HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
Tularan ang pagaalay ng sarili ni Hesus; Dumamay sa mga kapatid na nagdurusa rin; Tuparin ang habilin ni Niya


Photogallery


(Homily delivered at the Celebration of the Passion of the Lord by His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Archbishop of Manila, on April 18, 2013, Good Friday, at the Manila Cathedral.) 


Sa awa at tulong ng ating Panginoon, tayo po ngayon ay nagkakatipon upang ipagdiwang sa isang mapanalangin na pamamaraan ang kamatayan ni Hesus Kristo. Ito po ay isang biyaya para sa ating lahat na mabigyan ng pagkakataon sariwain ang kanyang pagaalay ng sarili upang tayo ay maligtas. Sa tulong po ng mga pagbasa lalo na ng ebanghelyo ayon kay San Juan, hayaan niyo po na magbigay ako ng tatlong puntos para sa pagninilay. 

Ang una po ay ito. Malinaw sa ebanghelyo na ang pagdurusa at kamatayan ni Hesus ay gawa ng mga tao. Ibinenta siya ni Hudas. Iniwanan siya ng mga alagad. Si Pedro na sana ay makapagbibigay ng patotoo tungkol sa kanya, itinanggi na kilala niya si Hesus. Ang mga punong pari at mamamayan walang hinangad kundi siya ay mapatawan ng  kamatayan. Si Pilato walang makitang kasalanan sa kanya subalit natakot mawalan ng posisyon at ibinigay na nga niya si Hesus sa mga bayan. Ang mga sundalo, nilibak libak siya, pinagpustahan pa ang kanyang damit. Bawat yugto ng kanyang pagdurusa hanggang kamatayan mayroong ginawa o hindi ginawa ang mga tao. At every stage of the suffering until death of Jesus we see people doing something against him or not doing something to prevent his suffering and death. Kaya masasabi natin  sa isang banda, tunay na si Hesus nagdusa dahil sa kasalanan, takot, pagkamakasarili ng tao. 

Subalit kung titignan natin ang puso ni Hesus, papaano niya hinarap ang kanyang pagdurusa at kamatayan? Sa ebanghelyo malinaw na malinaw. Bagamat nasasaktan, bagamat nahihirapan siya, sa isip at puso ni Hesus isang bagay ang malinaw. Ginagawa ko ang lahat ng ito ay susunguin ko ang lahat ng ito bilang pagtupad sa kalooban ng aking Ama. Si Hesus hindi lamang biktima ng pagpapahirap ng ibang tao; sa kanyang isip at puso siya ay tumutugon sa panukala ng Diyos. Kaya po bagamat sinasabi ng iba, si hesus ay binawian ng buhay, para kay hesus walang tao na bumawi ng buhay niya; inialay niya ang kanyang buhay. Hindi siya binabawian ng buhay; nagbibigay siya ng buhay niya; iniaalaya ang kanyang buhay. 

While it is true that the pain, the sorrow were real; while it is true that people made Jesus suffer; in the mind and heart of Jesus there was one enduring thought and sentiment according to the Gospel of St. John: Jesus was fulfilling the will of the Father. Remember, it is also in the Gospel of St. John where Jesus said, “No one takes my life away from me. I lay it down freely.” Nobody takes my life away from me; I give it freely. Totoo po. Kung si Hesus ay binawian lang ng buhay at sapilitan na kinuhanan ng buhay, hindi tayo maliligtas. Papaano tayo maliligtas ng napipilitan lamang? Kaya tayo naligtas ay dahil buong puso; buong kalooban inialay niya ang kanyang buhay. Iyan ang nakapagliligtas; hindi ang napipilitan lamang. 

Mga mag-asawa: balikan ninyo, lalo na mga babae, papaano niyo sinagot ang inyong mister. Kayo ba ay nagsabi, o sige, sige na, tumahimik ka na lang, pakakasalan na kita, tumahimik ka lang. Eh, kung ganoon ang nangyari, naku, ang kasal na iyan hindi makapagliligtas; babagsak at babagsak iyan, dahil napilitan lang. Tanungin niyo sa mga misis niyo mamaya, bakit ka umo O sa akin? Kasi makulit ka, eh. Para tumahimik ka na lang. Hindi tunay na pagaalay ng sarili, delikado iyan. Pero pag sinabi niya, alam mo hindi naman ikaw ang pinakamagaling sa mga nangligaw sa akin; hindi nga ikaw ang pinakaguwapo, pero nagdesisyon ako, iaalay ko ang buhay ko para sa iyo. Iyan! Iyan ang pagibig na kayang magbata ng kahit ano at maliligtas kayo. Hindi ka maliligtas ng isang napipilitang magmahal. Ililigtas ka ng handing magalay ng buhay.

