HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
Declaration of a Minor Basilica: A Mission


Photogallery


(Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle at the Mass for the Declaration of the Minor Basilica of Our Lady of the Holy Rosary of Manaoag on Feb. 17, 2015)



We thank God for bringing us together as one family of faith on this grace-filled occasion of the declaration of our parish church as a minor basilica. Mapalad po tayo lahat ngayon, nandito tayo at nakita natin ang araw na ito. Alam ko maraming naging deboto ang Mahal na Ina ilang centuries na na gusto siguro makita ang araw na ito. Pero sa plano ng Diyos tayo ang naging saksi sa araw na ito. 

We thank Archbishop Soc Villegas for inviting all of us. We thank and congratulate also the Dominican family represented by Fr. Timoner and our Rector-Prior, Fr. Jerry. We want to thank all the bishops; we even have two cardinals here, tatlo pala, kasama pala ako. And look at the number of priests, the religious at kayo po na mga taga Pangasinan at sa labas ng Pangasinan. I am particularly happy because our Apostolic Nuncio is here with us. He represents our Holy Father so we are very close to the Holy Father not only today but in our day to day life of faith. 

Ako po ay nagpapasalamat din at naanyayahan dahil hindi ho alam ng karamihan I am half Pangasinense. Ang nanay ng nanay ko po ay taga Dagupan; ipinanganak at lumaki sa Dagupan. Nandito po siya. Tayo po, Nay. Ang Nanay at ang Tatay na taga Pangasinan at Cavite. Hindi naman pala masama ang combination ng Pangasinan at Cavite. Ano ho? Kasi I think my last mass here in the Archdiocese of Lingayen-Dagupan was in 1982 when I was ordained a priest, 33 years ago. So it is good to come back and share with you this joy and grace. 

The proclamation of a parish church as a minor basilica is truly a sign of the Church’s recognition not only of the deep history of the parish but also of its spiritual patrimony. It is an honor granted by the Church not to many parish churches but with the honor comes a mission. Ganoon naman po lagi. Kung mayroong binibigay na karangalan, mayroon din kasabay na misyon. And the three readings chosen for today’s Mass, are a clear indication to us of the dignity and also of the mission of a minor basilica, especially a minor basilica that has been entrusted to the care of the Blessed Mother, in this case, Our Lady of the Rosary. 

So let me go through the readings and pick up three points coming from them. 

The first especially from the Prophet Ezekiah is a reminder for us that a church edifice and in this case a minor basilica is an effective symbol of God’s desire to dwell among his people.  Malinaw na malinaw ho iyan: ang Diyos ibig niya Manahan, tumira sa gitna ng sambayanan. Kaya nga ang tawag sa Simbahan ay bahay ng Diyos. At dahil bahay ng Diyos, bahay ng lahat ng anak ng Diyos. Ang Diyos kapiling natin kaya makakauwi tayo sa kanyang tahanan. A basilica speaks of that truth, God is with you. And even if it is entrusted to different patrons, like the Blessed Mother and other saints, the basilica becomes for us a reminder of Jesus, Emmanuel, God is with us. 

Marami namang nagpapaalala sa atin na ang Diyos ay kapiling natin. Pero ang isang tahanan katulad ng basilica iba po ang nagiging impluwensiya sa mga tao. Sa katulad ng Basilica ng Our Lady of the Rosary of Manaoag, ang daming anak uuwi dito, makakaiyak, makakahinga ng loob, hihingi ng tawad, hihingi ng tulong, magpapasalamat, magpupuri, alam niya nasa tahanan siya ng kanyang Ama. So the presence of a church, of a basilica, is a strong proclamation: you are never alone, hindi kayo nagiisa, kapiling niyo ang Diyos. 

But the Gospel reminds us that when God decided in the fullness of time to pitch his tent among us, God chose not a building made of stone but God chose a woman, a lady, now called the new arc of the covenant, Mary, for in her, the Son of God made man dwelt. Na marapat lamang po na maalaala natin, ang Diyos kapiling natin, nananahan siya sa ganitong gusali. Pero nananahan rin siya higit sa lahat sa ating Mahal na Ina. Hindi na building, hindi lang estatwa, kundi kapatid natin. At magandang paalaala ito para sa atin. Tayo po na deboto sa Mahal na Ina; tayo na isang sambayanan, sana tayo ang maging paalaala sa mundo na ang Diyos ay kapiling ng ating kapwa tao. The way Mary as the Ark of the Covenant was the bearer of the presence  of God, as this beautiful church reminds people that God is present, sana po, bawat isa sa atin, sana ba ang ating sambayanan maging paalaala nandiyan nga ang Diyos. 

