HomeRCAMDirectoryParishesNewsLibraryGalleryDonationLinksContact Us
The Blessed Virgin Mary, Mother of God in the Mystery of Christ and of the Church
Article Index
The Blessed Virgin Mary, Mother of God in the Mystery of Christ and of the Church
Page 2
All Pages

(Talk given by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Magpas First Saturday catechesis on June 1, 2013 at the Paco Catholic School auditorium.)



Photogallery



Nagpapasalamat po tayo kay Fr. Arevalo at nabigyan tayo ng magandang preparasyon para sa magaganap na consecration of the nation to the Immaculate Heart of Mary. I though na sa araw pong ito patuloy ang atin catechesis on the Year of Faith pero ang atin pong focus yung Vatican II kasi sabi nga po, paalaala lang, ni Pope Emeritus Benedict XVI ang pagdiriwang ng Year of Faith ay kasabay sa pagdiriwang din, paggunita ng ikalimangpung anibersaryo ng pagbukas ng Vatican II na isang ecumenical council na tinawag ni Pope John XXIII ang buhay pananampalataya, so faith na naman, sumigla sa makabagong panahon.

Nasimulan natin ang pagninilay sa Vatican II, una tinignan natin yung speech ni Pope John XXIII, what an ecumenical council, what Vatican II is supposed to achieve… Tapos pumunta tayo sa Lumen Gentium, yung document on the Church lalo na yung unang kapitolo, the Mystery of the Church. Tapos pinuntahan natin yung isa pang kapitolo,  on the call of everyone, the Universal Call to Holiness, the vocation of all to holiness. Eh di ngayon dahil Maria ay pupuntahan natin ang sinabi ng Vatican II tungkol kay Mary. Para ito po ay karugtong ng narinig natin kay Fr. Arevalo at ating maiugnay yung magaganap na consecration sa kabuuang turo ng ating Second Ecumenical Council regarding Mary.

Alam po ninyo during the Second Vatican Council maraming mga sabihin natin dramatic moments. Ang isa sa mga dramatic moments noong magde-desisyon ang mga Obispo. Ang Vatican II ba ay dapat gumawa ng separate document on Mary. Or si Mary ba ay tatalakayin within another document like the document on the Church. Ma ano ho iyan, madaming debate. Alam niyo kung sino yung spokesperson nung grupo na nagsasabi na kailangan may separate document si Mary sa Vatican II at huwag lang siyang isama sa other documents? Alam niyo kung sino ang spokesperson nun? The former archbishop of Manila, Cardinal Rufino Santos. Talagang ipinaglabanan niya iyan. Na si Mary hindi appendix lamang na dapat ipasok sa kung anong document. She deserves her own document. Kaya lang po nung nagdesisyon yung mga Obispo ay sabi ay ipasok ang treatment on Mary doon sa Lumen Gentium. Huwag ho kayong malungkot. Tinanggap naman po iyon ni Cardinal Santos at natanggap ng kanilang grupo.

Ngayon, ano ho ang nangyari dahil sa desisyon na iyon? Ang orientation ng Vatican II regarding Mary ay ito po. The very title of the Chapter speaks a lot. Sa Lumen Gentium, ito pong 8th chapter, ang title po ay, “the Blessed Virgin Mary, Mother of God in the Mystery of Christ and of the Church.” Yan ang direksyon ng ating pagtanaw kay Maria at ng  ating mga debosyon kay Maria. Mary to be understood within the mystery of Christ and of the Church. Sa akin po napakamahulugan at palagay ko tuwang tuwa ang Mahal na Ina, na siya ay hindi kinikilala in herself, na siya ay kikilalanin lagi sa kanyang ugnayan kay Hesus at sa kanyang kaugnayan sa Simbahan. At lahat tayo dapat ganoon. Hindi yung Chito ako, eh, Chito! Hindi. Sino ba ang tunay na Chito? Sana katulad ni Maria si Chito nakaugnay kay Hesus at Chito kaugnay sa Simbahan. Kung hindi sa ugnayan kay Hesus o kaugnayan sa Simbahan, sino ka? Sino?? Hindi nakakatawa iyon! Nakakatakot iyon! At dapat magisip tayo, nasaan an gating identity? Gumagawa ba tayo ng sariling identiy o katulad ni Maria na turo ng Vatican II we are able to penetrate her deepest identiy and her mission by situating her within the mystery of Christ and of the Church.

