HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
Ang Misyon ng Layko
Article Index
Ang Misyon ng Layko
Page 2
Page 3
All Pages


Photogallery


(Talk delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the first MAGPAS for 2014 on February 1, 2014 at the Paco Catholic School Auditorium.)


Hi! Ano ho ang pakiramdam diyan sa itaas? Malapit lapit kayo sa langit. Huwag kayong malikot baka bumagsak kayo sa lupa. 

Happy new year. Hindi lamang po yung new year na Chinese kundi yung new year nung January kasi wala tayong MAGPAS nung January. Nagsabay na po yung new year nung January at yung lunar new year ngayong February. Kaya pakibati po, Happy New Year!



Siguro po naibalita  na sa atin na ang 2014 ay itinalaga ng CBCP bilang Year of the Laity, ang taon ng mga kapatid nating mga layko. At nagkaroon po ng parang formation program na ibinigay sa lahat po ng diyosesis para maging gabay para sa ating pagtahak sa taong ito. At dito po sa atin sa Archdiocese of Manila kinuha po natin yung basic formation na modules na ibinigay ng CBCP at atin po namang inilapat sa atin pong kalalagayan dito sa Archdiocese. Kaya po pagkatapos ng ilang pagpupulong ng consultors, ng atin pong mga presbyteral council members gayon din sa pagsangguni sa iba nating mga lay leaders, amin pong napagtanto, na baka itong taon ng layko maging okasyon para tayo ay magkaroon ng isang foundational formation program para sa archdiocese. Hindi lamang para sa taong ito kundi parang maging unique formation program for not only our lay people but also for our ordained, the religious dito sa archdiocese na magtataglay ng atin pong pananaw at ating pagtugon sa tawag ng misyon dito sa ating archdiocese. Bagamat iisang Simbahan po tayo pero tanggapin natin tayo ay Simbahan sa archdiocese of Manila, hindi tayo Simbahan sa New Delhi, India. Kaya bagamat iisa ang ebanghelyo, iisa ang sakramento, iisa ang paglilingkod, iba iba naman ang situwasyon kaya ang pagtugon ng Simbahan sa New Delhi sana may patak, New Delhi, India, at pagtugon natin bilang Simbahan sa archdiocese of Manila may tatak na ganitong tugon nila sa Maynila. Ang atin pong situwasyon sa Maynila ay ibang iba sa situwasyon sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang mga alalahanin nila doon ay iba. Yung mga nakadalo ko sa PCNE, narinig niyo yung Obispo at lay person from Okinawa Japan. Yung estudyante ko pong pari sa Okinawa, sabi niya, sa awa ng Diyos, isa’t kalahating taon na ako ditong pari wala pa akong nabibinyagan! Ang mga pari doon, one and a half years walang binyag. Dito sa atin ang mga pari nagrereklamo na ang mga kamay, ilan pa ba? Two hundred pa po. Ibang-iba. Kaya yung tugon nila sa katekesis iba sa tugon natin sa katekesis. 

Sa isang meeting po sa Rome, nung huling araw sabi ko doon sa katabi ko, Obispo po sa The Netherlands, sa Holland. Uuwi na tayo bukas, sigurado sa mesa isang tambak na naman ang papeles. Sigurado pagkatapos magpahinga ng ilang oras, simula na ng mga meeting, siguradong mayroon na akong kumpil, siguradong ganyan… Sabi niya, huwag kang magreklamo. Magpasalamat ka mayroon pa kayong trabaho. Kami wala na kaming trabaho. Wala na kaming kinukumpilan. Nakabisita nga ako na isang parokya sa northern Italy yung taon na iyon apat lang ang nagpabinyag, isa ang nagpakasal. Tayo naman ang dami dami pero ang tanong, sa dami ng kinukumpilan naka-catechize ba ng maayos? Sa dami ng ikinakasal, nanunuot ba ang Mabuting Balita? So hindi natin puwedeng sabihin, ang laki ng problema nila, walang nagpapabinyag, walang nagpapakasal. Hindi lamang po sila ang dapat may tugunan. Tayo din may dapat harapin. Ang dami dami nga pero how effective ang ating evangelization. Aaminin ko sa inyo minsan nagkumpil ako, isang upuan six hundred plus. Napagod po ako nagkakanda-antok antok ako. Hindi ko na alam yung sinasabi ko. Paano ako nagising? Alam niyo kung papaano? Kasi narinig ko ang sarili ko, sabi ko, tanggapin niyo ang tatak ng demonyo! Ayyy, bigla akong nagising. Oho, totoo, inaamin ko sa inyo, nasabi ko iyon! Balik! Balik! Espiritu Santo… Sa pagod ko siguro hindi ko na alam. Kaya inisip ko, ilan kayo yung nakumpilan ko.. hindi Espiritu Santo ang aking naibahagi. So pati kami, how do you minister in the archdiocese when you have teeming millions of people. Talagang naguumapaw na milyun milyon. And most of them, karamihan ay dukha. 