Marami po ang nagtatanong bakit daw nung dumating si Pope Francis, bakit kahit sandal mo lang Makita, kahit sa telebisyon, naiiyak ka? Kita natin ang power kahit ng isang tao para ipaalaala sa atin kapiling ang Diyos. Pero kung minsan may mga tao Makita mo palang kahit anino kinakabahan ka na. Parang hindi Diyos ang iyong iniisip. Makita mo pa lang gusto mo nang tumakbo, mangungutang yata ito. O kaya, ako yata ay lolokohin nito. Huwag nawa ganoon ang ating presensiya. Lalo na sa mga pumupunta sa basilikang ito. Let us not boast:  I am a devotee of Our Lady of the Rosary of Manaoag, I frequent the basilica, yet in our personal lives and in our lives in society people don’t sense the presence of God. This is a mission of this basilica and of the community that makes this a house of God and a house of prayer. 

Yun po hindi na makakasama sa declaration. Iyan po desisyon na nating lahat. So iyan po ang unang punto. Sa kaligayahan natin sa declaration as isang basilica, the presence of God in our midst, tanungin natin ang ating sarili, ako ba ano ang ginagawa ko para maging presensiya ng Diyos sa iba? Ano ang ginagawa natin sa ating sambayanan at ating bayan upang lahat ng pupunta dito makakasalamuha natin masasabi naranasan namin ang Diyos sa kanila. At sana ibukas din natin ang ating mga mata at makita natin ang Diyos sa basilica pero nakikita ba natin ang Diyos sa ating kapwa, sa nagugutom, sa nauuhaw, sa walang damit, sa walang bahay, sa mga nasa preso. Alalahanin na ang ating kaligtasan nakadepende kung nakita natin ang Diyos sa kanila. May people see God in us and may we God in people even in enemies. Love your enemy. Mamaya pagkatapos ng misa pupuntahan niyo yung hindi niyo kinakausap at hindi kumakausap sa inyo. Pupuntahan niyo ang may utang sa inyo, na galit na galit kayo at sasabihin ninyo, bahala na kayo. Madali ang honor of becoming a basilica, God dwelling among people, wow! But what a mission! How do we see God in others and do we allow others to see God in us? 

The second point comes from the second reading, very appropriate for the declaration of our minor basilica. From the Acts of the Apostles, we see how after the Ascension the apostles returned to Jerusalem and following the command of Jesus they went to the upper room to the cenacle and there the disciples were with women disciples, one of them was Mary, the mother of Jesus. And in that cenacle, in that upper room, they prayed. They spent time praying. The disciples were not praying alone; they were praying with the Blessed Mother. The Blessed AMother was with them in prayer. Magandang paalala po ito. Marami sa atin pumupunta dito magdarasal sa Diyos at magdarasal sa Mahal na Birhen. At tama naman iyon. Pero para magandang paalaala sa atin, sa basilikang ito, katulad ng naranasan ng mga apostoles hindi pa basilica iyon, eh, cenacle, the upper room, a place of prayer pero hindi lang pala nagdarasal sa Mahal na Birhen. Sa ating pagdarasal kasama ang Mahal na Birhen. That should console us. We are not praying alone. Jesus prays with us. He taught us how to pray. And his mother prays with his disciples. We don’t only pray to Mary; we pray with Mary. 

Pero ano nga ba ang ipagdarasal. Ayun na! Dito ang ipinagdarasal nila ay ang pagdating ng Banal na Espiritu. The way Jesus asked them to do it, to pray for the completion of salvation through the coming of the Holy Spirit. That is the prayer that Mary accompanies. Mga kapatid pag pumupunta tayo dito sa basilica, nagdarasal naman tayo I am sure. Pero ano ba ang ating ipinagdarasal. Nagdarasal ba tayo with Mary? Ipinagdarasal ba natin, nagdarasal ba tayo with other people? Inilalapit ba natin sa Diyos ang mga panalangin para kasama ang mga nagdurusa, ang mga dukha, ang mga walang makain, ang mga may sakit na walang maibayad. Pumapasaok ba sila sa ating isip o pati sa panalangin natin, Ako! Ako! Ako! Sa ordinaryong buhay, ako! Sa panalangin, ako! How much do we pray for others in comparison to the prayers for ourselves? Hindi masama na ipagdasal ang sarili but in that first basilica, in the cenaculum, it was a prayer   for creation groaning for the coming of the Holy Spirit. 