Simulan po natin. Mary in the Mystery of Christ. Ito pong aking paglalahad ay hindi substitute sa pagbabasa ng Lumen Gentium. Maganda po sana na basahin nating ito lalo na bilang preparation sa June 8. So ito munang portion na ito, si Maria sa loob ng misteryo ni Hesus. Kapag tinignan po natin si Maria konektado sa misteryo ni Hesus talagang doon natin makikita ang kahalagahan ng pagtawag kay Maria bilang Ina ng Diyos. Doon pa lang sa titulo na pinagawayan pero sa Council of Ephesus ay itinalaga na tama lamang, tumpak lamang na tawagin si Maria bilang Ina ng Diyos. Doon pa lang makikita natin na si Maria ay laging kaugnay ng kanyang Anak, si Hesus na tunay naming Anak ng Diyos.

Naalaala ko po iyon, nung ako ay ipinadadala ng aking Obispo para magaral abroad sabi ko, marami naman diyang ibang pari na gustong mag-aral abroad, sila na lang ang ipadala ninyo. Sabi niya, alam ko iyon kaya nga hindi sila ang ipapadala kasi gusto nilang pumuntang abroad. Baka hindi na bumalik ang mga iyan. Ikaw ayaw mo sigurado na babalik ka. Naku hindi yata uubra yung aking mga alibi. Kung anu-ano yung sinabi ko. Sa bandang huli sinabi niya, naniniwala ka ba sa Espiritu Santo? Pero ang isang nabanggit ko sa kanya at nabanggit ko rin sa mga seminarista, sabi ko, oo aalis ako at tatanggap ka yo ng bagong rector, pero ako hindi ako makakatanggap ng bagong parokya. Sino na ako? Akala ko pastol ako, eh paano akong magiging pastol kung walang kawan? Mawawalan ako ng kawan, ano ako? Singaw!

Our deepest identity is always relational. Mga pangalan natin relational iyan. Kaya Maria, lagi sa turo ng Simbahan, Ina ng Diyos. Kung wala yung kanyang ugnayan kay Hesus na kanyang anak at anak na tunay ng Diyos, sino siya? Sino siya? At ang kanyang pagiging Ina ng Diyos ay isang biyaya. Hindi nag-apply si Maria para maging Ina ng Diyos. Ito ay isang napakalalim na bahagi rin ng misteryo ng pagkilos ng Diyos. Sabi nga po ng Vatican II it was the wish of the Father of mercies, katulad po ng pagpili ni Hesus sa 12 apostoles ayon kay San Marco, tinawag niya ang kanyang napusuan. He called those whom he desired. At ganoon ang karanasan ni Maria. Sabi ng Vatican II hindi ito dahil mayroon siyang ipagmamalaki kundi dahil ang Diyos, ang Ama ng awa ay pumili sa kanya, napusuan siya. Gustong-gusto ko yung salitang iyon ng mga Filipino, napusuan siya. Yung mga may asawa dito kapag tinanong kayo, bakit siya ang pinakasalan mo? Eh, unang tingin ko pa lang napusuan ko na siya. Totoo ba iyon? Walang sumasangayon. Baka napilitan lang kayo sa mga asawa niyo… Huwag naman.

Yung pagiging Ina ng Diyos ni Maria ay nakaugat sa pagpili ng Diyos na puno ng Awa. Pero yung pagpiling iyon ay may kasamang pagtawag. Pinili dahil mayroon misyon ang Diyos para kay Maria at ang pagpiling iyan para sa misyon kumilos na ang Diyos kay Maria. Sabi nga po ng Vatican II, she was redeemed in a unique way through the merits of her Son. Ipinadama kay Maria ang kaligtasan kaya siya ay ipinaglihi walang kasalanan. Inihanda na siya para sa misyon na balang araw ipaglilihi niya at sa pamamagitan niya magkakaroon ng katauhan bilang tao ang Anak ng Diyos. So God chose her for a mission. God graced her. God redeemed her in a unique way. Pero ang kalayaan ni Maria ay kailangan din ng Diyos. Ang biyaya at misyon na ipinagkakaloob sa kanya ay kailangang tugunan, tanggapin ni Maria. At alam natin yung kanyang sinabi sa Arkanghel Gabriel. Ano ang sinabi niya? This is the handmaid of the Lord, let it be done to me according to your word. Ang dalawang puso, ang puso ng Diyos, ang puso ni Maria ay nagtagpo.