Kaya maganda po na sama-sama tayo: mga pari, mga relihiyoso, mga layko, sa taong ito ng layko, baka makabuo tayo, sa tulong ninyo, sa tulong ng MAGPAS, ng isang formation program for the archdiocese. What does it mean to be a Church in mission in the Archdiocese of Manila. At ano man ang ating pinapasok na ministry, sana tayo may iisang paghuhubog at iisang direksyon. Magpalit-palit man tayo iisa ang ating formation, iisa ang ating pananaw. Magiba iba man ang members ng council, ng parish council, pare-pareho tayo ng paghuhubog at pananaw.  Para po ma-encourage tayong lahat na seryosohin itong mga susunod na MAGPAS tungo sa pagbubuo nitong basic formation program huwag tayong yayabang. Pero inimbitahin po ako sa Archdiocese of Milan. Inimbitahan po ako sa Archdiocese of Paris. At ilang araw po ang nakakaraan, nakatanggap po ako ng sulat from the Archdiocese of Munster, Germany. Ano ang hinihingi nila. Mag-share ka nga papaano niyo ginagawa ang evangelization sa Manila? A napakalaking metropolitan area of Manila, we want to learn from you. Kaya ito pong ginagawa natin hindi lamang para sa ating sarili po. Kapag ako po ay pumupunta sa ibang lugar, dala dala ko po ang karanasan natin dito, ang maganda, ang mga madilim, yun ating mga sinusubukan, yun atin pong mga tanong. At minsan po namamangha sila. Kamuntik nang himatayin yung isang Obispo nung sinabi ko nagkumpil ako, six hundred sa isang upuan. Sabi ko kapag nagpunta ito sa Pilipinas, isang araw pa lang patay na ito! Tuturuan natin sila how to survive, paano mabuhay. Pero tayo rin may mga matututunan sa kanila. So we are encouraging everyone to come to MAGPAS. We will make MAGPAS really interactive para po sa pagtutulungan nating lahat makaabot tayo rito hindi lamang para sa ating communion in mission dito sa archdiocese natin kundi para po na rin sa ibang arkidiyosesis at diyosesis ng mundo na naghahanap, papaano nga ba tayo tutugunon sa tawag ng ebanghelisasyon. 

At sa araw pong ito sa isang maikling pamamaraan, ibig ko lang po bilang panimula balikan ang ilan aspeto na turo ng Simbahan lalo na nag Vatican II, ng PCP II tungkol po sa layko. Para po doon sa nakadalo sa Layforce yung Katolikong Pinoy formation, pasensiya na po kung mayroon akong mga uulitin. Mahalaga po ito para po sa ating sama-samang pagkilos at paglalakbay tungo sa sama samang paghuhubog. 

Paalaala po ng Vatican II sa atin, ang pananaw ng Vatican II ay una Simbahan bilang People of God, the Church as People of God, as one people. Kaya pag sinabing Simbahan sana ang iisipin natin ay hindi si Father, hindi si Sister, hindi yung mga leaders ng iba’t ibang organization, pag sinabing Simbahan, isipin agad, one people. Kasi sabi nga nung isang French theologian, si ______, sabi niya sa matagal na panahon pag sinabi mong Simbahan, ang iniisip lang ng mga tao ay, ang mga Obispo at mga pari. Sabi niya, hindi iyon ang buong Simbahan. Talagan namang pinuno sila ng Simbahan, pero hindi sila ang buong Simbahan. Ang buong Simbahan ay ang bayan. The people of God. And within that people may diversity, diversity of gifts, diversity of calling, diversity of ministries. Kaya mayamang mayaman ang Bayan ng Diyos. Bagamat iisa ang binyag. Kinakanta natin iyan… Isang pananampalataya, isang pagbibinyag, isang Panginoon, angkinin nating lahat. So basic yan, iisa ang pananampalataya; iisa ang ating Panginoon ang ating pinaglilingkuran, iisa ang pagbibinyag na ating tinanggap, bagamat iisa iyan sa loob ng Simbahan iba iba naman ang situwasyon natin sa buhay.