nga Siya upang dalhin tayo sa buhay na maayos at maligaya. Ayaw Niyang mawala tayo,” he said.
He elaborated that listening to Jesus entails Christians’ obedience to the faith and He has different ways for the faithful to listen to Him.
“Paano tayo nakikinig? Magdasal tayo. Akala natin ang panalangin ay ang pagsasalita sa Diyos upang Siya ay makinig sa atin.Hindi lang iyan! Ang mas malalim na dasal ay ang ating pakikiisa sa Diyos upang mapakinggan natin ang Kanyang sasabihin sa atin. Alam na ng Diyos ang ating pangangailangan. Mas alam pa nga Niya iyan kaysa ating sarili. Madalas hindi natin alam ang kanyang sasabihin sa atin o ang Kanyang ibibigay sa atin. Kaya sa ating pagdarasal, nagsasalita Siya sa atin, pinapaalam Niya sa atin ang Kanyang plano sa atin araw-araw. Ang isang malalim na pagdarasal ay ang pagsusuri sa ating budhi. Ang ating budhi o konsensiya ay ang maliit na tinig ng Diyos sa ating kalooban. Doon sinasabi Niya sa atin kung ano ang ating iiwasan at kung ano ang ating gagawin. Huwag tayo magbingi-bingihan sa tinig ng Diyos na nananawagan sa atin,” Bishop Pabillo stressed.
“Isang paraan din ng pakikinig sa tinig ng Diyos ay ang pagbabasa ng Bibliya o pakikinig sa mga nagpapahayag nito. Ugaliin sana natin na basahin at alamin ang Banal na Kasulatan. Ang aklat na ito ay tanda ng pagmamahal ng Diyos kaya palagi siyang nagsasalita sa atin. Buksan lang natin ang Bible at nandoon na ang Salita ng Diyos!” he added.
The head of Northern Palawan vicariate also pointed out that every sheep shall listen to the Good Shepherd as He seeks for His flock to realize the call of vocation.
“Tinatawag tayo – iyan iyong bokasyon.May tawag na pangkalahatan, para magkaisa tayo, para hindi tayo mapahamak. May tawag sa atin individually, kasi mahal niya tayo individually… May plano ang Diyos sa bawat isa sa atin at may gusto ang Diyos na dapat nating gawin araw-araw. Pinapaalam niya ang kanyang plano. Nagsasalita siya sa atin. Pakinggan natin ang kanyang panawagan,” Bishop Pabillo said. (Lem Leal Santiago/RCAM-AOC | File Photo of RCAM-AOC)