Eto po, ano ang ino-o-han ni Maria? Saan niya ibinigay ang kanyang sarili. Sabi po ng Vatican II, by saying yes to the grace, to the redemption, to the calling of God for her, Mary participated in the work of salvation. Nakiisa si Maria sa plano ng Diyos na iligtas ang mundo. Ang plano ng Ama na iligtas ang sangkalupaan, ang sangnilikha at ang plano ng Ama na ito ay tutuparin ng Anak na si Hesus sa bisa ng Espiru Santo. Kaya si Maria Ina ng Diyos ay mauunawaan natin  bilang kapwa tao natin, ordinaryong tao, ordinaryong babae, ordinaryong nilalang na nakiisa sa tulong at awa ng Diyos sa pagliligtas ng sangkatauhan. And in this sense, sa ganitong pamamaraan, makikita ang kanyang kaugnayan kay Hesus. Ang kanyang pagiging ina ni Hesus, ina ng Diyos ay hindi lamang titulo kundi her participation in the work of salvation. God’s will and action to save all of us. Nakiisa siya bilang ina ng Manunubos.

From the virginal conception of Jesus onto the death of Jesus on the cross, and, sa atin pong tradition, hanggang sa muling pagkabuhay ni Hesus nandiyan si Maria nakikiisa sa bawat yugto ng pagliliigtas na ginagawa ni Hesus bilang pagtupad sa kaloobang ng Ama at sa bisa ng Espiritu Santo. So being mother of God being connected to Jesus is not just acquiring a title. Eh ang mundo natin ngayon mahilig lang sa titulo. Titulo pero wala namang ginagawa para tuparin yung titulo. Halimbawa, katatapos lang ng eleksyon, ang dami na namang may titutlo. Pero hanggang titulo lang, pero ang titulo ba  na iyon ay umuuwi sa talagang partisipasyon sa misyon na pinagkakaloob? At pati tayo sa simbahan, huwag lang tayo hanggang titulo.

Ako nga ho nung isang araw nakalimutan ko itong singsing ko. Senior moment. Ikot ako ng ikot, nasaan ba yung singsing. Baka naman naisanla ko na hindi ko lang alam. Minsan maghuhugas ka ng kamay hindi mo na alam kung…  Nakita ko rin naman. Pero napaisip ako, sabi ko.. Ito ginamit ko nang halimbawa pero bumalik sa akin.. bakit ko ba hinahanap yung singsing? Para saan ba itong singsing na ito? Bakit ba? Ito ba’y hinahanap ko para lang maipagmalaki ko na, (extends his hand) halik kayo, halik… Ito ba ay para ipangalandakan ko at ipaalaala ko sa mundo, hey, hindi niyo ba kilala ang kaharap niyo? Magkakamot ako para Makita niyo ang singsing. Ano ba ito? Ito ba ay isang panawagan para sa isang titulo? Ay, Obispo ka pala! Or ito ba ay paalaala na ako ay itali ng malaya, sana, kasi kung tinali ka baka labag sa loob mo, itali ng malaya upang buong buhay ay magtaya para sa paglilingkod sa Diyos at sa Simbahan. Kaya nga ang tawag ka sa singsing, ---- , walang katapusan, para ganoon ka. Pero puwedeng makalimutan yung kuwento at kahulugan at maalaala lamang ay yung titulo. Pero pag narining natin yung pagtawag kay Maria, Ina ng Diyos, ito ay ang malalim niyang kaugnayan sa manliligtas at hindi lamang para iluwal niya kundi siya ay makiisa sa plano ng Diyos na ang mundo ay mailigtas. Ang kahulugan ng buhay ni Maria bilang Ina ng Diyos ay naroon. Kaya kita naman natin iyong sa kanya. Hanggang sa katapusan nakikiisa siya sa kanyang anak.