Wednesday, 02 September 2020 14:35

FULL TEXT | Homily delivered by Most Rev. Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during online Sunday Mass at the St. John Bosco Parish in Makati, on August 30, 2020, at 10 a.m.


I congratulate Fr. Ronnie as the new parish priest of St. John Bosco parish here in Makati. Thank you, Fr. Ronnie for accepting the responsibility. I also congratulate the community of St. John Bosco Parish. Every installation of a new parish priest shows us the fidelity of God, that God is faithful in providing shepherds for His own people. So, this is a sign of the continuous love of God for the community in this parish.

And I would like to take this opportunity to thank Fr. Greg Dicomong for serving also in this parish. He has been parish priest of this parish for two years but six years as the rector of the community here in this parish Salesian community. So, he has been involved in the life of the parish in the past six years. Thank you, Fr. Greg and we wish you all the best.  We wish you all the best in your new assignment as provincial in Papua New GuineaIt will be a totally new experience but thank you also for your generosity of accepting this. And we have Fr. Gerry here Martin who is the provincial of the Salesian community here in the north of the country. Thank you for giving Fr. Ronnie to serve in this parish for the archdiocese.

Most Rev. Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila delivers his homily during the online Sunday Mass at St. John Bosco Parish in Makati on August 30, 2020. | Photo Credit: St. John Bosco Parish, Makati Facebook Page

 

May mga misunderstandings na nangyayari kahit na pare pareho ang sailta na ginagamit natin kasi iba iba naman ang pagakakaintindi natin. May mga tumututol na mga NGOs sa mga projects ng pamahalaan at malalaking korporasyon na sabi ng gobyerno, yan daw ay para sa kaunlaran. Pero sabi ng mga NGOs yan ay hindi kaunlaran. Tulad ng KALIWA Dam, gagawa ng malaking dam sa Quezon Province para sa tubig ng Metro Manila. Development daw yan. Tinututulan ito ng simabahan ng Infanta at ng maraming NGOs kasi ayon sa kanila hindi development ang pagkasira ng kagubatan. Ang paglapastangan sa lupa ng mga ninuno ng katutubong Dumagat at ang sa pagbabanta na look pout sa libu libong magsasaka sa tabi ng ilog. Both speak of development but they understand development in different ways.

This is also the case with Peter and Jesus in our gospel. Last Sunday, Peter correctly gave the answer that Jesus is the Christ, the son of the living God. Jesus affirmed that He is blessed because He was chosen by the Father to know this.

Today, we hear that immediately after that incident, Jesus called Peter, Satan which means the temper, the accuser because he did not want Jesus to suffer and die in Jerusalem.

Totoong si Hesus ay ang Kristo pero iba ang pagkaintindi ni Hesus kung ano ang Kristo kaysa kay Peter at sa mga maraming hudyo noong panahong iyun. Ang Kristo ay ang ipinangako ng Diyos at inaabangan ng lahat na darating para ipadadala ng Diyos para iligtas ang mga tao.

For many of the Jews at that time including probably Peter, salvation meant liberation from the oppressive powers of the Romans, the occupying force and this will be done by military conquest. So, Christ for them was supposed to be a fighter. Maybe a revolutionary leader.

This was not the way that Jesus understood His role of as the Christ. He accepted in the affirmation that He was the Christ. But He was more in the line of the prophet Isaiah who wrote about the suffering servant of the Lord. Isaiah predicted, “He was pierced for our sins, crushed for our iniquity. He bore the punishment that makes us whole. By his wounds, we were healed.”

The victory of the Christ would have by taking the punishment for us in order to feel us. Kaya ang pagpunta niya sa Jerusalem ay ang pagpunta niya sa tagumpay. Pero dadaan muna siya sa paghihirapa at kamatayan. Iba ito sa pagkaunawa ni Pedro kay Kristo kaya itinabi niya si Hesus at pinagwikaan, “Hindi po ito mangyayari sa iyo, sabi niya.”

Jesus had to brush him aside because he was a hindrance. Naging sagabal siya sa kanyang misyon kasi, “Aang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao,” wika ni Hesus.

Totoo, tayong mga tao natural sa atin na ayawan ang kahirapan at kamatayan. Tinatakasan natin ito at inirereklamo tulad ng ginawa ni propeta Jeremias sa ating Unang Pagbasa. Pinagtatawanan siya at kinukutya at kinakalaban ng mga tao dahil sa kanyang pagpapahayag sa Salita ng Diyos.

Noong panahon niya, sinasalakay ng mga taga Babylonian ang taga Jerusalem. Ang mga tao ay abala na binabantayan at ipninagtatanggol ang lungsod, umaasa na makaliligtas sila dahil nandoon ang temple ng Diyos. Pero si Jeremias ay nagsisigaw, “Hindi tayo maliligtas ng temple. Sumuko na tayo. Parusa ito ng Diyos dahil sa mga pagsaway sa atin. Kailangan tayong magbagong buhay kung gusto tayong maligtas.” Natural, galit ang mga kababayan sa kanya.

Ayaw man ni Jeremias na magsalita ng ganito, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Ang Salita ng Diyos ay parang apoy na nasa dibdib niya na kailangang lumabas. Mas gusto niyang maging tapat sa Diyos kaysa magsalita sa gustong marinig ng kanyang mga kababayan.

May Pedro din sa loob ng bawat isa sa atin. Naniniwala tayo kay esus. Kristiyano tayo. Kinikilala natin na si Jesus ang Christ at ayaw natin ng kahirapan. Pero maliwanag ang sabi ni Jesus, ang krus ay bahagi ng pagsunod natin sa kanya.