Mga madre, mga religious, are you giving your lives to God or are you being asked to give that life? Is it voluntary, out of obedience to God? Kaming mga pari, nandito ang mga kapatid kong pari, papaano ba naming haharapin ang aming misyon? Ito ba ay kapag may misyon pakiramdam namin  binabawian kami ng aming plano; binabawian kami ng aming free time; binabawian kami ng aming gusto. Or iniaalay be namin  ang aming buhay? Mapalad ang parokya na ang pari ay hindi napipilitang magmahal kundi buong pusong iniaalay ang kanyang sarili. Tinatanong tayo, papaano ba natin hinaharap an gating misyon, at an gating pagsubok sa buhay? Para ba tayong biktima na humaharap or tayo ba tulad ni Hesus buong pagibig at tiwala iaalay ang sarili para matupad ang kalooban ng Diyos. Sabi niya kay Pedro sa ebanghelyo, “Ibig kong inumin ang kalis ng paghihirap.” Di ba sabi niya, “Nauuhaw ako.” Saan siya nauuhaw? Nauuhaw siya sa kalis ng paghihirap para matupad ang kanyang misyon. Yun po yung una. 

Ang ikalawa po. Sabi sa ikalawang pagbasa sa sulat sa mga Hebreo, ang pagdurusa ni Hesus ay hindi lamang pagsunod at pagaalay ng sarili sa kalooban ng Diyos. Ang kanya pong pagdurusa at kamatayan ay ang kanyang pakikiisa, pagdamay sa atin. At nang naranasan niya ang hirap natin bilang tao siya raw ay naging kapatid, taga-kabalikat at hindi taga-husga. Kaya mayroon tayong napakabait, maunawain na taga-pagdasal sa atin sa piling ng Ama. Bakit? Bakit niya tayo  nauunawaan? Bakit niya tayo ipinagdarasal? Kasi naranasan ang ating dusa, ang ating mga tukso, ang ating paghihirap. The suffering and death of Jesus are not a manifestation of his self-giving to the Father. According to the second reading, the Letter to the Hebrews, the suffering and death of Jesus are also his solidarity with us. He experienced all our temptations, fears, pains, except sin; and sharing in our pain he now has become a compassionate brother, not a harsh judge. Knowing our pains he now intercedes for us; he now prays for us because he knows what it means to suffer and to die. 

Ang  atin pong Panginoon HesuKristo sa kanyang pagdurusa lalo niya tayong naunawaan at lalo niya tayong ipinagdarasal. Kaya mga kapatid ang araw na ito ay hindi lamang araw ng pagaalay sa Diyos; ito rin po ay araw ng pagdamay sa kapwa, kung papaano tayo dinadamayan ni Hesus. Huwag po tayong mapanghusga. Punong-puno po tayo. Natutuwa ako. Pero ngayon palang iniisip ko na. Papaano kaya ang komunyon mamaya? Baka magtutulakan; baka maggigitgitan kasi gusto makatanggap at huwag maubusan. Kapag kayo po ay nasagi ng inyong kapatid mamaya, huwag kayong galit nag alit, kasi ikaw nakikipaggitgitan ka rin,eh! Sino ang dapat makaunawa ng nanggigitgit? Yung nanggigitgit. Dapat sabihin natin, nasaktan ako pero naunawaan kasi tulad niya ibig ko rin makalapit sa nagbibigay ng komunyon. Kaya sa halip na pumusisyon ako, balyahin ko siya, sasabihin ko, sige mauna ka na. Sasabihin naman niya, mauna ka na ho. Hindi ikaw na. Hindi ikaw na. Lalong hindi uusad ang komunyon pero walang nanghuhusga, walang nagagalit, walang nagtutulakan, nagbibigayan dahil nauunawaan ang karanasan ng kapwa. Diyan tayo maliligtas; hindi mapapahamak. 

Bago ko ho puntahan yung aking huling punto. Minsan po may nakipagusap sa akin, sabi: Nagiinit po ang ulo ko doon sa aking kasambahay. Ilang beses ko ng itinuro kung papaano iluto ang ganitong ulam, laging nakakalimutan. Naiinis na po ako. Eh di tinanong ko, kayo po ba ang inyong apo? Sabi niya, siyam. Natatandaan niyo ba ang lahat ng pangalan ng apo niyo? Minsan po nakakalimutan ko. O, tignan niyo! Kung kayo nakakalimot bakit hindi niyo maunawaan ang pagkalimot ng inyong kasambahay? At least yung kasambahay niyo nakakalimutan ang recipe; kayo ang nakakalimutan niyo, pangalan ng apo ninyo. Ano ang tawag niyo sa anak ninyo, adobo? Sinigang? Eh, kung kayong nakakalimot, dapat kayo ang unang umuunawa, hindi naggumagalit, naghuhusga sa inyong kasambahay na nakakalimot. Kapag nakalimot ang kasambahay, dapat kayo ang nagsasabi, relax ka lang kasi tulad mo makakalimutin din ako kaya kasama tayo. Ano nga ba ang iluluto natin ngayon? Pareho tayong nakalimot. O di magkapatid kayo. Hindi kayo ang isang judge at ang isang condemned. 

At panghuli po. Ito po ay talagang nakakakilabot. Maraming huling habilin si Hesus. Sa huling hapunan ang isang habilin niya, “ito ang aking katawan para sa inyo. Ito ang aking dugo para sa inyo.” Hinahabilin niya ang kanyang eukaristiya sa atin. Mayroon pa siyang isang habilin: “Kung ako na inyong Panginoon at guro ay naghugas ng inyong paa, maghugasan kayo ng paa. Ibig sabihin, maglingkod kayo sa isa’t isa. Habilin niya iyan. Sa ebanghelyo ngayon, bago siya namatay mayroon siyang isang habilin: Ginang, ito ang iyong anak. Anak, narito ang iyong Ina. Bago siya mamatay inihabilin niya ang kanyang Ina sa minimahal niyang alagad at inihabilin ang minamahal na alagad sa kanyang Ina na parang sinasabi, Ina mahalin mo ang aking alagad tulad ng pagmamahal mo sa akin na iyong anak. Anak mo rin siya. At habilin niya sa kanyang alagad, mahalin moa ng aking Ina, Ina mo rin siya. Sa kanyang kamatayan ang habilin niya magpatuloy ang aking pamilya. Magpatuloy ang bagong pamilya ng Diyos na nakaugat sa pagiibigan, pagmamalasakitan, pakikinig at pagtupad sa Salita ng Diyos. 

Before dying Jesus left a request even a testament, even a command. Woman, behold your son; son behold your mother. Mother, treat him as your son. Treat him as you have treated me, your Son. Son love her as I have loved her. She is your mother, too. When we die a new family is born and assured; a family born out of communion in love, communion from hearing the word of God and acting on it. 

Sa biyernes santo na ito, magpasalamat tayo sa Panginoon. Una para sa kanyang modelo, halimbawa ng pagaalay ng sarili matupad lamang ang kalooban ng Diyos. Hindi napipilitan kahit masakit. Kung kalooban ng Diyos, narito ako. Ikalawa, dumamay sa mga kapatid na nagdurusa rin. Hindi nagmamataas, hindi nanghuhusga, kundi umuunawa at dumaramay. Ikatlo, tuparin ang habilin ni Hesus. Huwag tayong magwawatak-watak. Mayroon tayong Ina, si Maria. Mayroon tayong ina, ang Simbahan. Magamalasakitan. Mahal tayo ni Maria; mahal tayo ng Simbahan. Mahalin natin si Maria, mahalin natin ang Inang Simbahan. Habilin iyan ni Hesus. 

Tahimik po tayong magnilay sandal sa tatlong puntos na ito. Ibukas po natin ang ating puso sa pagibig ni Hesus.