Minsan mayroong nagtatanong sa akin, Bishop, bakit ba ganoon ang Diyos? Dasal ako ng dasal hindi naman binibigay yung hinihiling ko? May sagot ako diyan, eh: huwag mong hilingin sa Diyos ang para sa iyo. Ipagdasal mo muna ang lahat ng pangangailangan ng ibang tao at sana makalimutan mo ang pangangailangan mo. Baka kapag inuna mo ang pagdarasal mo para sa ibang tao baka magulat ka, saka ibibigay sa iyo ng Diyos ang hindi mo hinihingi. Ganyan ang naging karanasan ni Solomon ng maging hari. Hindi siya humingi ng mahabang buhay, kayamanan at poder. Ang hiningi wisdom so that he could serve the people. At ano ang sinabi ng Diyos? Dahil ang hiningi ay hindi para sa iyo, ibibigay ko yung hiningi mo para mapaglingkuran mo ang tao, pati ang hindi mo hiningi, ibibigay ko na rin! Ayan! In this place pray more for others than for yourselves. In this place pray with Mary; pray with the suffering children of Mary. And then if you remember, pray for yourself. Hay naku po!

Uulitin ko ho, hindi masama na ilapit sa Diyos ang sariling pangangailangan pero magingat baka pati ang panalangin din nagiging self-focused. At kapag naibigay na, katulad ni Maria, bumalik, at sabihin, “My soul proclaims the greatness of the Lord.” Katulad nung may mga ketong, ang pinagaling sampu sila, isa lang ang bumalik, para magpasalamat. Dasal din yung pasasalamat, ho. Ang dasal hindi lang yung paghingi kundi pagpapasalamat din. Prayer with others. 

Finally po. In the Gospel, we see another mission of a basilica. The first, based on the first reading is, it is a symbol of God’s presence in our midst. Secondly it is a house of prayer, praying with Mary and with the rest of the community. And third, the beautiful passage about the visitation. Mary bearing Jesus visits Elizabeth. This mystery in the life of Jesus and Mary. The fulfillment of the hope of Israel, finally, finally the Savior has come, hidden first in the womb of Mary. 

Maganda po it. Napagisip-isip ko. Tayo bumibisita dito. Bumibisita tayo kay Maria dito sa simbahang ito. At okay lang po iyon. Pero alam niyo sa bibliya, hindi si Maria ang binibisita; si Maria ang bumibisita! O hindi ko sinasabi na huwag kayong pumunta dito. Pumunta lalo. Pero pagkatapos bisitahin si Maria, gayahin si Maria. Go! Go! Visit the anawin; visit the poor; visit the needy, like Elizabeth. Hindi pupuwede na pagkatapos makaulayaw ko ang Mahal na Birhen, masaya na ako. Si Maria gustong bumisita sa iba, at ikaw na nakausap na ni Maria dito, sige, ituloy mo ang ginagawa ni Maria. Sabi ko nga, maganda yung pagtatapos ng Misa. Di ba sinasabi at the end of the Mass, Go! The mass is ended, go forth. Eh, yung iba ayaw mag-GO! Pakikipagkape kay Father,; maya maya yung kape naging tanghalian na; mayamaya meryenda na naman. Go! GO! That is the mission of a basilica dedicated to Mary. The call to constant visitation. GO. If you have to walk the way Mary did, GO! At ang daming pupuntahan. 

Sabi po nung iba mahirap bumisita, kasi magastos. Pag bibisita ka kailangan mayroon kang bitbit. Nakakahiyang bumisita na wala kang bitbit. At iyon namang natatakot din. Kasi kapag ang bumisita sa iyo may bitbit, magpapamerienda ka. Kaya minsan, ayaw mo nan a bibisitahin ka. O kaya yung bibisita wala na lang bitbit. Yung iba nagtatago eh. Mayroon pa ngang iba kapag yung bumisita may dala dalang hopia, pame-merienda ko dito kape lang, kape. Kapag ang dala Red Ribbon, naku! Kailangan kape at konting mamon. Kaya yung pagbisita at pagtanggap ng bisita nagiging burden. But let us turn to Mary. Si Maria binisita ng anghel. Tinanggap ang bitbit ng anghel, ang salita ng Diyos, ang misyon. When she was visited she welcomed the gift of God, the Word of God and mission, and the Word became flesh in her. At nang bumisita siya ano ang bitbit niya, si Hesus. 

In this place where we encounter God through the Blessed Mother, let us experience our moments of visitation. Pag bumisita tayo dito, bibisitahin din tayo ng Diyos. Magsasalita siya. May ibibigay siyang misyon. 

Welcome the visit of God in our lives and after having been visited, go bring Jesus to others. That makes a basilica truly a missionary place and the devotees truly missioners of God. 

Tama na ho iyon. Marami na iyon. Yung tatlo lang na iyon. It is a grace. It is a blessing. It is a dignity. But it is also a mission to be declared a minor basilica. First a reminder that God is always with God’s people. God never leaves God’s people alone. Secondly, prayer. Prayer not just for my own needs, but prayer with others, bringing to God even the groaning of creation and of the whole world for salvation. And third, it is a place of visitation. People who visit here will be visited by God. But when you are visited by God you have to go on mission to visit other people, bringing God and God’s word to them. 

Let us now pause and spend time reflecting on this beautiful grace and mission that is unfolding before us on this declaration of the Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag.