HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
PAGDARASAL, PAGSUNOD, PAGSAKSI


Photogallery


(Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Mass for the Traslacion of the Black Nazarene on January 9, 2014 at the Luneta Grandstand, Manila.)



Magandang umagapo sa inyong lahat. Happy fiesta po, Happy Fiesta!

Nagpapapasalamat po tayo sa butihing Diyos tayo po ay kanyang tinipon na naman at binigyan ng lakas, binigyan tayo ng magandang panahon upang ating maparangalan ang kanyang bugtong anak sa kanyang taguring Jesus Nazareno. Salamat din po sa ating mga government officials, sa lahat po ng  ating mga collaborators at sa inyo pong lahat na walang sawa na ipinapadama sa ating mahal na Diyos ang ating pasasalamat, ang  atin pong pagtanaw na utang na loob.



Ano po ang nararamdaman ninyo kapag tinititigan ninyo si Hesus Nazareno? Ano ang nadarama ninyo kapag siya ay inyong nalalapitan? Bakit mayroong lumuluha? Bakit mayroong napapangiti habang ang mga mata na nakatitig sa kanya ay nagluluningning? Bakit mayroong pagkatapos makalapit sa kanya ay parang iniakyat na rin sa langit? Ano ang inyong nakita;  ano ang ating naririnig sa kanya? Ano ang ating nadarama? Siguro po bawat isa ay mayroong natatangi na sagot sa tanong na ito? Siguro sasabihin nung iba, naramdaman ko, hindi ako pababayaan ng Diyos. Siguro yung iba masasabi, nakita ko kung gaano ako dinamayan ni Hesus. Yung iba siguro magsasabi, narinig ko ang kataga na matagal ko ng hinihintay kalian man hindi ka magiisa. Iba-iba siguro ang ating magiging tugon, subalit iisa rin ang patunguhan, ganito tayo ka mahal. GANITO TAYO KAMAHAL NG DIYOS. Iyan si Poong Hesus Nazareno. Pinasan niya ang ating hirap. Bakit, bakit niy ginawa iyon? Walang ibang dahilan kundi PAG-IBIG. Bawat isa sa ating ay mahalaga sa kanya. Bawat pamilya ay mahalaga sa kanya kaya’t kaya niyang pasanin ang lahat para sa atin. Ganyan tayo kamahal ng Diyos!

Ano ang ating tugon? Ang tugon natin ay debosyon. Kaya maraming deboto pero para sa  Poong Nazareno ang mga deboto ang tawag kalimitan ay mamamasan. Bakit? Si Hesus na pumasan sa ating buhay, sa ating pagdurusa, ang ating namang tugon, Hesus papasanin ka rin naming. Ganyan tayo minahal ni Hesus, ang ating debosyon  ay tugon ng pagmamahal. Love for love. Ang bigay na pagibig sa atin  walang ibang karapatdapat na tugon at sukli kundi pagibig.

Dalawang taon po ang nakararaan baka naalaala ng karamihan, mayroon pong balita na magkakaroon ng kaguluhan, baha daw terrorist attack sa kapistahan ng traslacion. May nakausap po ako na isang deboto. Tinanong ko  po, ayon sa balitang iyan kayo po ba ay hindi na dadalo, kayo po ba ay aatras na? Ang ganda po ng sagot niya. Sabi niya, Bishop bakit ako ho aatras, si Hesus nga pinasan ang ating mga hirap hanggang kamatayan, bakit hindi ko haharapin ang kamatayan para sa kanya. Iyan ang deboto. Naunawaan niya, nadining niya ang pagibig, ganito na lamang ang pagibig ng Diyos, hindi masusukat, kaya narito ako, tutugon ako. Ang ginawa niya para sa akin hindi ako manghihinayang  na gagawing rin para sa kanya.

Mga kapatid sa tema ng ating fiesta sa taong ito hinahamon po tayo, sa taon ng layko ipakita ang pagmamahal kay Hesus na unang nagmahal sa atin sa tatlong pamamaraan. Paki-memorize po ito! Tatlong pamamaraan ng pagpapakita ng pagibig kay Hesus na unang nagpasan sa ating dala ng pagmamahal.