Mahatma Gandhi wrote that there are seven things that are destroying our world: Politics without principles, business without ethics, wealth without work, pleasure without conscience, science without humanity, knowledge without character, and religion without suffering.

Let me stress the last one - religion without suffering. All authentic religion teaches suffering such as fasting, self-denial, generosity, sacrifice, authenticity in serving the Lord, denying ourselves.

Pero ngayon, marami ay nakikiisa sa gawaing pangrelihiyon. Either hoping to be consoled for their sufferings or to ask the  Divine to spare them from suffering. Sa mga makamundong tao, walang kahulugan ang kahirapan. Inaayawan nila ito. Yan ang pananaw ng tao as if suffering is the absence of God. Iba ang pananaw ng Diyos. Kaya sinabi ng Diyos, “My thoughts are not your thoughts nor are my ways your ways,” oracle of the Lord.

Ano ang pananaw ng Diyos? Sinabi ni Hesus, “Amen, amen, I say to you. Unless a grain of wheat falls down to the ground dies, it remains just a grain of wheat but it dies, it produces much fruit. Whoever loves his life, loses it. Whoever loses his life in this world will deserve it for eternal life.”

Kapag may formula na “Amen, amen, I say to you.” Ito ay mahalagang katuruan ni Hesus. Magkakaroon lang ng buhay kapag namatay. Magkakaroon lang ng bunga kapag kapag nabulok. We have to empty ourselves in order that we can receive and give much more.

Ito rin ang narinig natin kanina sa bibig ni Hesus, “Ang naghahangad ng magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito. Ngunit ang nag-aalay ng kanyang buhay alang alang sa akin, ay siyang magkakamit noon.”

The natural tendency is self-preservation. But self-preservation is achieved not by self- isolation but by opening ourselves up up the others. This is a good reminder in this time of the pandemic. We can be so concerned about ourselves, about our safety, about our health that we close ourselves up. We no longer care about others. We can easily fall into self-centeredness.

But, we can also see it in another way because we know the dangers of the virus. We know the economic difficulties that everybody is going through. We can become more open to others. Embracing them in our circle of concern. at least that, that we are concern not only about ourselves but about others. So, we open ourselves up in prayer, in our acts of charity towards them.

Pero maaari nating sabihin, hirap na nga tayo tutulong pa tayo sa iba. Sa ating pag-uugali, itanim natin ang gawain ng Pondo ng Pinoy. Walang makasasabi na wala siyang magagawa para sa iba. Sino ba sa atin ang walang beinte singko na maiambag sa iba? Ipunin natin ang mga mumo na hindi natin pinapansin. Ang mga twenty five centavos, ang mga piso, ito’y makakatulong din sa iba kung gagawin ito ng marami at palagian, malaki rin ang aabutin nito.

Sa sixteen years ng pagpo-pondo ng Pinoy, sixteen years ng pagpapatak patak ng twenty five centavos, nakalikom tayo ng higit na four hundred million pesos. Marami ang napa-aral nito, ang mga nabigyan ng bahay, ang mga napagamot, ang mga nabigyan ng puhnan. At hanggang ngayon hindi lang masyadong nakakaabot sa balita sa lahat, marami ang mga dioceses ang nakakatanggap ng tulong ngayong panahon ng pandemic sa Pondo ng Pinoy. Kasi may mga ordinaryong tao na nagbigay ng beinte singko araw araw.

While we are concern about our difficult life now, let us also look around and be concern about the situation of others and the situation of our country. Kawawa naman ang ating mahal na Pilipinas. Kino-COVID na, lumulutang pa ang korapsiyon. Patuloy pa ang extra-judicial killings. Pinapatay pa ang mga human right advocate.

Bukas ay gugunitain natin ang National Heroes Day. Ang ating kalayaan ngayon ay bunga ng pagsisikap at pagbubuwis ng buhay ng mga bayani natin noon at mga bayani natin ngayon.

Sa ating bansa marami ang mga nagkakasakit ng COVID, higit ng two hundred thousand. Pero higit ng three thousand lang ang namamatay, mga 1.5 percent ng mga na-infect. Ang mababang bilang na ito ay dahil sa modern day heroes natin. Ang mga medical frontliners na kahit na mababa ang sweldo, kahit na mapanganib sa kanila at sa kanilang pamilya ang trabaho, kahit na kulang sa mga gamit ay nagtataya ng buhay nila para sa bayan.

Yan yung pagiging bukas sa iba. Yan nga ang isang tao ay nagiging bayani kapag siya ay nagtataya. Nililimot ang sarili para sa iba. Yan yung pagtulad kay Hesus. Yan yung mamatay upang magbigay ng buhay.

St. Paul wrote, “The message of the cross is foolishness to those who are perishing. But for us who are being saved, it is the power of God. The cross is the power of God.”

Kaya huwag na tayong umayon sa takbo ng mundo s or takot sa mga kumukuha ng karapatan natin. Maging handa tayong mag-alay ng ating buhay para sa iba. Ito ang pagpasan ng ating krus. Ito ang pagsunod natin kay Hesus na siya ang Kristo. Si Hesus na Kristo na anak ng Diyos, hindi niya inayawan ang krus. Niyakap niya ito. Iyan ang paraan para sa kaligtasan at sa ating nakikiisa sa kanya at sumusunod sa kanya, yaan din ang paraan ng ating kaligtasan. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer