HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
Communion and Mission
Article Index
Communion and Mission
Page 2
All Pages




(Talk delivered by His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Archbishop of Manila, during the First Saturday MAGPAS on September 6, 2014 at the Malate Catholic School.)


Magandang umaga po! Magandang umaga! Maraming salamat po muli sa pagdalo sa ating magpas. Long time no see. Pasensiya na po kayo lagi tayo napapadpad sa kung saan saan. Ngayon naman ay magkakasama na tayo muli. Ibig kong, sa aking pakikipagkonsulta kay Msgr. Gerry Santos, ibig ko pong mag bigay pagbabahagi ng isang napakahalagang punto ng atin pong pagsisikap na makatugon sa panawagan na  maging tunay  Simbahan na tunay na nagmi-misyon sa ating panahon lalo na ngayong Taon ng mga Layko, Year of the Laity. Nakatutok pa rin tayo sa BEC, sa pagbubuo ng mga mamumunting pamayanang Kristiyano. At katulad po ng nagawa natin nang nakaraan, masigasig naman tayong ginagabayan ng atin pong BEC commission. Sina Fr. Benjie Ledesma at ng kanyang mga katuwang. 

Ang akin pong ilalahad sa inyo ay nagmula sa tinatawag nating PCM II. Malimit nating naririnig PCP II, the Second Plenary Council of the Philippines. Pero nakakaligtaan ng mayroong PCM II, ibig sabihin ay The Second  Provincial Council of Manila, na ginanap nung 1996. Tungkol po it, ang council na ito ay tungkol sa ministry at apostolate of the laity in the Church lalo na sa ecclesiastical province of Manila. Kaya po noon ay lumahok ang ibat ibang diyosesis na bumubuo ng ecclesiastical province of Manila. Ako po ay nakasama doon bilang isang batang pari na taga-Cavite. Kasi ang Diocese of Imus ay kasama sa ecclesiastical province of Manila. Napakaganda po nito at tutok na tutok sa ministry, apostolado ng layko, lalo sa konteksto ng mumunting pamayanang Kristiyano. Kaya hayaan po ninyo na mag-review tayo. Huwag no po tayong magkahiyaan ano po, sino po sa inyo ang ngayon lang narinig ang PCM II? Pakitaas po ang kamay. Nagsisikip ang dibdib ko! Salamat sa pagiging matapat. Salamat sa honest. Kasi po, 1996, magtwe-twenty years na ito, pero katulad ng ibang bagay, minsan nagiging sikreto. Kaya po, nakapangalan pa naman sa atin, PCM, Provincial Council of Manila. Sana po tayo ang unang mag-aral at magtaguyod nito, bilang paggunita sa kanyang nalalapit na ikadalawampung anibersaryo at sa taon ng mga layko. 

Simple lamang po ang aking babalikan dito sa PCM at siguro sa sususnod, sa tulong ni Msgr. Gerry nina Fr. Benjie at ang atin pong team baga maikonekta pa natin ito sa ating paghuhubog sa Year of the Laity. 

Ang unang bagay po na ibig nating bigyan ng pansin dito sa PCM II ay communion, ang Simbahan ay communion, the Church is a communion. Alam mop o na yung salitang communion ay ginagamit natin doon kapag tayo ay tatanggap ng katawan at dugo ni Kristo. At tama poi yon. Subalit yung salitang communion, sa Greko ay konoinia. Ito po ay ginagamit din upang paalalahanan tayo, ganito ang puso ng simbahan, ang puso ng simbahan ay communion. Mahirap pong isalin sa Tagalog, parang walang isang salita na kayang yakapin yung communion. Sabi po na iba baka bukluran, pagsasama sama, sabi nung iba damayan. Lahat po iyan ay pumapasok sa communion. Pero siguro gamitin muna nating yung salitang, comunio. Kapag sinabi pong comunio ang ugat, koine, what do we hold in common? Ano yung parepareho nating hinahawakan? Kasi yun yung bagay na nagbubuklod sa atin. Magbibigay lang ako ng halimbawa. Sino sa inyo ang may asawa. Hindi lahat nag taas ng kamay. Ibig sabihin hindi lahat may asawa. Yung pagaasawa hindi common sa ating lahat. Sa ilan totoo iyon, sa iba hindi. Taas ang kamay ng mga walang asawa. Mga sisters, magtaas kayo ng kamay, may asawa ba kayo. So hindi lahat, ibig sabihin yung hindi pagaasawa hindi rin common sa atin. Taas ang kamay ng 40 years old pababa. Hindi rin common iyan. Hindi rin common yung 40 pababa kasi marami sa atin ang above 40. Sino ang ipininanganak sa Pampanga.  Hindi lahat, so hindi rin commonly held ang pagiging Kapampangan. Sino ang bininyagan. Wow! Lahat tayo. Common ang baptism, we hold it in common, commonly held. Sino ang naniniwala sa Salita ng Diyos? Mam nakataas ba ang iyong kamay, baka hindi ka makasama sa naniniwala… Sino ang masarap kumain? Common din iyan. Communion. 