Una, magdasal. Pakiulit po. Ang pagdarasal ay pagpapakita ng pagibig. Tayong mga Filipino may magandang salita sa pagdarasal. Sinasabi natin, hindi naman ako nakakalimot tumawag sa Diyos. Ang pagdarasal ay ang hindi paglimot. Di ba mayroon  tayong kanta, “Maalaala Mo Kaya?”  Ang nagdarasal laging nakakaalaala sa Diyos. Ang pagnaaalaala, pinakikinggan, kinakausap at ang nakakaalaala sa Diyos makakalaala sa kapwa. Kung tunay tayong nagdarasal; kung tunay tayong kaugnay ng Diyos hindi natin makakalimutan ang kapwa.

Mga kapatid, mga kapwa deboto kay Hesus Nazareno, huwag kakalimutan, kasi malimit makalimutan, ang mga kapatid natin sa Tagumn, Davao, nasinalanta ng bagyong Pablo, marami sa kanila hindi pa nakakaahon, nakalimutan na yata. Huwag kalilimutan din ang mga kapatid natin sa Nueva Ecija karamihan ay magsasaka na dahil sa bagyong Santi ay nasira ang kabuhayan at ang mga pananim. Nakalimutan na yata. Parang unti-unti na ring nakakalimutan ang mga kapatid sa Zamboanga. Baka unti-unti na ring malimutan ang Bohol. At hanggang kailan kaya maalaala ang mga kapatid na nasalanta ng Yolanda? Hindi nakakalimot sa Diyots, hindi makakalimot sa kapwa.  Kasi ganoon ang Diyos sa atin, hindi tayo kinanakalimutan kaya ang tugon natin sa kanya, Hindi kita malimot, at kiapag laging tumatawag sa Diyos lagi ring maalaala ang kapwa.

Ano po ang unang pagpapakita ng debosyon, pagmamahal sa Poong Hesus Nazareno? Pagdarasal!

Ang ikalawa, ang pagsunod sa kanya. Ano po yung ikalawa? Pagsunod. Ang pagsunod hindi lamang po iyong lumalakad ako sa likuran niya. Ang pagsunod ay ibig sabihin, dahil ako ay nagdarasal, dahil hindi ako nakakalimot sa kanya, dahil siya ay nasa aking puso, ang kanyang aral, ang kanyang halimbawa ang nagiging pamantayan ng aking buhay. Hindi pupuweded na susunod ako kay Kristo pero ang laging laman ng isip ko ay kuwarta! Hindi pupuweded na sasabihin ko, susunod ako kay Kristo, pero kaya kong dayain at pagsamantalahan ang aking kapwa. Ang tunay na nagiisip lagi kay Hesus ay hindi gagawa ng mga bagay na taliwas kay Hesus. Ang pagdarasal ay nagbubunga ng pagsunod kay Hesus. Kaya mga kaibigan araw rin ito ng pagtanong sa sarili, ako ba ay tunay na sumusunod? Ako ba ay tunay na napapalapit kay Hesus at ang kanyang mga habilin ay aking sinusundan.

Pagdarasal at pagsunod.

At ikatlo, pagsaksi. Pakiulit po. Pag sinabi pong saksi, ibig sabihin pagpatotoo, ipahahayag ko sa kapwa sa pamamagitan ng aking salita at aking gawa na totoo si Hesus, na siya ay buhay! Makita sana sa aking ugali, sa aking pagkatao, sa aking ugnayan na talagang nagdarasal ako, na talagang hindi ako nakakalimot kay Hesus, na siya talaga ang sinusundan ko. Makikita sana sa aking buhay na ang katotohanan na aking sinusundan ay si Hesus. Hindi po yung, sabi nga nila, yung sinasabi na labi ay kinakabig naman ng puso. Hindi po. Talagang ipakita na si Hesus ay buhay, lalo na sating pagiibigan. Mga kapatid huwag tayong mahihiya ipahayag sa mundo, mahal ako ni Hesus, mahal ko si Hesus. Nakakapagtaka  nga eh, yung mga dapat ikahiya, hindi na ikinahihiya. Yung pagnanakaw hindi na nga ikinahihiya! Dapat iyon ang ikahiya. Iyang korupsiyon dapat ikahiya! Uulitin ko, yung mga nakakahiya hindi na ikinahihiya. Pagnanakaw, korupsiyon hindi na ikinahihiya. Nasa front page pa nga. Huwag ikahihiya si Hesus! Mahal tayo ni Hesus, mahal ko si Hesus.

Yung tatlo po, ho. PAGDARASAL, PAGSUNOD, PAGSAKSI.

Inaanyayahan ko po kayo na tumahimik sandali damhin natin ang malalim na pagibig ni Hesus sa atin at tayo po ay tumugon, mangako magdarasal, susunod sa kanya,