Cardinal Advincula dumalaw sa Komunidad sa Tondo

Bumisita at nagdaos ng Banal na Misa ang ating Kabunyian Jose Fuerte Cardinal Advincula ang Arsobispo ng Maynila sa Parokya ng San Pablo Apostol Parish, Tondo Manila.

Bago pa ang Banal na Misa, nagkaroon ng munting kamustahan na pinangunahan ng Kura Paroko ng San Pablo Apostol Parish na si Reberendo Fr. Reynaldo Daguitera.

Bago magsimula ang munting kamustahan, ibinahagi ni Reb. Fr. Rey Daguitera ang Vision at Mission ng Parokya para sa taong 2021-20216. Ayon sa kanya, ang San Pablo Apostol ay isang parokya sa Tondo na nasa ilalim ng pamamahala ng Arkidiyosesis ng Maynila at pinamumunuan ng mga Kanosyanong pari, na nangangasiwa sa pangangalaga sa mga mamamayan hindi lamang sa mga nasasakupan ng Parokya gayun din sa mga mananampalatayang Katoliko at nagsasagawa ng mga gawaing huhubog sa pagpapahalaga sa buhay; naglulunsad ng mga programang pangkalusugan, pangkabuhayan at pangkalikasan kasama na rito ang programa nang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Diyos sa mga nasasakupan ng Parokya upang makapamuhay nang may kabanalan sa makabagong panahon.

Binanggit ni Reb. Fr. Rey na ang San Pablo Apostol ay parokyang nagkakaisang naglalakbay na may pagpapahalaga sa buhay, pagmamalasakit sa kalikasan at pagmamahal sa Diyos, kasama ang iba’t ibang samahaan na nagtutulungan sa tuloy-tuloy na mga gawaing pang parokya at matagumpay na naisasakaturapan ang malusog, mapayapa, malinis, maunlad, at may buhay-kabanalan na pamayanan.

Kaugnay nito, ipinakita niya at ibinahagi ang first draft ng Comprehensive Parish Pastoral Strategic Plan ng San Pablo Apostol para sa taong 2022 – 2066 na may Temang: “PARYOYAKAP: Sama-samang pagyakap sa Kapwa, sa Kalikasan at sa Diyos na sa ati’y Lumikha.”

Pagkatapos ng munting kamustahan, idinaos na ang Maringal at Banal na Misa na Pinangunahan ng ating Mahal na Cardinal at ilang Kaparian. Maraming mananampalataya ang nagsidalo upang saksihan at masilayan ang ating Cardinal. (Cristy Manapul-Dela Cruz/SOCOM – Archdiocesan Shrine of Santo Nino de Tondo)

 

Leave a reply