Thursday, 01 October 2020 13:38

Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass at San Jose Manggagawa in Manuguid, Tondo on September 27, 2020, at 10 am.


Change. Pagbabago. Wala nang mas permanente sa buhay ng tao kundi change, pagbabago.

Ang lahat ay nagbabago at patuloy na nagbabago. Pero hindi po lahat ng pagbabago ay mabuti. Ang mabuti ay maaaring maging masama. Gayundin, ang masama ay maaaring maging mabuti. Tignan natin ang kalagayan ng ating bansa.

Noong 2016, nanalo ang administrasyong ito sa plataporma ng change, pagbabago. May nagbago nga ba pagkaraan ng apat na taon? Sa mabuti ba o sa masama? Kayo na ang humatol. 

Pagbabago. Change. Iyan din angpaksa ng ating mga pagbasa ngayon. Sinabi ni propeta Ezekiel, “May matuwid na nagiging masama. May masama na naging matuwid. Ang mahalaga ay saan tayo dinatnan ng wakas.

Ang mabuti na nagpakasama at dinantnan siya ng wakas na masama, wala siyang mapapakinabangan sa kanyang dating kabutihan. Mamamatay siya, paparusahan siya dahil sa kanyang kasamaan. Pero kung ang isang tao na masama ay naging makatarungan at nagwakas ng mabuti, hindi na isang alang alang ang dati niyang kasamaan.

Ito ay isang mabuting balita at isang warning. Mabuting balita ito sa mga makasalanan. May pag-asa palagi. Magpakabuti sila at kahit gaano pa sila kasama noon, hindi sila parurusahan. Ito ay isang warning din sa ngayon sa mga mabuti. Huwag umalis sa landas ng kabutihan. Kapag lumihis tayo dito, wala nang saysay ang anumang kabutihang ginawa natin.


The same idea is presented in the Gospel. The first son said no. But he changed his mind. He worked in the vineyard. He did the Father’s will. The second son started well. He said yes to the request of the Father but he did not go. He disobeyed the Father. May nagbago tungo sa kabutihan, may nagbago tungo sa kasamaan. Pero may isa pang punto sa parable na ito. Ang tinitignan ng Diyos ay hindi an gating mabuting balak o ang mabubuting salita. The road to hell is paved with many good intentions pero ang tinitignan ng Diyos ay ang ating gawa. Words can be re-assuring but it is deeds that count and not just any deed but the good works of doing the Father’s will.

Naalaala ba ninyo na pagkatapos ng mahabang aral ni Hesus sa Sermon on the Mount, sinabi niya na, “Everyone who says to me, Lord, Lord shall enter the kingdom of heaven. But only the one who does the will of my Father in heaven. Many will say to me on that day, Lord, Lord, it will not prophesize in your name? Did we not drop out demons in your name? Did we not do mighty deeds in your name? Then I will declare to them solemnly, I never knew you. Depart from me, you, evil doers.”

Kahit na nagpalayas ng demonyo sa ngalan ni Hesus o nagpagaling o gumawa ng milagro pero kung hindi gumagawa ng kagustuhan ng Diyos, evil doers ang tawag niya sa kanila.

Deeds are important. Deeds in obedience to God. Iyan ang ginawa ni Hesus. Naging masunurin siya. Hindi lang sa salita. Pinakita ni Hesus ang pagiging masunurin sa kanyang pagkamatay sa krus. Iyan ang sinabi ni San Pablo sa ating Ikalawang Pagbasa, “Dahil sa kanyang pagiging masunurin hanggang sa wakas, niluwalhati siya, dinakila siya ng Ama.”

Our times call for deeds. Because of the internet, there are a lot of exchanges in words and ideas. Kahit na sino ay maaaring magdagdag ng salita sa internet. There is a multiplication of words and  nice words, too. Maraming salita ay mabulaklak, mga analysis na malalim. Pero hanggang diyan na lang. There is such a thing as analysis paralysis. Dahil sa kaaanalisa, nawalan na ng ganang kumilos. Dahil sa kaaanalisa, wala nang ginawa. The Father expects us to work in the vineyard and not just to say yes.

This Sunday is National Migrant’s Sunday. Kaya nga nandito tayo sa Parokya ng San Jose Manggagawa sa Manuguid, Tondo kasi ang parish priest dito si Fr. Tem Fabros ay ang minister Archdiocese para sa mga migrants.

Ang maraming mabigat na naapektuhan ng pandemya ay ang mga migrants at ang kanilang mga pamilya. Mahigit na 124 thousand ang mga OFWs natin na bumalik na sa bansa at may nagtatansiya na aabot ito ng kalahating milyon pagdating ng December. Ilang mga pamilya ang naapektuhan diyan - higit na isang milyon na mga families kung bibilangin natin ang mga nawalan ng trabaho sa abroad. Hindi nga nakauwi o pinauwi sa Pilipinas pero wala namang trabaho.

At isang usapin ngayong pandemya ay ang mga LSIs (Locally Stranded Individuals). Ayaw silang paalisin at ayaw din silang tanggapin kahit na sa kanilang mga bayan

Ang mga issues ng migrants ay pag-uusapan lang ba natin? Ano ang ginagawa natin? May dapat gawin ang gobyerno pero may dapat din tayong gawin bilang indibidwal at bilang simbahan. Kaya nga meron tayong National Migrant’s Sunday taun taon para may gawin tayo. Pwede tayong magdasal at yan ay ginagawa natin sa ating Banal na Misa ngayon. Pwede rin tayong mag-contribute ng pagtulong sa kanila. Kaya ano bang donation na maibibigay ninyo sa simbahan sa Linggong ito ay para sa mga mirgrants at sa kanilang mga families. Mayroon tayo sa CBCP na Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples na nag-aabala sa mga migrants at sa kanilang mga pamilya. Mayroon din tayong Apostleship of the Sea na sila naman ang mga nangangalaga sa ating seafarers at mga pamilya nila. Mayroon tayong mga internal migrants tulad ng mga LSIs na mga evacuees at pati na nga sa mga taong walang tahanan tulad ng mga street people. Malaki po ang magagawa natin upang makatulong sa mga ito.

Ngayon din ay National Laity Week, National Laity Sunday. Ang mga nabibilang sa mga layko ay ang lahat ng binyagan na hindi pari o madre. Ibig sabihin higit na 99.99 percent ng simbahan, kayo po iyun, kayo yung mga laity, mga layko.

Kung ang mga layko ay kumilos lang, malaki ang mababago, ang mangyayari sa lipunan natin. At ang mga gawain ng layko ay ganun nga – panibaguhin ang mundo. Ang pagkikilusan nila ay ang politika, ang business, ang education, ang market place, ang sports lahat iyan ay kailangan ng kaligtasan.

Okay na magdasal ang mga layko natin. Pero kung ang dasal nila ay sinasamahan ng pagkilos, malaki ang pagbabagong mangyayari sa bansa. Kaya kumilos na mga laity natin.

Nasa mga huling linggo na tayo ngayon ng ating Season of Creation. Nagsimula ito ng September 1 at magtatapos sa October 4. Ang usapin sa kalikasan ay nagtatawag din ng pagkilos, ng paggawa. At hindi lang talumpati o kaya ay pag-aaral. Sapat na ang pag-aaral na sinisira ng tao ang baance ng kalikasan. Kailangan ng magkaisa na pigilin ang patuloy na pagkasira nito.

Dito sa Kamaynilaan mayroong project na ilulubog ang higit na tatlong daang hektarya ng gubat ng Sierra Madre sa Quezon Province paa gumawa ng Kaliwa Dam para daw sa tubig ng Metro Manila. Utang yan sa Tsina ng 12.2 billion pesos, ang dam na ito. Maraming mga manggagawa dito ay mga Instik. At kung may hindi pagkakasundo sa kontrata, ang korte ng Tsina ang magpapasya at hindi korteng Pilipino. Bakit ba tayo pumapasok sa ganitong kontrata na kagubatan natin ang sinisira at ang dayuhan ang masusunod? Kailangang kumilos na tayo alang alang sa bayan, alang alang sa Inang kalikasan.

Ngayong araw ay piyesta ni San Vicente de Paul. He is known as the Apostle of Charity and the Father of the Poor. Inilaan niya ang kanyang sarili sa pagtugon sa lahat ng uri ng kahirapan – mga may sakit, mga ulila, mga may kapansanan, mga bilanggo, mga alipin. Itinatag niya ang CM (Congregation of the Missions) o kilala dito sa Pilipinas na mga Vincentians at ang DC Sisters (Daughters of Charity) na may mga asilo, may Hospicio de San Jose, may pagamutan at mga paaralan. At ganun din sa mga layko, Ladies of Charity.

Pero si San Vicente de Paul na malaki ang nagawa para sa mga mahihirap ay hindi nagsimula ng ganoon. Naging pari siya sa France noong 1600 na ang balak lang ay makaalis sa kahirapan kasi galing siya sa mahirap na pamilya. Gusto niya iahon ang kaniyang pamilya sa kahirapan at magkaroon ng disenteng…at ang paraan niya ay ang pagiging pari niya. Kaya padikit dikit siya sa mga may kaya noon at naghahanap ng magagandang posisiyon.

In a way, he was a mediocre priest. Pari nga pero ang puso niya ay wala sa Panginoon. Paraan lang ang pagpapari niya, hanap buhay lang ito. Pero nagbago siya. Binago siya. Binago siya ng Panginoon at ang ginamit ng Diyos na baguhin si Vicente de Paul ay ang mga mahihirap mismo. Nakadalaw siya sa mga ospital na ang inaagawan ng may sakit ay ang mga higain ng mga kamamatay lang. Ang mga tao noon ay nasa ospital upang doon mamatay. Nandiri siya sa pagpupunta niya sa mga barrio na magbigay ng mga Anointing of the Sick dahil sa karamihan ay madudumi at talagang mababaho, mahihirap lamang na mga tao. Pero pinagtiyagaan niya ang mga gawaing ito at dahan dahan nabago ang kanyang pananaw sa buhay at ang kanyang pananaw sa mga mahihirap. Niyakap niya ang kahirapan at ang mga mamahihirap. Iyan na ang naging layunin ng kanyang buhay – tulungan sila.

Si San Vicente de Paul ay ang taong hindi naman masama pero maligamgam sa kanyang bokasyon ngunit nagbago siya. Naging masigasig siya sa kanyang pagsisilbi. Siya yung anak na nagsimulang sumagot ng ayaw, pero nagtrabaho sa ubasan ng Panginoon. Hindi lang siya nagbalak, siya ay nagtrabaho.  Siya ay gumawa. Siya ay kumilos.

That is the change that God asked from us – change for the better. Change not only in intentions and in words but change that is shown in our deeds. (Archdiocese of Manila – Office of Communications / RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer