HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
Openness and Docility to the Holy Spirit
Article Index
Openness and Docility to the Holy Spirit
Page 2
Page 3
All Pages

Talk delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Tagle during the MAGPAS First Saturday Catechesis on June 2, 2012 at the Paco Catholic School auditoriu




Ang ganda naman nung unang tanong, pero sasagutin ko yun kung ipapaliwanag muna ni Monsignor kung bakit siya Gerry. 


Magandang umaga po. Balita ko dun sa merienda room na animated at maganda yung sharing kanina tungkol sa mga karanasan natin, itong buhay na karanasan kung saan tayo ay tinatawagan ng simbahan na panatiliing buhay ang ating pananampalataya. Faith as a dynamic relationship with the Lord, initiated by the Lord, does not happen in a vacuum. Hindi ito nangyayari sa isang aire na nakalutang. 


Ang pananampalataya ay tinantanggap natin, pinagdiriwang, isinasabuhay, ipinaliliwanag, ipinapasa sa konteksto na kung saan an gating mamayan ay matatagpuan. Kaya hindi natin puedeng baliwalain yung mga scenario na atin sinimulang pagusapang nung isang buwan dahil yung mga scenario na yun ay may epekto sa ating pagunawa sa ating pananampalataya, sa atin din pong pagtanggap at pagdiriwang ng ating pananampalataya.


Kaya sana po ituloy natin ang ganitong pagninilay. We want yung mga dumadalo sa MAGPAS maging discerning people. Yung sinasabi po ng mga bishops, “Let us develop circles of discernment.” Yung mga BEC, yung ating iba’t ibang ecclesial movements, yung iba’t ibang organizations, ministries, sana po lagi tayong kumikilatis. Nasaan ang Diyos? Nasaan ang kanyang tinig, dito sa ginagalawan nating mundo. Ano ang kanyang paanyaya at paano niya tayong ginagabayan para mas epektibong magpahayag ng ating  pananampalataya. Kayo po pakiusap po sa inyo… natutuwa ako dun sa sinabi na mulat na mulat, bukas ang mga mata ng mga dumadalo sa MAGPAS, kulang pa ang oras para ipahayag at ibahagi ninyo yung mga nakikita niyo sa inyong iba’t ibang mga parokya. 


At sabi nga kangina, paalaala sa atin, let us not be depressed sa mga nakikita natin. Although paminsan-minsan talagang nakakaoverwhelm, nakakalito. Gusto man nating tugunan lahat parang hindi natin alam, where do we start? And how do we do it? Kaya yung iba, “wala rin naman akong magagawa, huwag na lang gumawa.” Hindi po tama and ganun sa atin. Alam naman nating nandiyan si Kristo muling nabuhay, ibinuhos na niya sa atin  ang Espiritu Santo, wala ng dahilan para hindi tayo makatugon. Nandiyan na siya.  


Bago ko po puntahan yung aking ibabahagi, sasagutin ko muna yung tanong (note: about his name). Ang pagkaalam ko po ay ganito. Ito yung version na ipinasa sa akin ng aking mga ninuno. Nasabi po ng duktor sa nanay at tatay ko, na ako ay ipapanganak sa June and most likely around June 13. Eh ano ba ang fiesta ng June 13? “St. Anthony!” Ah, St. Anthony of Padua. E, natuwa po sila kasi ang nanay ay mayroong devotion kay St. Anthony de Padua, kaya, alam niyo naman tayo, mga Filipino, nung panahon na iyon ay nagpapangalan tayo ng mga bata ayon sa kalendaryo at mga fiesta. At tuwang tuwa sila na June 13, nangako yata sila na kapag ipinanganak sa June 13—nun hindi pa nila alam kung babae o lalaki, wala pang ultrasound nuon, kaya kung babae Antonia, kung lalaki Antonio. 


E, ayaw kong lumalabas sa sinapupunan. Nag June 13 na, wala pa, so umandar, umandar na ang mga araw at isang linggo na na parang delayed according to the estimate of the doctors. Sabi pa nga po nila sa akin, yung lolo ko, yung tatay ng nanay ko na Chinese, nerbiyos na nerbiyos na bakit hindi pa lumalabas itong bata. Alam niyo naman ang mga Chinese, di ba may ano sila sa mga kalendaryo. Meron pa yatang ipinaiinom sa nanay na tea, na tsaa para gumaan ang tiyan at lumabas na. E sa plano ng Diyos hindi pala June 13, twenty-one ako gustong lumabas sa mundo, June 21. E, siyempre tinignan nila ang kalendaryo,  San Luis Gonzaga, the patron of youth.   E di nakakahiya naman daw kay San Luis na hindi gagamitin yung kanyang pangalan. E nakakahiya naman kay San Antonio na sila ay nangako na. E di pinagsama, Luis Antonio. Ayun! Ganuon lang po kasimple, naka-ayon sa kalendaryo. Ngayon, bakit “Chito”? Eh, kasi ano ang maliit na Luis? Luisito, pagka kinakausap ako nung mga matatanda, “Luisito..” Ano ang nangyari sa Luis? Nakalimutan, naiwan yung Sito kaya naging Chito. Ano… nakakalalalim po ba ng pananampalataya? 


Nakakatuwa na itanatanong niyo yun. Siguro bago ko pumunta sa ating sharing, which is really a follow up on our session last month, e tungkol po  sa “naming”, giving names, I don’t want to be puritanical about it, sana po maging maingat din tayo kasi po in the Jewish tradition yung mga pangalan ay hind lamang labels, ang pangalan ay nagpapahiwatig ng kung ano ang misteryo ng taong ito. 


Naalaala po ninyo yung pagbibigay ng pangalan kay San Juan Bautista? Ang gusto ng mga tao, mga kamaganak ay ang pangalan na nanggagaling sa mga ninuno o kaya Junior, Zechariah. Pero sino ang nagbigay ng pangalan? Ang Diyos. Nung nagpakita ang anghel kay Zacarias sinabi niya na ang pangalan ng bata ay Juan na ang ibig sabihin ay “ang Diyos ay mapagpala”, “God is gracious.” Yan po ay bahagi ng katotohanan ni Juan Bautista, kasi yung tatay niya matanda na. Yung nanay niya si Elizabeth ay barren, sterile. They cannot produce life anymore, new life. Pero ang imposible ay nangyari. Why? Because God is gracious. Ang batang ito ay patunay na ang Diyos ay napakabuti. 


At yun ay hindi lamang kasaysayan ni San Juan. Yun na ngayon ang program of life ni San Juan. Yung pangalan niya ay magiging programa o proyekto ng buhay. Kaya ang kanyang misyon ay ipahayag, “narito na ang Mesiyas” , narito na ang graciousness of God, grace of God personified. Para maisip ni Maria at Jose ang pangalang Jesus, galing iyan sa Diyos. Ang anghel ang nagsabi kay Maria, “You will name him Jesus” ibig sabihin, “God saves”, nagliligtas ang Diyos. Kaya titignan niyo sa Bibliya, ang pangalan ay galing sa Diyos at sa pangalan nandiyan ang bokasyon ng tao. Kaya nung lumalaki ako pinabasa sa akin kung sino si San Luis at kung sino si San Antonio. Takot na takot ako. Kung puede lang pabago ang mga pangalan. 


Si San Luis mayaman. He belonged to a noble family in Mantova, the Gonzaga noble clan. Pero tinalikuran ang kanyang yaman, tinalikuran ang kanyang posibleng pagangat sa rango ng nobilidad at pumasok sa mga Hesuita and lived poorly. Biruin ninyo, isang alta sosyedad na bata naging simpleng estudyante. At nung nagkaroon ng salot o plague sa Roma, yun ang naging trabaho niya, magalaga ng mga nagkasakit at nahawa siya at namatay siya at the age of 23. Ni hindi siya na-ordain. Namatay siya as a seminarian. Minsan itinatanong ko, bakit sa kanya pa ako naipangalan? Pero magiging inspirasyon ko siya. Kaya nung ako po ay nag-aaral sa ibang bansa at nagsusulat na ako ng dissertation, wala na akong klase may oras, naalaala ko si San Luis Gonzaga kaya katulad niya nagvolunteer din ako. Nag alaga ako ng mga may HIV AIDS patients. Laging may pangamba, baka ako mahawa. Pero ang dami kong naging kaibigan duon sa mga pasyente, ilan ang namatay at kasama ako sa tabi nila nung sila ay mamatay. Pero saan nanggaling yung ganung inspirasyon? Sa pangalan.