Tignan niyo ang communion ay hanapin, ano yung mga bagay na samasama nating pinaghahawakan. Kasi yung iyong nagbubuklod sa atin. Kaya kinakanta natin: Isang pananampalataya. Isang pagbibinyag. Isang Panginoon, angkinin nating lahat. Ang simbahan ganoon, nabubuklod tayo. Maraming pagkakaiba pero mayroon din tayong pinagsasamahan at ang modelo ng communion ay walang iba kundi ang Diyos mismo, the Holy Trinity, Blessed Trinity. Iisang Diyos sa tatlong persona. Hindi sila nagiging tatalong Diyos, nananatiling isa kahit tatlong magkakaibang persona. Ang modelo ng simbahan bilang communion ay ang Diyos mismo. Kaya nga sinasabi ang Simbahan ay larawan ng Banal na Santatlo; the Icon of the Trinity. Kaya mga kapatid napakahalaga po na doon sa kaliitliitang cell ng simbahan—pamilya, BEC—maranasan agad ang communion, comunio. Bago natin pagisipan, pagusapan ang pagkakaiba, pagusapan muna at hanapin ang nagbubuklod sa atin. Napakadali na magkawatak watak kasi ang pinagtutunan ng pansin ay ang pagkakaiba, hindi muna bigyan ng pansin, ano ang pinaghahawakan natin in common.

Halimbawa lamang po: yung isa mayaman, yung isa mahirap. Kapag pinagtuunan natin ng pansin ang yaman magkaiba na sila kaagad kasi yung isa nasa itaas, economically; yung isa nasa baba. Hiwalay na agad. Pero kapag pinagtuunan ng pansin, mayaman man, mahirap, parehong naghahanap ng marangal na buhay, parehong naghahanap ng daan para sa kapayapaan, parehong naghahanap ng ikakabuti ng kanilang mga anak. Bakit hindi tayo dun magsimula yung ating sama samang pinanghahawakan, yun ang communion. Katulad ng tatlong persona sa iisang Diyos, parepareho naman sila, the same divine nature, iisang pagkaDiyos, kanilang pinanghahawakan. Sana po sa ating BEC, parokya, diocese, Makita na tayo ay communion, communion. 

Ano ang mga batayan ng communion? Ano ang puwede nating panghawakan para tayo magkaisa? Ayon po sa Vatican II, apat ang objectives na mapanghahawakan para sa communion. Una ay ang Espiritu Santo. Ang Espiritu Santo ang magbubuklod sa atin; hindi kung anu-ano. Espiritu Santo. Halimbawa, tong-its. Ang binubuklod ng tong-its, hindi mo tatawagin: wow, sila ay communion o sila ay BEC. Hindi eh, kasi excluded na yung mga hindi mahilig o naglalaro ng tong-its. Ang tong-its kailan man hindi magiging magnet ng communion. Pagkatapos nga ng tong-its yung natalo masama ang loob, galit na, hindi iyan communion. Inuman. Communion ba iyan? Ah, hindi a! ang binubuklod lang niyan yung mga lasinggero at yung mga hindi lasinggero, Espiritu Santo, ang espiritu ng pag-ibig, iyan ang magbubuklod. Kaya kung ibig nating maging communion kailangang bukas sa kilos ng Espiritu Santo. Hindi natin hahayaan na ibang espiritu ang mamayani. Kailangan ang Espiritu ng Diyos ng pagibig ang pakikilusin para maging communion. Kaya suriin, ho, at anong espiritu ang nagbubuklod sa atin kapag hindi Espiritu Santo, naku! Hindi tayo uuwi sa tunay na communion. 

Kaya sa pagbubuo ng sambayanan para maging communion, tunay na communion, mahalaga ang prayer, panalangin, kailangan ang conversion, pagbabagong loob; kailangan ang discernment, pagkilatis sa tunay na espiritu upang ang Espiritu Santo ang susundan at hindi ang iba pang espiritu. Napakaraming espiritu sa mundo na hindi naman naglalapit sa isat isa at sa Diyos. So, Holy Spirit. 

Ang ikalawa po na nagdudulot ng communion: the Word of God, ang Salita ng Diyos. Alam po ninyo nung nagpunta ako sa Korea para sa pagbisita ni Pope Francis bagamat ipinihahayag yung unang pagbasa sa Koreano, so lenguahe ng Koreano, alam mo pa rin na iyon ay galing sa Propeta Isaias. At kahit galing sa lenguaheng hindi ko maintindihan, yung salita ng Diyos yun pa rin ang salita na aking pinanaligan. Kaya sa katapusan pag sinabi, “Ang Salita ng Diyos” , Salamat sa Diyos. Ipinahahayag man iyan sa Kastila, sa Koreano, sa Espanol, sa Italian, sa Kapampangan, sa Ilonggo, sa Ilocano, sa Pilipino, sa Ingles, Salita pa rin iyan ng Diyos. At ang iba’t ibang bansa natitipon, nagiging communion, dahil sa Salita ng Diyos. Kaya po kung ibig nating mabuo ang pagsasamahan sa pamilya, sa BEC, sa parokya, ang Salita ng Diyos ay hindi maaaring kaligtaan. Kaya nakakatuwa po maraming BEC, papaano nagsisimula? Sa pamamagitan ng Bible study, Bible reflection, Bible sharing. Sa Salita ng Diyos na bubuklod ang sambayanan. Pangalawa na po iyan, ano yung una? Holy Spirit. Yung ikalawa po? The Word of God.