Wednesday, 02 September 2020 16:25

FULL TEXT | Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo during online Mass at the Manila Cathedral for the Opening of Season of Creation on September 1, 2020.


Today is the World Day of Prayer for the Care of Creation. This has been declared by Pope Francis a few years ago. And it is also the opening of the Season of Creation starting today, the first of September up to October 4, the feast of St. Francis of Assisi.  And this is a celebration not only of the Catholic Church. Actually, the Season of Creation celebration started with the Greek orthodox. ...Bartolomew then followed by the Catholic Church and the Protestant Churches. So, this is an ecumenical movement. And it is good that all Christians in the world are giving importance to creation during this month. And as you have heard, the theme of the Season of Creation this year is “Jubilee of the Earth.”


Jubilee – that means it is a special time for rejoicing. So, during this time we are asked to rejoice over the earth and if we rejoice on something, we value that something and we take care of it.

So, we are asked to rejoice for the gift of creation because we know that creation is a gift of the wisdom and the love of God. Hindi naman obligado ang Diyos na lumikha ngunit nilikha niya ang lahat ng ito dahil sa kanyang karunungan, dahil sa kanyang pagmamahal.

At talagang maganda ang nilikha ng Diyos so we are asked to rejoice at the beauty of creation. Creation is so beautiful that whenever we come in touch with it, whenever we observe it, we are refreshed. And creation nourishes us.

Siguro si Hesus madalas din siyang magnilay, magmasid sa kalikasan kaya ito’y lumalabas sa kanyang mga aral. Natutuwa siya sa kalikasan kaya sa narinig natin ngayon sa ating ebanghelyo, binigyan niya ng halimbawa.

Ang mga ibon nakikita niya ang liliit ng mga ibon pero ang gaganda at hindi naman sila pinababayaan. Hindi naman tayo nakakakita ng ibon na nahulog mula sa langit dahil sa gutom. Binibigyan sila ng pagkain ng Panginoon.

Ganun din ang mga bulaklak sa parang, simpleng bulakla na not cultivated but they just grow by themselves and they are beautiful. Kahit na nga si Solomon ay hindi nadamtan tulad ng mga parang na ito. So, Jesus contemplated and admired the things of creation and became part of His own teachings.

Jubilee also means restoration. Restoration, before restoration of the slaves, they were given freedom. Restoration of the land, ibinabalik ulit sa dating may ari. Restoration yung mga utang ay pinapatawad na.

And somehow the Jubilee of the earth invites us also to restore, to give back to the earth. We have seen the earth as something to be exploited, na kukunin. Ngayon ang paanyaya sa atin i-restore natin siya. And creation has a capacity to restore itself. We have seen that during this time of the lockdown. Luminis ang ating hangin. Nawala ang polusyon. Hinayaan natin hindi natin ginambal at naging malinis. Nalinis ang mga karagatan kaya creation has a capacity to restore himself if we give him enough rest.

Therefore, let us stop the destructions that we do to bring down creation tulad ng ating throwaway culture. Ang dami nating binibili at itatapon lang naman pagkatapos. Kaya nga medyo nakapahinga ang daigdig kasi hindi tayo masyadong makabili, sarado ang mga malls at kaunting natatapon natin at mas gumaan para sa daigdig.

Ganun din po ang mga projects na pumapatay sa kalikasan tulad ng mga dams, yung mga malalaking dams na binabaha ang ating mga kabundukan. Tulad ng balak nilang gawin sa Kaliwa Dam sa Quezon. Tulad ng mga pagmimina at nakakalungkot nandito tayo sa quarantine ngunit patuloy ang pagmimina. Pagkasira ng ating mga kabundukan at nandiyan din yung mga reclamation. Reclamation, talagang nasisira sa ating West Philippine sea. Ang mga ni-reclaim na mga Chinese ng mga isla doon. Saan naggaling yung mga tinambak nila? Galing sa ilalim ng dagat kaya sinira ang marine ecology. Galing sa mga bundok natin sa Cavite, sa Zambales na sinira ang mga kabundukan natin. Sana po ay tumigil na ang mga gawaing ito. Nakakasira iyan sa ating kalikasan. Jubilee of creation, restoration.

And as I’ve said, the Pope has declared that September 1 is the World Day of Prayer for the Care of Creation so, ngayong araw ay inaalay natin ang misang ito sa diwa ng prayer for repair of creation.

Prayer for the Care of Creation means prayer for our government and business leaders that they may see the long term effects of what they are doing and not only jobs and activities from the monetary results that will come about. Hindi po natin maitutumbas lamang sa pera ang ating mga ginagawa. It is not progress to destroy the earth. It is not progress to destroy the earth. Kaya kailangan nating ipagdasal ang ating mga government at business officials na gumagawa ng ganyang desisyon.

Kailangan din nating ipagdasal ang pang karaniwang tao, lahat tayo. Na sana makita natin na magkadugtung dugtong ang buhay natin tulad ng ipinamukha sa atin ng pandemic. Magkadugtung dugtong ang buhay natin. Ang nangyari sa Wuhan China ay kumalat sa buong mundo. Apektado hindi lang ang ating trabaho, pati na yung travel, pati na yung tourism, pati na yung business, pati yung pag-aaral natin, pati ng health natin. Talagang magkadugtung dugtong.

Kaya kung magkadugtung dugtog ang buhay natin, ang ating pangangalaga sa kalikasan ay nangangahulugan din ng ating pangangalaga sa mga mahihirap. Kasi ang mga mahihirap ang unang naaapektuhan ng anumang climate change.

At kung dugtung dugtong ang buhay natin, dapat pumunta din sa ating kamalayan na may pananagutan din tayo sa susunod na henerasyon. Hindi dapat natin gamitin ang daigdig na ito para sa atin lang. Let us think for the long term of the next generation. Your children and your grandchildren have also a right to this earth. Hindi lang po tayo.

So, this is a time of consciousness. And consciousness should bring about a change in lifestyle. Let us value what we have and not long for what we do not have. Pahalagahan natin yung mga mayroon tayo at hindi tayo maging malungkot sa mga bagay na wala  tayo. Yung ating lockdown nagturo sa atin nito. Maraming mga wala tayo. Hindi tayo makabili, hindi tayo makapunta sa mall ngunit marami naming nandiyan na napahalagahan natin.

Pero pagpapahalaga sa ating relationship sa isa’t isa at hindi sa mga bagay bagay na mayroon tayo na mahalaga itong relationship na ito. Kasi kung ano yung pinapahalagahan natin ay pinoprotektahan natin. At yung pinoprotektahan natin ay pinagtatanggol natin sa pang-aabuso.

Yung liham ni Papa Francisco, Laudato Si, ang pamagat is to “Take Care of Our Common Home.”

Ano kaya pag gising mo sa umaga, nakita mo na ang iyong bahay ay sinisira ng isang tao na binibuksan na ang iyong pintuan, ang iyong mga pader. Siyempre magagalit ka. Siyempre ipagtatanggol mo yung bahay mo, bahay ko yata yan!

Ganyan din dapat tayo. Nakikita natin sinisira ang ilog, ang kabundukan pinuputol ang mga puno, hinuhukay ang ating mga karagatan ay dapat magalit tayo. Bahay natin to. Tahanan natin to. Ipagtanggol natin to.

Kapag ang ating bahay ay binobombahan ng mga usok, magagalit tayo. Kaya ganun din magalit tayo sa mga nagtatayo ng mga coal powered plants. Wala pong tinatawag na clean coal. Lahat ng coal, lahat ng uling ay madumi. At yan po ang nangyayari kapag nagpapabuga ng mga coal powered plants – dinudumihan ang ating atmosphere. At napakarami naming renewable energies na clean energy kaysa sa mg dirty energy na ginagamit ng lahat.

Nakita po natin sa ating Unang Pagbasa ang second account of creation, chapter two of Genesis at ipinaliwanag sa atin na ang ganda ng nilikha ng Diyos tulad ng isang hardin – the Garden of Eden. Ang daming mga ilog, apat na ilog na nagkri-criss cross lang sa bawat isa. Maraming mga precious metals. Maraming mga tanim. Maganda ang ginawa ng Diyos. Kung sa first chapter of Genesis, anim na beses na sinabi nakita ng Diyos ang kanyang ginwa at siya’y natuwa.

At tayong mga tao ay nilagay ng Diyos upang pangalagan – to cultivate it and care for it. Kaya yan po yung papel natin sa mundo, alagaan ang kagandahan na ibinigay ng Diyos. Ang nakakalungkot, hindi po ganyan ang ating ginawa. Sa halip na alagaan, ito’y sinira natin.

Kaya talagang kailangan natin ng ecological conversion. Yung sinasabi sating…pagbabago ng pananaw na ang mundo ay hindi nandiyan upang samsamin. Ay nandiyan upang alagaan at sapat ang mga bagay sa mundo para sa lahat kung ito’y napapangalagaan at ibinabahagi natin para sa lahat.

Kaya yan po yung panawagan din sa atin ngayon – solidarity. We have to work together kaya maganda na ang Season of Creation ay gawain ng mga Christian religions. Iba iba man ang kanilang Christian tradition, nagkaisa tayo sa pangangalaga ng kalikasan. Pero sana po’y hindi lang ito pangalagaan ng mga Kristiyano ngunit ng lahat. May relihiyon man o wala kasi iisa lang ang ating tahanan.

Ipinakita po sa atin ng pandemya na kung hindi tayo magsama sama wala tayong magagawa. Kaya ano man ang ating bansa, magsama sama tayo. Mga scientists, mga sociologists, magsama sama tayo upang sugpuin ang virus na ito. At gayundin ang mas malaking problema ng climate emergency. Magsama sama tayo upang ito’y sugpuin.

Mas madaling mawala ang coronavirus kaysa ang climate change. At patuloy ang emergency ng climate change kung hindi po tayo kikilos. Kaya sa loob ng limang linggong ito ng Season of Creation, sana po maging bahagi ng ating panalangin araw araw ang pagpapanibago ng isipan nating lahat at ang pagkilos nating lahat at ang ating lifestyle.

Sana po sa loob ng Season of Creation mas lalo nating alamin ang ating pananagutan at pakinggan ang daing ng kalikasan at ang daing ng mga mahihirap. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer