Cardinal Advincula to Frontliners–‘You are no longer just working, you are doing Mission’

“Hindi lamang ang bayan ang nagpapasalamat sa inyo, ang Diyos din nagpapasalamat sa inyo. By your services, you’re not only doing us a favor. You are also doing God a favor. Kaya nagpapasalamat din ang Diyos sa inyo.”

This was the message of the Archbishop of Manila Jose Cardinal Advincula, during the celebration of the Holy Mass for all frontliners on September 15, at 9:00 am, at San Felipe Neri Parish in Mandaluyong City

“Ang ginagawa ninyo ay hindi lamang trabaho,” the Cardinal said. “Ang ginagawa ninyo ay misyon. Ibig sabihin, pinili kayo ng Diyos para gawin ang mahalagang tungkulin. Sinusubok kayo ng Diyos upang maging instrumento Niya. May gustong gawin ang Diyos para sa bayan at kailangan niya kayo upang magawa Niya ang gusto Niyang gawin. Yan ang ibig sabihin ng misyon.”

On behalf of the Archdiocese of Manila, Cardinal Advincula expressed his gratitude to our modern-day heroes who continuously save lives in this time of the pandemic.

“Sa ngalan ng buong Archdiocese of Manila, lahat ng mga pari, religious at ang mga layko sa iba’t ibang parokya at communities, maraming salamat sa inyong walang sawa, walang pagod at buong katapatang paglilinkod ngayong panahon ng pandemya. Maraming salamat dahil itinataya ninyo ang inyong buhay at maging ang buhay ng inyong pamilya para sa ikabubuti ng inyong kapwa. Kaya nga sa digmaang ito laban sa COVID-19, kayo ang mga bayani,” said the Cardinal.

During the mass, the frontliners offered prayers and candles to remember the departed heroes during this pandemic.

Rev. Fr. Hans Magdurulang, Parochial Vicar of San Felipe Neri Parish, encouraged frontliners to trust themselves and their mission for the common good. The Church and the country will be in constant prayer for the safety of each frontliner.

“Maraming salamat at nawa’y patuloy ninyong ibigay ang inyong sarili at magtiwala kayo na ito ay isang misyon at hindi lang isang profession na magbibigay karangalan rin, higit sa lahat sa Diyos,” said Fr. Magdurulang.

The Parochial Vicar also reminded individuals to be part of this mission by following the minimum health protocols and initiating activities to help the needy.

“Ngayon panahon ng pandemya, marami pa rin tayong mabuting magagawa hindi lang sa sarili natin kundi sa ating kapwa kaya tanggalin natin ang pagkakaiba-iba. ‘Wag tayong magturuan lamang at maghintayan kundi magtulungan tayo at ibigay natin kung ano mang kabutihan ang maiaambag natin sa kaligtasan ng lahat.” he added.

San Felipe Neri Parish and Hands to Heaven PH has been assisting frontliners, victims of calamities, community pantries, and the needy since last year during the eruption of Taal Volcano.

Hands to Heaven PH is a Church volunteer group initiated by young professionals and Fr. Hans to help assist individuals around Metro Manila and beyond. (Fatima Llanza/RCAM-AOC | Photo by Fatima Llanza/RCAM-AOC)

 

Leave a reply