Thursday, 10 September 2020 05:21

FULL TEXT | Homily of Most Rev. Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass at the Chapel of the Eucharistic Lord on September 6, 2020, at 10 am.


May mga taong naguguluhan bakit pa nagsasalita ang simbahan sa mga issues ng panahon natin ngayon. May iba pa nga na parang nanunumbat, bakit nakikialam ang simbahan sa mga usapin ng lipunan?

Ang misyon ng simbahan ay ipagpatuloy ang misyon ni Hesukristo. Si Hesus na anak ng Diyos ay pinadala ng Ama upang ipadama ang pag-ibig ng Diyos at upang manawagan sa lahat na ibigin ang Diyos at ibigin ang kapwa.



Love is the core of the message of Jesus. But love is not just a sweet feeling, an emotion. Jesus is very clear, if we love God we keep His commandments. So, there is a clear relationship between love and the law.

The Commandments have been given to us not to limit our freedom but to show us the way to love. And the laws are given to be fulfilled. Kaya maganda ang sinabi ni San Pablo na narinig natin sa ating Ikalawang Pagbasa, “Huwag kayong magkaroon ng anumang sagutin maliban na magmahal sa isa’t isa.” You should have no obligation, no debt except to love one another.

This tells us that love is an obligation that we have to do. It is not something optional. In fact, the whole of the Bible is summarized by Jesus into two commands: love of God and love of neighbour.

When we love our neighbour we fulfill the other commandments of God. If we truly love, we do not steal, we do not lie, we do not say bad words, we do not kill, we do not kill adultery. Ikanga, ang pag-ibig ay kabuuan ng kautusan.

Our Gospel reading today tells us another manifestation of love. If we love, we correct our neighbour. We cannot just stand by and see our neighbour doing wrong thus, harming himself and harming the community.

May isang grupo ng mga bata na naglalaro, nagsisigawan, nagsisitakbuhan at nagmumurahan. Napadaan ang isang nanay at nung makita niya ang anak niya ay naroon, kinuha niya ang bata at pinagalitan.

Sabi ng bata, “Nanay, bakit naman ako ang iyong pinagalitan? Tignan mo ang mga kasama ko sila rin ay nagmumura at malulutong pa nga ang mga salita nila.” Paliwanag ng nanay, “Pinagagalitan kita kasi anak kita.” Tinutuwid natin ang mga mahal natin. Mahirap ito na aspeto ng pag-ibig. Correcting is not easy.

Tayong mga Pilipino may likas tayong kaugalian. Nasanay tayo sa SIR – Smooth Interpersonal Relationship. Ayaw nating magusot ang ating relationship. Ayaw natin na magkasamaan ng loob. Iniiwasan natin ang anumang conflict. We do not confront. Dahil dito, pikit mata na lang tayo kapag nakakita tayo ng masamang ginagawa ng iba. Baka magalit pa sila na sila’y pinapansin. Baka sabihin pakialamero pa ako. Tatahimik na lang tayo. Hayaan na lang ang kasamaan.

Dahil dito, lumalaganap ang kasamaan. Hindi dahil sa marami ang masama. Sa totoo lang, marami ang mga taong matuwid, iilan lang naman ang masasama. Pero ang karamihan na matutuwid ay hinahayaan nalang ang masasama. Mas matapang ang masasama na gumawa ng masama kesa mga matutuwid na ituwid ang masasama. Evil spreads because the majority who are good do nothing to stop the few who are bad. Kaya mahalaga ang pagtutuwid.

May proseso si Hesus paano gawin ang pagtutuwid. Una, personal na sabihan ang gumagawa ng masama. Pangalawa, kumuha ng dalawa o tatlong tao para may patunay na tama ang puna sa kanya. Kung hindi pa makuha, isumbong na sa kapulungan ng simbahan. At kung ayaw pa talaga, i-deadma na siya. Yan ang ibig sabihin ng ituring siyang hentil o makasalanan. Have nothing to do with him anymore.

Mahirap sa atin na mga Pilipino ang prosesong ito. Dahil nga sa ayaw nating magusot ang ating relationships, smooth interpersonal relationships, ayaw natin na komprontahin ang kapwa. Iniiwasan natin ang one on one na pag-uusap kaya mas madali sa atin na iwasan agad ang gumagawa ng masama, i-deadma na siya. Kaya madalas nagtataka na lang tao na iniiwasan siya. O kaya i-tsitsismis na lang natin sa iba. Marami na ang pinagsabihan at malalaman na lang ng tao ang bintang sa kanya mula sa iba o mula sa Facebook.

Last week, we heard Jesus said that we have to die to ourselves if we want to follow Him. If we truly love, we are ready to face the wrong doer at the risk of losing face. In the first place, he may not be a wrong doer after all. He may have not done what is imputed to him. Or there may be an aggravating circumstance why he did it. Kailangan natin ang pagtutuwid upang maging maayos ang ating mga samahan.

Anumang samahan yan, barkada man kaya o pamilya o isang grupo sa simbahan o sa simbahan mismo o sa pamahalaan. Kailangan natin ang correction because no one of us is perfect. We all make mistakes so we help one another to overcome our shortcomings. We help one another grow that’s why correcting is loving.

Correcting, yes, is a manifestation of love. Ganun din sa lipunan kaya ang tanong natin sa simula, bakit nagsasalita ang simbahan? Bakit pumupuna ang simbahan? Ito ay dahil sa pagmamahal. Mahal natin ang bayan. Ayaw natin na ito ay malugmok sa kasamaan kaya pinupunan natin ang mga katiwalian na makasasama sa bayan.

Pero may isa pang dahilan. Sa Unang Pagbasa, si Propeta Ezekiel ay binigyan ng Diyos ng tungkulin na maging bantay ng bayan. As a watchman, he should sound the alarm to the wicked not to condemn the wicked but to warn him that he may change his ways. Sabihin sa masama na siya ay mamamatay. Not to wish him dead but to warn him to change. If he does not listen, he will indeed die. But the prophet will save himself. Pero kung ikaw ay natakot o nagwalang kibo, at hindi mo sinabi na siya ay mamamtay, talagang mamamatay siya dahil sa kanyang kasamaan. Pero mananagot ka sa kanyang kamatayan.

As Church, I mean I say Church, it’s not only the priests, the bishops but all the baptized, we have to speak out. And to speak out loud and clear in order to bring people to repentance. If we keep silence, pananagutin tayo ng Diyos sa kapahamakan ng masasama at sa kapahamakan ng bayan.

Huwag lang sana masamain ng mga tinatamaan ng puna, dapat huwag magpersonalan. Listen to reason, look for the common good. And those in public office should not be onion skinned. Sila ay public figures and they should serve the people and the people see them. And because they are in office because of the vote and the money of the people, the people have the right and the duty to make their views known to those who represent them. The people more than those who govern them know what is good for them. Kaya huwag maging balat sibuyas kung may mga puna laban sa kanila at sa kanilang ginagawa.

Ngayong buwan, ay nasa Season of Creation tayo. Hinihikayat tayo na alagaan at bantayan ang ating kaisa-isang tahanan – ang mundong ito. Kaya obligasyon natin na magsalita kung ito ay sinisira. Bahay yata natin ang sinisira. Obligasyon din natin ito sa ating mga anak at sa mga inapo.

Should we not speak when there are short-sighted projects that are just done for the sake of money? And short term solutions to current problems that should have long term consequences to the earth, our common home?

Maaari ba tayong manahimik sa mga coal powered plants na bumubuga ng carbon dioxide na nagdadala ng global warming? All these talks about clean coal energy is a big lie.

Mananahimik ba tayo sa paggawa ng Kaliwa Dam sa Quezon Province na papatay sa ilang ektaryang gubat? Sisisira sa bio-diversity ng Sierra Madre? Lalamunin ang ancestral domain ng mga katutubo doon na may alternative water sources naman na hindi gaano magastos at hindi destructive?

Do we keep silent when our mountains are being stripped because of large scale mining? The promise of prosperity due to mining is a myth. Look at the places that have been heavily mined like Benguet, Rapo Rapo in Bicol, Marinduque, Surigao just to name a few. Where is development in these places? They are made poorer because of mining.

Tayo ay bantay ng bayan. Alamin natin ang nangyayari sa bayan at punahin natin ang mga katiwalian na nangyayari dito. Silence is not an option. This is true for the church. This is true for everyone who loves – who loves nature, loves the country, loves the poor and the next generation. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer